Chapter 10
Dave's POVNabalitaan ko kaninang umaga lang na namatay na ang Mommy ni Camille. Nalungkot ako dahil babalik nanaman sa dati ang ugali ni Camille. Pumasok na ako sa unibersidad at madaling pumunta sa silid-aralan. Hinanap ko sina Kim at Nika pero nabigo ako, wala pa sila. Kinuha ko ang aking telepono at tinext si Nika. "Nasan kayo?" Naghintay akong may magreply pero wala akong natanggap. Umupo na lamang ako sa aking upuan at simulang tumitig sa kawalan. Nabigla ako ng may tumapik sa aking balikat. "Oy pre, musta?" Tanong ni Meg. "Ayos lang naman pre. Nakasagot ka ba sa asignatura na ibinigay ni Mrs.Lee?" Tanong ko naman sa kaniya. "Konti pre, mahirap kasi. Kung pwede nga lang bumalik sa high school eh." Sagot niya naman habang mahinang tumawa. "Sige doon muna ako sa upuan ko pre." Pamamaalam niya habang nakangiti. "Sige pre." Isinaksak ko na lamang ang earphones sa aking tainga. Ilang minuto ang lumipas, napatayo ako ng pumasok sina Kim at Nika. Nilapitan ko sila at kaagad na tinanong. "Saan kayo nanggaling?" "Pinuntahan namin si Camille, nakakaawa siya Dave. Puro laslas na ang kaniyang palad. Nababaliw na siya Dave! Tulungan mo siya." Paliwanag naman ni Kim sa mga pangyayari. Napanganga ako hindi maaari. Masyado pang bata si Camille at alam kong gusto niyang makapagtapos ng pag-aaral. "Diyan muna kayo, may pupuntahan lang ako." Di na ako nagpaliwanag pa at tumakbo ako ng mabilis para makapunta sa bahay nila Camille.Camille's POVPumunta ako sa kusina at kumuha ng kutsilyo, nilalaro ko ito at nag penpen de sarapen habang tumatawa. Pumikit ako at ginagalaw pa rin ang kutsilyo, tumawa lang ako ng natamaan ko ang aking index finger. Pumunta ako sa kuwarto ni Mommy habang dala pa rin ang kutsilyo. Ginawa kong dart ang dingding ng kuwarto ni mommy. Itinapon ko ang kutsilyo at, "Bullseye!!!!" Sambit ko habang tumalon talon. Kinuha ko ang kutsilyo at naglaslas. Masaya akong dumanak ang mga dugo na nanggaling sa aking palad. Ininom ko ang sarili kong dugo dahil patuloy pa rin ito sa pagtulo. May tumawag sa akin, napakapamilyar ng kaniyang boses. Bumaba ako at pinuntahan ang tumatawag. Si Dave lang pala, nilapitan ko siya at pinakita ang palad ko na tumutulo pa rin ang dugo. Bakas sa kaniyang mga mata ang pagkagulat, nilapitan ko siya at binulungan. "Ayaw niyo na sa akin nuh? Dahil baliw ako?" Napasimangot ako, alam kong nandidiri na sila sa akin. "H-hindi Camille. I-ikaw p-parin ang b-bestfriend namin." Sagot naman ni Dave. Napahalkhak ako, napakasinungaling. Hinugot ko ang kutsilyo sa aking likuran at itinutok ito sa kaniyang leeg. "Magbabayad kayong lahat!" umikot ako at sinuri ang kaniyang katawan. Hindi siya natatakot sa kutsilyo na nakatutok sa kaniyang leeg. Isa lang ibig sabihin nito. Nakaramdam ako ng panghihina "I-ikaw!" huling salita na nanggaling sa aking bibig at nawalan ako ng malay.Meg's POVKatabi ko ngayon si Ana Marie, kinukulit ko siya dahil gusto kong malaman ang kaniyang ipinapahiwatig, ang mga katagang. "Hindi pa tapos ang laro. Walang makakatakas at walang maiiwan. Maaaring may isang manalo. Ang kabutihan nga ba o ang kasamaan?" Nakakakilabot man pero curious pa rin ako. Anong laro kaya yun, sigurado akong masaya yun. Lalo na kapag kasama ko ang aking maylabs.Ana Marie's POVHinding hindi titigil ang may pasimuno nito, dahil sa oras na matigil ito lahat ng tao sa mundo ay mabubura, lahat ng may kasalanan ay dapat magbayad. Magbabayad ng buhay dahil ito lamang ang susi upang matapos ang larong ito. Ang malaman ang mga sikreto ng bawat isa. Papalapit na siya. Papalapit na.... Ang Kamatayan nating Lahat.Kylle's POVPapauwi na ako dahil pagod ako sa paglalaro ng basketball , si coach kasi pinapapraktis kami dahil malapit na ang championship. Special University laban sa Unibersidad namin. Tumataghoy taghoy ako habang naglalakad sa daan. Malapit ng mag gabi at umaambon na. May kumaway sa akin na naka hood at mask. Binalewala ko nalang ito dahil hindi ko naman yun kakilala baka may kilala siya na nasa likuran ko kaya siya kumaway. Alas sais na ng gabi at medyo madilim na sa may kanto namin. Binuksan ko na ang gate namin ng biglang tumunog ang aking telepono. Binasa ko ang mensahe na aking natanggap. "Wag kang matakot, kaibigan mo ako. Nasa tabi mo lang ako at binabantayan ka." Nangilabot ako sa mensaheng aking natanggap. Aba tarantado to, di niya ako matatakot hayop siya. Binura ko na lang ito at pumasok na sa loob ng bahay. Sinalubong ko sina Mom at Dad ng mano. Umakyat na ako sa itaas at hinubad ang aking suot na jersey. Naka shorts na lang ako at dumapa sa kama, nanood ako ng NBA habang kumakain ng hapunan. Biglang namatay ang Telebisyon, Aircon at ang ilaw. Wala akong maaninag na ilaw. Kinuha ko ang aking telepono at dagli dagling ini-on ang flashlight. Tumayo ako at itinapat ang ilaw sa may pintuan pero nakita ko nanaman siya. Tumakbo ako papunta sa banyo at isinara ang pintuan. Nakakatakot siya, nakatayo siya ng matuwid sa harap ng pintuan at may dala dalang kutsilyo. Tumahimik ako at itinapat ang ilaw sa may pintuan. Biglang may kumalampag ng pinto na nagpakaba sa akin. Binuksan ko ang bintana sa banyo at bahagyang tumingin sa pintuan, nabuksan na ito at papalapit na siya sa akin, tumalon ako sa ikalawang palapag at sa aking pagtalon, napalunok ako dahil sa sakit, alam kong kamatayan ko na. At handa na ako sa panahong ito.Unknown's POVLumapit ako sa kaniya pero tumalon siya galing sa bintana. Napahalakhak ako dahil natusok siya sa matutulis na bakal na inilagay ko kanina. Alam kong dito siya dadaan, at ito na ang katapusan niya. Itinapon ko ang kutsilyo sa kaniya at sapul ito sa kaniyang noo. Napatalon ako dahil sa aking nagawa. Kinuha ko ang aking kwaderno at inekisan ang pangalan ni Kylle. "Dapat ko itong madaliin maraming marami pa sila."Aling Merna's POVTinawag ko ang driver nila Kylle upang ayusin ang kuryente dahil bigla nalang itong namatay. "Aling Merna! Naka off po yung plangka kaya namatay lahat ng ilaw." Sabi ni Fred habang kumakamot sa kaniyang batok. "Ah sige. salamat Fred, pupuntahan ko muna ang alaga ko." Pamamaalam ko sa kaniya. "Sige po manang" Umakyat na ako at binuksan ang pintuan ng kuwarto ni Kylle, nabigla ako dahil sa mga nakakalat sa sahig, may basag na pinggan, tapos yung mga unan at bedsheet nagkalat. Nasan na kaya yung batang yun? Pumunta ako sa Banyo at nagulantang ako sa saking nakita, bat nabasag yung salamin? Sinilip ko ito at napanganga sa nakita. "K-kylleeeee!!!!!" Unknown's POVNapahalakhak ulit ako sa aking narinig, nalagyan ko na ng mga langis ang bawat sulok ng kanilang bahay, at tyempo naman dahil nasa loob silang lahat. Sinindihan ko ang posporo at tinapon ito sa bahay nila. Nagsimulang sumiklab ang apoy at naririnig ko naman ang kanilang paghihingi ng tulong. Tumakbo ako papalayo sa bahay na iyon at bumalik na sa warehouse. Nakita ko siyang nagpupumiglas sa lubid na nakatali sa kaniya. "Tsk. Tsk. Nakakaawa ka naman Boy." Kinuha ko ang bakal at ulit na pinainit ito, itinapat ko sa kaniyang dibdib ang mainit na bakal na dahilan ng pagtili niya. "Hahahaha bawat galos sa iyong katawan ay dahil sa mga namamatay. Kaya kung ako sayo? Magdasal ka nalang na hindi ko sila mapapatay. Bwahahahaha!" Huling halakhak ko at umalis na sa lugar na iyon.Dave's POVKakauwi ko lang at dumeretcho sa kuwarto upang magpahinga. Ini-on ko ang telebisyon upang manood ng balita. Pero may isang balita ang nakuha ng aking atensyon."Isang bahay, nasunog. Patay ang Limang tao na nasa loob ng bahay na sina. Kylle, Maricar, Henry, Merna at Fred. Sa karagdagang impormasyon at tawagan o itext niyo kami sa numerong nasa TV screen." Napabuntong hininga na lamang ako. Patay na si Kylle. Naghubad ako ng damit at pumasok sa loob ng banyo, ini-on ko ang shower at nilasap na lamang ang tubig na pumapatak galing sa shower. Pagkatapos kong maligo, kinuha ko ang aking tuwalya at pinunsan ang aking katawan, lumabas na ako sa banyo at humiga agad sa kama. "Sana matapos na ang lahat ng ito. Pagod na ako, pagod na pagod na ako."
A/N: Bakit Daniel High ? Sa malayong chapter pa malalaman pero may connection yung College school sa High school. Keke masyadong nakakalito HAHAHA.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top