Montereal 1: Tea
Ethan's POV
"Daddy! Daddy! Let's play." gising sa akin ni Cha habang niyuyugyog ako.
"Mmm? Maya na antok pa ako." sabi ko at nagtakip ng unan.
"Daddy! Please? Please? Play tayo." pagmamakaawa niya kaya nga labag sa loob ko akong bumangon. Kasi hindi naman ako tatantanan ng bata'ng ito hanggat hindi ako sumusunod sa gusto niya.
"Aish. Sige. Maliligo lang ako." sabi ko. Napapalakpak naman siya sa tuwa. Kaya nga nagmadali na akong maligo at magbihis.
"Where's your sister?" tanong ko nang makitang wala sa crib si Sky.
"Nasa baba po na kay Mommy." sagot ng anak ko. Tumango na lang ako.
"Daddy! Tara bilis. Mag-iistart na ang tea party." excited na hila sa akin ni Cha papunta sa kwarto nila. Nagpatianod na lang ako sa paghila niya. Nang makapasok kaming kwarto niya ay nakita kong nakaupo yung dalawang teddy bear niya sa table niyang maliit. Tapos may tea set sa may lamesa at laruan na cake at biscuits.
"Sorry, Dad you can't join daw dahil hindi ka sumunod sa rules." sagot ng anak ko after kausapin yung dalawang bear. Napakunot naman noo ko. Ikaw naghila sa akin dito eh tapos bawal pala ako. Mga bata talaga.
"Ano daw rules?" tanong ko para sakyan ang imagination ni Cha.
"Sabi nila you should wear make up before you can join." nakangiting sabi ni Cha sabay pakita ng laruang make up na si Louise ang namili. Oh no. Alam ko na balak ng batang ito.
"Don't worry Dad. Ako na bahala sa make over mo. Hihi." sabi niya at hinatak ako paupo. Kaya nga nang makaupo ako ay hinayaan ko siyang make upan ako kahit na ayoko.
"Yeyy! You can join na daw Dad. Let's go." aya niya nang matapos ako make upan. Pinaupo niya ako sa maliit na silya. Pero dahil hindi ako kasya ay nag-indian sit na lang ako sa harap ng maliit na mesa.
"Dad, I want you to meet Miss Baskins and Mister Robins." pagpapakilala ni Cha sa dalawang bear. Ngumiti naman ako.
"Hello, Miss Baskins and Mister Robins. Thank you for inviting me." bati ko. Natuwa naman si Cha at saka humagikgik.
"Here Dad, take a sip of tea. Be careful because It's hot." sabi ni Cha sabay salin ng tea pot sa tea cup kahit wala naman talagang laman. Kunwari ko naman itong ininom at umaktong napaso.
"I told you It's hot." sabi ni Cha kaya natawa na lang ako.
"Here, Dad. Have some cake." sabi niya sabay abot ng laruang cake na nakalagay sa platito na plastic. Umakto akong parang kumakain.
"This is delicious. I love it." sabi ko.
"I made it there in the oven." sabi ni Cha sabay turo sa laruan niyang oven. Napahinto naman ako nang pumasok si Louise sa kwarto. Sakbat niya ngayon paharap ang baby carrier kung nasaan si Sky. Nagulat naman siya ng makita ang mukha ko. Pero agad ding humagalpak sa tawa.
"Omg. Ethan. Hahaha! Love your look." sabi niya sabay kindat. Napapout na lang ako.
"I did that Mommy!" proud na sabi ni Cha.
"Oh really? Very good baby. Lagi mong aayusan ang Daddy ha?" sabi ni Louise na inagree'han naman ni Cha dahil napatango-tango ito.
"What? No!" angal ko. Kaso napatingin ng masama sa akin si Louise nang makitang parang paiyak na si Cha.
"Ahh. I said yes. Yes. Sure why not. Hehe." sabi ko kaya lumiwanag ulit ang itsura ni Cha.
_
Kasalukuyan ngayong nagcecellphone si Louise habang nakasandal sa headboard ng kama namin. Tulog na kasi ang dalawang bata. Pinapatulog kasi ni Louise after lunch.
Tumabi naman ako sa kaniya at yumakap sa bewang niya. Tapos hinalik-halikan siya.
"Hehe. Tulog na ang dalawang baby natin. Ako naman asikasuhin mo." sabi ko habang nilalambing siya. Pero busy pa din siya sa cellphone. Iyon pala naglalaro.
"Anong asikasuhin?" kunot noo niyang tanong.
"Alam mo na." sabi ko sabay ngumisi at saka tinadtad siya ng kiss sa mukha.
"Ethan. No." maotoridad niyang sabi kaya napapout ako.
"Isa lang?" pagmamakaawa ko.
"Yan ka na naman sa isa mo. Tsinelasin kita. Nakaisa ka na kagabi." sabi niya. Hehe. Bawal na ba talaga? Last one?
"Okay. Cuddle na lang." sabi ko sabay inagaw sa kaniya ang cellphone niya at binato.
"Hey! Kabibili ko lang non." angal niya nang ikulong ko na siya sa mga bisig ko.
"Ibibili na lang ulit kita kahit lima pa." sabi ko at hinalikan siya sa noo. Hindi naman na siya pumalag.
"Aish. You're so nakakainis." sabi niya kaya kiniss ko na lang ulit siya sa pisngi.
"Ayaw mo talaga ng tea?" tanong ko.
"Huh? Tea? What tea?"
"My tea." kindat ko. Nang magets niya ang sinabi ko ay pinaghahampas niya ako ng unan kaya sinalag ko naman lahat. Natawa na lang ako.
"Manyak ka talaga bwisit ka." inis na sabi ni Louise nang mapagod na kakahampas sa akin ng unan.
"Ikaw lang mamanyakin ko forerver and ever." sabi ko at saka tumawa nang batuhin niya ulit ako ng unan.
"Two daughters is enough. Understand? Ang hirap manganak." reklamo niya.
"Ay bawal na humirit ng boy?" tanong ko kaso sinamaan niya akong tingin kaya napapeace sign ako.
"Okay. If that's what you want. Two princess and a queen is enough. Noted." sabi ko at yumakap ulit kay Louise.
"Good. Buti naman at nagkakaintindihan tayong dalawa." sagot niya. Pero bigla akong napaisip ngayong sinabi niyang hindi na kami mag-aanak.
"Condom or pull-out?" tanong ko. Kaya iyon pinaulanan na naman ako ng mga hampas ng unan. Hays. Nagtatanong lang eh.
***
Again, don't expect long chapters because this is only compilations. Thank you. ❤️
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top