Chapter 1


Nika's POV





Nakakabagot ng maghintay sa aking mga kaklase. Napagpasiyahan kong lumabas muna at magliwaliw sa buong campus. Ang sosyal ng paaralang ito dahil sa mga nakasabit na Flat Screen TV sa labas ng mga silid-aralan at may sampung announcement bell. Nagulat ako dahil biglang tumunog ito at may nagsasalitang tao.





 "Magandang umaga mga estudyante rito sa Daniel High, sana masagutan niyo lahat ng mga katanungan na ibibigay sa inyo ng mga guto niyo upang malaman kung sino ang mga magagaling sa paaralang ito. At kung sino man ang benteng mag-aaral na iyon ay babalik bukas para sa libreng scholarship na galing sa mga matataas na unibersidad. Nawa'y ibahagi niyo na lamang sa ibang kaklase niyo ang aking inanunsiyo. Maraming Salamat!" Bumalik na lamang ako sa silid-aralan dahil hindi ko pa napag-aralan ang ibang leksyon.






 Sa aking pagrereview may biglang kumalabit sa aking braso, bigla akong napalingon at nasampal ko ang kaniyang kamay. Bigla siyang napa-aray dahil sa lakas ng pagkasampal ko nito.





 "Abugh! Ang sakit non ah! Pasalamat ka besh kita hahaha!" Pagmamaktol ni Dave sa akin. 





"Kasalanan ko bang nagulat mo ko? Tss. oh nakapagreview ka na ba sa mga topic natin para sa pagsusulit mamaya?" Tanong ko sa kanya habang nakatuon pa rin ang pansin ko sa librong binabasa ko.






 "Kilala mo na ako Nika! Malamang hindi, bahala na kung hindi makapasa. Wala talaga akong kinabukasan sa mga pagsusulit na iyan." Bigla akong napatawa sa kaniyang sinabi. 






"Oh bat ka tumatawa?" Tanong ni Dave sakin habang nakapanghalumbaba sa kaniyang mesa. 






"Tungeks!! Eh yan naman parating sinasabi mo pag may pagsusulit eh! Magbago kana Dave 2016 na." Pagpapaliwanag ko sa kaniya habang tumatawa pa rin. 






"Eh sa wala akong ibang maisip na isasabi eh.
" Pangangatwiran niya habang nakakunot ang kaniyang mga noo. Natahimik kami ni Dave dahil may inanunsiyo nanaman ang tagapagsalita. 






"Magandang umaga ulit mga estudyante ng Daniel High, Kailangan namin ang inyong partisipasiyon. Paparating na ang inyong mga guro upang ibigay sa inyo ang pagsusulit. Yun lamang at maraming salamat." Itinago ko na ang aking mga libro sa bag at nakinig sa panuto ng guro. Ibinigay na ng aming guro ang pagsusulit na aming sasagutan. Ilang minuto ang lumipas nagulat kami sa sigaw ni Clair.





Clair's POV





Nang ibinigay na ng aming guro ang pagsusulit, di ako mapakali dahil parang nandito siya, nararamdaman ko na andito lang siya sa paligid. Di ko na lang ito inisip pa at sinagutan ko na ang mga katanungan. Habang ako'y nagsasagot sa pagsusulit, biglang may pumapatak na dugo sa aking papel. Unti-unti kong tiningnan ang kisame at puro dugo ang nakikita ko. Bigla akong napatingin sa aking papel at dagli-dagli akong lumayo rito, nahulog ako sa upuan dahil nakita ko siya. Nakita ko siya sa aking papel.




 "Are you okay Ms. Clair?" Kahit narinig ko ang tanong ni Ma'am Lee impit akong napasigaw at nagtakip ng tainga.





"A-aayoko n-na! L-la-layuan mo-ko!" Pumipiglas ako dahil maraming kamay ang nakahawak sa braso ko.






Kim's POV 





Nataranta ako dahil biglang nahulog si Clair sa kaniyang inuupuan. Nilapitan ko siya at hinawakan ang kaniyang braso. Pilit siyang pumipiglas, ang lakas niya, pilit ko pa rin siyang hinahawakan sa braso. 






"Clair, stop it! Ano bang nangyayari sayo?" Tanong ko sa kaniya dahil kinikilabutan na ako.




"S-sa p-pap-el! A-a-and-un s-siya!" Tinuturo niya ang kaniyang papel, dali-dali akong lumapit sa tinuturo niyang papel habang si Clair naman ay inaalalayan ng aking mga kaklase at ni Ma'am. Biglang kumunot ang aking noo. Jinojoke time ata kami nitong si Clair.





"Wala naman eh!" Pinakita ko sa kanila ang papel na sinasagutan ni Clair. Baliw talaga tong babaeng to.






Camille's POV




Nang go-good time nanaman ata ang baliw. Mabilis akong nakasagot sa mga katanungan dahil alam ko naman ang mga sagot nito. Tita ko lang naman ang guro namin ngayon. Ibinigay niya sa akin ang mga sagot upang makapasa sa pagsusulit na ito. Grabeng pagsusulit to hanggang dalawampung tanong lang ngunit ang hihirap ng mga sagot. Nahihiya kasi ako dahil ako lang ang hindi makakapasa sa aming magbabarkada.





 Si Nika, siya ang Top 1 sa aming klase, maganda, maputi at lapitin ng mga lalake.





 Si Kim naman Top 5 sa aming klase, maputi rin, mabait at napakamatulungin. At may poot din akong nararamdaman sa kaniya dahil gusto niya ang gusto ko.





 At ang panghuli naman ay si Dave, mabait din Top 18 sa klase at tamad mag-aral pero sa kalagayan niyang yan nakakapasa pa rin siya sa mga pagsusulit.





Tapos na kaming lahat sagutan ang pagsusulit, sabi ng aming guro pwede na naming gawin ang mga gusto namin at babalik mamayang tanghalian para sa resulta ng pagsusulit.






Dave's POV




-> After 2 Hours <-



Nagsitakbuhan ang mga mag-aaral dahil nasa flat screen TV's na ang resulta ng pagsusulit.
          





Rank 1 : Nika
2 : Camille
3: Justine
4: Kim
5 : Kristine
6 : Carlo
7 : Kyle
8 : Charlize
9 : Sharless
10 : Elton
11 : Abby
12 : Dave
13 : Julius
14 : Lyca
15 : Crystal
16 : Philip
17 : Melody
18 : Francis
19 : Raul

20 : Clair





Pagkatapos ipakita ang mga Rankings inanunsyo ng tagapagsalita na ang benteng nakapasok ay babalik bukas para sa Special Exam bukas na tiyak mas mahirap pa sa pagsusulit ngayon. Ang tanging hiling ko lang ay masagutan namin itong lahat.






----






(A/N : Sorry sa mga Typo at mga spaces, Yung watty kasi ayaw mag leave ng spaces kainis. Edit ko nalang sa susunod na araw :) Maraming salamat! )










Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: