Gatdula 1: New Baby
Drexler's POV
"Andy? Andy?" tawag ko. Dahil naalimpungatan ako. Alas dos ng madaling araw at wala siya sa tabi ko. Tinignan ko sa banyo pero wala din. Kaya bumaba ako sa 1st floor. Pero wala din. Hanggang sa may marinig akong kaluskos sa kusina. Kaya nga dinala ako ng mga paa ko doon.
The kitchen was dark. Walang ilaw. Pero napatingin ako sa ref dahil iyon lang ang may ilaw. At doon nakita ko si Andy na kumakain ng mansanas na isanasawsaw niya sa yogurt. Napangiwi naman ako. Ano na naman ba itong hilig ng asawa ko sa ganitong oras? Konti na lang iisipin ko ng buntis siya eh. Pero kasi dati pa man ganito na talaga si Ands. Laging gutom ng madaling araw. Kaya kapag nakita kong wala siya sa tabi ko, automatic nasa kusina siya.
Sumandal ako sa counter at nakangising pinapanood siya. Hindi pa siya aware sa presensya ko. Hahaha! It's been 10 years na magmula ng ikasal kami. Pero walang nagbago. Siya pa din ang Andy na nakilala at minahal ko noong highschool. I was so lucky to have her as my wife. She's caring and also a lovable mother to our two child, Storm and Cloud.
Nang maubos niya ang mansanas ay sinara niya na ang ref. Pero dahil nga hindi niya napansin ang presensya ko ay nagulat siya sa akin.
"Ayy! Kalabaw!" gulat niyang sabi na akala mo ay parang nabisto siya. Well, nabisto ko nga siyang sumasalakay ng kain dito sa ref dis oras ng gabi.
"Oy, nandiyan ka pala. Hehe. Ginulat mo ko. Bakit gising ka?" sabi niya
"Nagising ako kasi wala ka sa tabi ko." I hugged her. Saka natatawang pinunanasan ang yogurt na nasa gilid ng labi niya. May ebidensya pa.
"Sorry. Nagising ka dahil sa akin. Nagutom ako eh." sabi niya. Kailan ka ba hindi nagutom, Ands? Hahaha!
Nag-aya na siyang bumalik kami sa kwarto kaya sabay na kaming umakyat doon at nahiga ulit sa kama. Yumakap siya sa akin at saka humiga sa chest ko. Kaya nga umakap ako sa bewang niya sabay dinampian siya ng halik sa ulo.
"Goodnight. I love you." sabi niya sa malambing na tono kaya napangiti ako.
"Goodnight. I love you." sagot ko. Hindi ko man nakikita ang reaksyon niya ay alam kong nakangiti siya. Kaya natuwa ako nang isipin dahil I still have this effect on her.
_
Kinabukasan nang magising ako, as usual naabutan ko na sa kusina si Andy na nagpprepare ng breakfast habang ang dalawa kong anak ay kumakain na ng kanilang cereals.
I kissed Storm and Cloud in the forehead saka ako yumakap kay Andy na busy sa pagpprito.
"Goodmorning." bati niya saka iniahon ang pinrito niyang ham at nilapag sa mesa. Naupo naman na ako sa upuan. Ilang sandali lang ay inilapag niya ang isang mug sa harap ko.
"Here, coffee. I made that." she winked at me. Sabay naupo na din sa tabi ko. Nagsimula na akong mag-agahan kasama ang mag-iina ko.
Inaasikaso ni Andy si Cloud pero mukhang ayaw nito magpaasikaso. Si Storm naman normal lang na kumakain. Alam kong lumalaki na ang dalawang anak ko. At nagsisimula ko ng makita ang traits nila.
Storm is always calm pero meroong positive aura na bumabalot sa kanya. Palangiti siyang bata pero hindi siya ganon ka-loud. Cloud is like the serious type. Although he's just 4 years old ay ayaw niyang inaasikaso siya ng Mame niya. He said na kaya niya na sarili niya. He talks like a man. Medyo mature. Na I think namana sa akin? Kasi aminado naman ako noong hindi ko pa nakikilala si Andy ay medyo quiet type ako. Hindi ako magsasalita unless kausapin ako. At ayokong inaasikaso ako. Si Mama kasi. Palibhasa nag-iisa akong anak kaya asikasong-asikaso sa akin.
Pagsapit ng tanghali ay dumating sila Kelly kasama ang kambal niyang anak na si Yue at Yua. At gaya ng mga anak ko, lalaki din mga anak niya. Kaso dahil nga half-chinese ang tatay ng dalawang bata'ng ito ay makikita mo agad sa singkit nilang mga mata na may dugong chinese sila. Kelly is half-american kaya nakuha naman nila ang natural na brown na mata ni Kelly.
Kelly and Andy are both in the kitchen cooking for lunch habang itong apat na bata ay naglalaro sa sala kasama ko. Prente lang akong nakaupo dito sa sofa habang nanonood ng tv. Knowing Andy at Kelly. Ayaw nilang pumunta ako doon habang nagluluto sila.
Nang matapos sila makapag-prepare ng lunch ay tinawag na nila kami kaya agad kaming pumunta sa dining at nagsimula ng kumain.
"Kamusta Kells? Wala si David?" I asked. Lagi kasi siyang pumupunta dito kapag wala si David, ang asawa niya. Kapag may business trip ganon.
"Yeah. Nasa Taiwan." simple niyang sagot.
"Mā yǒu kuàizi ma?" tanong ng anak niyang si Yue. Napakunot noo ako. Di ko kasi maintindihan. Mukhang salitang chinese.
"Wala anak. Spoon and fork only." sagot ni Kelly. Naintindihan ko na dahil sa sagot niya. Mukhang naghahanap ng chopsticks si Yue. Sinikap din kasi ni Kelly na mag-Chinese lesson magmula nung maging asawa niya si David. Kasi syempre yung mga makakasama niya sa bahay marunong magsalita ng chinese language siya lang hindi.
"Bàba jīn wǎn huí jiā ma?" tanong naman ni Yua.
"Yes, baby. Uuwi si Daddy tonight. Don't worry. Susunduin niya daw tayo dito mamaya." sagot ni Kelly sa anak.
"Sorry, couz saka Andy. Medyo nasanay kasi sila sa bahay na laging chinese language ang madalas ginagamit. Pinagsasabihan ko naman sila na tagalog ang salita kapag nasa labas. Hehe." nahihiyang sabi ni Kelly.
"Okay lang. Ano ka ba?" nakangiting sagot ni Andy.
"Eh paano yan kapag umuuwi dito si Tito?" tanong ko kay Kelly. American kasi ang Dad niya.
"Nag-ttake na din naman sila ng english class, couz." sabi niya.
"Hindi naman kaya parang nappressure ang dalawang bata? Kasi ang bata pa nila pero tatlong lenggwahe na agad ang kailangan nilang matutuhan?" tanong ko.
"Don't worry uncle Drex. Kaya po namin." nakangiting sagot ni Yue. Napangiti si Kelly.
"See? Taglish yan." natatawang sabi ni Kelly. Well, sabagay matalino naman itong kambal eh.
_
Nang sumapit ang hapon ay nagpasyang maligo ang mga bata sa swimming pool. Si Andy ay naligo na din para antabayanan ang mga bata. Nandito kami ni Kelly ngayon sa swing, nakatanaw kila Andy.
"Okay na ba ang pakikitungo sa iyo ng angkan ni David?" tanong ko. Tinutukoy ang lola ni David. Kasi simula una pa lang ayaw na sa kanya nito dahil nga walang dugong chinese si Kelly.
"I'm not sure. Pero medyo pinapansin naman na ako ni Ahma. And I think progress na din iyon." sagot niya saka ngumiti. Napabuntong hininga ako.
"Wag ka na mag-worry couz. Kilala mo naman si David. I'm in good hands. Saka naisip na din naming mag-solo. Titira na kami sa may Taiwan kasama ang mga bata. Kaya nandoon din siya para asikasuhin ang bahay namin." sagot ni Kelly. I saw a smile in her face. Napangiti na lang din ako. Mukhang masaya na nga talaga ang pinsan ko.
Nang mag-ala sais na ay dumating na nga si David para sunduin ang mag-iina niya.
"Bà!" sigaw ni Yue at Yua at saka patakbong sumalubong sa Daddy nila. Agad naman silang niyakap ni David at hinalikan parehas sa pisngi.
"Nǐ hǎo, wǒ de háizimen? Nǐ xiǎngniàn wǒ ma?" nakangiting sabi ni David.
"We're fine. And yes, Dad. We missed you so much." sagot ni Yue. Napangiti lalo si David saka bumaling sa amin. Nakipagkamay siya sa akin bilang pangangamusta.
"Ayaw niyo ba munang mag-stay pa dito kahit sandali para mag-dinner?" tanong ni Andy.
"Thank you na lang, Andy. Baka hinahanap na din itong mga bata sa bahay eh. Hahaha! Maybe next time." sagot ni Kelly. Tumango na lang si Andy. Tapos nagpaalam na sila Kelly at David.
Nang makaalis sila ay pumasok na din kami sa bahay. Naupo kami ni Andy sa sofa tapos ay dumantay siya sa akin.
"Drex?" tawag niya.
"Hmm?"
"May gusto sana akong sabihin sa iyo." parang nagdadalawang isip pang sabi niya.
"Ano yon?" tanong ko. Bigla siyang may dinukot sa bulsa niya. Inabot niya sa akin ang isang pregnancy test. Teka? Pregnancy test?
Nang kuhanin ko iyon ay nakita ko ang dalawang pulang guhit. So, this means...
"Magkaka-baby na ulit tayo?" nakangiti kong tanong sa kanya. Marahan siyang tumango. Napayakap naman ako sa kanya sa tuwa ko. Sabay pinaghahalikan siya sa buong mukha. Humagikgik na lang siya.
"Madadagdagan na ulit tayo. Hindi ka ba nangangamba?" tanong niya.
"Bakit ako mangangamba? The more, the merrier." halakhak ko.
"Last mo na iyan ha. Katakot kaya manganak." naka pout niyang sabi. Kinurot ko naman siya sa pisngi.
"Opo. Last na yan. Hahaha!" sabi ko at niyakap ulit siya.
I hope It's a girl this time.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top