Survival 1

Roaring thunders, raging bolts of lightning, strong humming of wind, rummaging of heavy rains destroying almost the isolated city of the third continent.

Beneath in the dark and stinky abandoned building was a figure of human tried to cover his or her ears from the sound of a thunder. Then a lightning strikes once again, again and another one.

Heavens were crying almost everyday. It has been one week since they saw the light slowly enveloped with the darkness and the massive crimes and murders of the people.

"Tama na. Please stop!" A voice of a girl was echoing the place but then followed with a louder thunder and another blazing lightning hitting the post near her. She screamed and looked for a way to keep off from that area.

She's not yet blind but the darkness enables her to see where she's heading until another strike of lightning and she saw another figure right in front of her.

Inakala nya na papatayin sya nito kagaya ng mga kasamahan nya o di kaya ay pagsamantalahan kaya mabilis itong umatras palayo then she stumbles and fall. It was a bad fall, her ankles got twisted.

"Miss?" A voice from a man called her and seconds later she felt another presence. "Miss, don't be scared, okay?"

"No! Stay away from me! Ahh!" She screamed in pain as she tried to move. Her ankles were aching so bad. "ang sakit!" umiiyak nyang bulong.

"Shh. Don't scream. Baka may makarinig." Anang lalaki na nasa bandang paanan na nya. "Don't worry, I'm not yet one of them." May tunog mang biro sa boses nito ngunit hindi magawang matawa ang babae sa kanya. Tahimik na lamang itong umiiyak.

Muli ay kumulog na naman ng malakas at nasundan din agad ito ng tatlong magkasunod na kidlat. Tinamaan ang katapat na building at tuluyan na nga itong gumuho. Maging ang ulan ay lalong lumakas.

"Here, let me help." suhestiyon ng lalaki at hinawakan nito ang dalawang paa. "Alin ba dito ang masakit?" Sabay pisil kasabay naman ang isang impit na sigaw ng babae at bahagyang binawi ang kaliwang paa. "Okay, you sprained your left foot. Don't worry, I'll handle this. Huwag ka lang maingay okay?"

Kahit hindi kita ay tumango na lamang ang babae. Dahan dahan namang iniikot ng lalaki ang kaliwang paa nito hanggang sa unti unti ng humuhupa ang sakit. Ilang sandali pa ay nagsalita na din ang babae, "o-okay na. Thank you." Anito at binawi ang paa.

"No worries. Sorry pala kanina kung nagulat kita." Pahayag ng lalaki. Hindi kumibo ang babae kaya naisipan nyang tanungin na lamang ito.

"May mga kasamahan ka ba?" Muling kumulog at kumidlat kaya bahagyang nagulat ang babae. Ramdam iyon ng lalaki dahil kaharap nya lang ito at narinig nito ang bahagyang pag singhap. "Wag ka na matakot, I'm here."

"Sino ka? Anong ginagawa mo sa lumang building na 'to?" Mahinang tanong ng babae makalipas ang isang minutong pananahimik.

"Kung anong ginagawa mo dito, ganun din ang ginagawa ko." Malumanay nitong sagot. Muling kumidlat at may nakita itong pader na pwedeng sandalan kaya agad nyang inalok ang babae na magpahinga muna sila.

"You can still walk or should I carry you instead?"

"No, I'm good. Hindi pa naman ako lumpo."

Nang makarating at makaupo ay agad nitong isinandal ang likod parehas. "Hindi mo sinagot ang tanong ko." Anang babae.

"I'm Yuan Sevilla. Ikaw?"

"Katisha."

"Nasaan ang mga kasama mo?"

"They're all dead."

"You mean--"

"Yes, they're dead and become one of them."

"Buti hindi ka nahuli."

"Hindi pa."

Panandalian silang natahimik ng biglang umalingawngaw ang isang sigaw na nasundan ng iyak. Muling kumulog at kumidlat at lalong lumakas ang buhos ng ulan.

"Guess may dumagdag na naman sa bilang nila."

Hindi umimik ang babae at hinayaan lang din naman sya ng huli. Pagkaraa'y nakarinig ang lalaki ng isang hikbi. "Why are you crying? Natatakot ka ba?"

"Who wouldn't be? Hindi natin alam baka mamaya isa na din tayo sa kanila. Patay na muling nabuhay." Humihikbing anito. Nakaramdam ng awa ang lalaki dahil batid nitong hindi nya magugustuhan ang kahihinatnan nya sa oras na mahuli sya ng mga killers.

"Isang linggo na akong nagtatago. Ni hindi ako makakain ng maayos sa kadahilanang baka may dumating at patayin ako. Pagod na akong tumakbo palayo sa mga kaibigan ko. Ni wala akong nagawa nang patayin sila sa harapan ko at nasa isang sulok lang ako, nagtatago." Pagbabahagi nito at muling umiyak.

Ramdam ng lalaki ang takot ng babae dahil maging ang katawan nito ay nanginig ng todo. "Ayoko na sa ganito. Natatakot ako pero hindi ko alam kung anong gagawin ko o kung may magawa ba ako."

Again the thunder roars angrily and lightning followed thereafter hitting the top of the building causing some debris to fall. The wall shakes endlessly they needed to find another place to stay.

"Shit!" Sigaw ng lalaki nang mamataan nito ang dalawang pigura ng mga tao at may hawak itong nagtataasang patalim. Dali dali niyang binuhat ang babae palabas ng building at agad tinahak ang isang daang hindi niya alam kung saan ang punta.

Wala mang makita na kahit ano ay sinikap nyang makakalayo sila sa panganib. Sa loob ng isang linggong pamamalagi sa dilim, nasasanay na din ang mata at katawan nya. Maging ang kanyang utak ay nagkaroon ng pagbabago. Mas natuto din syang talasan ang pakiramdam.

Nang mapansing malayo na sila sa panganib ay saka nya inupo ang babae sa paanan ng malaking kahoy.

"We'll stay here for awhile. Don't worry, I'll make sure that we're both safe."

"Thank you."

"You're welcome."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: