Chapter 12
Kim's POV
Pinalaya ako ng killer at mabilis akong tumakbo papalayo sa warehouse na iyon. Tumakbo ako ng tumakbo pero para bang ang layo ng lugar na ito sa amin. Masyadong masukal ang daanan at mahirap makalusot sa lugar na ito. Nakahanap ako ng isang bahay at nilapitan ko ito. Kumatok ako sa munti nilang bahay at may nagbukas ng pinto.
"Parang awa niyo na, tulungan niyo po ako." Pagmamakaawa ko sa Ale na kaharap ko.
"Oh Ineng, pasok ka. Bat ang dungis at masyado kang maraming pasa." Tiningnan niya ang aking mga braso at binti. Napapa-aray ako sa tuwing pipindutin niya ang mga pasa ko.
"Sandali lang, gagamutin natin yang mga pasa mo." Pumunta siya sa kusina at dahil sa masyado akong pakialamero tiningnan ko ang mga litrato na nasa itaas ang aparador. Kukunin ko na sana ang frame ng may umagaw nito.
"Wag na wag kang gagalaw ng mga gamit dito." Napalingon ako, napuyuko dahil namumula sa hiya. "A-ah , pasensya na." Paumanhin ko sa kaniya.
"Oh nagkita na pala kayo ngayon. Uhmm Ineng siya nga pala si Miguel, ang anak ko. At Miguel, anak siya naman si" Hindi ko na pinatapos si Manang at iniabot ko ang aking kamay kay Miguel, "Kim" Hinintay kong abutin niya ang aking kamay pero tumalikod lang ito at ibinalik ang frame sa tamang lalagyan.
"Upo ka muna ineng para magamot na natin yang mga pasa mo." Umupo ako sa kahoy na sofa nila at inayos ang aking sarili. Ibinabad ni manang ang tuwalya sa tubig na may yelo at idinampi ito sa aking mga pasa. Masarap ito sa pakiramdam at para talagang nawawala na yung kirot sa aking mga pasa.
"Pasensya kana sa anak ko ineng ha? Suplado talaga yun at hindi namamansin ng di kakilala kaya siya ganyan. Hayaan mo magkakaibigan din kayo sa tamang panahon." Muli niyang idinampi ang tuwalya sa aking mga pasa at bahagya akong napangiti.
"Ayos lang po yun manang." Sagot ko naman.
"Veronica nalang Kim." Pagsiwalat ni manang ng kaniyang pangalan.
"Ah, Kim okay lang ba sa iyo na iisa kayo ng kuwarto ni Miguel? Wala na kasing kuwarto rito pero wag kang mag-alala dalawang kama naman ang nandoon." Tumatango tango ako habang natutulala pa rin sa sinabi ni Nanay Ver. Iisang kuwarto? Kaya mo to Kim. Iniligpit na ni Nanay Ver ang mga gamit at pinuntahan namin ang kuwarto na tinutukoy sa akin ni Nanay Ver. Kumakatok siya at pinagbuksan siya ni Miguel. Nakakunot ang noo nito at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.
"Ah, anak pwede bang diyan muna hihiga si Kim sa kabilang kama? Nakakahiya kasi kung sa sofa natin siya papatulugin." Pagpapaliwanag ni Nanay Ver.
"Ah ayos lang po ako rito sa sala Nanay Ver."
"Hindi Kim diyan ka nalang sa kuwarto masyadong maraming lamok sa labas at baka kagatin ka ng mga iyon, ayos lang ba sa iyo anak?" Tanong niya sa kaniyang anak. Nakatingin pa rin ito sa akin na para bang sinusuri kung mapagkakatiwalaan ako.
"Ok" Malamig niyang sabi at humiga sa kama habang nagbabasa ng libro.
"Salamat po Nanay Ver." Pagpapasalamat ko rito at pumasok na rin sa kuwarto. Iniayos ko ang mga unan at nahiga sa kama.
"Hmm.. Ilang taon kana?" Pambasag kong tanong sa katahimikan.
"16" Napa-Ahh ako at napatango.
"Pareho pala tayo ng edad" Tumagilid ako ng higa na nakaharap sa kaniya. Tinititigan ko ang maamo niyang mukha. Biglang bumilis ang tibok ng aking puso ng bigla siyang nagsalita.
"Stop staring at me, alam kong guwapo ako." Itinuon ko ang aking atensyon sa kisame at napakagat labi. Ang tanga tanga mo Kim. Totoo naman sinabi niya eh. Masyado siyang guwapo kaya ako napapatitig sa kaniya. Nagtalukbong na lamang ako at nag-iisip kung ano ang maaari kong gawin para makauwi na ako sa amin. Pero ang mas iniisip ko ngayon ay ang sinabi ni Mariel bago ko siya napatay.
Paano kami naging magkapatid? Wala namang nabanggit si Daddy at Mommy tungkol sa kaniya eh. Oh baka, sinadya nilang hindi ito ipaalam sakin dahil isinawalang bahala na nila ito. Kailangan kong malaman ang lahat, ang bawat detalye kung paano kami naging magkapatid. Napahikab ako at tuluyan ng nakatulog dahil di ko na kayang pigilan ang antok.
Miguel's POV
Tiningnan ko siya at pilit tinatawag sa mahinang boses, pero walang kahit anong Bakit man lang ang aking narinig. Noon ko lamang nalaman na tulog na pala siya. Humiga na lamang ako sa kama at tinitignan ang mga butiki sa kisame. Napangiti ako dahil dito, unang una ko pa lamang kita kay Kim nabighani na ako sa taglay na kagandahan nito. Ang mga mapupula niyan labi, mga mata na nang-aakit, ang ilong niyang matangos at ang tainga niyang namumula kung nahihiya. Lahat ng katangian niya bilang isang babae ay ang gusto ko o ideal girlfriend kumbaga.
Pagkatapos kong titigan ang mga butiki at pagmumuni-muni sa katangian ni Kim ay natulog na ako ng mahimbing na may pormang ngiti na gumuhit sa aking labi.
-Kinaumagahan-
Napagising ako ng may yumugyog sa aking katawan, pagsasabihan ko na sana eto ng sa aking pagmulat ay para bang isang mapulang kamatis ang aking mukha ng tumambad sa akin ang mukha ni Kim. Kinuha ko ang unan sa aking tabi at ipinatong ito sa aking mukha upang maitago ang namumula kong mukha.
"Anong ginagawa mo rito?" Pagtatanong ko sa kaniya.
"Pinapagising ka ni Nanay Ver pero hindi ka niya raw magising dahil sa tulog mantika ka! Hahaha" Sagot niya habang tumatawa.
"Ah ganon ba. Oh sha alis na at babangon na ako. Aga aga mukha mo agad nakita ko. Baka malasin ako nito." Pagbibiro ko sa kaniya pero seryoso ang aking mukha sa pagsabi nito.
"Grabe ka naman, pasalamat ka nga magandang mukha bumungad sayo eh!" Inis na sabi nito at umalis na sa aking harapan. Napangiti ako at simula ng bumangon. Iniligpit ko ang aking higaan at lumabas ng bahay. Nagmumog at hilamos ako pero may naaninag akong anino ng isang pamilyar na tao.
Sa aking paglingon, mabilis itong tumakbo na pinagtaka ko. Binalewala ko na lamang ito at pumasok na sa bahay. Dumeretso ako sa kusina at nakita sila nanay na hinihintay ako para sabay kaming tatalo na kumain. Ngunit hindi mawala sa aking isip ang taong nakita ko kani-kanina lamang. Ano ang ginagawa niya rito? Nandito nanaman ba siya upang maghiganti? Sana mali ang mga nasa isip ko dahil hindi ko kayang mawala sa akin ang pinakamamahal kong Ina.
Camille's POV
Palabas na ako ng aming bahay ng may napansin akong tao sa tapat ng aming bahay, napangiti ako dahil sa nakita. Si Philip, binuksan ko ang gate at mabilis na niyakap siya.
"Woaaah. Di halata na miss na miss mo ako Babe ha." Pagbibiro niya. "Ikaw kasi ang tagal mong nawala!" Sabi ko sabay pout. "Para nga pala sayo babe. I Love you." Binigay niya sa akin ang isang boquet ng red roses at isang box ng tsokolate. Napangiti ako at dinampi ang aking labi sa kaniyang labi. "I Love you too." Sagot ko sabay ngiti. Kinuha niya ang aking bag at nagsimula na kaming maglakad papunta sa unibersidad namin. Inihatid niya ako sa Room ko at hinalikan ako bago siya umalis. "Oy ano yun Camille? Haha ang sweet niyo ah, inggit tuloy ako." Sabi ni Joseph sa akin. "Haha maghanap ka na kasi ng kasintahan mo! Malapit na Valentines oh." Sabi ko naman sa kaniya habang tinatapik ang kaniyang balikat. "Eh sa may naka una na sa taong gusto ko eh." Napasimangot siya ng dahil sa sinabi niya. "Tsk. Sayang, I know makakahanap ka pa ng mas mamahalin mo Joseph, maghintay ka lang." Huling sabi ko sa kaniya at umupo na sa aking upuan. Hinahanap ko si Kim pero hindi ko siya makita. Kinuha ko ang aking telepono sa aking bulsa at dinial ang numero ni Kim. Naka ilang ring ito ngunit walang sumasagot. Baka busy si Kim, mamaya ko na lang tatawagan. Nakinig na kami sa aming propesor at nagsimula sa munting pagsusulit na ibinigay niya. Sasagot na sana kami ng may narinig kaming napakalakas na sigaw na nanggaling sa labas. Agad kaming lumabas ng silid-aralan pero napahinto kami agad. Isang patay na babae ang bumungad sa aming paglabas, nagkalat ang mga parte ng katawan nito sa harapan ng aming silid na ikinaduwal ng iba naming kaklase at lalo na ang aming propesor. "Bieeeeeeen!!!" Isang malakas na sigaw ng isang babae na kakarating lamang sa aming unibersidad. Lahat ng tao ay napatulala at waring nawawala sa sarili ng dahil sa nangyari sa di naming kakilalang babae. Pero ang mas ipinagtaka ko ay ang sulat na nasa kamay nito. Nilapitan ko ang bangkay at kinuha ang papel na nasa kamay nito. Binuksan ko ang nakatuping papel at nagtaka kung bakit isang letra lamang ang nakasulat dito. "Letrang R" Ano ang ibig sabihin nito? Tumawag na lamang si Mrs.Lee ng pulis at ipinalinis ang bangkay sa tapat ng aming silid. Nagsibalikan lahat ng tao sa kani-kanilang silid-aralan at pinagpatuloy ang klase na parang walang nangyari. Pero binabagabag parin ako ng letrang ito. Ano ang gustong ipahiwatig ng taong gumawa nito? Napabuntong hininga na lamang ako at itinuon muli ang sarili sa pakikinig sa aming propesor. Bien's POV Kasalukuyan akong naglalakad sa hallway ng may tumawag ng aking pangalan. Napaka lalim ng boses nito at tiyak kikilabutan ka sa takot. Di ko na lamang ito pinansin at mabilis akong naglakad papunta sa silid pero huli na ang lahat ng may humila sa akin at nilagyan ng busal ang aking bibig. Pagkahila niya sa akin ay pinutol niya ang kaliwa kong kamay gamit ang itak. Napasigaw ako sa sakit ngunit balewala lamang ito dahil sa busal na nakatakip sa aking bibig. Nalaglag sa sahig ang aking kamay at pinilit kong tumayo at humingi ng tulong. Pero hinigit niya ang aking paa at doon nagsimula kung paano ako nawalan ng malay. Pagkagising ko isang ilaw ang nakatapat sa akin. Masyadong nakakasilaw ang ilaw na nakatapat sa akin, pero di ko na ito pinansin dahil nangunguna nanaman ang aking takot dahil pumasok siya sa silid na aming tinutuluyan at may dalang chainsaw na maaaring gagamitin niya upang patayin ako. Wala naman akong nagawang masama ah, bakit kailangan pang humantong sa ganito. Tinanggal niya ang busal sa aking bibig, sumigaw ako ng sumigaw pero tumawa lang siya at lumapit sa akin. "Kahit anong sigaw pa ang gawin mo Bien hindi yan tatalab." Kinuha niya ang chainsaw at sinimulan itong paandarin. Masyadong masakit sa tainga ang tunog nito at sumisigaw ako habang nagmamakaawa sa kaniya. Tuluyan ng tumulo ang luha sa aking mga mata at pinaubaya ko na lamang sa Panginoon ang aking buhay. Unknown's POV Impit siyang umiiyak ngunit di ako madadala niyan. Pinutol ko ang kaniyang kanang braso at tumalsik ang mga dugo nito. Napangiti ako ng dahil sa nangyari. Ang sunod ko namang pinutol ay ang hita niya na masyadong mataba. Ngumingitngit ang lagari sa kaniyang hita kaya mas diniinan ko ang pagputol nito. Muling dumanak ang mga dugo sa buong kuwarto. Di ako nakuntento at chinop chop ko ang kaniyang katawan. Pinutol ko ang kaniyang mga tainga, ang kaniyang mga daliri, tinanggal ko ang kaniyang mga mata at tinahi ang kaniyang mga labi. Napahalakhak ako sa aking ginagawa, ganito dapat maghiganti ang isang api. Inilagay ko ang mga parte ng katawan niya sa loob ng sako at inilagay ito sa tapat ng silid kung saan nag-aaral ang kaniyang bestfriend. Inilatag ko ang mga parte ng kaniyang katawan at naglagay ng papel sa kamay niya na may nakasulat na letrang R na sumisimbolong "Revenge is not yet done"
A/N : Sorry kung masyadong lame, super busy talaga eh. Pakiintindi :) Maraming Salamat.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top