Chapter 8


  Dave's POV



Nakita naming nakabulagta pa rin ang katawan nina Mr.Ram at Melody. Sinubukan kong hanapin ang pulso ni Mr.Ram pero hindi ko mahanap, siguro patay na talaga siya. Ang ibang kaklase ko naman ay inaalalayan si Melody papunta sa room namin. Habang kami naman nina Mrs.Lee, Kim at Camille ay kinarga ang katawan ni Mr.Ram. Inihiga namin ang katawan ni Mr.Ram sa mesa at sinusuri kung anong pwedeng gawin sa kaniya.



"Masyadong malala ang pagkabaon ng kutsilyo sa dibdib ni Mr.Ram maaari niya itong ikamatay." 



Lumapit naman ang iba naming kaklse upang tingnan ang katawan ni Mr.Ram nakatanggal na ang kutsilyo nito sa kaniyang dibdib. Biglang nag Ring ang mga telepono namin na nasa kahon kung saan ito inilagay kahapon. Kinuha ko ang aking telepono at nakatanggap ako ng isang mensahe.



From : 09362957291

' Mamamatay ang dapat mamatay ' 



Napalaki ang aking mga mata habang tinitingnan pa rin ang mga katagang ibinigay sa akin ng isang estranghero. Mamamatay ang dapat mamatay? Anong ibig sabihin nito.



 "Sino ang nag text sayo Dave?" Tanong ni Kim sa akin. 



"Ah wala, si Mama hinahanap kung nasaan ako." Pagdadahilan ko sa kaniya. 



"Halos lahat ng magulang natin nag-aaalala sa atin. Siguro mamayang umaga pwede na tayong umuwi." Sabi ni Kim sa lahat.



Kim's POV



"Halos lahat ng magulang natin nag-aaalala na sa atin. Siguro mamayang umaga pwede na tayong umuwi." Sabi ko sa kanila dahil kampante akong si Mr.Ram ay may pasimuno ng lahat ng to. Dinukot ko ang cutter sa aking bulsa at sinaksak ulit ang dibdib ni Mr.Ram



"Siya ang killer! Siya ang may pasimuno ng lahat ng to." Mas diniin ko ang cutter at biglang tumagas ang dugo na nanggaling sa dibdib ni Mr.Ram.



 "Naninigurado lang." Muling paliwanag ko sa kanila.



 --- 3 Months Later ---



Nika's POV



Nahanap ako nina Dave sa bodega noong araw na sumigaw ako at humihingi ng tulong. Sabi pa nga nila si Mr.Ram daw ang pumapatay, kaya nagpapasalamat ako kina Dave dahil sa pagtulong nila sa akin. Alam kong marami akong nagawang masama sa kanila pero mas nanaig ang kabutihan nila na kailangan kong suklian. Nagkaayos na kami ni Camille, at hiwalay na kami ni Philip. Nagparaya ako at sila ni Camille ang nagkatuluyan. 



Ang cute noh? Haha akala ko nga walang feelings si Philip para kay Camille eh. Pero napatunayan kong sila talaga ang bagay sa isa't-isa. Tatlong Buwan na ang lumipas, kahit may mga namatay ng mga araw na iyon, hindi pa rin namin nasasabi sa mga magulang namin ang nangyari noon. Sabi nga nila Past is past. Kasalukuyan kaming kumakain nina Dave at Camille sa isang Korean Restau. ang sasarap ng mga pagkain nila. Pareho pa rin kaming tatlo ng pinapasukan ngayon. 



Ang Special University, ito yung scholarship na nakuha namin galing sa Daniel High. Malapit na ang aming pasukan, di ko nga alam kung makakaschoolmate namin yung iba naming kaklase noong 4th year high. Pagkatapos naming kumain, pumasyal kami sa parke at masayang naglalaro na parang bata. Gaya ng dati, puro asaran, tawanan at pagdadamayan pa rin ang palaging nangyayari. Malapit ng dumilim ang kalangitan kaya nagpaalam na kami sa isa't-isa. 



"Oh! Maghanda na kayo para sa pasukan okay?" Pagpapaalala ni Dave sa amin. 



Naglakad na ako sa kabilang ruta at naghintay ng masasakyan. Kinuha ko sa aking bulsa ang aking telepono at naglaro ng The Hardest Game Ever, habang naglalaro may tumabi sa aking matandang lalaki na nagbabasa ng dyaryo, hindi ko na lamang pinansin ito at patuloy pa rin ako sa aking paglalaro. Tumunog ang aking telepono na nangangahulugang may nagtext. Di ko pa rin ito pinapansin dahil parang may nagmamasid sa akin, nakayuko pa rin ang aking ulo.


 Pakiramdam ko tumititig sa akin ang matandang lalaki, tumayo na ako at nagsimulang maglakad papalayo sa lalaking yun. Di ko na mukhaan ang kaniyang mata ng dahil sa takot. Tumunog ulit ang aking telepono, di ko pa rin ito pinapansin at nagmadaling sumakay sa jeep para makauwi agad sa bahay. Nakahinga ako ng maluwag ng makasakay na ako, napagpasiyahan kong basahin ang mga text messages na kanina ko pa natatanggap. 


Binuksan ko ang aking telepono at dumeretcho sa inbox, agad-agad kong tiningnan ang mensahe at sa pagbasa ko nito biglang tumayo ang aking mga balahibo. Y-yung k-katabi k-ko k-kanina?



Sender : 0936*******

'Hindi pa tapos ang lahat Nika! Humanda kayong lahat, iisa isahin ko kayo, nasa kamay mo ang kapalaran ng mga kaibigan at kaklase mo dati. Kaya kung ako sayo, layuan mo na sila kung ayaw mong makitang mamamatay sila sa harapan mo. Di mo ata ako nahanap kanina kasi hindi ka lumilingon sa katabi mo.' 


Bigla akong nanlumo sa aking nabasa, kailangan kong gawin to para sa mga kaibigan ko, hinding hindi ko sila pababayaan.



Kim's POV



Naglakad na sila nika at dave papalayo sa akin, nakatayo pa rin ako rito sa tapat ng Restau dahil hinihintay ko ang aking sundo. Biglang nag vibrate ang aking telepono na ikinagulat ko. Kinahu ko ito galing sa aking bulsa at binasa ang text message na aking natanggap.



Sender : 0936*******

'Magbabayad kayo! Iisa isahin ko kayo! Maghihiganti ako! Kaya mag-ingat ka dahil baka ikaw na ang isusunod ko papunta sa impyerno, kasama ang mga kaibigan at ang pamilya mo!'



Napalaki ang aking mata ng dahil sa mensaheng aking natanggap. Nakapagtataka, diba patay na si Mr.Ram? Paano siya nakaligtas? Sigurado akong patay na siya ng dahil sa saksak niya sa dibdib. Tinawagan ko ang aking driver upang pabilisin ito dahil natatakot na ako, konti nalang ang mga tao na nasa daan at natatakot akong mag-isa. 


May bumusina na kotse na ikinagulat ko, napatulala na pala ako sa matandang lalaking nagbabasa ng dyaryo sa tapat ng ilawan sa daan. Parang may kahawig siya, di ko nalang ito pinansin at sumakay nalang sa sasakyan. Sinermonan ko ang aking driver dahil sa napakatagal nitong dumating, alam niyang ayaw kong pinaghihintay ako. 


"Sorry po Ma'am" Yan na lamang ang kaniyang sinagot at nagmaneho nalang ulit. Tinext ko si Manang Flor para magluto ng dinner dahil uuwi na sila Mommy at Daddy mamaya galing sa US.



Charlize's POV



Kasalukuyan akong nagpipinta dahil wala akong magawa, mag-isa lang ako ngayon sa bahay dahil ang aking Mamita ay may urgent meeting. At ang kasambahay naman namin ay nag Day Off. Nagluto ako ng ulam para sa aking hapunan. Pero may iba akong nararamdaman, para bang may nagmamatyag sa akin at sinusundan ako kung saan man ako magpunta. Kumuha ako ng kutsilyo at itinago ko ito sa aking libro, lumilingon lingon ako dahil sa mga yabag na aking naririnig. Papalapit ng papalapit ang mga yabag sa akin at sa aking paglingon isang sibat ang tumilapon at nasapul nito ang aking pinipinta. Kinuha ko ang kutsilyo sa aking libro at itinutok ito sa kaniya. 



"Sino ka? Bat ka nakapasok sa bahay namin?" Pagtatanong ko sa kaniya, ninenerbyos na ako at tumakbo ako papalayo sa kaniya.



 Pumunta ako sa kwarto at isinara ang pintuan, nagtago ako sa may balkonahe sa aking kuwarto at dahan dahang bumaba sa may damuhan sa likuran ng aming bahay. Binuksan ko ang gate at humingi ng tulong sa gitna ng kalsada. Napa aray ako sa sakit ng dahil sa sibat na nakabaon sa aking hita. Ika-ika akong naglalakad papunta sa bahay nina Aling Maring



 "Tulooooong! Mga kapitbahaaaay!" Napaluha ako ng dahil sa sakit na aking nararamdaman. 



Lumapit sa akin ng dahan dahan ang estranghero o magnanakaw na pumasok sa aming bahay. Itinapon ko sa kaniya ang batong napulot ko sa daan at nailagan niya ito. Nilapitan niya ako at ikinaladkad ako sa daan papunta pabalik sa aming bahay. Napaiyak ako sa sakit dahil sinabunutan niya ako at pinagsasaksak ang aking mga binti.



 "Please! M-maawa k-ka!" Pagmamakaawa ko sa kaniya pero binalewala niya lang ito. 



Itinulak niya ako at napahiga ako sa aking kama. Itinali niya ang aking mga kamay at paa at lumabas siya ng kuwarto, pilit akong kumakawala sa mga tali pero napakahigpit nito. Bumalik siya na may dalang timba na may lamang yelo, butcher's knife at isang plantsa. Nilagyan niya ng yelo ang aking bibig. Napakalamig nito at para bang nanghihina ang aking katawan dahil sa epekto ng yelo. Isinaksak niya ang male plug ng plantsa upang uminit ito. Umiiling iling ako para ipahiwatig sa kaniya na maawa siya sa akin. Unti-unti niyang inilapit ang plantsa sa aking braso. Napa aray ako pero hindi pa rin ito maririnig dahil sa yelo na nakalagay sa aking bibig. 



Tumutulo ang aking mga luha na kanina pa kumawala sa aking mga mata pati na rin ang dugo na natamo ko ng dahil sa sibat na tumama sa aking kanang hita. Dinampi niya ulit ang plantsa sa aking kabilang braso at humahalakhak siya na para bang naging isang demonyo. Kinuha niya ang kutsilyo at isinaksak ito sa aking kaliwang hita. Napakasakit ng mga ginagawa niya sa akin, patuloy na tumutulo ang aking mga luha, mas gusto ko pang mamatay gamit ang baril kaysa pahirapan ako ng ganito. Pumikit nalang ako dahil ramdam ko ang kutsilyo na bumaon sa aking noo.



Unknown's POV



Sigurado akong patay na siya. Hinubad ko lahat ng damit niya at inihiga siya ng maayos sa kaniyang kama, nilagyan ko ng mga bulaklak ang paligid at hindi pa rin tinatanggal ang kutsilyo sa kaniyang noo. Nilagyan ko ng maraming yelo ang kaniyang bibig at dumaan sa likuran dahil nakarinig ako ng mga yabag papalapit sa kuwarto. Tumalon ako sa ikalawang papalag at umalis ng bahay na iyon. Nakarinig ako ng malakas ng sigaw na ikanatuwa ko.



 "Kulang pa yan. Marami pa sila."  



----------------------------------------------


(A/N : Edited. :) have a good time reading. )

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: