Chapter 7
Charlize's POV
Tumingin ako sandali sa bintana at enistima kung anong oras na ngayon. Madaling araw na ata dahil sa maliwanag na buwan na aking nakikita ngayon. Tumabi ako kay Justine at humiga sa mga hita niya, "Men, kung mamamatay man ako sa paaralang ito, wag na wag mo akong kakalimutan ha?" Sabi ko sa kaniya habang tumutulo na ang aking mga luha ng dahil sa aking imahinasyon.
"Ano ka ba men! Wag ka ngang magsalita ng ganyan." Medyo pasigaw na tugon ni Justine.
"Nagbabasakali lang naman men." Niyakap ko ng mahigpit ang kaniyang mga bewang, baka ito na ang huling yakap ko sa kaniya kaya susulitin ko na.
"Kahit anong mangyari men, babantayan kita at di ko hahayaang mapahamak ka." Natatakot ako. Hinagod hagod niya ang aking likuran at ang aking buhok upang patahanin ako sa pag-iyak. Kung ako man ang susunod, handa na ako kung ano man ang magiging desisyon ng tadhana.
Nika's POV
Napakadilim, nandito ata ako sa bodega ng aming paaralan dahil puro mga libro at mga kagamitan ang nandirito. May mga makakapal na alikabok pa at mga bahay ng gagamba sa mga sulok ng kisame. Nakaramdam ako na may papalapit sa silid na kinalalagyan ko ngayon. Binuksan niya ang pinto, pumasok siya at lumipat siya sa akin.
"Sino kaya ang isusunod ko?" Pagtatanong niya sa akin habang hinahaplos haplos ang aking pisngi.
"Bat mo ba ito ginagawa sa amin?" Mahinahon kong tanong na kahit sa kaloob-looban ay takot na takot na ako.
"Bat ko to ginagawa? Ng dahil sa inyo!" Napangiwi ako sa sinabi niya.
"Ano bang nagawa namin sayo? Pwede naman nating idaan sa usapan diba? Bakit kailangan pang humantong sa ganito?" Medyo napataas ang aking boses dala ng aking emosyon.
"Dahil kayo ang makasasala! Wag kang magkunwari na wala kang ginawang masama Nika. Dahil alam ko lahat ng mga sikreto niyo. Lahat lahat!" Dinidiin niya ang kaniyang hintuturo sa aking noo. Napalagok ako at natahimik na lamang.
"Di namin yun sinasadya, please pakawalan mo na ako" Mangiyak iyak na pagmamakaawa ko sa kaniya.
"Hindi makukuha sa isang patawad ang lahat Nika. Dapat itong pagbayaran ng may sala." Umalis na siya at naiwan akong napaisip sa mga sinabi niya. Kung pagbabayaran ng mga may sala ang nangyari, sino-sino naman sila?
Dave's POV
Katabi ko ngayon si Kim at Camille, masyado na kaming nag-aalala sa kalagayan ni Nika. Kamusta na kaya siya? Sigurado akong gutom na gutom na yon sa mga oras na to.
"Sana makabalik na si Nika ng ligtas dito." Sabi ni Kim.
"Sana wag na!" Medyong pasigaw na sabi ni Camille.
"Camille naman, bestfriend mo naman si Nika diba? Dapat ikaw ang dadamay sa kaniya dahil nasa panganib siya." Alam kong di pa rin makikinig si Camille.
"Bestfriend? Oo bestfriend ko siya noon at hindi na ngayon, inagaw niya lahat ang dapat sa akin Dave." Napabuntong hininga na lang ako.
"Kung yan talaga ang sinasabi ng puso at isip mo, mabuti pa sigurong kalimutan mo na rin na bestfriend mo kami ni Kim." Hinawakan ni Kim ang aking braso na nangangahulugang itigil ko na ang mga sinasabi ko kay Camille.
"Tutal mahirap namang paki usapan yang isip at puso mo. At ang higit sa lahat ang pagiging makasarili mo. Sana nga namatay ka nalang at di na kita tinulungan." Tumayo ako at tumakbo paalis sa silid na iyon. Tinawag ako ni Kim ngunit di ko ito pinakinggan. Tama naman ang ginawa ko diba? Naiinis na ako sa kaniya dahil ang sarili niya lang ang iniisip niya. Akala ko pa naman mabuti siyang kaibigan may ugali rin palang kademonyohan sa kaloob looban niya.
Dumeretcho ako sa Gym at umupo sa may Bleachers. Nakita ko siya, ang babaeng pinakamamahal ko. Lumapit siya sa akin at dahan dahang tumutulo ang aking mga luha. Niyakap ko siya ng mahigpit.
"I Love you Dave..." Yan ang mga katagang nagpalambot ng puso ko. Ang mga salitang huli niya naibanggit nong tuluyan siyang nawala.
Kim's POV
Umiiyak pa rin si Camille hanggang ngayon, si Dave naman tumakbo palabas sa silid na ito. Niyakap ko si Camille upang patahanin siya sa pag-iyak.
"Dapat kasi matuto kang magpatawad sa mga may sala sayo Camille, alam kong madaling magpatawad pero ang hirap kumalimot. Bestfriend mo rin naman si Nika eh. Ilang buwan din tayo naging magkakaibigan." Humihikbi siya habang tumatango. Sana maging maayos na to, at sana maka alis na kami sa impyernong ito.
Melody's POV
Minumulat ko ang aking mga mata upang malaman kung nasaan ako. Tila napakapanibagong silid ito para sa akin, may mga kagamitang pang electrician gaya ng martilyo, screwdriver, wrench at iba pa. Mayroon ding mga axe, chainsaw at mga matutulis na bagay na maaaring makapatay ng isang tao. Impit akong napaungol ng dahil hindi ko magalaw ang aking ulo. Biglang may pumasok na nakamaskara at lumapit ito sa akin.
"Di ka talaga makakawala riyan dahil nakatali ang iyong buhok sa makinang iyan, pag hindi mo ito napigilan unti-unting matatanggal ang iyong mga anit at buhok." Pagpapaliwanag niya sa akin.
"Please, maawa ka sakin." Pagmamakaawa ko sa kaniya.
"Bwahaha hindi mo ako madadaan sa mga patawad na iyan Melody." Bat niya alam ang pangalan ko?
"Please, maawa ka, wala naman akong ginawang masama." Patuloy ako sa pagsasalita
"Kailangang pagbayaran ang lahat melody." Sabi niya sa akin may inilagay siyang kutsilyo sa mesa na katapat ko at naglakad na siya palabas sa silid. Paano nga ba ako napasok sa sitwasyong ito?
----Flashback----
Umupo ako sa pinakahulihang upuan sa silid namin, inaantok na ako dahil madaling araw na at di ko na kayang imulat ang aking mga mata. May naririnig akong ingay sa labas, ng dahil sa kuryusidad lumabas ako sa room at hinanap ang ingay na iyon, di ako nahalatang lumabas dahil sa hulihang pinto ako dumaan. Parang may dumaan sa aking likuran, pero ng paglingon ko wala namang tao, dahan dahan akong lumingon sa aking likuran dahil may nararamdaman akong humihinga sa aking likuran. Lilingon na sana ako pero naunahan niyang takpan ang aking bibig ng isang panyo. Na unti-unting nagpapahilo sa akin at tuluyan akong nawalan ng malay.
Camille's POV
Bumukas ang pinto at bumungad sa amin ang hingal na hingal na si Mr.Ram
"San ka nanggaling Ram?" Tanong ni Mrs.Lee,
"Nag cr lang ako ng makarinig ako ng isang sigaw, bumalik agad ako rito para makasigurado kung ayos lang kayo." Nilapitan ni Mrs.Lee upang bigyan ito ng panyo.
"Sino ang kulang sa inyo?" tanong ni Mrs.Lee na may halong pag-aalala.
"Sina Dave at Melody po ma'am!" Sagot naman agad ni Francis. Nataranta kaming lahat ng biglang tumunog ang bell. Biglang bumukas ang TV at nakita naming naka-upo si Melody sa upuan at nakatali ang kaniyang buhok sa makina. Na kung lilingon ka ay tiyak matatanggal ang mga buhok mo pati na rin ang iyong anit.
"Isang panibagong Laro. Handa na ba kayong masaksihan kung paano mamamatay ang babaeng nasa telebisyon.?" Pangtatakot niya sa amin.
"Hindi! Hinding hindi! Itigil mo na ito! Hindi na nakakatuwa!" Sigaw naman ni Dave na bago lang dumating.
"Bwahahaha! Wag kang atat dave. Hindi pa nagsisimula. Ang tanging magagawa lang ni Melody ay abutin ang kutsilyo na nasa harapan at putulin kaagad ang buhok niya bago ito makain ng makina." Napasigaw ang iba naming mga kaklase dahil sa nakakatakot na pwedeng mangyari kay Melody.
"Simulan na natin ang Laro!"
Melody's POV
"Simulan na natin ang Laro!" Sabi ng killer at biglang umandar ang makina at unti-unting kinain ang aking mga buhok.
"Ahckk!" Inaabot ko ang kutsilyo na nasa harapan.
"Aaaahhhh!!" Napakasakit ng aking ulo. Parang sumasama ang aking anit sa aking buhok.
"Aahhhh!!" Tiniis ko ang sakit at naabot ko ang kutsilyo na nasa aking harapan. Unti-unting bumubukas ang balat sa aking ulo.
"Aaaahhh! Ahhckk!" Pinutol ko ang aking buhok at napadapa ako sa sahig.
"Aaaahhhh!!" Dahan dahan akong tumayo at hinawakan ang kutsilyo na aking ginamit pamputol sa aking buhok. Umiyak at sumigaw ako ng dahil sa sakit. Napahiyaw ako at naitapon ko ang kutsilyo sa taong bumukas ng pinto at sumapol ito sa kaniyang dibdib. Napalaki ang aking mga mata at napaluhod.
"S-sorry... S-sorry Mr. Ram!" Biglang dumilim ang aking paningin at napahiga ako sa sahig.
Dave's POV
Parang naramdaman ko ang sakit na nararanasan ni Melody. Naabot niya ang kutsilyo at pinutol niya ang kaniyang buhok. Makikita sa Tv na nabalatan ang harapang bahagi ng ulo ni Melody. Pero ang mas ikinagulat ng lahat ay ang pagtapon ni Melody ng kutsilyo sa dibdib ni Mr.Ram napahiga silang dalawa sa sahig na agad naman namin silang pinuntahan sa naturang silid.
Mr.Ram's POV
Tumakbo ako papunta kung saan naroroon si Melody, pagkabukas ko sa pinto, nakaramdam ako ng sakit sa aking dibdib, napahiga ako sa sahig at unti-unting lumalabo ang aking paningin.
Kailangan kong labanan ang sakit na ito dahil di ko hahayaang mabuhay silang lahat. At ayokong mabigo sa aking misyon na patayin silang lahat.
------------------------------------------------------
A/N : Monday pa ma e-edit tong part na to kasama ang Chapter 8. So tama ba ang hula niyong si Mr.Ram ang killer ?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top