Crown ♛ 2
SIX YEARS AGO
♛
"LOURAINE, Louraine!" tawag sa kanya ng kaklase niyang si Saab.
Abala siya sa pagsusulat ng notes niya. Iyon kasi ang gawain niya sa tuwing wala silang teacher, katulad na lang ngayon. Nagtatransfer siya ng notes niya para mas ganahan siyang mag-aral para malinis tingnan at para nang sa gano'n ay nare-retain sa utak niya iyong mga lectures nila.
"Louraine!" tawag ulit sa kanya ni Saab.
"Bakit ba?" saglit na tiningnan niya ito saka bumalik ulit sa pagsusulat.
"May naghahanap sayo sa labas."
"Sino?" tanong niya na hindi lumilingon rito.
"Si ano..." Nag-alinlangan pa itong sagutin siya. Peri bigla naman itong lumapit at bumulong sa kanya. "Si Duke. Nasa labas, hinahanap ka."
Natigil siya saglit sa pagsusulat saka nagpatuloy. "Ano na naman daw ang kailangan?"
"Ewan. Tanungin mo. Ikaw kaya kailangan no'n." Tapos ay iniwan na siya nito.
Napabuntong-hininga siya sabay baba ng ballpen niya. Ano na naman ang kailangan no'n ngayon? Hindi na napagod sa kakasunod sa kanya ang lalaking iyon.
Tumayo siya at pumunta sa labas ng classroom. And then there he was, Duke Arjun Steele, who was so casually leaning against the wall with his arms crossed. As usual, makatulo laway na naman ang hitsura nito. But she pushed down that admiration that was starting to grow inside her. Kasi kapag hinayaan niya iyon, mahirap na.
Tinaasan kaagad niya ito ng kilay pagkakita ni Duke sa kanya. "Wala akong eraser," sabi agad niya. Iyon naman lagi ang dahilan nito sa tuwing dumadaan ito sa klase nila at hinahanap siya.
"I'm not borrowing anything," English pa na sabi nito. Iyan ang hirap sa mga anak mayaman, english ng english e nasa Pilipinas lang naman sila. At kausap nito, Pinoy. Kaya puwede ba, magtagalog ito.
Bumuga siya ng hininga. "Wala din akong yellow pad, one-half cross wise. Pati one-fourth wala din."
Ngumiti si Duke at umiling ng marahan. "I'm not looking for any kind of paper either."
"O, eh hindi ka naman pala maghihiram ng eraser at manghihingi ng papel. Bakit mo ko hinahanap?" Na naman? Nakapameywang na siya. Wala naman pala itong kailangan sa kanya, bakit na naman siya hinahanap ng lalaking 'to? Baka mamaya sharpener na ang hingin nito sa kanya.
Tumayo ito ng maayos at hinarap siya. "Well, first, I wanted to see you," he said pointing out one finger habang humahakbang ito papalapit sa kanya. Then he flipped another finger. "Second, I wanted to talk to you. Well, marami akong rason kung bakit ako nandito pero baka abutan ako ng bell kapag inisa-isa ko pa lahat iyon."
Pinigil niyang mapangiti. It was DUKE! Ang panganay na anak ni Stanfield Steele, ang may-ari ng malaking bahay sa lugar nila, ang Stanfield Manor. They were known as one of the wealthiest family in the country. Sa kanila lahat ng shopping centers sa lugar nila, gasoline stations, pati airport, car establishments, at may malaking real estate. Basically, lahat ng madaanan ng mata nila, sa kanila lahat. Even this school was one of their own. Pangalan a lang, alam na—Stanfield University.
So needless to say, Duke Steele has everything.
Well, apparently right now, not everything. Kasi lagi itong sumusulpot sa klase nila para manghiram sa kanya ng kung anu-ano. Eraser, pencil, ballpen, one-half crosswise, one-fourth na papel, yellow pad, lahat na. Para namang wala silang shopping mall na mabibilhan ng libreng gamit.
Humalukipkip siya. "O, ngayon nakita mo na ako at nakausap. So ano, pasok na 'ko."
Akma na siyang tatalikod nang bawiin nito ang kamay niya. Nagulat pa siya dahil iyon ang unang pagkakataong hinawakan siya nito. At nagtaka siya sa dumaang kuryenteng iyon sa kamay niya mula sa kamay nito.
What was that?
Tiningnan niya si Duke kung napansin din ba nito iyon, at base na rin sa pagkakakunot ng noo nito habang nakatingin sa kamay niyang hawak nito, she could tell he also felt it too.
Binawi niya ang kamay niya mula rito kaya napatingin ito sa kanya. "Ano pa? May kailangan ka pa? Marami akong ginagawa kaya sabihin mo na."
Ngumiti ito at kinurot lang ni Louraine ang sariling balat para huwag mapangiti.
Ang guwapo naman kasi ni Duke sa tuwing ngumingiti ito ng ganoon. Dalawang tanda lang ang agwat nila sa isa't isa. She's a sophomore at senior student naman si Duke pero sa tuwing tinitingnan niya ito, pakiramdam niya, napakabata pa niya. His face had a very sharp bones that gave off a masculine vibe. Kaya marami ang nagsasabing kaiba ang kaguwapuhan nito kumpara sa ibang mga kaklase nito.
Sa katunayan, may magandang lahi ang pamilya nila. From his siblings, talagang makikita mo ang kakaibang kaguwapuhan at kagandahan ng lahi nila. He had three brothers, Sage, Zeke, Blue, and a sister, Serena. They're like the royal family in their town kaya hindi kataka-taka kung bakit marami ang nahuhumaling sa magkakapatid na Steele at kung bakit marami ang nangangarap na makasilo ng isa sa mga ito.
Pero sa isang probinsyanang katulad niya, she felt so low to even look at them, especially Duke. Kahit na crush niya ito noon pa man, ayaw niyang palalain pa iyon sa mas malalim na kahulugan. Malaki ang agwat ng estado nila sa buhay ni Duke. He was an heir to a throne habang siya ay isang anak ng isang empleyado ng ama nito. Hanggang tagahanga lang siya ni Duke. Alam niya iyon.
Pero sa tuwing nagpapakita ng motibo itong si Duke sa kanya, mas lalo siyang nadedehado. Halimbawa na lang ngayon.
"Ngumiti lang ako, natulala ka na kaagad," sabi ni Duke at lalo pang lumapad ang ngiti nito.
"Huwag kang feeling." Inirapan niya ito. "Kung wala kang sasabihing importante, umalis ka na." Tumalikod na siya at pumasok sa loob. Pero kahit na layasan niya ito, alam ni Louraine na babalik pa naman ito para manghingi ng papel sa kanya.
HALOS magkandaduling-duling na si Louraine sa bawat librong nadadaanan ng mga mata niya. Nasa library siya dahil hinahap niya ang librong kailangan daw nilang sagutan sa Biology class nila. Ang kaso, wala siyang libro kaya kailangan na naman niyang manghiram sa library.
Iyon ang maganda sa pang-mayamang paaralan, walang masyadong gumagamit ng library kasi halos lahat ng estudyante doon, may sariling libro. Maliban sa kanya. Kaya ang resulta, parang brand new pa rin ang libro sa library dahil nga walang gumagamit.
Nang makuha na niya lahat ng mga kakailanganin niyang libro ay nagpasya na siyang lumabas.
Paalis na siya no'n nang bigla na lang may humarang sa daraanan niya. The impact made her out-balanced.
"Oops! Careful there," anas ng lalaking nakabundol sa kanya.
She felt how her heart skip a beat. At nareallize niya kung gaano niya namiss ang boses na iyon nang hindi ito nagpakita sa kanya ng tatlong araw. Dahil doon kaya hindi niya napigilang pagtaasan ito ng boses at magtaray.
"Tabi ka nga diyan!" singhal niya.
"Galit ka yata," puna nito na hindi pa rin siya pinapadaan. "May LQ na ba tayo kaagad?"
Lalong dumiin ang kunot ng dalawang kilay niya. "Tabi sabi! Ano ba?! Bingi ka ba?!" singhal ulit niya kay Duke. Mas lalo lang tumataas ang inis niya kapag naiisip niya kung bakit ba siya naiinis rito ngayon. Kasi alam niya kung bakit—
ngayon lang ito nagpakita sa kanya.
"Lahat mo ba babasahin 'to?" interesadong tanong nito imbis na matakot sa kanya at sundin ang himutok niya.
Lalo tuloy siyang nainis. "Pakialam mo ba?! Hindi ka ba makaintindi?!"
Tumayo ito ng tuwid. Matangkad si Louraine sa mga kaklase niya, kaya nga siya napasok sa volley ball varsity team kahit na sophomore lang siya. But as Duke towered over her, pakiramdam niya ang liit-liit niyang babae.
"Tell me..." Yumuko pa ito pagkatapos siyang pakatitigan ng maayos. "Is it the time of the month?"
Halos ibagsak na ni Louraine ang mga librong dala-dala niya sa mismong mga paa nito nang mga oras na iyon. Napipilan siya. Paano nito naitatanong iyon sa isang babae?
"Ang sabi ng nanay ko, bawal daw magdala ng mabibigat ang babae kapag... gano'n. Kaya ang mabuti pa.."
Basta-basta na lang nitong binuhat ang limang makakapal na libro mula sa braso niya. "Ako na ang magdadala nito."
"Hoy, ibalik mo sakin ang mga iyan!" Aabutin sana niya ang mga iyon kaya lang, mabilis na nakaiwas si Duke.
"Hep!" sabi nito para pagbawalan siya sa pagtangka ulit niyang abutin ang mga libro. "Iuuwi mo na ba ang mga 'to?" tanong pa nito.
Hindi sumagot si Louraine pero hindi din hinintay ni Duke ang sagot niya at naglakad na ito palayo.
She sighed. Mukhang hindi rin makikinig sa kanya si Duke kaya hahayaan na lang niya muna itong magpaka-gentleman. Isa pa, mabibigat ang mga librong iyon kaya kailangan talaga niya ng tutulong sa kanya.
Sasabihin na sana niyang kukunin niya sandali iyong bag niya kaya lang ay hindi na niya nagawa kasi mukhang alam na ni Duke kung nasaan nakalagay iyon. Ito na din mismo ang nagsukbit ng bag sa balikat nito.
"Wala ka ng nakalimutan?" he asked casually.
Gustong matawa ni Louraine sa hitsura nito. His left hand hugged books against his chest with her bag hooked on his right shoulder. Kahit yata naka-apron ito, hindi pa rin mababawasan ang kaguwapuhan nito.
Umilng na lang siya. "Wala na."
"Okay then. Tara na," he cocked his head towards the door at tuloy-tuloy na lumabas.
Sinundan lang niya ito hanggang sa makalabas na sila. Ang akala niya ay ibibigay na sa kanya ni Duke ang mga gamit niya, pero mukhang may iba itong plano.
"Sandali! Saan ka pupunta? Dito ang daan pabalik sa classroom namin," sabi niya rito nang mapansing sa kabila ito dumaan. Uwian na kaya gusto muna niyang tumambay sa klase nila para magpalipas oras. Wala kasi siyang masasakyan kapag maaga siyang pumipila sa sakayan sa labas.
"Alam ko," narinig niyang sabi ni Duke na hindi man lang siya nililingon.
"Hoy! Bumalik ka nga dito!" Hinabol niya ito. "Where do you think you're going?" Ayan, napapa-english na rin siya.
"To my car," he answered grinning.
Nalaglag ang panga niya. "Ano?!"
"To. My. Car," sabi ulit nito na parang isa siyang bingi.
"Bakit ka pupunta do'n?" Pero hindi pa rin siya pinansin ni Duke.
May balak yata itong ihatid siya.
Ihatid?!
No way!!
Hinding hindi siya sasakay sa kotse nito. Never! As in Never!!
Fifteen minutes later, nakasimangot si Louraine na nakadungaw sa bintana ng kotse ni Duke.
Hindi niya alam kung papaano siya napilit ng kumag na sumakay. Ang alam lang niya, nandito na siya sa loob ng kotse nito. At ang kumag, ngingiti-ngiti pa habang nagmamaneho.
Urgh!
"HUY! Nakatunganga ka na naman diyan." Dinaganan pa siya ni Saab para lang gisingin siya mula sa pagdi-daydream niya. Nakayukyok kasi ang ulo niya sa desk niya habang nag-iisip.
"Saab," tawag niya rito nang umupo ito sa harap niya.
"Um, bakit? May drama ka yata ngayon?" Nangalumbaba din ito paharap sa kanya.
"Paano mo malalaman kung in love ka nga talaga?" wala sa sariling tanong niya.
Nanlaki pa ang mga mata nito sa tanong niya. "Hala! Ano ba namang klaseng tanong iyan, Allegra?! Hindi ko alam. Buti sana kung math ang tinatanong mo sakin, at least kahit madugo kaya kong sagutin. Eh iyang tanong mong iyan, kahit spelling 'di ko maitama!" litanya nito.
"Gano'n ba?" Ngumuso siya.
"Naku! Ano? Tinamaan ka na ba ng pana ni kupido?"
"Ewan. Naguguluhan ako."
"Saang parte ka naguguluhan?"
"Hindi ko alam," sagot ni Louraine, tapos umayos siya ng upo. "Bakit ganon? 'Pag hindi ko siya nakikita, nalulungkot ako. Namimiss ko 'yung pangungulit niya. Pero kapag naman nandiyan siya, kulang na lang sumabog ang ulo ko sa inis. Pagdating ko naman sa bahay, hindi mapuknat ang ngiti sa mukha ko. Para daw akong timang sabi ng nanay ko. Tama ba iyon? Baliw ba talaga ako?" Tinuro pa niya ang sarili niya.
"Ay naku! Tinamaan ang lintik." Napatutop pa ito sa noo.
"Tapos kapag maraming nakapaligid na babae sa kanya, nginangatngat ng kung ano iyong puso ko. Tapos para akong sinasaniban. Gusto kong manabunot ng tao eh. Alam mo iyon?"
"Oo. Selos ang tawag do'n, p're!"
Napaisip siya. "Kung ganon, nagseselos ako? Bakit?"
Saab sighed dramatically. "Kasi nga gutso mo iyong taong iyon. Ayaw mo na may pinapasin siyang ibang baabe maliban sayo. Ayaw mong may nginingitian siya kasi pakiramdam mo mawawala siya sayo," paliwanag nito na nakapgpakunot pa lalo ng noo niya.
"Bakit alam mo? Sabi mo hindi mo alam?"
"E, 'wag ka ng epal. Teka, sino ba iyon?" Nakichismis pa.
"Wala." Bumalik siya sa pagkakayukyok ng ulo sa mesa, pero sa ibang deriksyon naman siya tumingin ngayon.
"Hmm.. si Duke iyan 'no?" pangungulit pa rin ni Saab. Hindi siya nagsalita. "Hala! Si Duke nga! Eh namumula ka na eh!"
"Tumigil ka nga! Hindi ako namumula," she mumbled saka nagtalukbong siya ng libro niya.
Kung anu-ano na lang ang sinasabi sa kanya ng kaibigan niya.
Iyon ba iyon? Nagkakaganoon siya dahil in love siya kay Duke?
Hindi!!
Hindi puwede iyon!
Hindi dapat siya mahulog kay Duke. Hindi siya dapat ma-inlove rito. Hindi iyon dapat mangyari!
PARA NG Zombie na naglalakad si Louraine sa hallway. Wala na siyang tulog. Pa'no kasi, sa tuwing ipipikit niya ang mga mata niya, bigla na lang sumusulpot ang mukha ni Duke. Tapos pagkagising pa niya sa umaga, pagmulat niya ng mata, si Duke din kaagad ang naiisip at nakikita niya.
Bakit kasi nito ginawa iyon?
Naalala na naman niya iyong nangyari last Monday...
Nagpapahinga na siya dahil kakatapos lang ng practice nila sa volleyball. Umupo siya sa covered tent. Napagod siya ng husto kasi laging sa kanya pinapasa ng mga kateam-mates niya ang bola. Tuloy, pulang-pula na iyong balat sa braso at palad ng kamay niya.
Napabuntong-hininga siya. Mamaya na lang niya aasikasuhin ang braso niya. Mawawala din naman siguro ang pamumula no'n eh. Mag-aaral na lang muna siya habang nagpapahinga. May quiz pa sila mamaya kaya kailangan pa niyang mag-review.
Good thing naisuksok niya sa PE bag niya iyong notes niya kanina. Humiga na lang siya doon sa tent, tutal wala namang nakaupo doon maliban sa kanya.
Kaya lang, sa paghiga niya, hindi na niya namalayang nakatulugan na pala niya ang pagbabasa dahil na rin sa pagod.
Naalimpungatan siya nang maramdaman niya ang malamig na bagay na dumampi sa braso niya.
Napabalikwas siya ng upo.
"Easy," salubong kaagad sa kanya ni Duke. He was massaging an ice pack on her arm. "Mamamaga 'to at gkakapasa ka pa nito kapag hinayaan mo lang 'to."
Noon lang niya napansing seryosong-seryoso si Duke. Wala ang nakasanayan niyang mga ngiti nito.
"Hindi mo na kailangang gawin iyan. Sanay naman ako eh." Binawi niya ang kamay niya na hawak ni Duke.
Pero agad din naman nitong inagaw iyon. "Well, I don't like it. Hindi ka ba marunong magsalita? You could have told them about your arm." Nahimigan ni Louraine ang galit sa tono ng boses nito.
Teka. Pinapagalitan ba siya nito?
"Pinagagalitan mo ba ako?" she asked.
"Oo. Hindi ba halata?" Napadiin ang hawak nito sa ice pack kaya nalukot ang mukha niya sa sakit. "I'm sorry," labas pa iyon sa ilong .
She rolled her eyes. "Huwag ka na lang mag-abalang ilagay iyan kung galit ka."
Duke looked at her and sighed. "Hindi ako galit sayo. Sa kanila ako galit."
Napatingin si Louraine sa mga kateam-mates niya na medyo hindi pa makatingin ng diretso sa kanya. They all looked sorry. Dahil ba iyon kay Duke?
Somehow, that made her feel uncomfortable. Tinitigan niya ang ginagawa ni Duke sa braso niya. "Duke, bakit mo ba ginagawa 'to?" 'Di niya naiwasang itanong.
Kapag mas lumalapit ito sa kanya, mas lalong lumalayo ang loob ng mga tao sa kanya. They say things like she's a social climber, na kesyo inaakit daw niya si Duke para umangat ang buhay niya. Na pera lang ang habol niya rito.
She hated hearing those things. Nasasaktan siya. Pero kasi si Duke, parang walang pakialam sa sasabihin ng ibang tao.
"Didn't you know yet?" Kunot ang noo nito.
She sighed. Oo, may sagot siya sa tanong nito. Alam niya. Kaya lang... ang hirap.
Ibinaba ni Duke ang ice pack at tiningnan siya sa mata. "I like you, Louraine."
Parang may tipklong na tumalon-talon sa puso niya na parang nagdiriwang. Pero pinigilan niyang matuwa. Hindi dapat siya matuwa.
"Duke, ba't ako? Sa dinami dami ng babaeng may gusto sayo, ba't ako?" Hindi niya maintindihan.
Isa lang naman siyang ordinaryong babae sa school nila. Normal. Simple. Hindi kasingtingkad ng mga damit niya ang karamihang suot ng mga estudyante doon. At higit sa lahat, hindi siya kasingyaman nito.
Hindi siya nababagay sa mga katulad ni Duke.
"Do I really have to answer that?" iritadong balik-tanong nito sa kanya.
Napabuntong-hininga na naman siya. Kinuha niya ang ice pack mula rito at siya na lang ang nagdampi no'n sa braso niya.
"Maraming babae ang gustong magpapansin sayo. At hindi ako isa sa kanila. So please, sa kanila mo na lang ituon iyang pansin mo," mahinang sabi niya.
Bigla na lang nitong inagaw ang ice pack sa kanya at basta na lang iyon itinapon sa kung saan.
"Don't tell me what to do. Ikaw ang gusto ko kaya ikaw ang lalapitan ko!"
Nainis siya. Kasi nga hindi puwede. Bakit ba ang tigas ng ulo nito? "Hindi kita gusto. Okay? Mabibigo ka lang sakin."
"You're lying," he said not taking his eyes away from her.
Umiling siya. Hindi siya makatingin ng maayos sa mukha nito sa paraan ng pagkakatitig nito sa kaniya.
"I'm not lying, Duke. I'm sorry. But I don't have feelings for you."
Nabigla na lang siya nang bigla nitong hinawakan ang magkabilang pisngi niya at hinalikan sa labi. Her eyes went wide from surprise.
Duke kissed her in front of those people!
Hindi siya nakagalaw sa sobrang gulat. Rinig na rinig pa niya ang sabay-sabay na pagsinghap ng mga tao roon. It was just a quick hard kiss on the lips. Kaya nang lumayo ito, wala nang nasabi si Louraine kun'di ang pakinggan ang huling sinabi ni Duke bago siya nito iniwan.
"You do like me, Louraine. And I will make you realize that."
ONE WEEK na at hindi na siya ginulo ni Duke. Siguro nga ay natauhan din ito. He doesn't really like her. Nacha-challenge lang siguro ito sa kanya kasi sa lahat ng babae sa school nila, siya lang ang walang ka-inte-interes sa magkakapatid na Steele. Pati nga iyong mismong batch niya na si Zeke na kilalang bully sa batch nila ay hindi niya magawang hangaan.
Siguro din ay dahil curious ito sa kanya dahil siya lang ang mahirap sa buong school nila. Himala nga na nakapasok pa siya sa gaito kamahal at katanyag na eskuwelahan.
Kaya nga ayaw niyang mas lumalim ang nararamdaman niya rito. Kasi natatakot siya na baka isang araw, ma-realize ni Duke na hindi siya ang babaeng iniisip nito. Na isa lang siyang ordinaryong babae na boring at walang class, hindi katulad ng mga babaeng nabibilang sa mundo nito.
Nanlulumong pumunta siya sa canteen. Mag-isa na naman siya kasi gano'n talaga ang buhay niya. Kaysa naman sa magkaroon siya ng kaibigang may dugong bughaw at masabihang social climber, gold-digger, at kung anu-ano pa, mas gugustuhin na lang niyang mag-isa. Isa pa ayaw niyang makitulad sa mga ito na tanging pera lang ang laman ng utak at bukambibig.
Ni hindi nga siya makabili ng sarili niyang cellphone eh.
Tama. Mas okay kung mananatili siyang mag-isa. Hindi naman sa wala siyang kaibigan. Si Saab, kaibigan niya, pero lahat naman kaibigan nito. Walang best friend iyon. Tapos mga kaklase niya din kaibigan niya. Pero wala lang talaga siyang buddy-buddy. Sabi nga ng nanay at tatay niya, she's one and only. Kasi only child siya. At only poor din sa school nila.
She went inside the canteen feeling a lot more apathetic. Kasi alam na niya kung ano ang pinag-uusapan ng mga tao roon oras na makita siya ng mga ito.
At kagaya nga ng inasahan niya, parang nabuhay na mga bubuyog ang mga tao sa loob ng canteen pagdating niya.
Lumala na kasi ang issue tungkol sa ginawang paghalik sa kaniya ni Duke.
Paanong hindi?
"Look! It's that girl! Siya iyong sinasabi kong humalik kay Duke!" Narinig niyang sabi nung babaeng nadaanan niya.
"Ewe! She's so kapal ha! Buti nasikmurang magpahalik si Duke sa kanya!"
"Wala sigurong kataste-taste iyong lips niya. Siguro lasang suka—kasi isa siyang dukha!"
Nagtawanan pa ang mga ito.
Hindi na lang niya pinansin iyon at naglakad na siya papunta sa pilahan ng mga pagkain. Nakaraos naman siya sa pilahan kahit na mismong katabi niya eh hindi mapuknat ang mata sa kanya.
Ano, baka mamaya halikan din siya ng lalaking iyon.
Walang ganang naghanap siya ng mauupuan. Lalo pa siyang nawalan ng gana kasi sa tabi ng basurahan lang iyong bakante.
Okay. Fine. Edie no choice! Doon siya umupo.
Nagsimula na siyang kumain. Isang piraso ng apple lang naman ang kinuha niya kanina sa food train. HIndi dahil hindi niya afford ang mga pagkain doon. Ayaw lang niyang magtagal sa pila kanina. Kung titigan kasi siya ng mga kasunod at nasa unahan niya, parang ang dumi-dumi niya.
Hoy! FYI PEOPLE! Naliligo siya twice a day no.
"Duke naman. Huwag diyan, nakikiliti ako diyan eh."
Nabilaukan siya kaya inihit siya ng ubo. Saan ba nanggaling iyong boses na iyon?
Tumingin-tingin siya sa paligid pero hindi naman niya mahanap si Duke.
Teka. Duke iyong pangalang binanggit nong babae diba?
Hay. Siguro nag-hahallucinate na siya dahil sa kakulangan ng tulog. Pagdating niya ng bahay, talagang matutulog siya ng straight. Wala naman silang quiz bukas.
Kakagatin na sana niya ang mansanas niya nang marinig ulit niya ang ingay na iyon.
"Duke!" humagikhik pa ang boses na iyon. "Ano ba! Ikaw talaga!"
Kumunot ang noo niya. Alam niya saan iyon nanggaling. Tumayo siya at sinilip ang nasa ibaba. Para kasing terrace iyong canteen nila, open area at overlooking the school ground kaya kita buong campus. Pero may tent naman sa taas para kahit umuulan ay hindi nababasa ang mga mesa sa labas.
Pagtingin niya sa ibaba, nakita agad niya ang hinahanap. Doon lang nakatayo si Duke, at ang kalampungan nitong babae.
Sa una, hindi alam ni Louraine kung ano ang gagawin niya. She was just frozen there. Nakatingin lang siya at pinapanood ang halikan ng dalawa. Well, the girl was actually pecking on his neck. Pero halikan na rin iyon, diba?
Tapos biglang tumingin si Duke sa taas, and dead on spot caught her looking over them. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Mabilis siyang umalis doon sa kinatatayuan niya at itinapon sa basurahan ang hindi pa niya nauubos na mansanas. Wala na siyang pakialam sa mga taong nadadaanan niya. Ang tanging alam lang niya ay ang sakit sa dibdib niya.
Lakad-takbo ang ginawa niya. Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Basta kung saan siya hatakin ng paa niya, doon siya.
Kaya lang bigla siyang natigil kasi may humawak sa braso niya.
"Bitawan mo ako!" sabi niya nang hindi man lang lumilingon. Alam niyang si Duke iyon.
"Look at me, Louraine," utos nito. Hindi siya humarap.
Pinilit ulit niyang bawiin ang kamay niya pero siya bigla ang nahatak nito at napaharap siya rito ng wala sa oras.
Hindi niya ito magawang tingnan sa mata dahil umiiyak na siya. Nakakahiya.
"You're crying," he noticed at inabot nito ang pisngi niya kaya lang ay umatras siya. That hand held that girl's body. Ayaw niyang pati siya ay mahawakan nito.
Nagagalit siya. Iyon lang kaya siya umiiyak at naiinis.
Kainis kasi! Sasabihin ng lalaking 'to na gusto siya nito pero nagawa pa rin nitong makipaglampungan sa ibang babae?
Iyon ba iyon? Iyon ba iyong sinabi nitong ipaparealize nito sa kanya na mali siya? Na may gusto nga siya rito?
Hindi naman kailangan iyon eh. She liked him alright. Infact, she's already in love with him. Kaya siya nasasaktan.
Napaupo siya bigla at lalo pa siyang umiyak.
In love nga siya! Kaya siya nagkakaganito. Tama si Saab. Nagseselos siya. Ayaw niyang may kasama itong ibang babae kundi siya. Ayaw niyang may nginingitian itong iba. Kasi natatakot siya na baka mawala ito sa kanya.
Ang sama!! Bakit siya pa kasi ang nagustuhan ni Duke?! Bakit kay Duke pa siya nagkagusto?!
Iyak lang siya nang iyak. Wala siyang pakialam kung nasa gitna man sila ng daan.
Maya-maya ay naramdaman niyang umuklo si Duke sa harapan niya. He held both her wrists with one hand and took it away from her face. Nakita tuloy nito kung gaano siya kapangit umiyak.
See? Ngumiti pa ang buwisit!
"I'm right," sabi nito habang nakangiti. "You're still pretty even when you cry."
Kumunot ang noo ni Louraine. "Huwag mo akong binobola kung ayaw mong masuntok!"
Tumawa pa ito ng malakas imbis na matakot. "You realize it now, do you?"
Hindi siya sumagot. Inirapan lang niya ito.
"Just say it, Louraine. You'll see, it will be a lot easier than denying it." seryososng sabi nito.
Tinitigan lang ito ni Louraine. If she tell him now, pagsisisihan niya iyon. Pero kapag hindi rin, magsisisi rin siya.
Kaya lang...
Tumango siya. "Oo. Tama ka. Narealize ko na na mali ako." Huminga siya ng malalim. "I don't like you, Duke," sabi niya at bumakas sa mukha nito ang lungkot. Hinawakan niya ang kamay nito bago pa ito makatayo.
"I think I'm falling in love with you."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top