Chapter 3

Kim's POV 


Kung si Carlo ang unang namatay, sino ang susunod? Napalingon kami sa may pintuan, biglang bumungad sa amin si Philip at Nika. Biglang sinugod ni Camille si Nika at binigyan niya ito ng malakas na sampal. 


"Ikaw! Walang hiya ka! Bakit mo ito ginagawa? Bat mo pinatay si Carlo!" Galit na galit si Camille at sinampal ulit sa kabilang pisngi si Nika.


 "Ang landi, landi mo!" 


Bago pa makapagbitaw ng masasakit na si Camille, inilayo siya ni Mr.Ram at pinapakalma. Ano na ba ang nangyayari rito? Totoo bang si Nika ang pumapatay? Bakit niya kasama si Philip? Nalilito na ako.



 Nika's POV 


 Biglang tumulo ang aking mga luha, ang sakit ng mga binitawang sampal ni Camille, pero ang mas masakit yung pinagbibintangan niya ako. Bestfriend ko siya at alam niyang di ko yun magagawa. Bigla akong niyakap ni Philip upang patahanin ako sa aking pag-iyak. Nakita kong kinakausap ni Dave at Kim si Camille. Pati ba sila naniniwalang ako ang pumatay kay Carlo?


 Philip's POV 


- Flashback - 


"Ma'am wala rin po si Carlo rito!" Sigaw ko sa aming guro. 


Naisipan kong umalis ng Room at balak kong hanapin si Nika, isinuot ko ang hood ng aking jacket at lumingon lingon sa paligid. Nakita kong tumatakbo si Nika, tumitingin siya sa kaniyang likuran na para bang hinahabol siya ni Satanas. Niyakap ko siya at tinakpan ko ang kaniyang bibig. Binitawan ko siya at humingin ako ng tawad dahil nagulat ko siya. Biglang tumunog ang announcement bell at may biglang nagsalita. 


"Kamusta kayo? Gusto niyo ba ng isang laro? Simple lang naman ang mekaniks, Una!, alamin mo kung sino talaga ang tunay mong kaibigan. Pangalawa! mag-ingat kayo bawal ang mag-isa dahil maaari kayong kunin ni Satanas! Bwahahaha!" Kinilabutan kami ni Nika sa inanunsyo ng isang estranghero. Hindi pamilyar ang kaniyang boses dahil napakalalim nito. Niyakap ako ng mahigpit ni Nika na ikinagulat ko. 


"Natatakot ako babe" 


Tiningnan ko siya at kitang kita ko sa kaniyang mga mata ang pagkatakot. Habang naglalakad na kami papunta sa Room nakita namin sa TV ang pinaparusahang si Carlo. Tinakpan ko ang mga mata ni Nika at agad-agad kaming pumasok sa silid-aralan na ikinagulat ng lahat. 


 - End of Flashback - 


Camille's POV 


Napakawalang hiya talaga ng babaeng iyon. Akala ko pa naman ang bait bait niya, yun pala nagbabalat kayo lang siya. 


"Besh, di naman ata magagawa ni Nika yon. Ang bait bait kaya ni Nika at wala naman ata siyang galit kay Carlo." Pagpapaliwanag ni Dave.


  "Ah basta, babantayan ko talaga yang hinayupak na yan kahit magkaibigan kami." Sabi ko sa kanila. 


"Ikaw bahala." Kibit balikat na sabi ni Kim. 


 Clair's POV


Napapalingon ako sa bawat sulok ng silid-aralan na ito, natatakot na ako, nagtago ako sa ilalim ng aking mesa at umiiyak dahil naririnig ko ang boses niya...


  "Isa-isa kayong mamamatay..." 


"Umamin na kayo..."


Yan ang palagi kong naririnig kahit ang ingay ng aking mga kaklase ng dahil sa kanilang mga tili. 


"Ayoko na!!!"


Tumakbo ako papalabas sa room at pumunta sa likuran ng Gym. Nagtatago ako sa mga malalaking bato para di ko na siya makitang muli. Nakampante ako dahil sa matiwasay na paligid. 


 Dave's POV


Nagulat kami dahil biglang sumigaw at tumakbo palabas ng room si Clair. 


"Baliw talaga yon" Biglang sabi ni Camille. 

San kaya pupunta yon? 


"Mga estudyante rito muna tayo para makasigurado tayong ligtas pa rin ang bawat isa." Sabi ni Mrs.Lee sa amin.


 Pagkalipas ng ilang minuto, biglang namatay ang lahat ng ilaw sa buong campus. Dahil sa pagkakabigla, napasigaw sila at napatili. Sinabihan nanaman kami ni Mrs.Lee na kumalma at wag matakot.


"Kailangan ko ng isang lalake at babae para sumama sa amin. Aayusin natin ang mga ilaw dahil gumagabi na" Sabi ni Mr.Ram. 



Nagboluntaryo ako para sumama sa kanila at di ko inakalang sasama si Kim sa amin. Matatakutin kasi ito lalo na ngayong may nagbabanta sa mga buhay namin. 


 "Kayong naiwan, wag kayong aalis dito ok? Babalik agad kami kapag naayos na namin ang mga ilaw." Sabi ni Mrs.Lee at umalis na kami. 


Tahimik kaming naglakad papunta sa mga plangka ng ilaw. May nilapitan si Mr.Ram malapit sa may batuhan sa likuran ng Gym. Para siyang kuting na natatakot na makain ng mga aso. Nilapitan siya ni Sir at hinikayat siyang lumabas dito. Inalalayan ni Sir Ram si Clair. Madungis na ang mukha nito at maraming dugo ang kaniyang kamay at ang suot niya. Nakaramdam kami ng pagkaawa kay Clair pero mas nangingibabaw ang aming takot. 



 Clair's POV 


May narinig akong papalapit sa akin, kumuha ako ng malaking bato. Papalapit na talaga siya. Inalis niya ang nakaharang sa akin at itinapon ko sa mukha niya ang bato. Napakalakas ng impact non sa kaniyang mukha dahil nawasak ito, di pa ako nakuntento at inupuan ko ang kaniyang tiyan at hinahampas hampas ko ang malaking bato sa pagmumukha niya na parang sinasapian ako ng isang demonyo. Tumawa ako ng tumawa, pinaglalaruan ko ang dugo at pinahid pahid ko ito sa aking mukha. 


Tuwang tuwa ako dahil sa ginawa ko, agad kong hinatak ang patay na katawan ng guard namin. Bigla kong naamoy ang masangsang amoy ng isang taksil. Tumago ako pabalik sa aking tinaguan ngunit wala na itong harang. Nilapitan ako ni Sir Ram at inalalayan niya akong lumabas sa aking tinataguan at nakita nila ang bangkay, ang pinatay kong guard namin. 


 Kim's POV 


Biglang humalakhak si Clair, pinuntahan ni Mr.Ram at Mrs.Lee ang patay na katawan ng aming guard. Nilapitan ko si Clair para kausapin siya. Ngunit ng papalapit na ako sa kaniya, sinakal niya ako, masyadong mahigpit ang pagkakahawak ng kaniyang kamay sa aking leeg. 


"C-c-cla-ir!" tinataboy ko ang kaniyang kamay ngunit napakahigpit nito.


"Umamin ka na sa mga kasalanan mo!" Mas dumiin ang kaniyang mga kuko sa aking leeg. Para bang tinutusok ito ng karayom. 


"Hindi siya titigil hangga't di kayo umaamin!" 


Laking gulat ko ng biglang bumulagta ang katawan ni Clair, duguan ang kaniyang ulo. Pinalo ito ni Dave ng kahoy na may pako sa dulo. Gulat na gulat kami nila Mr.Ram at Mrs.Lee sa nangyari, bumaon ang pako sa ulo ni Clair na ikinamatay niya. Napayakap ako kay Dave dahil sa pagligtas sa akin, pero naaawa ako kay Clair ng dahil sa sinapit niya. 



 Unknown's POV 


"Masyadong pakialamero!"
-
-
-
-
 
Magbabayad kayong lahat...  


----------

( A/N : Sorry sa spacing. :)  )

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: