Crown ♛ 4

WHY I CHOSE YOU


DUKE ARJUN Steele was here, in flesh.

Louraine's heart beat sped up at the sight of him.

Naka-three piece suit ito, at kaiba sa lahat ng mga lalaking naroon, siya lang ang naka-puti―which apparently made him look like a real prince. He looked ten times more handsome with his hair brushed up. Nahigit niya ang hininga nang mapansin ang mga mata nito. He was looking straight at her.

Her heart even did a triple flipflop. Ano ang ginagawa ni Duke dito? Didn't they break up already?

Hindi na siya nakagalaw hanggang sa nakalapit na ito sa kanya. His eyes was hypnotizing her, forcing her to stay still.

Without breaking eye contact, he offered her his hand. "Dance with me."

Kinuha na lang nito bigla ang kamay niya imbis na hintayin nitong abutin niya ito. Kaya wala na siyang nagawa kundi ang tumayo at magpatangay rito. Besides, she wouldn't do something that would cause her trouble. Ramdam niyang nasa kanilang dalawa ang mata ng lahat ng tao doon.

"Put your hand on my shoulder." Utos nito habang nilalagay nito ang isang kamay sa beywang niya at ang isa ay ginagap ang isang kamay niya.

"Anong ginagawa mo, Duke?" She asked behind her teeth, because she was trying hard to ignore the fact that Duke was practically touching her in an intimate way that no one ever did.

"Dancing with you." Nakangiting sagot nito, his eyes wee twinkling mischievously down at her.

Matangkad nga siya pero kailangan pa niyang tumingala para tingnan si Duke. "Ang ibig kong sabihin, ano ang ginagawa mo dito?"

"Kailangan pa bang itanong iyan? I'm here to take what's mine." nakangiting sagot nito ngunit nakikita ni Louraine sa mga mata nito na seryoso ito at siya ang tinutukoy nito sa huli nitong sinabi.

Hmp! Anong 'what's mine'?! "Break na tayo, remember?" mukhang nakalimutan na nito ang kasalanan nito sa kanya. Puwes, kung inaakala nito na patatawarin niya ito dahil lang sumulpot ito ngayon, nagkakamali ito.

Umigting ang bagang nito at nawala ang ngiti sa mukkha nito. "No, we're not." anas nito. "Ikaw lang ang nagsabi non, but it was never a dual agreement, Louraine."

"Kung ganon, bakit ngayon ka lang nagpakita sakin? Hindi ka man lang nagtext, hindi ka tumawag. Tapos ngayon sasabihin mong babawiin mo ang sayo? Wala kang babawiin, Duke."

He sighed and she could tell he was fighting for control. "You returned your phone, remember? And I don't have your telephone number."

Medyo napaisip doon si Louraine. Tama nga ito. Binalik na pala niya rito ang cellphone nong makipagbreak siya rito. Doon lang naman ito tumatawag at nagtetext palagi.

"Isa pa, I wanted to give you space. Ayokong makipag-usap sayo na galit ka sakin. We won't solve anything if you stayed angry." paliwanag pa nito. He looked genuinely sincere that she was already starting to believe him. Kaya lang, ayaw paawat ng pride niya. Sa tuwing naiisip niya ang eksenang natagpuan niya noong sinundan niya ito, at ang babaeng kasama nito... nawawala ang plano niyang patawarin ito. Nabubuhay ng parang natutulog na dragon ang galit at inis niya at natutupok ng apoy nito ang rasyonal na parte ng utak niya.

Pinilit niyang agawin ang kamay niya mula rito at sinubukang umalis. Ayaw na niyang makinig pa sa mga paliwanag nito. Pero mukhang walang plano si Duke na pakawalan siya. Bagkus ay hinigpitan pa nito ang kamay sa beywang niya, pulling her even more closer to him and making her aware how close they were standing to each other.

"Nananantsing ka na ha." sinamaan niya ito ng tingin at medyo lumayo ng kaunti, kahit na wala ding nangyari.

Ngumiti pa si Duke sa ginawa niya. "Did you like this dress?" biglang tanong nito.

Namilog ang mata niya sa tanong nito. "Sa-sayo to?" bulol pa niyang tanong.

Mas lalo pang lumapad ang ngiti ni Duke. "No. Not really. I just bought it for you."

Ano?! Bakit hindi niya alam iyon? Ang buong akala niya si Tristan ang bumili sa kanya non nung maabutan niya ang malaking kahon na nakalagay sa front porch ng bahay nila nong araw na niyaya siya ni Tristan. Hindi pala?!

"I couldn't really ask you to prom when you're angry at me. Tapos nalaman ko na wala ka ng planong pumunta. Kaya inutusan ko si Tristan na yayain ka." mas lalong kumunot ang noo ni Louraine sa mga naririnig niya. So plano lang pala ni Duke lahat iyon kaya bigla na lang siyang nilapitan ni Tristan?

"Yes, I can do anything I want. At hindi ako papayag na bigla ka na lang mawawala sa buhay ko." dagdag pa nito. Louraine tried not to roll her eyes. Napaka-possessive naman nito sa edad nito. Isa pa, ano nga ba ang aasahan niya sa isang tulad ni Duke? Of course, he could have anything he wanted.

Narinig niyang bumuntong hininga ito. "Listen, what you saw..." huminga ulit ito. Mukhang nahihirapan pa ito sa sasabihin nito. "Cassie was just helping me to find the right dress for you that day."

So, Cassie pala ang pangalan ng magandang babaeng iyon. "Sino si Cassie?" siguradong may gusto iyon kay Duke.

"She's my cousin."

Natigilan si Louraine. Cousin? Pinsan lang niya ang babaeng iyon? Ano ba naman iyon? Lahat ba ng kalahi ni Duke, magaganda at guwapo?!

"Now that we cleared things up... don't I get an apology?"

Napatingin siya kay Duke. "B-bakit naman ako hihingi ng sorry sayo?"

Nagkibit-balikat ito. "Because you judge me to hastily. And you said harsh words that day." she leant backwards when Duke started to lean forward, while keeping her waist imprisoned. Naningkit ang mga mata nito. "Alam mo ba kung gaano mo ako tinakot nong sabihin mo na gusto mo ng makipagbreak sakin?"

Bigla siyang na-guilty nang maalala niya ang pamumutla nito nong araw na iyon. "Sorry..." mahinang sabi niya. Parang nalusaw na lahat ng galit niya. Ngayon, pakiramdam na lang niya, para siyang isip bata. Napakababaw lang na bagay pero pinapalaki niya. Kung sana nagpakita siya ng araw na iyon at hindi na nagtago, sana hindi na siya nagalit dito.Tuloy, hindi siya makatingin ng diretso rito dahil sa kahihiyan.

"Hindi laro sakin ito, Louraine. I take everything seriously. At hindi kita pinili para lang utuin ka." sabi ni Duke. He was referring to the things she said that day. At kapag bumabalik iyon sa kanya, parang gusto na lang niyang lamunin ng lupa.

"Do you know why I chose you?" tanong pa nito. "It's because you're different. Hindi ka katulad ng iba."

Sinalubong ni Louraine ang mga mata ni Duke. Oo. Alam niyang kakaiba siya sa lahat. So what does he mean by that? That she's easy because she's poor?

"No.." umiling ito na para bang nababasa na nito ang laman ng isip niya. "...it's not because you're not rich." Tumaas ang kamay nito sa pisngi niya, forcing her to look at him―only him, to see the truth through his eyes. "You're not like any other person who judge people from their status. From the first day I saw you stood up against my brother, I knew you're different."

Iyon yung araw na may binully si Zeke na kaklase nila, freshmen pa sila noon. Hindi pa niya alam na isang Steele si Zeke noon kaya niya nagawang harangan ang plano nitong pagsuntok sa isang lalaki. Mabuti na lang at hindi siya ang napagbuntunan nito ng galit noon. Kundi, mapipilitan talaga siyang umalis ng school.

Hindi niya alam na iyon pala ang unang araw na nakita siya ni Duke. Ang akala niya, nagsimula ang lahat nong bigla itong tumabi sa kanya sa library isang hapon. Umupo ito bigla sa harap niya at doon umidlip. Hindi na ito umalis doon kahit isang oras na ang lumipas. Ang akala niya nakatulog na ito. Kilala na niya ito noon pa. Freshman pa lang siya, crush na niya ito. Hanggang noong oras na iyon, Sophomore na siya, nanatili pa rin ang mumunting paghanga niya rito. Kaya kahit natutulog lang ito noong oras na iyon, sobrang saya niya kasi kahit papaano, kasama niya ang crush niya.

Tapos bigla na lang itong nagising mula sa pagkakatulog nito at ang unang sinabi nito sa kanya ay ang humiram ng ballpen. Pagkatapos non nagsunod-sunod na ang paghihiram nito sa kanya ng kung anu-anong gamit. Bumababa pa ito galing sa taas para lang humingi ng papel sa kanya.

Bumalik sa kasalukuyan ang isip niya nang marinig ulit ang boses ni Duke. "..kaya panay ang punta ko sa klase ninyo.. para lang makita kita. At sa tuwing tinitingnan mo ako... I feel like you can see right through me. You can see the real me, the boy without the fame, the money, and the name. I couldn't hide from you. I chose you because with you, I don't have to pretend someone else I'm not."

Sa mga oras na iyon, pakiramdam ni Louraine, parang silang dalawa lang ang tao sa dance floor. Siya at si Duke... "Ang haba naman ng sagot mo." sabi niya at niyakap ito ng mahigpit at naramdaman din niya ganting yakap nito sa kanya.

Hearing him say those words... she felt so happy she could die.

NASA labas na sila ng bahay niya. Natawa pa siya kasi baka magtaka pa ang mga magulang niya kung bakit ibang tao ang naghatid sa kanya imbis na si Tristan.

Nilingon niya si Duke na nakasunod sa kanya nang nasa may pintuan na siya. "I had fun. Salamat talaga sa sorprisa." Kung hindi siguro ito pumunta, siguro nagpagulong-gulong na siya sa kama niya at umiiyak.

"Louraine..." pigil ni Duke sa kanya nang bubuksan na niya ang pintuan nila.

"Hmm?"

"Don't ask me to break up with you again, okay?" nasa mukha nito ang hindi nito maitagong takot. Para saan?

Natulala na lang siya sa sinabi nito. Kahit kelan talaga, lagi na lang siyang ginugulat ni Duke. Pero kung iisipin ang sinabi nito... "Mga bata pa naman tayo, Duke. Anything could happen 2 years from now, or maybe 5 years from now.. hindi natin alam.." ayaw niyang magsalita ng tapos.

Mukha itong nalungkot sa sinagot niya. Humakbang ito palapit sa kanya at hinuli ang isang kamay niya. "Iniisip mo pa rin ba na kaya kitang bitawan na lang basta-basta?"

Tumango si Louraine ng marahan at yumuko. "You're Duke." and she's just a nobody.

Hinawakan ni Duke ang baba niya at inangat ang ulo niya para matingnan siya nito sa mata. "Louraine, don't mind what other people say. Ako lang ang pakinggan mo, okay? As long as we're together.. it's all that matters to me."

Tumango ulit siya sabay hingang malalim. "Sususbukan ko."


"ALAM MO, para kang shonga diyan sa hitsura mong iyan," sabi ni Saab habang binubuklat ang librong binabasa nito.

Kasalukuyan silang nasa library, naghahanda para sa papalapit ng midterm exam. Fourth year na sila pero hindi pa rin sila nagkakahiwalay ng sections ni Saab. Kaya nga kahit kaaway ang tingin sa kanya ng halos lahat ng mga babae sa school nila, ayos lang kasi may kaibigan naman siya tulad nito.

"Bakit naman? Ano bang hitsura ko ngayon?" Nginitian pa lalo ni Louraine ito imbis na irapan niya ito. Why not? Eh nasa good mood siya ngayon.

Saglit na nag-angat ito ng ulo para tingnan siya. "Para kang pusa na nakahuli ng daga." Tapos ay bumalik ulit ito sa pagbabasa. "Stop grinning like that.. mas nagmumukha kang nakakatakot." nagkunwari pa itong kinilabutan.

Natawa si Louraine sa inakto nito. "Wala namang masama kung ngingiti ako diba? Masaya naman ako, kaya normal lang na ngumiti ako. Wala ka naman sigurong nakitang taong masaya na nakasimangot, diba?"

Tumigil ito sa pagbabasa at tiningnan ulit siya, ngayon naman ay mukha na itong interesado sa sinabi niya. "Bakit, itatanan ka na ni Haring Duke?"

"Ssshht!" saway niya rito habang napalingon siya sa paligid. Baka kasi may makarinig rito eh gawan pa ng malaking issue. Mahirap na. "Ano ka ba? Baliw ka talaga."

Ngumuso lang si Saab. "OA ka naman. Wala ngang tao dito. Tayong dalawa lang dito."

Inirapan niya ito. "Kahit na, malay mo may nagtatago diyan sa likod mo, diba?" nagiging maingat lang naman siya.

"Hmm.. paranoid ka lang." sinara nito ang libro na binanasa nito at nilagay ang baba sa nakatungkod na kamay nito. "Eh teka, ano bang plano ninyo ni Duke sa birthday mo?"

Halatang namimingwit na naman ito ng balita. Pero pasinsyahan na lang, kasi wala siyang sasabihin rito. "Secret," sabi niya a binilatan ito.

Sa susunod na araw na ang birthday niya. Ewan niya kung bakit siya sobrang excited eh araw-araw naman siyang pinapadalhan ni Duke ng mga love letters at kung anu-anong regalo. He promised her a sixteen gifts for her sixteenth birthday.

It was too much for her. Kaya lang, knowing Duke, hindi ito makikinig sa kanya kung pipigilan niya ito. Kaya hinayaan na lang niya ito. Isa pa, natutuwa siya sa araw-araw na natatanggap niya ang mga regalo nito.


"HALIKA, doon na lang tayo umupo."

Sinundan ni Louraine si Saab patungo sa isang bakanteng mesa. Lunch break na kaya nasa canteen sila. Hindi na bago sa kanya ang mga masasama at puno ng malisyang tingin ng mga tao sa kanya. She got used to it. Siyempre, sino ba naman ang hindi kung sa loob ng halos tatlong taon eh iyon lang ang nakikita mo. She gave up wishing for a miracle that someday, these people might learn to accept her for Duke.

Pero tama si Duke. She doesn't need their acceptance or their recognition about their relationship. Ang mahalaga ay tanggap siya ni Duke. Who cares what other people think? Hindi naman sila ang mahal ni Louraine. Hindi naman sila ang nagpapasaya sa kanya.

"Seriously, someone should do something about that guy."

Sinundan niya ang tingin ni Saab. "Si Zeke?" nagtatakang tanong niya. "Ano naman ang problema mo sa kanya?"

She turned to her with a face that says 'Serously?'. "He's a bully. Sino'ng taong hindi magkakaproblema sa buhay kung may lalaking nag-e-exist sa mundo kagaya niya?"

Me, Louraine thought.

"Masuwerte ka nga boyfriend mo ang kuya niyan, kundi baka isama ka pa sa galit niya sa mundo."

Zeke is a misunderstood guy. Mukha itong badboy at masungit at suplado at laging nakasalubong ang kilay. At nagtataka siya kung bakit nito pinapanindigan ang mga sinasabi ng mga tao sa kanya. She often see him helping people on the street. Dahil doon, nagbago ang tingin nya rito noon. He wasn't so bad. Siguro ay may dahilan ito kung bakit ito umaakto ng ganoon.

"Ahmmm..." napatitig si Saab sa likod niya. At biglang nagtayuan ang buhok sa batok niya. Every conversation hushed down and the room temperature dropped.

Kahit hindi siya lumingon, may nabubuo ng imahe sa isip niya na posibleng dahilan ng mga iyon.

"Happy Birthday to the most beautiful girl in this room," bulong sa kanya ni Duke mula sa likuran niya.

Tiningala niya ito at agad siyang sinalubong ng magagandang pares ng mata na hinding hindi niya pagsasawaang tingnan. "In this room lang?" nakangiting tukso niya rito. Sobrang saya kasi niya na hindi niya na mapigilang lumubo ng tuluyan ang puso niya dahil sa pagmamahal niya rito.

Oo, bata pa nga siguro siya kumpara rito, at bata din ito sa edad nitong labing walong taon. Pero sigurado na si Louraine sa nararamdaman niya. She's in-love with this unpredictable guy. At hindi mahalaga sa kanya kung mayaman ito o kung anak ito ng pinakamayamang tao sa bansa. Basta mahal siya ni Duke, iyon lang ang mahalaga sa kanya.

Ngumiti ito at kinintalan siya ng halik sa ilong. He always do that. Dahilan niya, masyado raw cute ang ilong niya kaya di nito mapigilang gawin iyon. "Baka magselos ang mommy at ang kapatid ko kapag sinabi kong sa buong mundo. Alam mo naman si Serena, maraming galamay sa school na 'to."

Natatawang kinurot niya ang ilong nito.

Narinig nilang may tumikhim. "Ah, please carry on. I'm not even here.." ngumiti pa si Saab nang ngising aso.

Nahiya tuloy si Louraine kasi nakalimutan niyang nasa canteen sila at may kasama siya. Well, Duke could always make her forget where she is just by looking at his handsome face.

"Saab, puwede ko bang mahiram sandali itong girlfriend ko?"

"Ha? Ah..." mukhang nagulat pa yata si Saab na kilala ito ni Duke. At mukhang kasalanan iyon ni Louraine kasi lagi niya itong naikukuwento kay Duke. Isa pa, ito lang naman ang lagi niyang kasama sa school nila. "Sure... hindi naman siya hahanapin ni ma'am mamaya. At mayaman na siya sa attendance. Hindi na niya kailangan pa ng additional grade dahil overflowing na ang grade niyan."

"Thanks." Kinindatan pa ni Duke si Saab at basta basta na lang siyang hinila sa kinauupuan niya. "Let's go."

Nahuli pa niyang namula ang kaibigan niya bago siya tuluyang makalabas ng canteen na hila-hila ni Duke. Ni hindi man lang nito nilingon ang mga humahanga at malalanding tingin na ipinukol rito ng bawat babaeng nadaanan nila.

"Teka, saan ba tayo pupunta? May klase pa ako mamaya." Ginamit niya ang paa niya para gawing break. "Hindi ba puwedeng pagkatapos na lang klase ko mamaya?"

"Hindi puwede." At hinila ulit siya nito.

"Midterm na namin. Kailangan ko pang mag-aral," angal pa niya.

"Take a break. Gusto mo bang mabaliw sa kakaaral?"

Inikot niya ang mga mata niya. "Tss." Nasasabi lang nito iyon kasi hindi na nito kailangan ng scholarship para tumuloy sa college. Pero siyempre, hindi na niya isinatinig iyon kasi baka ito pa ang magbayad ng tuition niya. "Eh saan ba tayo pupunta?"

Nginisian lang siya ni Duke. "You'll see." Tapos ay hinila an siya nito tuloy-tuloy sa school ground.

Bumuka ang bibig niya at walang boses na lumabas doon nang makita niya kung ano ang naghihintay sa kanya sa labas ng canteen.

A white limousine was parked on the campus ground.

"Duke." Sinamaan niya ito ng tingin. She told him not to do something like this. Okay na sana iyong mga regalo nito kahit na ang mamahal, hindi siya nagreklamo. But this was...

"I know.. pero pagbigyan mo na lang ako. Okay?" Tapos ay pinasakay na siya nito sa loob.

Kinakabahan siya sa beyahe nila, at mas nadadagdagan iyon sa pananahimik ni Duke. Minsan sa beyahe ay may tumawag pa rito pero hindi nito iyon sinagot. In-off lang nito ang celphone at ngumiti sa kanya. He held her hand all through the drive at hindi na nagsalita. Siguro ay nag-aalala ito na baka hindi niya magustuhan ang surprisa nito.

Hmm.. kahit naman sa quik-quik-an lang siya dinala ni Duke matutuwa pa rin siya.

Nang tumigil ang sasakyan, nagtaka si Louraine nang hindi agad sila bumaba. Tapos ay naglabas ng isang panyo si Duke.

"Close your eyes," sabi nito.

"Duke, nasaan na ba tayo?" tanong niya pero hindi siya pinansin ni Duke at piniringan na ang mga mata niya gamit ang panyo.

"Trust me on this, okay?" sabi nito.

Wala na siyang nagawa kundi ang tumango. Isa pa, kahit na panay ang reklamo niya, di rin naman niya maikakaila na excited siya sa surprisa nito sa kanya.

Inalalayan siya nito pababa ng kotse. Kumapit siya kaagad sa braso ni Duke nang bumaba ang paa niya sa sahig. "Siguraduhin mo lang na hindi ako madadapa."

Tumawa lang ito at hinapit ang beywang niya. "You'll be fine."

Habang naglalakad ay naririnig ni Louraine ang lagaslas ng tubig at ang ihip ng hangin. Kahit maaraw ay ramdam niya pa rin ang preskong lamig ng hangin.

Nasa tabing dagat ba siya dinala ni Duke?

"Be careful, baba tayo ng hagdan," bulong sa kanya ni Duke.

Pagbaba nila ng tatlong baitang ay naramdaman agad niya ang paglubog ng paa niya... buhangin ba iyon?

"Nasa beach ba tayo?" tanong niya.

"Don't ask. Malalaman mo rin mamaya." anito.

Ang sarap batukan ng lalaking 'to, kung di sana siya naka-blindfold.

Pagkalipas ng ilang hakbang pa ay tumigil na si Duke ng paglalakad. "Huwag ka munang dumilat unless I told you to, okay?" bilin pa nito habang tinatanggal ang tali sa ulo niya.

"Ang dami mo namang arte, e makikita ko din iyan."

"I like to surprise you," anito nang nabuka na nito ang blindfold. "Close your eyes, no peeking."

"Oo na. Nakapikit na!" inis na sabi niya. Ang dami kasing sinasabi.

"Okay.." Naramdaman ni Louraine na lumuwag ang blindfold sa ulo niya. Pagkatapos ay naramdaman niyang tumayo si Duke sa likuran niya at pinaharap sa kung saan. "Now, open your eyes."

Unti-unting idinilat ni Louraine ang mga mata niya. She had to blink a few more times to clear away the blurriness of her vision, hanggang sa unti-unti niya naaninag ang nasa harapan niya.

She gasped from total surprise when she saw a table prepared for two, with a single red rose on top of it. At napapaligiran din iyon ng malilit na kandila. It was so romantic and... perfect.

Dahil sa gulat ay hindi na niya napansing lumayo na pala si Duke sa kanya para kunin ang pulang rosas na iyon. And then he walked back to her.

"Happy sixteenth birthday," sabi nito at inabot sa kanya ang paborito niyang bulaklak.

It was the most unforgettable gift Duke have given her. Kasi nakasama niya ito ng buong maghapon.

When Duke left for college, hindi na sila nagkaroon ng oras na mamasyal ng buong araw na katulad ng ginagawa nila noong nasa iisang eskuwelahan pa sila. Kaya masayang masaya si Louraine nang araw na iyon. She thought she'd fallen so deep in love with him that she had no way out.

But little does she know that it would be the last day she would see him.

 

TATLONG buwan ng nakakalipas ang birthday niya, at hindi na ulit niya nakausap si Duke. His last message was that same day, three months ago.

Naalala pa niya kung gaano siya kasaya nang araw na iyon. They played and fooled around. Para silang mga bata na nagtatatakbo sa buhanginan at nagtampisaw sa dagat. Mabuti na lang at may dalang pamalit si Duke noon kasi baka magtaka ang mga magulang niya kapag umuwi siyang basang basa. They watched the sunset too, like an idiot couple. Pero kahit na ba tahimik na nakatitig lang sila sa langit nang mga oras na iyon, she felt happy and contented. Na hindi niya iisiping mangyayari ito.

Why was he hiding? Bakit hindi ito nagpapakita sa kanya? May ginawa ba itong kasalanan sa kanya? O baka naman siya ang may ginwang kasalanan kaya ito hindi nagpapakita?

No. It was not that. Kasi kahit naman galit siya kay Duke, sumusulpot pa rin iyon at gumagawa ng paraan para magkaayos sila.

Mayroon pang ibang rason.

Ngayong naiisip niya iyon... hindi maalis sa utak niya ang pangambang may gumugulo kay Duke.

She could now remember the day of her birthday, she always catch him looking at the distance with a blank stare, na parang napakalalim ng iniisip. She never saw him with that face before. Kaya hindi niya mapigilang mag-alala para rito.

Tinanong niya ito nang ihatid siya nito pauwi. Pero imbis na sagutin nito ang tanong niya, he just smiled at her and kissed her forehead. Tapos ay mahina siya nitong itinulak papasok sa loob ng bahay nila. Alam niyang iniiwasan nito ang tanong niya. And that only made him even ore suspicious.

Bago pa siya makatulog nong gabing iyon, nakatanggap siya ng message galing rito. It was just a few messages pero hindi napalagay ang loob ni Louraine pagkatapos non.

Duke: Do you trust me?

Kaagad niya itong nireply-an. "Duke, anong klaseng tanong iyan?"

Duke: You trust me, right?

Kinabahan na siya kasi napaka-straight forward ng tanong nito. Ramdam niyang may malalim itong pinoproblema na tinatago nito sa kanya.

"Oo naman." Matagal bago ulit ito naka-rely.

Duke: Promise me you will believe me, no matter what happens.

"Duke, may problema ka ba?" Hindi na niya napigilang itanong. Nag-wo-worry na kasi siya rito. Pero imbis na sagutin siya nito, iba na naman ang sinabi nito.

Duke: I love you. Lagi mong tatandaan yan. Happy birthday, Louraine.

"I love you too."

Pagkatapos non ay hindi na ito nagtext o tumawag. Hindi na rin ito nagpakita sa kanya. Kahit si Zeke ay wala sa school nila. Hindi tuloy niya alam kung sino ang tatanungin niya. She was sick worried about Duke. Halata kasi sa nangyayari at sa mga sinsabi nito na may pinoproblema ito at hindi nito masabisabi sa kanya.

"...Samantha."

Napaangat ang tingin niya sa nanay niya. Nililipad na kasi ng hangin ang utak niya, at hindi na niya namalayang nilalaro na pala niya ang singsing sa daliri niya. "Nay."

"May pinoproblema ka ba, 'nak?" kunot ang noo ng nanay niya na nakatingin sa kanya. "Napapansin ko na nitong mga araw e madalas kang tulala at may malalim na iniisip. Tungkol ba iyan sa darating na prom ninyo?"

Umiling kaagad siya. "Hindi po. Iniisip ko lang po kasi iyong exam namin. May hindi po kasi ako nasagot ng maayos."

Hindi niya kayang sabihin sa mga magulang niya na may problema siya sa puso. Hindi kasi alam ng mga magulang niya ang relsayon nila ni Duke. Siya ang nag-pasyang itago iyon sa mga magulang nila kasi ayaw niyang maapektuhan ang trabaho ng tatay niya oras na malaman din ng mga magulang ni Duke ang totoo.

Her father worked for Duke's father. Isa itong engineer sa kompanya nina Duke at sa mundo ng mayayaman, malabong maintindihan ng mga ito si Duke sa pagpili nito sa kanya. At natatakot siya na baka sisantihin na lang nila ang tatay niya kapag nalaman nila ang tungkol sa kanila ni Duke. Rich people could be heartless to people like them.

Kung sana lang katulad nila si Duke...

Isa pa, ayaw ni Louraine na bigyan ng alalahanin ang mga magulang niya, lalo na ang nanay niya. May sakit kasi ito sa puso. Kaya nga mas pinili ng tatay niya na huwag pagtrabahuhin ang nanay niya kasi baka raw di kayanin ng katawan nito. Her father loved her mother more than anything in the world, aside from her.

At isa na ang prom sa problema nila. They couldn't afford to rent a gown. Dagdag pa iyon sa gastusin sa bahay. Naka-rent lang kasi sila sa totoong may-ari. At mahal pa yung paupa. Ayos lang naman sa kanya na hindi na pumunta. Kaya lang mapilit ang nanay niya. She likes to give everything for her daughter. At isa na doon ang maranasan ni Louraine ang lahat ng kasiyahan sa buhay bilang isang high school, bilang isang dalaga.

Kaya lang sa ganitong oras na namomroblema sila sa pera...

"Nay, huwag na lang kaya akong pumunta sa prom? Wala naman po kasi akong escort eh." Ganitong hindi na nagpaparamdam si Duke, hindi niya alam kung dapat pa nga siyang pumunta. Or maybe he would turn up just like what he did last prom? Siguro...

"Pupunta ka anak," sabi nito sa pinal na boses. "Huwag mo ng problemahin ang ibabayad sa renta sa gown at sapatos. Hahanap kami ng paraan ng itay mo."

"'Nay, 'tay. Hindi na po talaga kailangan. Nakapunta naman po ako last year. Ayos na po iyon sakin," pakiusap pa ulit niya.

Hinawakan ng nanay niya ang kamay niyang nakapatong sa mesa. "Anak, hindi ba't isa iyon sa mga pangako namin sayo? Hindi na nga kami nagbabayad ng tuition mo. Kahit ito man lang, magampanan namin ang pagiging mabuting magulang namin sayo."

You already did enough. Pero hindi na lang niya iyon sinabi at tumango na lang siya. Kung magiging masaya ang nanay niya, hahayaan na lang niya ito.

Kung sana alam niya kung anong pumapasok sa isip ni Duke... sana hindi na siya nagkakaproblema ng ganito. Kasi sa totoo lang, mas pinoproblema pa niya ito kesa sa prom o kahit ang ibang bagay.

Sa pagtulog niya, muli na naman niyang niyakap ang kamay niya at kinintalan ng halik ang singsing doon. It was the last gift Duke gave her on her birthday. Ang akala nga niya'y ang surprise beach dinner na ang huling regalo nito, pero hindi pala.

Kinabukasan kasi bago siya pumasok sa school, naabutan niya ang uniform niya na nakatupi sa labas ng bahay nila. Nakalimutan niyang kunin iyon sa kotse ni Duke nung ihatid siya nito. At doon, nakita niya ang isang munting kahon na may kalakip na sulat.

Sobra siyang nagulat nang makita niya ang laman ng kahon.

Duke gave her a ring. At hindi lang iyon basta lang singsing. It was a silver diamond ring. Agad niyang binasa ang sulat para maghanap ng eksplanasyon pero ang nakasulat lang ay 'Someday, I'll be the one to put it on you.'

One sentence. Iyon lang.

Sinusuot niya iyon, pero minsan ay hinuhubad niya kapag sumasakay siya sa jeep. Natatakot kasi siya na baka manakaw iyon sa kanya. Mahal pa naman iyon.

Habang dumadaan ang araw, lalong lumalalim ang pag-aalala ni Louraine para kay Duke. Para na lang kasi itong nawala. Even Zeke was not showing. Kaya tuloy parang nagbunyi ang mga estudyante sa pagkawala nito.

Hindi na niya matagalan ang pananahimik ni Duke. Kaya nang magkaroon si Louraine ng pagkakataon, pinuntahan niya ito sa school nito. Nagtanong-tanong siya sa mga kaibigan nito, pero pare-pareho din ang sagot ng mga ito sa kanya. Lahat sila hindi alam kung nasaan si Duke, at matagal na raw itong hindi pumapasok sa klase.

Ano bang nangyayari?

Dumating ang finals, lumipas ang prom... pero wala pa ring Duke na nagpakita. It was as if he vanished in thin air. Hanggang sa napagod na si Louraine na umasang darating ito.. hanggang sa napagod na ito sa kakahanap at kakahintay rito... hindi pa rin dumating si Duke. Hindi pa rin ito nagpaparamdam sa kanya.

And it was a brutal months for Louraine—not seeing him, not hearing from him.

Kinalimutan na ba siya ni Duke? What did he mean about trusting him? Kaya ba nito sinabi na pagkatiwalaan niya ito? Dahil iiwan siya nito?

Minsan hindi niya maiwasang itanong sa sarili niya... did he really love her all those years?

Nasasaktan siya sa ginagawa ni Duke. Pero sa tuwing handa na siyang sumuko rito... may pumipigil sa kanya. Iyon ay ang singsing na suot-suot niya. At ang sinabi nitong pangako na baling-araw ay isusuot iyon ni Duke sa daliri niya. Kung kelan... hindi niya alam. That's why she should wait. Kailangan niyang kumapit sa pangako na iyon ni Duke.

And she trust him. Hindi siya bibiguin ni Duke.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top