Kabanata 7

A/N: Ylmedo po talaga 'yon hindi Ylmeda. I'll edit nalang bukang-liwayway and dapit hapon if I have some spare time. 

Also, hanggang dito na lang ang kaya kong nairecover po from my old account which means sa next chapters ay rewritten na (nasa old laptop ko kasi 'yun at sira na huhu I'm using a different one now). You might expect different writing style from me as well dahil halos dalawang taon na rin nang huminto ako sa pagsusulat and ngayon ay naninibago pa rin ako😣. Some would be considered as adjustments. But I'll try my best pa rin. Thank you!

***

"Batid ko'y natapos mo na raw ang paghahanay ng mga pansuring salapi. Hindi iyon isang madaling gawain, Antonio!" gulat at masayang pagsasalita ng ama ng aking asawa.

Hindi ako nagsalita at tanging ngiti lang ang iginawad ko sa kanila. Nagpatuloy naman ako sa pag-iinom ng tsaa.

"Hindi ko inaasahang magaling ka sa trabahong iyon. Tanging ang mga Tenedor de Libro lamang ang naaalala kong may kaalaman tungkol sa larangan na iyan. Kasali na ba 'yon sa pinag-aaralan mo?"

Umiling ako. "May tumutulong rin po,"

"Kay bihira lamang! Isang napakagaling na bata!" manghang mangha sila sa ginawa ko.

"Subalit, pakiramdam ko'y maliit lamang ang trabahong iyon, Don Ylmedo." natatawang tugon ko. "Kahit sino, kahit mga indio o mga intsik, siguradong makakaya nila iyon kung sakali'y pagtuturuan sa mga may kaalaman."

"Hindi!" mabilis siyang umiling. "Nahihirapan nga ako sa paghahanap ng Tenedor de Libro dahil naririnig kong kayrami raw ng proseso diyaan? At kung gustuhin ko raw na limang araw lang ay matatapos na, dapat ay dalubhasa na ang kakailanganin ko tapos...tapos ikaw, tatlong araw ay natapos mo na kaagad?! Kung trabahante kita, bibigyan kita ng limang beses ng sweldo mo! Haha!"

"Tumutulong lang ako," natatawang sabi ko. "Ngunit kung ganoon...baka mas malawak pa ang aking kaisipan kung ihahambing sa mga dalubhasa?"

"Ganoon na nga!"

"Imposible!" sabi ko sa nagbibirong tunog. "Ano ako? Diyos?"

"Siya nga pala," napatigil siya sa pagtawa. "Kumusta naman ang mga negosyo niyo? Narinig kong umalis na ang kapatid mo para sa trabaho."

"Nasa mabuting kalagayan pa rin po. Minsan ay naaabala kami sa transportasyon subalit hindi naman buong magdamag na bumababa ang porsyento, maliban nalang kung may krisis na naman kada buwan na tumatagal ng taon."

"Sabihin mo nga sa akin, Antonio, ano ang karanasan mo sa pagnenegosyo? At saang larangan ka magaling? Baka...posisyon na ang maireregalo ko para sa paparating na kaarawan mo."

Naibaba ko ang hinahawakan ko at seryosong tumingin sa kanya.

Sa mga oras na wala akong ginagawa ay nagbabasa ako ng mga libro. Minsan naman ay naghahanas ako sa sariling kasanayan sa pagbabaril at pag-aaway. Ginagawa ko ang lahat ng iyon dahil nais kong mabura sa aking kaisipan ang mga masasakit na ala-alang bumabaon sa buhay ko kahit ilang buwan na ang nakalipas.

Hindi rin ako nagtatagal sa mansyon. Lumalabas ako upang suriin ang galaw ng negosyo namin at sa kung ano na ang pagbubuting nangyari sa daloy ng ekonomiya sa panahong ito. At aaminin ko, kasingdumi at nakakasuklam kung ilarawan.

"Hijo, naiintindihan mo ba ako?" tanong ng isang matandang negosyante na nakaharap ko ngayon dahil sa isang hindi pagkakaintindihan na nangyari.

Tahimik akong humarap sa kanya.

"Ibig kong ipinapahiwatig na magkaiba tayo sa larangan ng negosyo. Bakit ka nakikialam sa pag-aari ko?"

"Hindi isang magandang kaugalian ang paglalabas ng puwersa sa oras ng kagipitan, Señor. Pinagsabihan ko lang ang mga katiwala mo na huwag sa marahas na kaugalian. Maaari mo lang silang pagsabihan sa maayos na paraan--"

"Hijo, hindi mo na problema iyon!" pumalakpak siya, tila naiinis na. "Naiintindihan kong may puso ka sa mga mahihirap ngunit sa larangan ng negosyo, alipin lang natin sila. Naglilingkod lang sila. Hindi ako katulad mo na nagpapakain sa mga trabahante mo araw-araw dahil naaawa ka sa kanila. Kung kayo, marami kayong salapi upang gawin iyon, kami wala!"

Kumuyom ang mga palad ko.

"Nakita mo ba ang ginawa mo? Marami na ang nagtangkang umalis sa pinaghihirapan kong komersyo! Balak nilang lumipat sa inyo. Pinaghahandaan mo ba ito? Nagbabait-baitan kaba sa harapan ko upang mas aangat kayo mga Riguiarios sa larangan na ito?" nanginginig na siya sa galit.

"Hindi naman po." mahinahon kong sabi.

"Las tonterías! Hinding hindi ako papayag na aalis ang mga trabahante ko!" aniya at tinalikuran ako.

Mahina akong tumawa at kinagat ang pang-ibabang labi.

Mas umaangat ang mga mayayaman ngunit ang iba ay mas masahol pa sa mga hayop ang pinaggagawa. Mas bumaba rin ang kalayaan ng mga mahihirap kapag kagustuhan ng mga may hawak sa lipunan. Ano kaya ang magiging kinabukasan ng bansang ito?

Sa paglalakad ko ay natatanaw ko ang isang babaeng may suot na pulang pang-itaas na may krus sa gitna at may suot na anting-anting. Tahimik lamang siyang naglalakad at pumaliwa ng daan. Naningkit ang mga mata ko at sinundan siya hanggang sa nakarating kami sa bundok dahil nandoon ang lugar na pinupuntahan niya.

Dumidilim na ang oras at natatanaw ko na ang malaking buwan sa aming itaas. Nagbibigay iyon ng di-sapat na liwanag sa kapaligiran kung kaya't may hawak na na lampara ang babaeng sinusundan ko.

"Hola," pagbati ko.

Doon naman siya natigilan at agad humarap sa likuran niya. Kumaway ako at maliit na ngumiti. Nakita kong nanginginig na ang mga kamay niya.

"A-anong...bakit mo ako sinusundan dito?!" aniya, tila natatakot.

Kumunot ang noo ko at natawa. "Hindi ba pwede?"

"Hindi nababagay para sa isang kilalang ginoo ang sumusunod sa isang indio lamang!"

"Lamang?" humahalukipkip ako. "Bakit ka ba nagbabait-baitan?"

"Hindi ko alam ang ibig mong ipawari!"

Naglaho ang ngiti sa labi ko at sumeryoso na. "Nasaan si Pontino Culipa?"

Napasinghap siya at agad kumaripas ng takbo, binitawan na ang lampara ngunit agad kong kinuha ang baril na hawak ko at nagpaputok sa paa niya kung kaya't nahulog siya sa sahig at napadaing sa sakit. Hindi pa ako nasisiyahan at dinagdagan ko ang pagpapaputok sa kaliwang paa niya para beripikadong hindi na siya makakatakbo pa.

"Bakit ba kayo tumatakas sa akin?" natatawang sabi ko at lumapit sa kanya. Humarap siya sa akin habang nakahiga at dahan-dahang umaatras sa bawat pagtampak ko.

"Lumayo ka!" buong lakas na sigaw niya. "Kasapi ka ng pamahalaan! Kasapi ka ng Kapitan-Heneral! Lumayo ka!"

"At hahayaan ko nalang kayong magnakaw sa mga mahihirap?" nakauuyam kong tanong.

"Bakit? Kung h-hindi ba kami magnakaw, l-lalayuan niyo ba kami? Diba hindi?!"

"Ako, oo. Pero ang gobyerno, hmm..." umaakto akong nag-iisip. "Siguro'y hindi? Dahil wala naman kayong permiso na maninirahan dito sa kagubatan at kung sa bayan naman...maraming mga kakailanganin, hindi ba?"

Nakita kong may luhang nahulog mula sa kaniyang mga mata. "Hayop kayong lahat!"

Dahil sa naiingayan na ako sa kanya ay mahigpit kong hinawakan ang panga niya. Napasinghap naman at napadaing. Gamit ang kanang kamay na may hawak na baril ay itinutok ko iyon sa gilid ng noo niya. "Ngayon, sabihin mo sa akin kung nasaan si Pontino Culipa."

"H-hindi ko alam kung s-sino ang tinutukoy mo!" mabilis siyang umiling.

Mas humigpit ang hawak ko sa kanya. "Hindi mo ako maloloko. Isa kang salteador. Sasabihin mo o hindi?"

"Hindi ko nga alam, putangina mo!"

"Isa!" galit na sigaw ko. "Pasasabugin ko ang ulo mo kapag hindi ka sasagot!"

"Kung ganoon, pasabugin mo! Kahit mamamatay ako'y wala kang makukuha mula sa akin!"

"Dalawa!"

Hindi siya kumibo.

Hindi na ako nagsalita pa. Binaril ko ang paa niya ng ikalawang beses at napasigaw siya ng mas matindi sa oras na tumayo ako at hinila siya na parang isang sako gamit lamang ang buhok niya.

"Siguro'y gusto mong makita ang Casa Riguiarios, kung ganoon." halos bulong na sabi ko, nagtitimpi na.

Talagang hinila ko siya at isinakay sa aking kalesa. Nawalan rin naman siya ng malay hanggang sa makarating kami sa hacienda. Doon ko siya ikinulong sa nakatagong selda sa ilalim ng mansyon at may nakabantay na mga kawal. Nagpupumilit siya sa pamamagitan ng pagsigaw at pumapatol pa ngunit wala siyang magawa dahil matibay ang kaniyang bilangguan.

Natahimik lamang ako sa paglabas at tumingin sa kawalan. Kakahugas ko lang sa duguan kong kamay at malalim na nag-iisip kung ano pa ang kailangan kong gawin.

"Mahal! Anong...bakit maraming dugo ang damit mo?!" nag-aalalang sabi ni Josefa nang makapasok ako sa aming kuwarto.

Ngumiti ako sa kanya at hinalikan siya sa noo bago tuluyang pumasok sa banyo. "May salteador akong dinakip kanina."

Talagang sinundan niya ako sa banyo. "Huwag mong sabihing...pinatay mo na naman?"

Nagkibit ako ng balikat. "Nasa selda, sa ibaba."

"Diyos ko, salamat naman!" huminga siya ng maluwag at lumabas na sa banyo.

Natawa nalang ako. Alam niya kasi ang lahat at hindi rin siya natatakot na pumapatay ako ng tao. Mas natatakot siya kapag nasusugatan ako. Sa ganoong paraan ay nagugustuhan ko na rin ang mga kilos niya lalo na't hindi siya nangingialam sa gagawin ko at hanggang sa pagtatanong lamang. Hindi rin siya nagsusumbong ni kahit sino.

Nang matapos ako sa pagliligo ay lumabas na rin ako at humiga sa kama. Agad niyang tinapos ang pagsusuklay at humiga saka tumabi sa akin. Yumakap siya at isinandal ang ulo sa dibdib ko. Napabuntong hininga nalang rin ako at gamit ang hinihigaan niyang kamay ay niyakap ko siya pabalik.

"Tapos na ba ang pagrorosaryo mo?" malambing na sabi ko at hinahaplos- haplos ang buhok niya.

Tumango naman siya at huminga ng malalim. "Pinagdadarasal kita palagi dahil delikado ang mga trabaho mo."

Ngumiti nalang ako at hinalikan ang noo niya. Gabi-gabi niya iyong sinasabi sa akin.

"Palagi kong ipinagdadasal na sana kahit sa maliit na galos lamang ay wala sa'yo dahil...nag-aalala talaga ako ng sobra."

"Salamat..." iyon nalang ang nasabi ko.

"Baka pagalitan na ako ng Diyos dito." aniya at mas yumakap ng mahigpit. "Relihiyoso ako subalit ang asawa ko ay pumapatay ng tao."

Sabay naman kaming humahalakhak nang masabi niya iyon.

"Pero seryoso, mahal, kung may oras ka, sana ay samahan mo akong magrorosaryo bawat gabi, hmm? Kailangan mo rin ang kalinga ng Panginoon at ng mga Nuestra Señora."

"Masusunod po,"

Nag-angat siya ng tingin sa akin. Nagkatinginan kami.

"Wala bang mahal?" masuyong tanong niya.

Natahimik ako ng ilang sandali bago mahinang tumawa. "Masusunod po, mahal."

"Ano ang naging galaw ng araw mo ngayon?"

Napapikit ako at nagpapatuloy pa rin sa paghahaplos ng buhok niya. "Buong araw at hapon ay nasa pangkaraniwan na trabaho, siyempre. May nagalit pa sa'kin kanina dahil ayaw niyang hindi minamaltrato ng mabuti ang mga indiong nagtatrabaho sa kanya."

"Bakit? Ano ba ang ginawa mo?"

"Pinakain ko lang sila kasama ang trabahador natin kanina dahil nakita kong pagod at pawis sila sa sariling trabaho. Naabutan niya kasi 'yon. Tapos nagalit siya dahil marami na raw ang nagtangkang umalis upang lumipat sa atin."

"At pinag-isipan mo ba iyon?"

Umiling ako. "Tumutulong lang talaga ako."

Natigilan lamang ako nang mararamdaman kong tumayo siya at umupo sa kama. Hindi ko na aabalahanin pa ang magmulat ng mata ngunit nararamdaman ko na lang rin ang paglapat ng labi niya sa labi ko. Dahan-dahan kong binuksan ang sariling mga mata at nagkatinginan naman kami.

"May trabaho ka pa ba bukas?" malambing na sabi niya at hinaplos ang pisngi ko.

"Oo." halos bulong na sabi ko. "Bakit?"

Kinagat niya ang pang-ibabang labi niya at nang-aakit na nakipagtitigan sa akin. Doon ko kaagad naiintindihan ang ibig niyang ipinapahiwatig.

"Pagod ka na ba?" karagdagang tanong niya pa.

Natahimik ako at hindi nagsalita. Kinuhaan niya iyon ng pagkakataon upang halikan ako muli. Napapikit nalang ako at nakipagsabayan sa nais niyang gawin.

Kinabukasan, nagtataka ako kung bakit kanina pa ay hindi bumaba ang asawa ko. Napatingin ako sa orasan at malapit na ang pagpupulong na magaganap. May dumating na kasambahay at naglahad ng mga pagkain sa lamesa.

"Ipagpaumanhin niyo ang biglaan na pagsasalita ko subalit...nasaan ang asawa ko? Hindi pa ba siya bumaba?" tanong ko nito.

Yumuko naman siya bago sumagot. Tumigil rin siya sa paghahanda. "H-hindi pa po."

Tumango ako at tumayo. "Sige, salamat."

Umakyat ako at pumunta sa kuwarto namin. Doon ko siya naabutan sa nakabukas na banyo at nagsusuka. Nanlakihan ang mga mata ko at agad siyang pinuntahan.

"Sino ang walang ginagawa na ayudante diyan? Tulungan niyo kami!" natatarantang sigaw ko at inalalayan si Josefa. "Mahal, anong nangyari sa'yo."

"Nahihilo ako..." halos bulong na sabi niya at nanghihina. "Kanina pa hindi mabuti ang pakiramdam ko..."

Agad nagsipasukan ang mga kasambahay at tinulungan kami. Mabilis ang kanilang kilos at pinatayo si Josefa saka nilinisan.

"Ikaw," turo ko sa isa. "Tumawag ka ng doktor."

"Masusunod po!" agad na sabi nito at bumaba.

Hindi na ako tumuloy sa lalakarin ko at naghintay lamang sa veranda dahil sinuri pa siya ng manggagamot. Hanggang sa lumabas na ito at agad naman akong tumayo mula sa pagkakaupo.

"Pumasok ka, Señor," anito at agad naman akong pumasok.

"May masama bang nangyari sa kanya?" hindi na ako mapakali.

Kumunot na lamang ang noo ko nang ngumiti ang doktor sa akin. Napatingin siya kay Josefa bago ako hinarap ulit.

"Felicidades, Señor! Buntis po ang asawa niyo!" maligayang bati nito.

Napaawang ang bibig ko at sa paglingon ko'y nakatingin na si Josefa sa akin at natatanaw ko ang pagbagsak ng mga luha niya.

"T-totoo ba?" hindi pa rin ako makapaniwala.

"Opo, Señor! Isa itong napakagandang balita sa inyong pamilya! Nawa'y maging ligtas ang pagbubuntis ng asawa mo."

Naghiyawan ang mga kasambahay at natutulala pa rin ako sa balitang napag-alaman. Nararamdaman ko nalang ang pagbagsak ng luha ko. Buong akala ko'y magagalit ako. Magkakadisgusto ako dahil buong buhay ko, hindi ko kailanman pinapangarap ko.

Subalit, nagkakamali ako.

Dahil kakaiba ang nararamdaman ko ngayon. Kasiyahan, iyon ang tamang salita. Masaya ako sa narinig na balita. At nakapag-isip agad ako, sa oras na lalaki ang anak ko, hindi ko siya ipagkait sa mundo. Bibigyan ko siya ng pagmamahal na hindi ko nakuha mula sa sarili kong ama. Aalagaan ko siya hanggang sa huli kong hininga. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top