Chapter 2


 Nika's POV



 Bago magsimula ang aming Special Exam, nagpaalam muna ako kay Mrs.Lee na pumunta sa Comfort room. Habang naglalakad ako patungo sa banyo may narinig akong sigaw, sigaw ng isang lalaking humihingi ng tulong. Mas mabilis pa ako sa alas kuwatro kung makatakbo, napapalingon ako sa aking likuran habang tumatakbo pero sa kasamaang palad, may nakabangga ako at bigla niya ayokong niyakap ng mahigpit at tinakpan ang aking bibig.



Camille's POV
 


Ang tagal tagal naman ng Nikang iyon, siya na lang hinihintay sa klase. 


"Ma'am wala rin po si Carlo rito!" Sigaw ni Philip . 


Aba ang landi , exam na exam nagtatanan ang dalawa,


"Ma'am pwede na po ba tayong magsimula?" Inis na sabi ko kay Ma'am.


 "At dahil matagal pa ata sila, o sige magsisimula na tayo, pakilagay ng inyong mga telepono sa kahon doon sa likuran."


 Nagsitayuan kami at inilagay namin ang aming nga gadget sa kahon. Nagsibalikan kami sa aming posisyon at naghihintay na ibibigay ni Ma'am ang test papers. Sus ang dadali ng mga tanong, gaya ng dati binigyan ulit ako ng Answer Key upang malamangan si Nika sa Rankings.




Charlize's POV



 Biglang tumunog ang announcement bell at walang nagsasalita, ang lakas ng ingay nito na tila mabibingi ka kapag naririnig mo ito. Biglang nawala ang maingay na tunog at biglang bumukas ang Flat Screen TV namin. Kulay itim ang background nito at may isang upuan sa gitna, napatigil kami sa pagsasagot at nakatutok ang aming mga mata sa telebisyon na para bang naghihintay kung ano ang meron sa loob nito. 



Nataranta kami sa ungol ng isang lalake na para bang sinasaktan o pinapahirapan. Nagulat kaming lahat ng nakita namin si Carlo na gumagapang papalapit sa TV, nagsilayuan ang iba naming kaklase, habang ang iba naman ay napapasigaw dahil may isang taong nakahood at nakamaskara na papalapit sa kaniya. Biglang namatay ang TV at nagsigawan kaming lahat.




 "Class! Wag kayong mag panic, pupuntahan ko muna si Ginoong Ram para sabihin ang nangyayari ngayon." Biglang sabi ni Ma'am at umalis na siya upang ibalita ito sa isa pa naming guro. 


Napatakip ulit kami sa aming tainga dahil tumunog nanaman ang announcement bell. Ngunit sa pagkakataong ito may nagsasalita na rito. Nakakakilabot ang kaniyang boses, at mas nakakatakot ay ang mga banta niya sa amin.




"Kamusta kayo? Gusto niyo ba ng isang laro? Simple lang naman ang mekaniks, Una! alamin mo kung sino talaga ang mga kaibigan mo. Pangalawa! Mag-ingat kayo bawal ang mag-isa dahil maaaring kunin ka na ni Satanas! Bwahahahaha" Tumawa siya ng tumawa. 


 Natatakot na kami dahil sa mga sinasabi niya, nagyayakapan ang iba kong kaklase ng dahil sa sinabi ng Killer na bawal ang mag-isa dahil baka kunin ka ni Satanas.



 "Sino ka bang putang ina ka? Tigilan mo to! Di na to nakakatuwa!" Pasigaw na sabi ni Francis. 

Biglang dumating sina Mr.Ram at Mrs.Lee. Pinapakalma nila kami habang nagsasalita pa rin ang killer. 


"Pangatlo! Ipinagbabawal ko ang lumabas sa paaralang ito kundi! Mamamatay ka! At ang panghuli! Hangga't maaga pa, Ibunyag niyo na ang mga sikreto niyo! Bwahahahaha"



 Biglang tumigil sa pagsasalita ang estranghero at nagsisigawan ulit kami ng bumukas ulit ang telebisyon at nakita namin si Carlo na nakatali sa upuan habang mnakatahi ang kaniyang dalawang labi para hindi siya makapagsalita. Ang mas nagpasigaw sa amin ay ang mga matutulis na bakal na nasa likod, harap, kanan at sa kaliwa niya. Napahiyaw kami dahil dahan-dahang lumalapit sa leeg niya ang matutulis na bakal. Nakita namin sa TV na napapalingo-lingo si Carlo. Naiiyak ako. Unti-unti akong humikbi at malapit na malapit na ang matutulis na bakal sa leeg ni Carlo.




Dave's POV


Napakawalang hiya ang gumagawa nito. Umiiyak na ang mga babae dahil sa takot, napatitig ako sa mga letra na nasa mukha ni Carlo dahil mas inilapit ng killer ang camera sa mukha ni Carlo. Mga letrang nakakalito. Nakaukit sa mukha ni Carlo ang mga Letrang RPHTELACEYL, biglang tumunog ang announcement bell at may inanunsyo ang killer.



 "Kunin niyo ang papel sa drawer ng teacher's table at doon niyo ilagay ang mga letra, maaaring related ito sa biktima! Mayroon lamang kayong isang minuto para sagutan ito!"


Sinagutan namin ang tanong, mayroon itong pitong kahon pero labing isa ang mga letra na nasa mukha ni Carlo. Napatingin ako sa TV. Malapit na malapit na ang matutulis na bakal sa leeg ni Carlo, may tatlumpung segundo na lamang kami. Unti-unting lumalapit ang mga bakal, napapahiyaw na ang aking mga kaklase dahil ang hirap ng sagot, pero napaisip ako ... Di kaya?



 - 2 Years Ago -


Nakita kong naglalampungan si Carlo kasama ang kaniyang kasintahan nilapitan ko sila at tinukso-tukso.


"Oy! Ang sweet niyo ah, nilalanggam na ako! Haha" Napatawa nalang ako sa kanila.



Ipinakilala sakin ni Carlo ang kaniyang kasintahan at Rechell ang pangalan nito. Ngunit ilang buwan ang lumipas niloko ni Carlo si Rechell at sabi pa nito na nabuntis daw si Rechell, di ako naniniwala! Gusto ko na si Rechell, kung totoo man ang sinasabi nila ako ang tatayo bilang ama sa dinadala niya. Naging kami ni Rechell kinalaunan ngunit namatay din siya dahil tinorture siya rito.


 Sa mismong room na'to at sinunog ito upang hindi siya makaligtas, hinanap ko si Rechell noon pero huli na ang lahat ng lumiyab ang apoy sa silid-aralan at lumipas ang ilang oras tuluyan itong naging abo. Pinarenovate ito ng aming punong-guro at kinalimutan nalang daw ang nakaraan.



- End Of Flashback -



 "Rechell!"



Mrs.Lee's POV


"Rechell!" sigaw na sabi ni Dave.


 "Ang alin?" tugon naming lahat


 "Rechell!, Rechell ang sagot!" Ilalagay ko na sana ang mga letra sa kahon, pero huli na ang lahat, naririnig kong nagtilian ang mga estudyante ng tuluyang bumaon sa leeg ni Carlo ang mga matutulis na bakal.


 "Students! Wag kayong lalayo sa isa't-isa! Huminahon lang kayo, hahanapin naman ang lintik na may pakana ng lahat na ito." Sabi ko sa kanila para kahit konti mabawasan ang pagkatakot nila.




Kim's POV
 


Kung si Carlo ang unang namatay sino ang susunod? Napalingon kami sa may pintuan, biglang bumungad sa amin sina Philip at Nika.  


---



( A/N : Don't worry guys Ie-edit ko nalang bukas. Ayaw kasi mag leave ng spaces. Anyways, Thanks po sa pagsuporta :) )


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: