Chapter 6
Philip's POV
Pagkakita ko sa mga litrato na lumabas sa TV, napahampas ako sa mesa na ikinagulat ng lahat. Napakawalanghiya nila! Pinagtaksilan nila ako, tinuring kong kapatid si Sharless dinamayan ko siya sa mga problema niya pero anong isinukli niya sa akin ngayon? Ayos lang sana yung magkahawak ang kamay nila at yakapan pero yung naghahalikan sila? Di ko matatanggap yun. Napayukom ako sa aking kamao at umupo sa hulihang upuan.
Hawak ko ngayon ang papel at isinulat ko ang pangalan ni Nika. Alam kong mas matagal tayong magkakilala Sharls pero trinaydor mo ako. Inilagay ko ang papel sa blackboard at lamang na ngayon si Nika. Nararamdaman ko na ang mga sigawan ng aking mga kaklase, di na ako tumingin at naglakad ulit papaupo sa inuupuan ko kanina. Tumabi si Camille sa akin at pinulupot niya ang kaniyang braso sa aking braso.
"Alam mo? Sana si Sharless nalang pinili mo, ang landi landi kasi ng Nikang yan, akala mo kung sinong maganda." Sabi niya sa akin habang ipinatong niya ang kaniyang ulo sa aking balikat.
"Alam mo kung sino ang tunay na malandi?" Tanong ko sa kanya.
"Sino?" Tugon niya naman na may pagkaalanganin.
"Ikaw!" Tumayo agad ako na ikinatumba niya naman.
Camille's POV
Biglang natumba ang silya na tinatayuan ni Sharless, kumapit siya sa lubid at pilit siyang kumakawala rito, pero huli na ang lahat ng di na gumalaw ang kaniyang katawan at tuluyang nakasara na ang kaniyang mga mata. Nagsigawan at iyakan naman ang iba kong mga kaklase dahil patay na ang kinikilala nilang kuya. Alam niyo kung sino ang pinili ko? Malamang si Sharless, sana nga yung malanding Nika nalang ang namatay. Nakaligtas pa ang linta. Tumabi ako kay Ace at pinulupot ko ang aking braso sa kaniyang braso.
"Alam mo? Sana si Sharless nalang pinili mo, ang landi landi kasi ng Nikang yan, akala mo kung sinong maganda." Sabi ko sa kaniya habang pinatong ko ang aking ulo sa kaniyang balikat.
"Alam mo kung sino ang tunay na malandi?" Biglang tanong niya sa akin.
"Sino?" Pag-aalangan kong tanong.
"Ikaw!" Tumayo agad siya kaya natumba ako, buti di masyadong nabagok yung ulo ko.
Ugh! Nakakainis talaga tong lalaking to. Bakit ba ang Nikang yun ang palagi niyang kinakampihan? Di niya ba alam na nandito lang ako sa tabi niya? Kaya ko naman siyang mahalin gaya ng pagmamahal niya kay Nika eh. Ano bang kulang sa akin Philip? Napabuntong hininga ako, kung di ko man makukuha si Philip, pwes! Buhay ni Nika ang kukunin ko. Gagawin ko ang lahat para kay Philip, dahil kung ano ang gusto ni Camille ay palaging nakukuha. Kaya humanda ka Nika, hinding hindi kita uurungan.
Nika's POV
Dahan dahan akong pumikit dahil alam kong ito na ang oras na kukunin na ako ng Panginoon. Ang Panginoon nga ba? Naghihintay akong matumba ang silyang tinatayuan ko pero lumipas ang mga ilang minuto hindi pa rin ito natumba. Narinig kong bumukas ang pintuan at may lumapit sa akin, yung killer! Nakatakip pa rin ang aking bibig ng isang duct tape. Gusto kong sumigaw, bigla niyang tinanggal ang lubid na nakatali sa aking leeg at ibinaba ako sa silya. Itinulak niya ako sa pader, ang sakit sakit ng likuran ko na para bang inapakan ng isang elepante. Nilapitan niya ako at hinugot niya ang kaniyang patalim na nanggaling sa kaniyang likuran. Napalaki ang aking mata at napalingo lingo ako, inilapit niya ang patalim sa aking leeg at bumulong.
"Kung ako sayo, aamin na ako hangga't maaga pa."
Kristine's POV
Magkakasama pa rin kaming lahat, walang gustong lumayo at mapag-isa. Biglang tumayo si Raul dahil gusto niyang gumamit ng banyo.
"Yan kasi ang raming kinain kagabi." Sabi ni Julius.
"Oh sige, magsama ka ng mga barkada mo para naman di ka mag-isa." Biglang tugon ni Mrs.Lee
"Naku wag na po Ma'am, kayang kaya ko na po. Di naman ako takot sa mamamatay na iyon." sabi ni Raul at nagsimula nanaman ang bulong bulungan.
Alam kong napakayabang ni Raul pero mabait naman siya pag tuluyan mo na siyang kilala. Umalis mag-isa si Raul papunta sa banyo habang kami naman ay nagtsitsismisan na lang dahil sa pagkabagot. Kahit ligtas na si Nika, hindi pa rin siya bumabalik dito. Kamusta na kaya siya? Sana mabulok na siya ron habang buhay.
Dave's POV
Tiningnan ko ang aking relo at alas dies ng gabi pa pala, akala ko madaling araw na. Kasama ko ngayon sina Kim at Camille sa isang sulok. Kanya kanya kaming lahat ng trabaho, Magkakasama sina Justine, Kristine, Crystal, Abby and Lyca at sa kabilang banda naman ay sina Philip, Julius, Kyle. Sina Mrs.Lee at Mr.Ram naman ay nasa unahan at may pinag-uusapan habang kami naman nina Camille at Kim ay nag-uusap tungkol kay Nika. Alalang-alala na kami ni Kim habang si Camille naman ay parang walang pakealam sa aming bestfriend. Humarap ako kay Camille at kinausap siya.
"Di ka naman ganyan dati Camille ah? Ano bang nangyayari sayo? Alam naman nating mahal na mahal ni Philip si Nika eh, at ganun din si Nika. Wag ka ng magmukhang tanga Camille. Alam nating hinding hindi ka mamahalin ni Philip kahit kailan." Marami pa sana akong sasabihin pero pinigilan na ako ni Kim sa pagsasalita. Napatawa ng mahina si Camille.
"Alam ko yan Dave, di naman ako tanga haha. Kung di niya talaga ako kayang mahalin, pwes! Mamamatay ang kontrabida. Walang makakapigil sa akin dahil kung ano ang gusto ko ay nakukuha ko." Biglang umalis sa room si camille. Hahabulin ko na sana siya pero hinawakan ni Kim ang aking braso.
"Pabayaan mo muna siyang makapagisip-isip Dave, masyado lang siyang desperadang makuha si Philip kay Nika." Napatango na lamang ako at umupo ulit.
Sampung minuto ang lumipas, namatay ulit ang lahat ng ilaw sa buong campus. Ito nanaman ba ang senyales na may makukuha nanaman siya ngayon? Bigla kong naalala si Camille at Raul. Ilang oras na silang hindi bumabalik dito. Napatayo ako bigla at tumakbo ako papalabas sa room. Rinig na rinig ko ang sigaw ni Kim pero hindi ko na ito pinansin. Tumakbo ako papunta kung saan palaging tumatambay si Camille. Sa Gym! Hinahabol ko pa rin ang aking hininga ng maka abot ako sa Gym. Nakita ko si Camille sa gitna na para bang sinusuri ang buong Gym.
"Camille!" Tawag ko sa kaniya.
Lumingon siya na ikinagulat ko, nakatali ang kaniyang mga kamay at paa, nakatape rin ang kaniyang bibig. Lalapit na sana ako sa kaniya pero umiiling siya na para bang ayaw niya akong palapitin dahil may mangyayaring masama. Biglang bumukas lahat ng ilaw sa Gym at nakatutok ito kay Camille. May mga bolang nagsitalbog na galing sa may pintuan. May pumasok dito na nakamaskara at may isang itak na dala. Di ko sinunod si Camille at tumakbo ako papalapit sa kaniya. May natapakan akong red button sa ibaba, napahinto ako at biglang bumagsak ang katawan ni Raul na nanggaling sa kisame. Napahiyaw ako ng dahil sa gulat.
Nilapitan ko kaagad si Camille at tinanggal ang mga lubid na nakatali sa kaniyang mga kamay at paa. Nagmamadali kaming lumabas sa Gym at patakbong bumalik sa silid-aralan dahil alam kong nasundan niya kami. Pagkarating na pagkarating namin sa room, isinara ko agad ang pinto at hinarangan ito ng mga silya namin. Nararamdaman kong malapit lang siya sa amin, at isang buhay nanaman ang mawawala.
"Ano bang nangyayari Dave?" Tanong ni Mrs.Lee.
"Kanina po sa Gym nakita namin siya at p-patay n-na si R-raul." Bakas sa kanilang mga mukha ang pagkagulat.
Nilapitan ko si Camille at tinanong kung ayos lang ba siya. Isang tango lamang ang kaniyang isinagot.
"Pano ka nahuli nung Killer?" Tanong ko sa kaniya at isinalaysay niya naman ang mga nangyari.
Camille's POV
"Pano ka nahuli nung Killer?" Tanong ni Dave sa akin.
Umayos ako sa aking pagkakaupo at isinalaysay sa kaniya ang mga nangyari.Tumakbo ako papunta sa Gym dahil di ko na kaya ang mga sinabi ni Dave. Masyado akong nasaktan sa mga pinagsasabi niya kahit alam ko na malabo yung mangyari. May tumulong likido na nanggaling sa aking mga mata. Ang tinatawag nilang Luha, ngayon lang ulit ako umiyak. Dahil dati walang araw na hindi ako umiiyak dahil sa mga ginagawa sa akin ng ama ko. Sampung taong gulang pa lang ako ng simula akong ibenebenta ng aking ama sa kaniyang mga kabarkada. Humanap ako nun ng tiyempo para makatakas at nagawa ko naman iyon. Humiga ako sa gilid ng kalsada, kumain ng mga tira-tira at nagnanakaw ng mga damit sa sampayan.
Naging makulay ang aking buhay ng may umampon sa aking mayaman na mag-asawa, tinuring nila akong prinsesa na para bang tunay nilang anak. Nakaramdam ako ng takot ng may tunog na parang itak na papalapit sa akin. Pinunasan ko ang aking luha at tumayo, tatakbo na sana ako pero huli na ang lahat dahil natalisod ako sa isang puting nylon, lumapit siya sa akin at hinatak niya ang aking buhok para patayuin ako. Napasigaw ako sa sakit at itinulak niya ako sa gitna ng Gym. Pinapahirapan niya ako, unting-unting lumabo ang aking paningin, sinakal niya ako ng sinakal hanggang sa nawalan ako ng malay.
Pagkaraan ng ilang minuto, nagising ako na may tali sa kamay at paa ko, nakatakip ang aking bibig gamit ang panyo ko. Nakita kong pumasok si Dave sa Gym at lalapit na sana siya sa akin ng pinigilan ko siya. Umiling iling ako para ipahiwatig na wag siyang lalapit dahil may mangyayaring masama. Bumukas ang mga ilaw sa buong Gym at nakatutok ito sa akin, may mga bolang nagsisitalbugan na para bang may naglalaro nito. At doon pumasok ang isang estranghero na nakamaskara at may dalang itak na papalapit sa amin.
Tumakbo si Dave papunta sa akin at naapakan niya ang red button at biglang bumagsak ang katawan ni Raul na naggaling sa kisame. Napahiyaw si Dave ng dahil sa gulat at nilapitan niya ako para tanggalin ang lubid na nakatali sa aking kamay at paa. Tumakbo kami ng tumakbo pabalik sa room na sanhi ng pagkahingal namin. At doon nagsimula ang mga katanungan na di ko pa rin masagot ng dahil sa pangyayaring iyon. Tila bang naputol ang aking dila at di ako makapagsalita....
-------------------------------------
( A/N : Hate ko na kayong lahat. :v --- Editor Kath )
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top