Crown ♛ 5

LOSING YOU

IYON ang inisip niya hanggang sa dumating ang graduation nila.

"Congratulations!" bati sa kanya ng mga kaklase niya. Siya kasi ang Class Valedictorian ng batch nila. Kaya kahit na medyo malungkot siya kasi hindi niya kasama ang isang taong pinakamalapit sa puso niya ay masaya pa rin siya dahil sa ngiting nasa mukha ng nanay at tatay niya sa araw na iyon.

"Naku, halika anak. Pa-picture tayo. Sayang ang medalya mo kung hindi natin iyan maipapakita sa mga apo ko," proud na proud na sabi ng nanay niya habang nagpo-pose ito sa kaharap nilang camera.

"Ngumiti ka, Lauro. Ayaw kong makita ito ng mga apo ko na nakasimangot ka," dagdag ulit ng nanay niya.

"Nay, ano bang apo iyang sinasabi ninyo? Highschool lang po ang natapos ko," sabi niya nang matapos sila kuhanan ng litrato.

"Aba, eh hindi mo alam ang mangyayari sa hinaharap, anak. Mamaya, bukas, makalawa, may umaakyat na ng ligaw sayo at ayain ka ng pakasal."

"Ito talagang si nanay, napakalawak ng imagination. Maging writer ka na lang kaya," natatawang sabi niya sabay yakap sa tatay niya na nakatayo sa gilid niya.

"Congrats, anak. Hindi mo pa rin kami binigo ng nanay mo kahit na medyo nagkulang kami sa pag-aaral mo," seryosong sabi ng tatay niya sa kanya at binigyan siya ng halik sa ulo.

"Tay, bakit ang drama ninyo ngayon? Para naman kayong tinanggal sa trabaho eh," biro niya.

Pero hindi natawa ang tatay niya. Bagkus ay malungkot na tumingin ito sa nanay niya. Pero agad din iyong nawala kasi tumawa na lang ito at kinurot ang tungki ng ilong niya. "Ikaw talaga anak. Masama ba kung magdrama ang tatay mo ngayong araw na 'to?"

For a while, Louraine felt happy until a man wearing a black suit appeared in front of her. May cord na naka-connect sa tenga nito at nakasalamin din ito ng itim. Pare-pareho silang natigilan at napatitig sa lalaking bagong dating.

"Kayo po ba si Miss Louraine Samantha Allegra?" diretsong tanong nito sa kanya. She nodded mutely. "Sumama po kayo samin sandali." At kaagad ding tumalikod na para bang wala na siyang ibang choice kundi ang sumama rito.

"Sandali lang po ako, nay, 'tay," paalam niya sa mga magulang niya na halatang nag-aalala at nagtataka. "Babalik din po ako."

Tumango lang ang nanay niya habang ang tatay niya ay nakatiim-bagang.

Umalis na siya at sinundan ang lalaki. May pakiramdam kasi siya na isa ito sa mga bodyguard nina Duke kaya hindi na siya nagdalawang isip na sundan ito. At imbis kasi na matakot siya sa malaking lalaking iyon, mas nauna pa niyang naramdaman ang saya na sa wakas ay makikita na rin niya si Duke... na hindi siya nito kinalimutan. Duke still loves her. At nagpunta ito roon para makita siya.

Kaya kahit siguro isang gorilla ang sumundo sa kanya, sasama pa rin siya. Basta makita lang niya si Duke.Tumigil sa paglalakad si Louraine nang makita niyang may isang itim na kotseng nakaparada sa 'di kalayuan. Maya-maya ay may isang lalaki ang bumaba mula roon at nakunot ang noo niya dahil hindi iyon si Duke.

Nasaan ito?

Lumapit ito sa kanya. "Miss Allegra," he acknowledged and put out a hand. "Ako si Philip, ang secretary ni Sir Duke."

Matagal bago iyon inabot ni Louarine. Ramdam na ramdam niya ang paggapang ng mumunting kaba sa tiyan niya na unti-unting tumutupok sa buong katawan niya.

Bakit ang lalaking ito ang nandito? Bakit hindi si Duke?

"Pinapunta niya ako rito para ibigay sayo ito ng personal," sagot nito sa iniisip niya.

Hindi niya tinanggap o tiningnan man lang ang hawak nito. "Nasan siya? Bakit hindi siya ang nagpunta rito para siya mismo ang magbigay niyan sakin?" Kung saan pa siya kumuha ng lakas para itanong iyon ay hindi niya alam.

"Marami pong inaasikaso si Sir Duke ngayon. At humihingi siya ng paumanhin na hindi siya ang narito ngayon para kausapin kayo," the man answered still wearing his poker face.

Gustong gusto niyang kalmutin iyon para lang mailabas niya ang galit at ang sobrang sakit na nagpapasikip ng dibdib niya. Kaya lang marami ang tao sa paligid nila.

Naikuyom na lang niya ang sariling mga kamay. Sobrang busy ni Duke na kahit ang ibigay iyon sa kanya ay hindi nito maisingit sa schedula nito? Ganon na lang ba ito sa kanya, hindi importante at binabalewala?

Hindi na namalayan ni Louraine na inabot na pala ni Philip ang nakakuyom niyang kamay para ibinigay sa kanya ang bagay na gustong ibigay sa kanya ni Duke. "Nagbilin siyang sabihin sayo na huwag niyo na raw siyang hintayin. At kalimutan niyo na lang siya. Dahil hindi na siya babalik rito sa Pilipinas."

Napa-atars siya nang wala sa sarili. Pakiramdam niya'y umalog ang mundo.

Umalis? Hindi na siya babalik?

"Kelan.. kelan pa siya umalis?" mahinang tanong niya rito habang tulala pa.

"He flew to Canada four months ago."

Nanikip lalo ang dibdib niya. Parang ang hirap para sa kanya ang huminga.

Canada. Four months ago? Kung ganon...

Kaya pala hindi na nagpakita si Duke sa kanya pagkatapos ng birthday niya kasi wala na ito sa bansa. He already left her when he told her to trust him... that's why he couldn't give the ring to her himself.

Para saan pa ang paghihintay niya? Para saan pa ang pangako nito? Paano sila?


"TALAGA bang hindi ka sasama sa amin pauwi ng probinsiya?" tanong ulit ng nanay niya nang pumasok ito sa kuwarto niya. Ngayon ang araw na uuwi na sila sa probinsiya.

Nalaman niyang kasali ang tatay niya sa mga natanggal sa trabaho noong nagkaroon ng problema ang Stanfield Empire. Iyon pala ang pinoproblema ng tatay niya noong mga nakaraang buwan na hindi masabi-sabi sa kanya ng mga magulang niya. Kaya pala nangayayat na ang tatay niya kasi buong araw itong naglalakad sa paghahanap ng trabaho.

At ngayong wala na itong trabaho, wala na ring dahilan para tumira sila sa bahay nila sa siyudad. Isa pa, babalik na lang ulit daw ito sa trabaho nito sa bukid. At least daw doon, may malalanghap silang preskong hangin.

Napag-alaman din ni Louraine na nagkakaroon ng pagwewelga ang mga tao sa harap ng building at bahay ni Stanfield Steele, ang daddy ni Duke, dahil sa dami ng trabahanteng tinanggal nito sa trabaho na ngayon ay pare-parehong nagkakaproblema dahil hindi daw nila natatanggap ang kabuuan ng ipinangakong suweldo sa kanila. It was all over the news.

It has been going for months at hindi man lang iyon alam ni Louraine. Masyado siyang nalunod sa sarili niyang kaligayahan na pati si Duke ay hindi na niya nabibigyang pansin. Hindi niya napansin na nagkakaproblema na pala ito sa sariling negosyo ng mga magulang nito.

"Nak?" Bumalik ang tingin niya sa nanay niya na kanina pa siya hinihintay.

Umiling siya. "Hindi po muna ako sasama, nay. Susunod na lang po ako." Marami pa kasi siyang hindi nababalot na gamit.

Tumango ang nanay niya saka hinalikan siya sa ulo. "Sumunod ka na lang kapag tapos ka na."

Hindi niya alam pero parang may pumiga sa puso niya habang binibitawan ng nanay niya ang kamay niya. Instinctively, she gripped her mother's hand. Kumunot pa ang noo ng nanay niya sa ginawa niya.

"I love you, nay," sabi niya.

Napangiti ang nanay niya sa sinabi niya. "Mahal na mahal ka din namin ng tatay mo. At napakasuwerte namin dahil ikaw ang binigay sa amin ng Diyos."

Pagkaalis ng mga magulang niya ay ipinagpatuloy niya ang pagbabalot ng gamit niya.

Nasa kalagitnaan na siya ng pag-aayos nang mapansin niya ang papel na itinabi niya pagkatapos ng graduation. Iyon iyong sulat na ibinigay sa kanya ng sekretarya ni Duke. Isang linggo nang nakalagay iyon doon.

Hindi na niya iyon binuksan simula noong dumating siya ng bahay pagkatapos ng graduation. Nandoon lang iyon sa gilid ng kuwarto niya. Plano sana niyang ibasura iyon... kaya lang hindi niya magawa.

Tumayo siya para kunin iyon.

Hindi masasagot ang mga tanong sa utak niya kung hindi niya babasahin ang sulat na iyon, kung iiwan lang niya iyon sa tabi. Isa pa, iyon ang huling bagay na matatanggap niya galing kay Duke.

Huminga pa muna siya ng ilang beses bago niya iyon binuksan.

Muntik pa siyang mapahikbi nang makita niya ang napakapangit na sulat kamay ni Duke. Ngayon kasing may nakita siyang bakas nito, mas lalo lang niyang na-realize kung gaano niya namimiss ito. At kung gaano siya nasasaktan ngayong iniwan na siya nito.

Louraine,

Today is your big day. Graduate ka na. Congratulations. I wish I was there in that one important day of your life. But I can't.

I know you want to ask me a lot of questions. And I'm sorry I'm not there to answer them. Pero siguro sa paglipas ng panahon, magagawa kong sagutin lahat pero hindi pa sa ngayon.

I'm sorry. Iyon lang ang masasabi ko sayo. Siguro habang binabasa mo 'to, nasa ibang bansa na ako. Malayo sayo.

Louraine, you're the happiest thing that happened to me. I wanted you to know that. Sana paniwalaan mo iyon. But there are things that are not meant to stay forever. May mga bagay na kailangan mong isakripisyo at bitawan alang-alang sa ikabubuti ng iba.

And in this case, I had to sacrifice things that are dear to me to save people who needed my help.

I'm sorry, I had to leave you.

I won't ask you to wait for me. I won't ask you to keep everything. Ang gusto ko lang hilingin sayo ay ang kalimutan mo ako at magpatuloy ka sa buhay. Reach your dream, live your life to the fullest... even without me. Sabi mo nga, mga bata pa tayo. Hindi natin alam ang mangyayari sa hinaharap. You're still young and you have a bright future ahead of you. I know that.

Magkaiba na tayo ng buhay na tatahakin ngayon. And sooner or later... I will forget about you too.

So forget everything about me. Don't waste your time pining for me. Find someone who could replace me. Because I don't know if I will ever come back to you again.

Duke.

Isang patak ng luha ang pumatak sa sulat bago niya iyon ibinaba.

Wala na. Umalis na si Duke. Iniwan na siya nito. He said he sacrificed her for others. Hindi ba siya kasing halaga ng mga taong iyon? Why did he have to leave her behind? Bakit siya ang iniwan nito?

Ganoon ba iyon kadali para rito na kalimutan siya? Kasi hindi niya alam kung magagawa pa niyang kalimutan ito.

Didn't he love her enough? Ang mga araw, taon na pinagsamahan nila? Hindi ba sapat iyon para hindi siya iwan nito?

His promise... did he forget about that too?

Didn't he ask her not to break up with him? Bakit ito ngayon ang nang-iwan?

Paano na siya?

Narinig niyang tumunog ang telepono ng bahay nila. She felt so weak she couldn't move. Pero nakakailang ulit na ng ring ang telepono at ayaw pa rin iyon tumigil kaya kahit na hapong-hapo at nanghihina siya ay pinilit pa rin niyang abutin iyon.

"Hello?" mahinang usal niya sabay punas ng luha.

"Ikaw ba si Louraine?!" nakasigaw na tanong ng isang babae.

"O-oho. Ako nga ho. Sino po sila?" Bakit parang ang ingay ng paligid.

"Naku, hija! Ang mga magulang mo, sinugod sa hospital! Na-aksidente!"

Malakas na singhap ang napakawalan ni Louraine at dumulas na lang ang telepono mula sa kamay niya nang marinig niya ang masamang balitang iyon. Hindi na siya nag-abalang magsuot ng sapatos, lumabas na siya kaagad ng bahay at lakad-takbo siyang nagpagala-gala sa labas ng bahay nila para lang makahanap ng masasakyan.

Sobrang panalangin at pagdarasal ang ginawa niya habang tinutunton ng taxing nasakyan niya ang daan papuntang hospital. All she could think about now was her parents. Sila na lang ang karamay niya sa mundo. Sila na lang ang natitirang pamilya niya. She would need their strength and their love to move on and to heal her wound now that Duke let her down... now that the man who owned her heart abandoned her.

At hindi niya alam kung ano ang gaagwin niya kapag pati sila ay mawawala sa kanya.

HUMAHANGOS na dumating si Louraine sa hospital nang araw na iyon. And she could vividly remember how the doctor tried to save her father from heart attack. She could remember the blood that covered her mother's body... and how she opened her eyes one last time just to see her safe and alive.

Naaalala pa niya kung papaano nawasak at nadurog ang puso niya, ang pangarap niya, ang buhay niya sa mismong harapan niya habang nakikita mismo ng dalawang mata niya ang pagkawala ng nanay at tatay niya.

That day, she felt so lost. Ni wala siyang magawa habang isa-isang nawawala sa kanya ang mga mahal niya sa buhay. Mag-isa na lang siya.

They all left her alone. Cold. And scared.

That day was the day she lost her heart. At napalitan iyon ng isang matigas na yelo na bumalot sa buong katawan niya, numbing her and leaving her cold.

That day was the day she withered and died.


Present...


Louraine squeezed her eyes shut as she tried to shove those memories down to the deepest, darkest recesses of her mind―where it belongs. To the past. Her history. She shouldn't dwell on it. Everything that reminds her of him... of the pain, she had got rid of it.

Isa pa, matagal na niyang tanggap na hindi siya importante sa taong iyon. So why would she treat him favorably when he unfortunately didn't consider her feelings before he left her?

Muli na naman siyang napabuntong-hininga. Bakit ba siya laging bumabalik sa nakaraan?

Itinutok na lamang niya ang mga mata niya sa mga taong nakatunghay sa kanya. She didn't know these people. She never even met half of these people personally. Lahat sila ay estranghero sa kanya.

But that was one of the prices she paid for accepting this kind of life. Kahit na hindi siya sanay na laging alam ng mga tao ang bawat galaw niya, kahit na hindi siya lumaki sa marangyang buhay katulad ngayon ay kailangan niyang sanayin ang sarili dahil simula ngayon, siya na ang magdadala ng pangalan ng mga Allegra.

Nang matunton siya ng Tita Georgina niya anim na taon na ang nakakalipas, she doesn't even know how to wear high heel shoes. Ni hindi siya matukoy kung alin ang mamahalin at ang peke. Bata pa siya noon―walang alam kaya madaling maloko.

But things have changed.

Dahil sa tita niya, nakapag-aral siya ng college. She was so devastated when her parents died. She was so lost she didn't know how to pick things up. She was withdrawn for months. Wala siyang kinausap at hindi siya umiyak. She never shed a single tear after their funeral. Hanggang ngayon. Para sa kanya, doon na naubos ang luha niya.

Pero magpagayon pa man, hindi sumuko ang tita niya sa kanya. She helped her to get through that rough phase of her life. Tinulungan siya nitong bumangon. Binigyan siya nito ng bagong pamilya. She opened a new door for her when she needed it most.

Kaya kahit na alam niya ang gagampanan niyang pagkatao oras na tanggapin niya ang alok nito, hindi siya nag-dalawang-isip na kumapit sa kamay nito.

Now, she devoted her life in helping her aunt. Iyon ang misyon niya sa buhay. Iyon ang tungkuling kailangan niyang gampanan. Dahil para sa kanya, matagal ng nagtapos ang kuwento ng buhay niya bilang isang Louraine na may mapagmahal na magulang... ang Louraine na iniwan ng isang lalaking minamahal.

Pinag-aral siya nito sa Milan para maging isang Jewelry designer. Alam niyang kailangan siya ng tita nito para sa kompanya kaya siya na ang nag-bulontaryo na mag-aral sa ibang bansa. She needed to learn about the jewelry business, kaya doon siya nagsimula. After three years of studies, namasukan siya bilang isang Jewelry designer exclusively in one of the most renowned Jewel Incorporation in Milan for two years. At doon nahasa ang galing niya at ang talento niya.

Hindi sana siya uuwi ng Pilipinas dahil magkakaroon pa siya ng isang exhibit―ang winter collection na matagal na niyang inidisenyo pero nabalitaan niyang nagkasakit ang tita niya kaya kinailangan niyang isuko ang pangarap niyang iyon.

Pero pagdating niya, agad na ibinalit sa kanya ng tita niya na nanganganib ang kompanyang ipinundar at itinayo ng mahal nitong asawa. At dahil matanda na ito, hindi na nito kayang pangalagaan at protektahan ang kompanya.

So her aunt needed her to fulfill that―protect the jewelry business for her.

Pero hindi niya inasahan ang sunod na sinabi nito.

Georgina needed an heir to protect it... not an heiress. And so she discreetly arranged for a fixed marriage between her and to her husband's good friend's son. Sa madaling salita, kailangan niyang magpakasal para lang maprotektahan niya ang pinakaiingatang kayamanan ng tita niya na iniwan ng asawa nito sa kanya.

That was why she was standing here in front of these crowd of strangers. Tonight was her introduction to the society and at the same time her formal engagement to a man she never set an eye on.

Naramdaman ni Louraine na may gumagap sa kamay niya. Noon lang niya napansing katabi na pala niya ang tita niya. "Smile, hija. It would be a shame if you would waste that lovely dress scowling." bulong nito sa kanya habang nakangiti sa mga tao.

Her aunt was already in her forties pero mukha pa rin itong tatlumpu sa hitsura nito. She had a very erect posture, graceful body movements that added to her air of elegance. Hindi rin ito tabain. Infact, she still have her curves in the right places. With her lavender long gown that fell grandly beneath her feet, adorned only with a simple diamond earring dangling from her ears, she looked more royal and majestic. Georgina had it all, but for one.

The fact that she couldn't bare a child.

At hindi niya maiwasang hindi malungkot para rito. Dahil bukod sa kanya ay mag-isa rin ito. Her husband left her. At wala rin itong anak. Pareho lang silang mag-isa sa mundo.

Tumingin ang tita niya sa kanya. "You look beautiful, hija," sabay hawak sa psingi niya. "Don't spoil it this evening by looking so frozen. You will earn yourself a title by the end of this evening if you keep that look on your face."

Sinubukan ni Louraine na ngumiti. "I'm sorry, tita. Kinakabahan lang po ako," she said when the truth was she wasn't even shaking from anxiety. Hindi lang talaga niya magawang ngumiti dahil nakalimutan na niya kung paanong ngumiti.

"You make me proud hija," wika ng tita niya. "Kung buhay pa siguro si Lauro, alam kong ganoon din ito."

She just blinked her eyes to wash away that tiny pin pricking her at the mention of her father's name.

Ginagap nito ang isang kamay niya. "You don't know how grateful I am that you are doing this for the company. I know it was a tough decision for you..."

Hinawakan ni Louraine ito sa braso para pigilan ito sa sasabihin nito. "You know why I was doing this, Tita." She owed her. And she should pay her back. "Hindi mo ako pinilit. It was my decision."

Napabuntong hininga na lamang ang tita niya habang nakatitig sa walang emosyon niyang mga mata.

"Excuse me." sabay sila ng tita niyang napatingin sa lalaking lumapit sa kanilang dalawa. "Good evening, Madame Allegra," bati nito sa tita niya at saka ito tumingin sakanya. "And to the beautiful heiress." Nagulat pa si Louraine nang abutin pa nito ang kamay niya at kinintalan iyon ng halik. Pero hindi siya nagpahalata.

"Louraine, siya si Marco Polo Agnus. Panganay na anak ni Paulo Agnus, isa sa mga major stock holder ng kompanya," pagpapakilala ni Georgina sa lalaki.

Louraine knew the guy. Siyempre, pinag-aralan niyang mabuti ang lahat ng mga taong may kaugnayan sa kompanya. And she knew that she was facing one of the stinky rats digging holes under her aunt's company.

"Magandang gabi," walang kangiti-ngiting sabi niya sabay bawi sa kamay niya.

Pero mukhang hindi man lang ito na-offend sa ginawa niya. Nakangiti pa rin itong nakipag-usap sa kanila ng tita niya.

"Behave, young man," nakangiting saway rito ng tita niya. "My niece is already betrothed and tonight is the formal announcement of their engagement. So don't do anything that would jeopardize this evening." Kilala kasing palikero ang Marco Polo na ito.

And he's that confident to think that Louraine would actually fall for his charm and eventually to his bed.

Her lips curled from disgust. "Excuse me, tita. I need the loo." Tumalikod na siya habang hila-hila ang mahabang tela ng damit niya. Sa tingin niya'y hindi niya matatagalan ang mga ganoong klaseng tao. Kaya mas mabuting siya na lang ang umiwas, bago pa siya ma-blotter sa front page ng bawat news column bukas.

Doon lang nagtago si Louraine sa loob isa sa mga cubicle ng CR. Kaya hindi nakaligtas sa pandinig niya ang mga usapan ng mga baabeng pumasok doon.

"Napaka-arte. So what kung siya ang nag-iisang tagapagmana ng diyamante ng mga Allegra? She's not even the real daughter. Pero kung maka-asta, grabe!" litanya ng isang babae.

Nagpantig ang tenga ni Louraine. Pero hindi pa rin siya lumabas ng cubicle niya.

"Akala mo kung sinong mayaman. Pinulot lang naman siya ni Georgina sa probinsiya," saad naman ng isa pang boses.

"Check!" sang-ayon naman ng isa pa. Sa tantiya niya, nasa apat na bilang ang nasa loob ng banyo, kasali na siya. "But don't you think she's too lucky? Pati sa fiance naka-jackpot siya."

Louraine sighed. Pati fiance niya pinapakialaman.

"Hmp! I would bet my fortune na hindi papayag ang fiance niya sa na makasal sa kanya," sabi nung pangalawang nagsalita kanina.

"Why? You met her fiance?"

"I don't do idle guessing. I research."

"Kilala mo nga?!"

"He's not someone you would cross. He's dangerous. Balita ko galing pa siya―"

Lumabas ng cubicle si Louraine at nakita niya ang pagguhit ng gulat at guilt sa mukha ng tatlong babae nang makita siya. Naglakad lang si Louraine at pumuwesto siya sa gitna ng tatlo, paharap sa salamin. Medyo lumayo pa ang mga ito nang makalapit siya. Halatang umiilag.

Hindi sila nagsalita, ni hindi sila humihinga.

Nilabas ni Louraine ang lip gloss sa pouch niya at ipinahid iyon sa bibig niya. Alam niyang pinapanood lang siya ng tatlo.

"Angeline Dizon. Fiona Gomez. Janelle Herrera." Sabay-sabay na nanlaki ang mga mata ng tatlo nang bigkasin niya isa-isa ang mga pangalan ng mga ito. "I'll make sure to remember your names and pay your father a visit one day." and then she tried to smile but it came out a smirk. "Have a good night ladies."

Saka naglakad palabas, pero natigil siya dahil parang may nakalimutan pa siya. "Oh, and by the way, don't spoil my fantasy about my fiance." At nagtuloy-tuloy na siya sa labas ng banyo.

Naghanap na nga siya ng mapagtataguan, sinundan pa siya ng mga sungot na babaeng iyon.

She looked for her aunt in the crowded room. Gusto sana niyang sabihing magpapahinga muna siya sandali sa isa sa mga kuwarto sa itaas dahil mukhang matataglan pa bago magpakita sa kanya ang fiance niya ngayong gabi.

Agad naman niya itong nakita. Kaya lang ay hindi niya ito kaagad nilapitan dahil may kausap itong isang lalaki at mukhang seryosos ang pinag-uusapan ng mga ito. Her aunt looked disturbed. Ano kaya ang pinag-uusapan nila? Tungkol ba sa kompanya?

Tapos biglang lumingon nag tita niya diretso sa kanya. She looked worried when she saw her. At naramdaman ni Louraine na siya ang laman ng usapan ng dalawa, hindi ang kompanya.

Lumapit kaagad siya sa mga ito, and her aunt met her halfway when she saw her coming.

"May problema po ba, tita?" tanong niya kaagad rito.

She sighed softly. "Hindi daw makakarating dito ang fiance mo. He have a jet lag dahil lumipad pa ito galing ibang bansa. He wanted to have a good rest tonight. Is that alright?" nag-aalalang tanong nito sa kanya.

Napangiti si Louraine. Akala naman niya kung ano na. "It's okay, tita." It was more than okay, because there's nothing she wanted more right now than to retire early and rest.

Saka lang napakawalan ng tita niya ang isang malalim na hininga. "Are you sure?" Tumango lang siya. "Well, if that's the case, then we'll have to wrap this party up," sabi nito.

Pinigilan niya ito. "Hayaan niyo na pong mag-enjoy ang mga tao. They'll go once they have their fill," sabi niya.

"Okay," sang-ayon nito. "Oh, and by the way," pahabol nito nang tumalikod na siya para umalis. "He said he'll meet you tomorrow at breakfast," tukoy nito sa fiance niya.

Kumunot ang noo ni Louraine. "He's staying here?" Sa parehong hotel na tutuluyan niya ngayong gabi?

Ngumiti at tumango ang tita niya saka umalis na.

Tinanggal na niya ang sapatos niya na siyang papatay sa kanya dahil sa taas ng takong non, saka tinakbo pataas ang napakahabang hagdanan na binabaan niya kanina.

Bahala na kahit na may makakita sa kanya. Basta matutulog na siya ngayon dahil pagod na pagod siya. Sana lang magising siya ng maaga bukas. Hindi pa naman niya ugaling kumain ng breakfast.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top