Prologo
A/N: This is the original version I published before. This is UNEDITED and will be edited kapag may available time ako hehe. Kung mahanap niyo 'to, thank you!
"Good morning, son." my dad greeted me the moment I sat on my chair.
"Good morning, dad." I greeted in return. Kumuha ako ng hotdog at bacon sa main plate at inilagay sa akin. Itinuhog ko iyon gamit ang fork ko at kinain. Uminom rin ako ng gatas pagkatapos. It was warm enough to fill in my stomach. Maaga ngayon at nag-breakfast ako para sa klase ko mamaya.
I looked at my father who is now reading the newly delivered newspaper. He was wearing his high-graded eyeglasses as he sipped on his coffee. Nang makita niya akong nakatingin sa kanya ay agad akong yumuko at ibinalik ang tingin sa pagkain. He sighed.
"Don't eat too much. You'll get fat." he commented.
I held a tight grip on my spoon and fork as I slowly nodded. I have no choice. My dad is strict when it comes to this.
"Ihahatid ka ng driver natin. Enjoy your class later." aniya.
How can I enjoy classes? Who enjoys them anyway? The only thing I enjoy much is to eat...but then, I have no freedom on that. I am not used to playing. Pinagbawalan rin niya akong maglaro sa labas dahil baka masugatan ako.
Nang matapos akong kumain ay tumayo na ako at isinuot ang bagpack ko. I turned my back and was about to walk away but then stopped on my place and glanced at him.
"Okay lang ba...kung hindi mataas ang mga grades ko?" tanong ko sa kanya. Napatingin naman siya sa akin at natahimik ng ilang sandali, tila nag-iisip at kalaunan ay dahan-dahang tumango.
"Yeah. As long as you'll pass, and finish school so that you could inherit the company in the future." he replied. Tumango nalang ako at nagpatuloy na sa paglalakad paalis.
The moment I sat on the backseat of the car, natulala lang ako. He did not do anything pero bakit pakiramdam ko ay nalalayo ako sa kalayaan ng mga bagay na gusto ko? He mentioned earlier about me inheriting the company if ever, like gosh! I am still a teenager! I am still 15! And paano na ang sariling ambisyon ko? Do I also have no freedom on that?
Habang gumagalaw ang sasakyan ay natatanaw ko sa labas ng salamin ang isang tarpaulin ad ng Barbie doll. Wala sa sarili akong napangiti. Dahil hindi ako pwedeng lumabas para maglaro ay sa kuwarto ako nagmumukmok at marami akong tinatago na mga Barbie sa ilalim ng bed ko. Magpapabili ako kina yaya kung wala si dad at hindi niya alam iyon dahil bawal rin. Binibilhan niya ako ng robots pero hindi ko type! Mas gusto ko ang magsuklay sa buhok ni Barbie at palitan siya ng colorful glittery dresses araw-araw!
Then, the car stopped in front of the campus' main gate. Hindi na ako nagpapabukas ng pintuan dahil nakakahiya sa mga estyudante. Sa public school ako nag-aaral ngayon dahil mas gusto ng ama ko na isasanay ako sa ganito. Marami rin akong pera na baon ngunit mas gusto ko ang magtipid.
As I walked towards the corridor, may nakita akong isang nursery student na inalalayan ng sarili niyang kuya. I smiled bitterly. I have always dreamt of having an older brother eversince I was five. Nag-iisang anak lang kasi ako. I wanted to experience the life of having one. Masaya ba? Na may kalaro ka at may maaasahan ka sa oras ng kahirapan?
Sa pagpasok ko sa classroom ay napapikit nalang ako nang tumama ang isang bolang papel sa mukha ko. I sighed and opened my eyes after. Nagtama ang paningin namin ni Isabelle, seatmate ko at kaibigan ko.
Na isang tomboy. O tomboy ba talaga?
She wears boyish clothes. Ang kaniyang skirt ay nalukot-lukot na at ang butones ng kanyang damit ay nakabukas. Mabuti nalang at nag-sando siya.
"Hala! Sorry!" natatarantang sabi niya at tumayo sa pwesto niya. She glared at my classmate. "Kasalanan mo kasi!"
"HAHAHAHA!" tumawa ito sa sinabi niya. "Isabelle Tomboy! Isabelle Papansin!"
"Pakealam mo?!" galit na sabi ng kaibigan ko at nilapitan iyon. "Halika rito, pasapak isa lang!"
Dahil natatakot ang kaklase ko ay tumayo siya at naghabulan naman sila ng kaibigan ko sa buong classroom. Tahimik lang akong pumunta sa pwesto ko at umupo saka inayos ang mga gamit ko. Hindi ko na pinansin ang mga mamahaling chocolate na nakalagay sa lamesa ko.
Ilang taon na rin kaming magkakaibigan. Una kaming nagkakakilala nang kumain ako sa karinderya nila. I could still remember how she ate my pansit dahil akala niya'y may selebrasyon. Kinain niya ang inorder ko noon kaya ayon, pinagalitan siya ng ina niya. That was the moment we first met...and became friends to bestfriends.
Pero no joke, masarap ang pansit nila.
"Bro!" pagbati niya nang umupo na siya sa tabi ko. I groaned when she smacked my arms.
"Ano ba?" inis na sabi ko. Ang sakit, ah!
"Nandito ang mga manliligaw mong babae kanina. Kumuha ako ng isang bar ng snickers kung okay lang sa'yo." aniya. Nagkibit lang ako ng balikat.
"Whatever," tugon ko.
"Nice! Lamat, ah?" aniya at nagsimula nang kumain.
I looked at her. Maganda siya, kagaya ng sabi nila. Pero, parang wala siyang planong magpapaganda pa. With her hair tied in a bun style, and her posture slouching in her chair as her legs were wide open, parang wala siyang delicadeza. More of, ayaw niya ng mga babaeng style. Whatever she's comfortable with, iyon ang gagawin niya.
"Parang matutunaw na yata ako." she joked and looked at me. "Kanina ka pa titig ng titig sa akin, eh!"
I rolled my eyes and looked in front. Whatever, Isabelle.
Maghapon kaming magkasama buong klase. Sa totoo lang, matalino naman akong tao pero, mas gustuin ko pang mabagsak dahil trip ko lang din naman. Minsan ay matatawa ako sa kaibigan ko dahil magpapakopya siya at mali naman ang sagot niya. I am a great pretender too. Well, susundin ko nalang din ang answers niya para mabagsak rin ako.
#bestfriendgoals
"Barbie, ang ganda mo na, ah?" nakangiting sabi ko habang pinapalitan ang dress ang doll ko. I brushed her white colored hair and put some glittery make up on her face. "Naiingit na ako sa'yo, beh!"
Hindi ko alam pero mas nagugustuhan ko ang mga ganito. Ayoko ng mga panlalaking style at akto. I want to be free this time. Dahil ako lang mag-isa dito sa kuwarto ko ay may kalayaan akong gawin ang lahat!
Ika nga nila, kung ganoon ay bakla ka na. Kapag mas gusto mo ang mga pambabaeng mga kagamitan. If you also act like a girl...and if you like someone who's not a girl. So bakla na ba ako?
In order to confirm that, I must check myself kung magkakagusto ba talaga ako ng lalaki.
The next day, maaga akong pumasok sa klase. I confidently walked like a model in front of them, dahilan para mapaawang ang bibig ng mga babae at napatawa ang mga lalaki. I tucked my imaginable hair to the side of my ears and waved at them like some sort of being a winner in a modelling competition. Maganda ako, and I am always proud!
Papasok na sana ako ng classroom nang may bigla akong nabangga. I fell to the ground and almost everyone in that area gasped in shock. My mouth parted as I saw my scattered things on the floor. My make-ups and hair brushes and curlers!
Sisigawan ko na sana ang nakabangga sa akin ngunit nang mag-angat ako ng tingin sa kanya ay natigilan ako at napaawang ang bibig ko. In front of me was a godly-type of man! He is wearing his basketball jersy outfit. Pinapawisan pa siya, mukhang nagmamadali pero binigyan niya talaga ako ng oras para i-check ang kalagayan ko! Oh my gosh!
"Are you okay?" he asked and offered his hand.
Pakiramdam ko ay tumutulo na ang laway ko kaya agad kong itinikom ang bibig ko. I gasped when he knelt in front of me and put all my make-ups in my bag. Nang matapos ay ibinigay niya ito sa akin.
"You're welcome." sabi pa niya.
"Ahihihi! Ano ka ba! Wala 'yon, noh!" I said in a girly tone. He chuckled.
"Jasper! Kanina pa ako naghihintay sa'yo!" natigilan kami ng may sumigaw sa likuran niya.
One sentence, at alam ko na...na si Isabelle 'yon.
"Ano ba—A-anton?" naputol ang sasabihin niya nang makita niya akong nakaupo sa sahig. "Gago, okay ka lang ba?"
Halos mapatili ako nang hinila niya ako patayo. Shocks! Si Jasper nalang sana ang aangat sa akin! Tsk, pabida talaga 'tong kaibigan ko kahit kailan!
Hinawi ko ang kamay niya sa braso ko kaya natigilan siya. Napatingin siya sa aming dalawa saka sa huli ay tumingin siya sa lalaking nasa harapan namin.
"Anong ginawa mo kay Anton?" seryosong sabi niya. Napaawang ang bibig ko at sumagot.
"Ano ka ba, bes!" hilaw akong tumawa. "Ako ang nakabangga sa kanya, wala lang 'yon."
Gulat siyang napatingin sa akin dahil sa inakto ko at sa babaeng tono ng boses ko. First time niya sigurong makita ako ng ganito.
"B-bes?" naguguluhang tanong niya.
"Siyempre naman!" I slapped her arm. Mas napaawang ang bibig niya sa ginawa ko ngunit tinawanan ko siya at tumingin ulit kay Jasper. "Pasensiya ka na sa bessy ko, masyadong hot-tempered kasi.."
"Aba—"
"Its okay." Jasper shook his head and looked at my bestfriend. "Coach, mauna na ako sa gym."
Nang masabi niya iyon ay umalis agad ito papalayo sa amin. Natahimik lang si Isabelle habang nakatingin sa akin. I rolled my eyes and went on my way, leaving her behind.
Then, days passed by quickly. Pagkatapos ng limang araw ay biglang nagbago ang ihip ng hangin. Nagtataka ako kung bakit hindi na ako pinapansin masyado ng kaibigan ko. She would remain quiet all the time. Makikipag-usap naman siya, pero dapat ay ako ang maunang magtanong. Ang ikli rin ng mga sagot niya.
Kaya naiirita na ako.
Lunch break ngayon at lumabas ako sa classroom para sundan siya. Pumasok siya sa comfort room kaya naghintay muna ako dito sa labas ng pintuan. Ilang sandali ay lumabas rin siya dala-dala ang toothbrush niya, mukhang kakatapos lang niya magsipilyo.
Napatalon siya sa gulat nang tumambad ang mukha ko. She clutched her chest and gasped for air.
"OA mo girl," I snorted.
"Bakit ka nandito? Ginulat mo ako!" pagrereklamo niya.
I wanted to ask her about what is currently happening. Kung bakit parang iniiwasan niya ako. Kung bakit parang ayaw niyang makipag-usap sa akin. Kung bakit hindi siya interesado sa mga ginagawa niya.
But then in the end, hindi ko alam pero hindi kaya ng confidence ko kaya iba ang natanong ko.
"K-ka grupo mo ba si...Jasper?" iyon ang natanong ko sa kanya. Bumagsak ang balikat niya.
"Sinundan mo ako para itanong 'yan?" nadidismayang tanong rin niya.
"Ano ka ba, bes! Siyempre, crush ko 'yon, eh! Duh!" I almost choked with my own saliva. Bakit parang hindi ko nagugustuhan ang sinabi ko?
"Jasper na naman,.." napapikit siya at napahilamos sa mukha niya. "Ano sa tingin mo, aber? Bakit ba niya akong tinawag na coach? Huh?"
"Oh...okay." I shrugged and was about to leave when she held my wrist. I heard her sigh.
"Ano ba talaga ang kailangan mo?" seryosong tanong niya.
I looked at her for a while before asking again.
"Bakit parang iniiwasan mo ako?"
Nang masabi ko iyon ay dahan-dahan niyang naibaba ang kamay niya at umiling saka yumuko. "I...."
"I...ano?" halos hindi na ako makapaghintay.
"I need to keep my distance kasi..."
"Kasi ano?"
"Kasi gusto kita." deretsong sabi niya.
Natigilan ako. My mouth parted a bit. What?! Isa rin siya sa mga babaeng nagkakagusto sa akin?! Hindi ko akalain dahil sa pagka-tomboy niya!
"Uhm...I wanted to give you this letter." aniya at may inilahad sa akin na isang liham na may mga design. "But then, nagdadalawang-isip ako dahil baka...ayaw mo at dahil..."
"Tama ka. Bakla ako." I said and took the letter from his hand. "But then, tatanggapin ko 'to."
Her eyes widened and her mouth parted. "Talaga?"
"Yup. But that doesn't mean na ibabalik ko ang 'gusto' mo sa akin."
"Manliligaw ako!" matapang na sabi niya. Tinawanan ko lang siya.
"Ayaw ko. Hindi ako nagpapaligaw. Maliban kung...lalaki ka." I smirked.
"Pero..." she could complete what she's saying.
I can see pain lashing through her eyes kaya mas nagbigay ako ng dahilan. "Ayokong umasa ka, Isabelle. I don't want to lose a friend, and I don't get attracted to girls. I hope you could understand."
Nakita kong namumuo ang luha sa mga mata niya ngunit agad din niyang hinawi iyon. Mapait siyang ngumiti.
"Okay lang. Sorry kung namimilit ako sa ilang sandali."
Umiling ako. "No worries. Basta, magkaibigan pa rin tayo, ah? Please do act like what we always do, before. And I promise you, hindi ako magjojowa ng babae."
She chuckled and shook her head. "We're still too young for this, Anton. But yeah, sure."
Nang makaalis na siya ay doon ko naman binasa ang letter niya sa akin. Napangiti ako ng wala sa oras.
Dear Mr. Anton De Mercedes,
Ako si Isabelle Montereal. Isang tomboyish girl...na nagkakagusto sa'yo! Char!
Kung maari ay manliligaw ako dahil naniniwala akong walang basehan ng gender ang ganoon. I like you hindi dahil gwapo at matangkad ka, kundi dahil mabait ka, dahil mapagbigay ka, dahil maasahan ka, at dahil isa kang tunay na kaibigan. Ikaw lang ang kaibigan ko na nagtagal ng ilang taon.
Pero, bakit pakiramdam ko'y matagal na tayong magkakakilala noon pa man? May magic ba sa mundo?
Biro lang. Kapag sasagutin mo ng 'OO' ang panliligaw ko, bibigyan kita ng isang daang pansit mula sa karinderya namin dahil alam kong iyon ang paborito mo.
Nagmamahal na kaibigan,
Isabelle.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top