Crown ♛ 3
FIRST FIGHT
♛
"KASI NAMAN! Nakatulog ako ng maaga kagabi. Hindi ko na naalala na may quiz tayo kaninang umaga," nakasimangot na sabi ni Saab habang pabalik na sila sa klase nila. Medyo apektado ito sa naging resulta ng quiz nila kanina sa Chemistry.
"Bumawi ka na lang sa susunod," sabi naman ni Louraine. "Marami pang―" Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya kasi may humarang sa kanila.
"Ah... Friend, una na ako ha. Kita na lang tayo sa klase." At dali-dali siyang iniwan ni Saab. Sino ba naman ang hindi mapapatakbo kung nakatayo sa harapan mo ang tanyag na bully sa school?
"O..." Tamad na tamad na binigay sa kanya ni Zeke ang isang mamahaling chocolate. "Bigay ulit ni kuya."
Napairap siya. "Ibalik mo sa kanya." Nilagpasan niya ito. Pero sinundan pa rin siya ni Zeke.
"Ayoko. Malalagot na naman ako sa kanya 'pag binalik ko sa kanya 'to," ungot pa rin nito sa likod niya.
Napansin niyang pinagtitinginan na sila ng mga nadadaanan nila kaya hinarap na niya si Zeke at basta na lang inagaw ang chocolate na iyon sa kamay nito. "Akin na nga," sabi niya saka umalis na.
She's not really afraid of Zeke. Bully lang ito pero mas maraming beses niya itong nakitang tumutulong sa iba. At isa pa, takot iyon sa kuya niya. Lalo na sa bunso nilang si Serena.
Third year na si Louraine at nasa college na rin si Duke. Kahit na malayo sila sa isa't isa, mas mabuti na rin iyon para sa kanya kesa magkasama pa rin sila sa iisang lugar kung saan hindi sila makagalaw ng maayos dahil sa mga matang nakatutok sa bawat kilos nila.
After that day when she admitted her feelings for Duke, hindi na niya iyon nabawi pa. Duke was not giving her a chance to. Kaya wala siyang choice kun'di ang maging girlfriend nito—but she's not sad about it. Ang totoo, masaya siya sa sa naging disesyon niya.
Pero nagtataka lang siya na tumagal sila ng ganito katagal. She always wait for that awful moment when Duke would break up with her and tell her she's not everything he thought she was. That she disappointed him. Pero nakagraduate na ito ay nanatiling boyfriend pa rin niya ito.
Kaya lang galit siya rito ngayon kasi may kasalanan ito sa kanya. At hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagpapakita sa kanya. Panay ang bigay nito ng chocolates, flowers at kung anu-ano sa kanya kaya lang lagi namang si Zeke ang nagbibigay sa kanya no'n.
Tiningnan niya ng masama ang chocolate na hawak niya. Iyon ang paborito niyang chocolate sa lahat ng binigay sa kanya ni Duke. At binibigyan lang siya nito no'n kapag may kasalanan ito sa kanya.
Binuksan niya ang trash can na nadaanan niya at walang anu-anong tinapon doon ang chocolate. Naalala na naman niya ang dahilan kaya siya galit na galit dito.
One week ago...
Excited na si Louraine dahil papalapit na ang promenade nila. Kaya lang hindi niya pa rin maiwasang kabahan. Sa tuwing naaalala kasi niya ang sinabi ni Duke na ito ang magiging partner niya, naiisip din niya ang mga sasabihin ng ibang tao tungkol sa kanila.
Hindi lang siya nagsasalita pero talagang apektado siya sa mga sinasabi sa kanila ng ibang tao. Sino ba naman siya para patulan ng isang Duke Steele? Isa lang siyang napaka-ordinaryong babae na hindi pa yata nakaka-three-fourth sa kayamanan na meron ang pamilya ni Duke. She doesn't have anything on her name to make him proud.
Lagi na lang siyang sinasabihan ng gold-digger, oportunista, social climber, money-eater, at kung anu-ano pa. Hindi naman niya pinapansin ang mga taong nagsasabi no'n as long as Duke knows the truth. Kaya lang habang tumatagal, naapektuhan ang mundong ginagalawan niya. People already judge her even before they really met her. Kaya nga walang gustong makipagkaibigan sa kanya.
Ngayong wala na si Duke sa school nila, lantaran na siyang vine-verbal abuse ng mga tao sa paligid niya na hadlang sa relasyon nila ni Duke. Hindi kasi katulad no'ng magkasama pa sila ni Duke sa isang school, laging maingat ang mga tao sa kanya.
But she would rather have someone who would hurt her physically than slander her name. Kasi mas masakit iyon sa kanya.
Kaya lang, wala ring malakas ang loob na gawin iyon sa kanya kasi kahit wala si Duke, andiyan naman ang mga kapatid nitong sina Sage, Blue, at lalo na si Zeke. They all stood as her bodyguard even when she didn't want one.
Mukhang iyon yata ang kapalit ng pagmamahal niya sa isang tagapagmana ng Stanfield Empire.
"Uuwi ka na?" tanong sa kanya ni Saab. Nasa library kasi sila, nagbabasa kasi free time nila.
"May gagawin lang ako," maikling sagot niya habang iniipon ang mga liibrong ginamit niya.
"Hmm.. may date na naman kayo ng lovey doves mo no?"
Ngumiti lang si Louraine. Siguro sa lahat ng kaklase niya, si Saab lang ang masasabi niyang kaibigan niya. Mabait siya kahit na anak mayaman din ito. At hindi ito nagpapaniwala sa mga sabi-sabi tungkol sa kanya kasi alam nito ang simula ng lahat sa kanila ni Duke.
"Hindi. May inaasikaso daw siya kaya hindi kami magkikita ngayon." Busy na kasi si Duke kahit na first year college pa lang ito ng Business administration.
He's the eldest Stanfield, kaya kailangan na itong i-train ng daddy nito tungkol sa magiging obligasyon nito sa hinaharap. Stanfield Empire is a very large business to handle, at hindi raw practical kung saka pa ito mag-te-training kapag nakatapos na ito ng college. Ayaw daw ni Duke nang nangangapa.
But he still makes time for her, kahit sobrang busy nito. Lagi siyang hatid-sundo ni Duke. Minsan mas maaga pa itong dumarating. At kapag lunch break nila, minsan na-su-surpresa na lang si Louraine dahil bigla na lang dumarating si Duke na may dalang pagkain para sa kanya. She could tell when he was tired at panay din ang paghihikab nito pero lagi na lang siya nitong dinadaan sa bola para makaiwas.
Kaya ngayon, balak niyang siya naman ang sumorpresa rito. Hindi siya marunong magluto, pero nagpaturo talaga siya sa nanay niya para matuto. She cooked all Duke's favorite dish last night. Kaya kailangan niyang abutan ito sa klase nila bago mag-lunch-time.
Hindi mapuknat ang ngiti sa mukha niya habang sakay siya ng taxi papunta sa school ni Duke. Iniisip pa lang niya ang magiging reaksyon nito, parang kinikiliti na ang puso niya sa sobrang excited.
Tumigil ang taxi dahil may traffic sa unahan nila. Napatingin siya sa relo niya. Malapit ng mag-alas-dose. Kailangan niyang abutan si Duke.
"Mamang driver, matatagalan po ba iyan?" tanong niya.
"Hindi ko alam, ineng. Bakit, nagmamadali ka ba?"
"Ah, eh medyo po." Napatingin siya sa unahan, mukhang matatagalan pa siya. "Teka..." Nagtaka siya nang makita niya ang kotse ni Duke na naka-park sa gilid ng kalsada. Hindi siya puwedeng magkamali. Si Duke lang naman ang may ganoong kotse sa lugar nila. Stanfield cars were all flashy and first class. "Manong, dito na lang po ako bababa," para niya nang magsimula ng umusad ang traffic.
"Sigurado ka? Malayo pa naman dito ang pupuntahan mo," sabi nong driver ng taxi habang pinapark nito sa gilid ang kotse.
"Okay lang po." Nagbayad na siya at bumaba. Ano kaya ang ginagawa ni Duke sa lugar na iyon?
Bitbit niya ang malaking lunch box na naglakad-lakad siya sa nakahilirang mga shopping boutiques na nandoon, hinahahanap si Duke.
"Naikot na natin ang lahat ng boutique dito." Narinig niyang sabi no'ng isang babaeng lumabas mula sa 'di kalayuang boutique. "Hindi ka pa ba nagugutom?"
"Okay. Kain muna tayo, then we can look for another shop."
Mabilis na nagtago si Louraine sa isang pasilyo doon. It was Duke's voice. Sigurado siya doon. At kasama nito ang babaeng iyon. Hndi lang basta isang babae-she looked like a princess. Ang ganda, matangkad, maputi, makinis, sexy, at bagay sila ni Duke.
Umasim ang tiyan niya. Nagseselos siya.
Hindi naman siguro siya niloloko ni Duke, diba?
Sumilip siya ulit at nakita niyang naglalakad ang dalawa sa ibang direksyon. Iisa lang ang paraan para malaman niya ang totoo.
She took out her phone, 'yung binigay sa kanya ni Duke as a monthsary gift para daw nagkakausap sila palagi. Ngayon, parang gusto niyang basagin iyon at itapon.
Nagriring ang kabilang linya. Ang akala ni Louraine ay hindi ito sasagutin ni Duke. Pero mayamaya ay narinig na niya ang baritonong boses nito. "Louraine!" Mukhang gulat pa ito. Nakita niyang tumigil ito sa paglalakad. "Napatawag ka?"
"Ah.. wala. N-namiss lang kasi kita." Buwisit ka! Sino iyang babaeng kasama mo? "Nasan ka ngayon?"
"Ah... Sa school."
Parang tinarakan ng kutsilyo ang dibdib niya sa sinabi nito. Duke just lied to her. Why?
"Talaga," wala sa loob na nasabi niya at naramdman niya ang paghapdi ng sulok ng mata niya.
"Umm.. Tumawag ka na lang mamaya, may klase pa kasi ako eh," sabi pa nito.
Wala sa sariling tumango siya kahit na hindi naman nito iyon makita. "Sige." Nanghihinang binaba niya ang telepono. Nakita niyang umabrisete ang babae sa braso ni Duke. And all she could do was stand there and watch them walk away.
Mabilis na natakpan niya ang bibig niya bago pa kumawala ang hikbi sa bibig niya. She turned around. Ayaw niyang makita ang panloloko sa kanya ni Duke.
Tama. Bakit siya pagtitiyagaan ni Duke? Maraming babaeng mas mayaman sa kanya. Mas maganda. Mas maputi at mas matangkad.
Hindi na napansin ni Louraine na nalaglag na niya ang lunch box na dala-dala niya. Nasayang lang ang mga pagkaing pinaghirapan niyang iluto. Nasayang lang lahat.
———
Pagkatapo ng klase nila, nakita kaagad niya ang text ni Duke. Nakakailang tawag na rin ito. Naka-silent mode kasi iyon kaya hindi na niya napansing tumatawag na pala ito.
Ano? After one week saka lang ito makikipag-usap sa kanya?
Inayos na lang niya ang gamit niya saka lumabas ng klase. Nang makalabas na siya ng school gate, saka lang niya pinagsisihan ang hindi niya pagbasa ng text messages nito. Nang sa gayon, malalaman niyang hinihintay pala siya ni Duke. Tuloy, hindi niya napaghandaan ang makita ulit ito pagkatapos ng huling pagkikita nila―na hindi naman nito alam.
Nakatayo ito at nakasandal sa hood ng kotse nito. Ngumiti ito kaagad nang makita siya. Akma itong kakaway pero hindi na niya iyon nakita dahil tumalikod agad siya para umiwas.
"Wait! Louraine!" tawag pa nito. Alam niyang tumatakbo ito para habulin siya. Binilisan na lang niya ang lakad niya para hindi siya nito maabutan. Kaya lang malalaki talaga ang hakbang nito kesa sa kanya. He caught her arm and swung her around.
"What was that about?" puno ng inis at pagtataka ang mukha nito.
"Bitawan mo nga ako!" Sabay bawi sa braso niya at naglakad ulit palayo rito.
"Louraine," he called again, at sumasabay ito sa lakad niya. "Louraine, I know you're angry. But please talk to me."
Hindi pa rin siya huminto. "Louraine." Halatang naiinis na ito pero wala pa rin siyang balak na harapin at kausapin ito. He just lied to her again.
"Could you please stop and listen?" he burst. At natigilan siya, pati na rin ang mga nakakasabayan nila sa daan. "Now, tell me what's wrong. Dahil ako, hindi ko alam."
"Hindi mo alam?" she retorted. Ah. Oo nga pala. Hindi nito alam ang nakita niya. Hindi nito alam na alam na niya ang tungkol sa panloloko nito sa kanya.
"All I know is you don't want to talk to me. Okay. Hindi ko alam kung bakit ka nagkakaganyan. Did I do something wrong?" naguguluhang tanong nito.
Kung hindi lang siguro niya nalaman ang nalaman niya, kung tanga pa rin siguro siya, malamang paniniwalaan niya ito. Maybe she would believe that he was clueless. Na wala nga itong ginawang kasalanan.
"Come on, Louraine. Tell me what's wrong," he sounded almost pleading. "Kung galit ka kasi hindi ako nagpapakita sayo nitong mga nakaraang araw, I'm sorry. Marami lang talaga akong inasikaso last week. But I'll make it up to you, okay? I promise." And then she snapped.
"Sinungaling!" Natigilan ito at parang nabigla dahil sa sinabi niya. "Pinuntahan kita, Duke. Pero alam mo kung ano ang nakita ko?" Naramdaman muli niya ang paninikip ng dibdib niya. Hindi na naman niya mapigilan ang pag-iinit ng mata niya. Nasasaktan pa rin siya.
"Louraine," Lumayo siya nang lumapit si Duke sa kanya. And he too was taken aback.
"You lied to me, Duke. You were with someone. Nakita kong may kasama kang ibang babae. Tinawagan kita, sabi mo nasa school ka. Pero kitang-kita ko, Duke, kayo ng babaeng iyon." Pinunasan niya ang basang pisngi niya. Duke was about to say something but she wouldn't hear another lie. "Akala mo siguro hindi ko malalaman. Akala mo siguro madali mo lang akong mauuto kasi mahirap lang ako, walang alam—"
"That's not true, Louraine," putol nito sa sinasabi niya. "I don't care about your status―"
"Sinasabi mo lang iyan pero Duke, hindi ko na alam kung maniniwala pa ba ako sayo. Nasasaktan ako kapag pinagtitinginan ako ng mga tao sa tuwing magkasama tayo. Hindi mo alam iyon kasi hindi naman pangalan mo ang sinisiraan nila."
"Stop." Duke groaned out of frustration at napahilamos ito sa mukha.
She sniffed again at sinubukan niyang huminga. "Alam kong mahirap marinig, dahil totoo. Kahit ayaw mong aminin, kailangan mo pa ring harapin. Duke, oo, mahirap nga ako, pero hindi ako bobo. Hindi ako tanga. At may dignidad ako."
Hindi niya alam kung tama ba ang desisyon niya. She knew she'd regret this. Kaya lang... nasasaktan talaga siya. Hindi na niya kaya.
Kinuha niya ang cellphone sa bulsa niya at inabot ang kamay nito. Duke looked at her, nagtatanong. "Louraine."
She ignored the pain in his voice. "Ayoko na," mahinang sabi niya. Kitangkita ni Louraine ang pamumutla ni Duke. "Let's break up."
LOURAINE sighed heavily as she think about what she did.
Tama ba 'yung ginawa niya? Tama ba?
Pano kung talagang totohanin ni Duke iyong sinabi niya?
Haaay!
Napasabunot siya sa buhok niya. Iyan kasi, padalos-dalos kasi siya bigla. Ano nga ba iyong sabi sa kanya ng tatay niya? Na huwag magdedesisyon kapag galit?
Now she knew he's right. Kasi parang ngayon, pinagsisisihan niya na sinabi niya iyon. Na ginawa niya iyon.
Hindi na tumawag at nagtext si Duke sa kanya sa nakalipas na dalawang araw pagkatapos ng drama niya.
Again, she grabbed her hair frustratingly.
Hindi nga kasi drama iyon!
Totoo. Nasaktan talaga siya sa ginawa ni Duke. Nasaktan siya na nagsinungaling ito sa kanya.
Napasimangot siya. Siguro ngayon, kasama na nito ang baabeng iyon.
Hmp! Magsama sila ng babae niya.
Wala na siyang pakialam. Ano pang aasahan niya? Ang mayayaman, para sa mayayaman lang. Masaklap man, hindi magiging tulad ng kay Jandi o Sanchai ang buhay niya. Sa mga palabas lang iyon. Hindi iyon nangyayari sa totoong buhay.
Napabuntong-hininga siya. Pero paano na ang prom niya?
Malungkot na tiningnan ni Louraine ang kalendaryong may marka. Next week na iyong prom nila. Ngayong break na sila ni Duke... parang wala na siyang ganang pumunta.
"HINDI KA talaga pupunta?" gulat na tanong ni Saab sa kanya. "Anong nangyari? Last week excited na excited ka pang pumunta tapos ngayon ganyan ang arte mo?"
Nagpatuloy lang siya sa pag-erase ng blackboard nila. Nai-kuwenta na niya rito na hindi siya pupunta sa prom.
"Huwag ka ng magtanong. Ayokong pumunta. Period," seryosong sabi niya.
"May LQ kayo ng boyfriend mong Hari no?" Pilit nitonghinuhuli ang mata niya na iniiwasan naman niya. Hindi siya sumagot kaya napapukpok ito sa mesa. "Sabi na nga ba. Hay~ parang nag-away lang kayo, hindi ka na agad pupunta?"
Inirapan niya ito. "Ayoko lang pumunta kasi wala akong partner," pagdadahilan niya. The truth seemed to be difficult for her to admit.
"Psssh! Ang babaw naman niyang drama mo. Iyon lang ba ang nginunguso mo buong araw?" Lumapit ito sa kanya at bumulong. "Eh paano kung may magyaya sayo? Pupunta ka na?"
"Hindi ko alam." Nagkibit-balikat siya. "Siguro." Hindi niya alam.
"Ewan ko sa'yo. Ang gulo mong kausap eh." Bigla na lang nitong inagaw ang eraser sa kanya. Umupo na lang si Louraine habang nakikinig sa litanya ni Saab. "Ganito na lang kasi gawin mo. Imbis na magmukmok ka sa bahay niyo sa prom, pumunta ka na lang. Kesa naman sa umitak ka at ngumawa. Papangit ka na nga, mamamaga pa iyang mukha mo, mas mabuti nang lumabas ka. So what kung nag-away kayo ni Duke lalabs mo? Hindi lang naman siya ang lalaki sa mundo."
PAWIS NA pawis si Louraine dahil katatapos lang nilang maglaro ng basketball sa PE nila. Iyong teacher naman kasi nila, porket siya ang pinakamatangkad sa klase nila, siya na agad ang ginawa nitong captain. Malapit na ang finals nila at gusto ng teacher nila ay maglaban-laban sila at ng ibang sections. Kaya ngayon, tudo practice sila.
Nilagok kaagad niya ang laman ng mineral water niya. Uhaw na uhaw siya kanina pa. Balak yata silang patayin ng coach nila sa dehydration. Nagyon pa kasi nito napiling maglaro sa ground kung kelan tirik na tirik ang araw.
"Cap! Una na'ko," paalam ni Jasmine sa kanya.
Siya na lang ang natitira sa court. Kanina pa umalis ang iba para maligo. Magpapahinga na lang muna siya rito bago maligo. Baka mapasma pa siya kapag naligo siya kaagad. Ang init pa ng katawan niya.
Kinuha niya ang mp3 player sa PE bag niya at sinuksok sa magkabilang tenga ang earphones niya. Kapag wala siyang ginagawa, lumalaboy ang isip niya at baka tungkol sa sawing lovelife na naman niya iyon mapunta.
Hindi pa yata nakakalipas ang tatlompung minuto siyang nagpapahinga nang maramdaman niyang may nakatingin sa kanya. Pagdilat niya ng mata, nakita kaagad niya ang isang lalaking nakayuko sa harap niya.
Napakurap-kurap siya ng mata. "A-anong ginagawa mo?" Hindi na niya kailangang itanong ang pangalan nito kasi kilala niya ito.
"I was talking to you, kaya lang mukhang natutulog ka kaya pinanood na lang muna kita," nakangiting sabi ni Tristan, ang isa sa mga barkada ni Zeke. Sa kanilang magbabarkada, ito na yata ang pinakamabait sa kanila. Pero bully pa rin ito tulad ng iba. Siyempre, hindi naman ito mabibilang sa grupo ni Zeke kung wala itong kasamaan sa katawan.
So bakit kaya siya nito kinakausap ngayon?
"Puwede ka ng lumayo sa'kin." Lumayo naman ito nang umupo siya ng maayos. "Bakit mo pala ako gustong kausapin?" tanong niya rito. Pinanood niya itong umupo sa tabi niya na para bang napaktagal na nilang magkaibigan.
"Narinig ko ang pag-uusap ninyo ni Saab kanina. 'Yung tungkol sa prom." nakangiti ulit na sabi nito.
Alam nitong boyfriend niya si Duke. And he knew better not to ask her to prom. Diba? Pero bakit parang may pakiramdam siya na iyon ang balak nitong gawin?
Yumuko ito para tingnan ang kuko nito sa kamay. "Iyon din kasi ang problem ko. I don't think I would come to prom without a partner. So since wala ka ring partner..." Sinilip siya nito mula sa pagakakayuko nito at ngumiti. "Can I ask you to be my date?"
HUMINGA si Louraine ng malalim bago inabot ang kamay kay Tristan. Napapaisip pa rin siya kung ano ang nagtulak sa kanya para tanggapin ang alok nitong maging date niya ngayong prom habang sinusuot nito ang corsage sa kamay niya.
She always dreamed of this day, na isusuot sa kanya ni Duke ang corsage na iyon na may paborito niyang bulaklak.
Kasalanan nga ba niya kaya siya malungkot ngayon? Na wala na si Duke sa tabi niya?
She mentally shook her head. No. It's not her fault. Nagsinungaling si Duke sa kanya. Niloko siya nito. It was his fault dahil sinaktan siya nito. He just fooled her.
"Louraine?" Napatingin siya sa boses na iyon ng nanay niya. "Okay ka lang anak?"
Ngumiti siya ng pilit at tumango. "Kinakabahan lang po ako."
"Hijo, alagaan mo sana itong anak namin," bilin naman ng tatay niya kay Tristan.
"Huwag ho kayong mag-alala, Sir. I'll take care of your daughter." Nakangiting kinamayan nito ang tatay niya.
Tristan wasn't so bad. Magalang ito sa mga magulang niya at hindi ito nagpahalata nang makapasok ito sa mumunting bahay nila. Alam niyang sanay ang mga kagaya nito sa mga mansyon, hindi ang kagaya sa kanilang parang bahay na ng duwende para sa mga katulad nito.
Kahit na nagtataka pa rin si Louraine sa dahilan niya, she knew one of her reasons. Tama si Saab. Hindi lang si Duke ang lalaki sa mundo. Hindi siya magmumukmok na lang sa bahay nila habang ito ay nagpapakasaya kasama ang magandang baabeng iyon.
She's just a junior student. Marami pa siyang pagdaraanan. Marami pa siyang makikilalang tao sa buhay niya. Marami pang puwedeng mangyari sa kanya. Her life wouldn't stop just because Duke let her down.
KANINA pa siya nakaupo sa isang sulok. Hindi niya alam kung tatadyakan niya ang Tristan na iyon sa pang-i-indiyan nito sa kanya o kung matutuwa na lang siya kasi ayaw din naman niyang makipag-usap rito. Mas okay na siguro kung doon na ito kasama ng mga chikababes nito dahil sa totoo lang, wala talaga siya sa mood. At alam niya kung bakit. Kaya nga mas naiinis siya kasi kahit na nagdesisyon siyang kalimutan si Duke, ito pa rin ang umuokupa sa kalahating utak niya.
Nandito nga siya sa prom, pero ito pa rin ang iniisip niya. Nababaliw na siya. Hindi na niya maintindihan ang sarili niya.
"Gentlemen, it's time for you to dance with your fair ladies," anunsiyo nong DJ na kanina pa nagpapatugtog ng kung anu-anong kanta sa DJ booth. Ngayon naman ay isang love song ang pinili nito para sa sayawan ng mga magpapartner.
Napabuntong-hininga na lang siya imbis na mag-ayos. Para saan pa? Hindi din naman siya makikipagsayaw kay Tristan. Wala siyang balak na tumayo doon sa dance floor at makipagtitigan rito.
We were both young when I first saw you.
I close my eyes and the flashback starts:
I'm standing there on a balcony in summer air.
Nagsisimula nang mapuno ang dance floor, at nakakalbo na rin ang mga upuan. Kakaunti na lang ang nasa gilid. Pero nanatili siya sa upuan niya.
Mayamaya ay nakita niya si Tristan.
See the lights, see the party, the ball gowns.
See you make your way through the crowd
And say, "Hello, "
Little did I know...
Nagtaka siya kasi imbis na lapitan siya nito, he just cocked his head to someone.
That you were Romeo, you were throwing pebbles,
And my daddy said, "Stay away from Juliet"
And I was crying on the staircase
Begging you, "Please don't go"
And I said...
Sabay-sabay na napasinghap ang mga tao roon, ang iba naman ay tumigil na sa pagsasayaw nang biglang sumulpot si Duke sa may entrada ng hall.
She was stuck in her seat.
Ano ang ginagawa niya rito?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top