Kabanata 4
How the heck could I do those things?! Hindi ako si Antonio! Hindi ako marunong bumaril! Hindi ako marunong...hindi ako marunong sa lahat-lahat!
At ngayon ay nakatulala lang ako sa piging para sa aming dalawa ni Josefa the bitch. Wala ako sa mood makipaglandian sa kanya lalo na nang pinahiya nila si Isabelle sa harapan ng lahat dahil lang sa indio siya at walang kalaban laban. Nagalit ako ngunit wala akong magagawa dahil nababaguhan pa ako sa lahat at natatakot ako sa ama kong matalim ang tingin sa bawat galaw ko!
"Damn you." she cursed silently pero narinig ko naman. Napasinghap ako sa gulat. Yes, girl! Go, get 'em!
Akala ko'y mumurahin niya pa ang katabi ko ngunit napatulala nalang ako sa oras na kumanta siya. Hindi ko inaasahang kakanta talaga siya! Worse, sa harapan pa ng lahat!
Yeah, alam ko namang magaling siya. Talento niya iyon, eh. Ngunit ang hindi ko rin inaasahan ay ang pagdedicate niya sa kantang iyon sa akin.
"Mabuti pa ang bulalakaw...sa puso mo'y agad pumukaw...dumaan lang saglit hindi na nawaglit...sa iyong alaala." pag-awit ni Isabelle habang tumutugtog sa gitara. Napaawang ang bibig ng katabi ko kaya nanunukso siyang ngumiti nito. "Hindi man bituin sa'yong paningin...liwanag ko'y ibibigay pa rin...dahil ikaw ang aking mundo at ako ang araw mo...piliin mo man ang gabing madilim...umaga'y naghihintay pa rin."
Natulala lang ako habang nagsipalakpakan ang lahat.
Matapos ang performance niya ay pinuntahan ko siya at nag-usap kami. Humingi ako ng patawad at sabi niya'y wala lang daw iyon sa kanya ngunit inaamin niyang nagalit siya kay Josefa.
"I still can't accept this! I want to leave! Hindi ko kaya 'to!" napapikit ako sa inis at ginulo ang sariling buhok. "Ang hirap-hirap magpanggap bilang si Antonio. She even went to my room earlier to tell things I did not now Antonio did. Sabi niya nagmahalan daw kami like ewww! Yuck! She even told me to stay away from you lalo na't ikakasal kami!"
True! Kanina lamang ay sinasabi ni Josefa sa aking mamahalin niya raw ako at gagawin niya ang lahat upang mangyari iyon. Like gurl, it won't happen! Never, ever!
"Kuya, pasensya ka na." dismayado kong sabi at marahas na umupo sa harapan niya. Nanatili ang tingin niya sa papel na hinahawakan, nagbabasa. "Hindi ko napatay ang bandidong nahanap ko sa gubat kagabi. Nakatakas siya."
Nag-angat siya ng tingin sa akin at sinulyapan ang braso at tiyan kong sugatan. "Ikaw ba ay ayos lang?"
Hindi na ako nagulat sa tanong niya. Kahit na hindi man niya aaminin, nakakasiguro akong nag-aalala rin siya para sa akin. Kahit na magkaaway kami. Kahit na nagkokompetensiya kami sa isa't isa. Kahit na halos hindi na kami magbatian. Kahit na hindi kami masyadong nag-uusap, maliban lamang kung mahalaga ang pag-uusapan, lalo na sa larangan ng trabaho.
"Oo." simpleng sagot ko.
"Siguro ay alam mo na ang pangalan ng salteador na nakaaway mo kagabi." wika niya.
Natahimik ako at gamit ang mga daliri ay pinaglalaruan ko ang pang-ibabang labi ko, tila nag-iisip muna ng ilang sandali bago tumugon. "Pontino Culipa."
"Siya ang ikalawang pinuno ng mga bandido."
Doon ako napaangat ng tingin sa kanya, napaawang ng kaunti ang bibig. "Muntik ko na siyang mapatay!"
Sayang!
Inilapag niya ang papel sa harapan ko. "Hindi mo siya basta-bastang mapatay, Antonio. Mas dalubhasa siya kaysa sa'yo. Natakasan na niya ang Kapitan-Heneral ilang taon ang nakalipas. Mabuti at hindi ka niya napatay dahil kayang kaya niya iyon."
"Hindi rin niya ako basta-bastang mapatay, kung ganoon." tugon ko. "Dahil sa ilang taon na pagtatrabaho ko ay natutunan kong hindi sumuko sa kung anong bagay."
Baka siya pa ang papatayin ko. Nais ko nga na balang araw ay magkita kami ulit para tuluyan ko na siyang mapatay. Nanggigigil pa ako sa galit. Kung sana ay nagdala ako ng baril noong oras na iyon ay matagal ko na siyang binawian ng buhay.
"Ginoong Antonio, magsisimula na ang karera." wika ni Binibining Josefa.
Tumango ako at maglalakad na sana ngunit natigilan nang humawak siya sa braso ko. Kunot-noo akong nag-angat ng tingin sa kanya.
"Anong ginagawa mo?" tanong ko.
Malawak siyang ngumiti. "Alam ng lahat na tayo'y ikakasal sa paparating na mga buwan. Dapat ay ipapakita natin sa kanila na handa rin tayo at walang problema ang nakahadlang sa ating dalawa."
"Subalit, kailangan mo bang kumapit sa aking braso? Hindi ako nagbibigay ng permiso sa'yo."
Naglaho ang ngiti sa labi niya.
"Isa akong babae, Ginoong Antonio. May karapatan akong humawak sa'yo sa gusto mo o hindi. Saka, nobyo na rin naman kita, hindi ba?"
Hindi na ako umangal at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Sa oras na makarating kami ay panay ang tingin ng mga tao sa amin. Sa gilid ko'y kumakaway si Binibining Josefa at ngumingiti sa kanila ngunit seryoso lang ang aking hitsura, kailanma'y hindi natutuwa. Nasusulyapan ko si Kuya na umayos ng tayo at si ama na tumikhim sa pwesto niya. Yumuko kami ng nobya ko sa kanya at bilang pagbati at respeto.
"Mabuti at ika'y tumupad sa usapan." wika ni ama.
Napakuyom ako sa sariling mga palad, nagpipigil ng galit. Pilit kong tinitignan ang kaniyang seryosong mga mata, ang matang hinding hindi ko malilimutan noon.
"Magandang Araw ho sa inyo, Don Miguel Riguiarios!" maligayang bati ni Binibining Josefa.
Ngumiti ang matanda. "Magandang araw din, Binibining Josefa. Mas magiging maganda sa pandinig kung 'ama' nalang ang itawag mo sa akin. Sa kalahatan, magiging anak naman rin kita kapag kayo ay ikakasal na ng bunso ko."
Tila insulto akong napakutya.
Napangiti ang babae at napayuko habang mahinhin na humahalakhak. "Mas mabuti nga 'ho."
Dahil sa irita ay kinalas ko ang hawak ni Binibining Josefa sa aking braso. Nagulat ang lahat ngunit nawalan na ako ng pakialam.
"Tayo'y magsisimula na." tanging wika ko upang magsiupuan na ang lahat.
Napailing ang aking ama at inutusan ang mga bisita na umupo. Lumapit na ako sa aking kabayo at hinahaplos- haplos ang mukha nito. Nag-iisip rin, kung ano ang dapat kong sasabihin, lalo na't masyado silang walang alam sa akin.
"Magandang araw sa inyong lahat," natahimik ang lahat nang magsalita ako. Ang kanilang mga mata ay nakatuon na sa akin. "Malugod kong tinanggap ang alok ng aking ama, ang paligsahan na ito, kung saan ako ay makikipagkumpetensiya sa sarili kong kapatid na si Heneral Dominico Riguiarios. Sapagkat ito ay itinuturing bilang basehan sa sarili kong kakayahan, ngayon ay papatunayan ko sa lahat, na ako ay may kakayahan at hindi isang duwag lamang."
Tumawa ang mga manonood. Siguro ay inaakalang nagbibiro lamang ako ngunit, hindi.
"Ako ay lugod na nakatanggap ng maraming batikos, lalo na sa mga kamag-anak ko at sa mga kaibigan ko." pag-aamin ko, dahilan para matigilan ang lahat. Napasinghap ang mga bisita at agad maririnig ang mga usap-usapan. Si ama ay napaayos ng upo at galit akong tinititigan. "Ako raw ay isang mahinang ginoo at walang kaalam-alam sa mga negatibong pangyayari sa paligid ko. Ako ay walang kakayahan, ako ay walang lakas para ipaglaban ang sarili. Ako ay duwag...gaya ng sinabi ng ama ko."
Napatayo si Don Miguel. "Antonio!"
"Sa panahon pa naman natin ngayon kung saan ang Espanya ang may pinakamalaking lakas laban sa lipunan at hawak niya ang buhay ng halos lahat. Sa oras kung saan maraming nagdusa na mga Pilipino at napaparusahan ng walang kalaban-laban. Ang paligsahan na ito ay tunay ngang libangan at kasiyahan at wala rin naman akong magawa dahil kailangan kong patunayan ang sarili ko sa ama ko. Ako ay isang tahimik na uri ng tao kung kaya't hindi niyo man lang akong narinig na nagmamayabang sa mga nagawa ko pero kung ako ang tatanungin niyo, mas nakatuon ang atensyon ko sa mga mahihirap na tao. Ako ay abala sa kanila, kung kaya't hindi ako nagsasalita ng kung ano."
"Ikaw ay hindi namin lubusang naiintindihan, Ginoong Antonio. Ano ang ibig mong iparating?" tanong ng isa sa mga bisita na lalaki. Napatingin ako sa pwesto niya.
"Ibig ko pong iparating sa inyo na hindi sa paligsahan ng mga kabayo ang batayan ng kakayahan ng isang tao, kundi sa pagpupunyagi ng sariling mga gawain." wika niya. "Ang isang tao ay may lakas at kakayahan na protektahan ang kaniyang sarili at kaniyang mga adhikain kung siya ay may kilos at gawa, may kakayahang ipahayag ang damdamin at pakiwari, at alam kung ano ang nararapat hindi lang sa kaniyang sarili kundi pati narin sa bayan natin. Nakakatulong lamang ang pagbansag at paglapag ng iyong mga nagawa at kakayahan sa kasikatan mo at sa tiwala ng sambayanan. Pero mas mahalaga ang pagpapatunay sa lahat sa pamamagitan ng kilos at gawa, gaya ng sinabi nila, mas malakas ang pagpapahayag ng kilos kaysa salita."
"Ikaw ba ay may nagawa?" nanunuyang tanong ng kapatid ko. Alam kong nakikipagsabayan lang siya sa mga bisita dahil hindi naman siya ganito sa trabaho naming dalawa.
"Iyon ay kailangan ko bang patunayan?" tanong ko pabalik.
"Sa pagkakaalam ko, ikaw lang ay palaging umaalis sa bahay para pumunta sa kaibigan mong...intsik. Ni isa ay hindi kita nakitang tumulong sa kanila...o baka ikaw ay tumulong sa pamamagitan ng pagkain ng pansit langlang? Na ang kanilang pinakamabenta?" humahalakhak si kuya..
"Gaya ng paniniwala ninyong hindi ako marunong gumamit ng kabayo?" seryosong tanong ko. "Sa pagkakaalam ko ay naniniwala kayong hindi ako marunong at takot sumakay ng isa."
Naglaho ang nagmamayabang na ngiti ng aking kapatid.
"Gusto niyo bang patunayan ko kayo na marunong ako? Kung sakaling mananalo ako, maiiba ba ang pananaw niyo sa katangian ko?" sarkastikong tanong ko sa lahat.
"Iyan ay posibleng mangyayari...kung mananalo ka. Ngunit kung hindi, ay maaring hindi." giit niya pa.
"Kung ganoon, simulan na natin ang paligsahang ito." huling sabi ko at sumakay na sa kabayo. Mahigpit ang hawak kosa tali ng sinasakyan at seryosong sumulyap sa paligid.
Pakiramdam ko'y napakabilis lang ng pangyayari. Pakiramdam ko'y sinadya ng kapatid ko na bagalan niya ang sariling laro dahil binibigyan niya ako ng pagkakataon na ipakita sa lahat ang makakaya ko. Nakikita ko kung paano gumuhit ang gulat sa kanilang mga mukha, lalo na sa ama kong hindi naniniwala sa kakayahan ko.
Nakahinga ako ng maluwag pagkatapos ng laro. Kanina lamang ay maaga akong pumunta sa pansiterya upang bisitahin si Binibining Isabelita ngunit wala siya roon. Ngayo'y nakakasiguro akong nandito lamang siya sa paligid, nagtatrabaho.
At tama nga ako.
Pupuntahan ko na sana siya nang humarang si Binibining Josefa sa dinadaanan ko.
"Saan ka pupunta? Nandito lamang ako." aniya. "Tinawag ka rin ng ama mo. Kailangan mong umuwi ngayon din."
Hindi ko alam kung bakit naiirita ako sa kaniyang mukha. Hindi ko dapat ugaliin iyon ngunit wala akong ibang magagawa pa. Nilagpasan ko lang siya at nagpatuloy sa paglalakad patungo kay Binibining Isabelita na ngayo'y napaawang ang bibig at natataranta na, baka may makakita sa aming dalawa.
"Ikaw pala ay nagtatrabaho ngayon." sabi ko sa kanya. "Naghintay ako sa paglabas mo kanina sa pansiterya ngunit umabot nalang ng alas-dies ay hindi ka nagpapakita."
Napalunok siya at nag-iwas ng tingin. "Pasensya na, Ginoong Antonio."
"Wala lang iyon" humahalakhak ako. "Ang mahalaga ay nakita na kita ngayon."
Hindi ko rin alam kung bakit maluwag ang pakiramdam ko sa kanya. Kung bakit mas malapit ako sa kanya. Kung bakit nagugustuhan ko ang ugali niya—kung kaya'y kinaibigan ko siya.
Kumunot ang noo niya. "Naku! Bantayan mo ang sinabi mo, Ginoong Antonio! Nasa likuran mo lang ang nobya mo."
Nanunuyang akong tumawa. "Natatakot ka?"
"Hindi sa ganoon. Alam mo namang...hindi ito nakakaganda sa katanyagan mo—"
"Dapat ay hindi ka natatakot." putol ko sa sinabi niya.
"At bakit naman?"
"Sapagkat sayo lang naman ako ganito. At hindi ako bumabatay sa estado ng buhay. Kapag mahal mo ang isang tao ay wala nang saklaw kahit sa anong paraan. Ang pagmamahal ay walang kinakatakutan at kinabibilangan."
Natigilan siya at nanlakihan ang kaniyang mga mata. Napatingin siya sa akin at hindi makapagsalita!
Mas ngumiti ako. "Gusto kita, Binibining Isabelita."
At sa oras na iyon ay ang agad na pagtunog ng mga kulog ng ulap at ang pagbuhos ng malakas na ulan. Pareho kaming hindi makagalaw sa pwesto. Ang ulan ay nagpapalibot ng malakas na ingay sa bawat pagpatak nito sa berdeng sahig at mas lumamig ang ihip ng hangin.
Subalit nagtataka na rin ako dahil akala ko'y masisiyahan siya sa sasabihin ko ngunit hindi naman pala.
Bakit nga ba?
Nandito ako sa kuwarto at nakaupo sa kama, nakayuko saka pinaglalaruan ang daliri. Kinakabahan ako dahil ngayon ang araw na iyon, ang paligsahan at wala akong kaalam-alam sa lahat! Kanina pa ako natataranta at kagustuhan ko man ang tumakas ngunit wala akong magawa. Wise rin ang daddy ko dito dahil naglagay sila ng mga kawal sa kabuuan ng mansyon!
But then, I started thinking of the question I made earlier, again. Bakit nga ba hindi masaya si Isabelita? Kitang kita ko 'yon, eh! I could see how her face crumpled as she went on to deep thoughts. And it actually made me shiver! She totally looked like my friend but not the astig one, not the tomboyish one, not the basketball player one, not the talkative one, not the playful one, but rather the quiet one, the respectful one, the babaeng babae one, the magandang binibini one, the saccharine one, the mahinhin one!
"Fuck..." I cursed the moment I tried going up on the horse but then failed.
Everyone was on the verge of gossiping and laughing to extremities. The guilt and shame hit me so hard that I walked away on the sight. Antonio's father laughed with all his might, and what I did proved him right, dahilan kung bakit mas nag-alab ang galit ko sa sarili.
As I stood up under the Balete Tree, I was holding on to my tears for dear life. Ayaw kong umiyak dito dahil pinapatunayan ko lang sa sarili ko na duwag ako! And up to this time, I had a lot of realizations. I can no longer do better than Antonio. I can't even go with his level! He's too high, too mature, too professional that I got to experience the feeling of being dumb and cheap copy of his to everyone that's on set as viewers of the competition.
"Ehem..." I heard my friend's voice.
Napaangat ako ng tingin sa kanya. Here she is. I know she's worried for me. And I hate thinking about it! Ayaw kong maawa siya sa akin! Siya lang ang kinakapitan ko noon, ang I might as well now! I don't want her to look at me like some lost puppy in this forfeited world and timeline! It sucks!
"Bakit ka nandito?" malamig na tanong ko. "Hindi ba't may trabaho ka?"
"Hindi ka ba marunong sumakay ng kabayo?" tanong niya pa sa akin!
My brows shut up. Hindi ba halata?! Wow!
"Bes, nakita pa nga kitang tumawa sa akin kanina. Ano sa tingin mo?" sarkastikong ko sa kaniya. Napalunok siya at nag-iwas ng tingin.
That's right, Isabelle! I fucking saw you earlier laughing at me! Dinibdib ko iyon and it fucking hurts!
"Sorry." mahinang pag-aamin niya. I scoffed and ruffled my hair.
"Gusto ko nang umuwi. Hindi ko kaya 'to!" inis na sabi ko at napaupo sa sahig. Tuluyan nang nagsihulugan ang mga luha ko at natataranta siya kung kaya't agad kong hinawi iyon. "Nakakahiya!"
I'm such a failure! I don't want this mission! No, hindi ko naman talaga ginusto ito, eh! Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala!
Natigilan ako nang maglahad siya ng kamay sa akin. Tiningala ko siya.
"Ano na naman 'yan, bes?" tanong ko sa kanya.
"Tuturuan kita." simpleng sabi niya pa at agad hinawakan ang kamay ko saka hinila ako patayo. Nagpatianod nalang ako at marahas na bumuga ng hangin.
She taught me how to ride a horse. Nawala ang lungkot na nararamdaman ko kanina. It made me feel at ease but...I felt that tingling sensation again.
As I looked into her eyes, I fathomed a lot of things. It's as if I bore unto her deep and calm soul, and with her stares, too, we formed a connection that could possibly combine to all our past lives. Iyong nararamdaman ni Antonio para sa kanya'y nararamdaman ko na din, at hindi ko kailanman pipigilan ang sarili ko doon.
I wholeheartedly admit that she's beautiful, without a doubt. Mas gumanda yata ngayon. And from the way she touches my bare skin, hindi ko mapigilang hindi humanga sa pagsitayuan ng mga balahibo ko.
Suddenly, I want to hold her tight, feel her embrace. I suddenly want to caress her face with my warm hands. I suddenly want to touch her lips with mine again...and it's making me crazy to not do so! I badly want it all now. My patience must yet to be renewed in a contract! I should talk to myself first! Must I get a consultation, na baka isa itong malubhang sakit?! Must I do my Apatheia routine, again?!
Natuto akong bumaril dahil nagpa-practice ako matapos kong magpractice sa horse skills ko. I should do better. Hindi man sa ngayon ang katapusan ng lahat, but I can practice, right? Wala naman sigurong mali doon.
I gave her a tour sa buong hacienda. Natutuwa ako kapag manghang mangha siya sa sasabihin ko at sa nakikita. Seemingly, I like to see her smile and be happy. It's fascinating ang at the same time, relieving. Hindi siya ganito noon, eh. At nakikita ko rin sa kanya, time by time, that she's starting to adopt Isabelita's characteristics and mannerisms.
"As what it symbolizes, it means rebirth." sabi ko at tumingin sa kanya. "Just like us, today, ngayon lang natin alam na ilang beses na pala tayong paulit-ulit na nabuhay sa bawat pagdaloy ng makabagong panahon. We have been reincarnated and rebirthed a lot of times, and just like the flower's unusual color, it is a rare opportunity for us to remember our past life through our dreams and be able to experience it physically."
She stared at me for a long time. Yes, Isabelle. Green Chrysanthemum is my favorite, just like Antonio's.
I want to be with her the whole day. I want to hold her hands the whole time. I want to give her all the flowers I could. I want to tell her what I want to.
Ano na nga ba ito?
Is this what you call...love? Affection?
Or infatuation?
Wrong timing nga lang dahil dumating si Binibining Josefa at pinaglayo kami sa isa't isa.
"Ngunit hindi pa rin iyon pwede. Iyan ay isang napakamaling gawain lalo na't tayo ay ikakasal na. Kung may makakakita sa inyo dito ay baka kayo ay isusumbong kay Don Miguel at alam mo na kung ano ang maaaring mangyayari kay Binibining Isabelita. Binibigyan ko kayo ng pagkakataon ngunit...sana sa susunod ay hindi na ito mauulit. Dahil kung ganoon, ako na mismo ang magsusumbong sa inyong dalawa. At sisiguraduhin kong...kay Binibining Isabelita mapupunta ang lahat ng mga parusa lalo na at siya ay walang kalaban-laban." malambing niyang sabi sa akin. "Iyon ba ang gusto mo, Ginoong Antonio?"
As we both turned our backs at Isabelle, I glanced at her for the last time ngunit...hindi na siya mag-isa. May kasama na siyang iba. Hindi man ganoon kaganda ang payong na ginamit ng lalaki na isang malaking dahon, it was a sincere act to do so. It looked sweet. They look sweet together, to the point na naiirita ako. I feel my blood burning with anger and...jealousy.
Nagagalit rin ako sa sarili ko dahil hindi ko man lang naisip na gawin iyon sa kanya. Hinayaan ko pa siyang mabasa sa ulan. Worse, iniwan ko pa para lang sa ibang babae.
Am I that cruel? Will I be a bad partner...kung sakali?
At ano ba talaga itong nararamdaman ko?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top