Chapter 3

Chapter 3

Rosina's POV

It's already 9pm pero hindi parin ako dinadalaw ng antok. Nasa kwarto ako kung saan dinala si mama habang pinagmamasdan ito.

"When are you going to wake up ma?"tanong ko habang nakatingin kay mama na sobrang himbing ng tulog.

May benda ito sa ulo at sa kamay, naka suot din ito ng oxygen mask.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto kaya naman lumingon ako doon at nakita si Jacob na papasok kaya naman ngumiti ako.

"Hindi ka pa ba inaantok?" tanong niya saka tumabi sa akin sa may sofa.

Umiling ako bago ulit itinuon ang pansin kay mama.

"She will wake up soon, darling." pagpapagaan niya sa loob ko at hinawakan ang kamay ko. "I'll do anything in my power to save her life if that's what you want."

Tumango lang ako kahit nakatingin parin ako kay mama.

"Let's go, it's already past 9 pm, maaga pa tayo bukas to meet our wedding organizer." sabi niya kaya agad akong napabitaw sa kanya.

Nakakunot ang noong tumingin ako sa gawi niya bago nag salita.

"Kakakilala palang natin magpapakasal na agad tayo What the hell Jacob!" naiinis kong tanong.

Bumuntong hininga lamang ito saka tumango.

"Bumalik lang ako sa pilipinas para hanapin at yayain kang magpakasal, i told them about you noong highschool pa lang tayo—nevermind, you won't even remember it anyway." sabi naman niya.

Tumayo na ito at handa na akong iwan ng tumigil ito sa harapan ng pinto.

"My name isn't Jacob, It's Rowan, Rowan Eleazar Santorini Teranov Messerie." sabi niya.

Kailangan talagang full name ang sasabihin kapag pangalan niya na ang tinatanong? Tsaka hindi din naman ako nagtatanong!

"I am only using the name Jacob as my stage name whenever i am traveling." yun ang huling narinig ko bago ito umalis at iniwan ako sa loob ng kwarto ni mama.

Bumuntong hininga ako saka pinakalma ang sarili, if you agree on marrying him Rosina, he'll provide anything to save your mother's life. Besides, hindi din naman ito sobrang sama gaya nang pagkakakilala ko sakanya sa pilipinas.

Ilang minuto bago ito umalis ay napagpasyahan ko na ding umalis at tumungo sa kwarto kung saan kaming dalawa ang matutulog.

Pagkadating ko doon nakita ko ito naka upo sa may veranda at umiinom ng alak.

Wala itong suot na damit at tanging boxer shorts lang ang suot.

Pumunta ako sa banyo para mag half-bath pagkatapos mag half-bath ay naka bathrobe lang akong lumabas sa banyo bago nagtungo sa walk-in closet.

Malayo kasi ito sa banyo kaya naman naka roba akong naglakad papunta doon.

Hahawakan ko na sana ang doorknob ng pinto ng walk-in closet ng maramdaman kong umangat ang paa ko sa sahig at agad akong napahiga sa kama.

Sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi na ako nakapag react dahil doon.

Nagkatitigan kami ni Jac—Rowan sa mata, pumungay ito saka siya maliit na ngumiti sa akin.

"You're still the most beautiful woman who catches this beast heart." he said.

Lasing na ito dahil naamoy ko na ang alak sa bibig niya.

Bumaba ang mukha niya at ang akala ko ay hahalikan ako nito pero ipinatong lang pala niya ang ulo sa balikat ko.

"Please do remember me, Rosi." bulong niya sa tenga ko.

May kung anong malabong alala ang biglang pumasok sa utak ko at bigla bumilis ang pagtibok ng puso ko.

Ano yun?

Naramdaman kong bumigat na ang paghinga niya kaya naman dahan dahan kong inagat ng mukha niya para makita kong tulog na ba ito.

Tulog na nga.

Dahan dahan ko siyang itinulak at nang makawala ay nameywang ako sa harapan nito.

"Ang bigat-bigat mo tapos tutulugan mo lang ako aba hindi pwede yun!"

Umirap ako sa hangin dahil nagmumukha akong baliw habang kausap ang taong tulog sa harapan ko.

Umalis na lang ako sa harapan niya saka na nagbihis ng damit.

Hindi na ako nalito kung bakit may mga damit ng pangbabae rito, mukhang pinaghandaan talaga eh.

Pumili ako nang pantulog saka na tumabi sa kanya sa pagtulog.

Hindi ko na pinansin ang mahinang pag hilik nito habang natutulog at tinakpan nalang ang tenga gamit ang isa pang una bago pinilit ang sariling matulog.

Maya-maya ay dinalaw narin ako ng antok at tuluyan na ngang nakatulog.

--

Kinaumagahan, napansin kong may nakadagan na mabigat na bagay sa paa ko at may nakapatong na kung ano sa balikat ko.

Ramdam ko rin ang mainit nitong hininga sa leeg ko dahil doon.

Para akong naestatwa dahil sa posisyon namin ngayon, nakapatong ang isang paa niya sa binti ko habang nasa may leeg ko naman ang mukha niya.

Mahina kong tinapik ang mukha niya para gisingin pero ayaw nitong magising.

"Jac—Rowan..."tawag ko sa pangalan niya pero hindi parin ito nagigising.

Nag-antay lang ako ng ilang minuto hanggang sa marinig kong bumukas ang pinto kaya naman malakas ko siyang naisipa pa alis sa kama.

"Ouch! What the fuck!"narinig kong reklamo niya.

Pumasok sa kwarto namin si Amelia na sobrang laki ng ngiti.

"Wake up you sleepy heads, get ready narin, your wedding organizer is here—i mean nasa baba." sabi niya saka na kami iniwan roon.

Inayos ko ang suot kung pantulog at tiningnan si Rowan sa may sahig, nakasimangot ito at masama ang tingin sa akin.

"Maybe you're right, siguro dapat hindi tayo mag tabi sa kama, lagi mo nalang akong sinisipa paalis ano ka kabayo?"naiinis na sabi niya.

"Talaga?" masayang sabi ko pero agad din nawala 'yon.

"Ano ka sinuswerte? syempre hindi. Magtatabi parin tayo matulog ano."aniya saka na tumayo doon at nagtungo sa banyo.

Baliw na yun, hindi ko naman kasalanan na masipa siya paalis sa kama eh ginising ko na nga siya kanina dahil sobrang bigat niya tapos magrereklamo siya? Tsk!

Nang lumabas ito sa banyo at pumasok sa walk-in closet, nagtungo narin ako sa banyo para maligo.

Nilock ko ang pinto at tsaka nagsimula ng maligo.

Ilang minuto akong nagtagal doon bago ako lumabas sa banyo na nakaroba.

Paglabas ko nakita ko itong nakaupo sa may leather couch at nagbabasa ng newspaper.

"Nasa kama yung damit na susuotin mo, pinahanda ko na kay Nana Rosa para hindi ka na mamili pa."sabi niya.

Nakahanda na roon ang isang simpleng dress may mga alahas at iba pang gamit pangbabae.

"Okay, salamat."sabi ko naman saka 'yon kinuha at nagtungo sa walk-in closet para magbihis.

Matapos magbihis at ayusin ang sarili, naglagay rin ako ng kaunting make up at lumabas na roon.

Paglabas ko hindi parin tapos sa pagbabasa ng dyaryo si Rowan kaya naman pumunta ako sa harap niya.

"Ano pang hinintay mo dyan? Pasko?" naiinis na sabi ko.

Nagsmirk lang ito saka na tinupi ang dyaryo at tumayo bago ako hinawakan sa beywang.

"Let's go then." aniya saka na kami lumabas sa kwarto at nagtungo na kami papunta sa baba.

Hindi ko napansin magkapareha pala ang mga suot namin nagmukha tuloy kaming naka couple shirt.

"There they are, bakit ang tagal niyong bumaba hija?"tanong ng mamá niya kaya nahihiya akong ngumiti at saka sinabing na tagalan ako sa pag aayos.

Katabi ng mamá niya sila Amelia kasama ang isang nasa mid 50's rin na lalaki.

Hula ko mukhang ito ang papa ni Rowan.

Hindi ko kasi ito nakita kahapon dahil ang sabi ni Amelia, nagpapahinga na raw ang papa niya dahil marami itong ginawa sa 'negosyo' nito.

"I am glad to finally meet the girl who stole my son's heart, you are so beautiful hija, maybe that's why my son immediately liked you the first time you two met." sabi nito.

Kahit na sobrang nakaka intimidate ang paraan ng pagtitig niyo pero alam ko na mabait parin naman ito.

"Thank you sa compliment, sir." sabi ko.

Bahagya itong tumawa dahil sa sinagot ko saka mahinang umubo.

"It's papá for you hija, welcome to the family." sabi nito saka inilahad ang dalawang kamay sa harap ko para sa isang yakap.

Tinanggap ko iyon at agad na nakaramdam ng lungkot.

Sana ganito rin ang totoong papa ko. Nasaan na kaya ngayon?

"Thank you for believing in him, i hope pati sa totoong pagkatao niya ay tanggap mo parin siya." sabi nito.

Nagulat ako na marunong rin pala itong magtagalog.

Hindi na ako sumagot sa huling sinabi nito at binigyan nalang ito ng ngiti.

Pagkatapos non, sinimulan na nilang pagplanohan ang 'kasal' kuno namin ni Rowan at tanging ngiti at tango lang ang sinasagot ko, minsan naman sumasagot ako kung tinatanong nila.

Puro pagpaplano lang ang ginawa namin buong araw at kunting asaran hanggang sa dito na rin nila pinakain ang wedding organizer.

Matapos ang mahaba habang pagpaplano at asaran, umalis narin ang wedding organizer at naiwan kami roon sa hapag kainan.

"This wedding will be the most beautiful wedding my son, congratulations in advance." sabi ng papá ni Rowan habang nakatingin sa amin.

Ngumiti lang kami pareho at naramdaman kong pinatakan ng halik ni Rowan ang ulo ko.

"Mukhang pagod ka na, pwede ka nang pumunta sa kwarto natin." bulong niya.

Napansin siguro nito na panay ang pagbuntong hininga ko.

Umiling lang ako at sinabi okay lang.

Ayoko naman din sirain ang bonding nilang mag pamilya kaya naman nanatili lang ako roon at hinintay silang matapos. Isinasama din naman nila ako sa kulitan nila kaya hindi naman ako nakaramdam na na-out of place ako sa pamilya niya.

Naalala ko tuloy si mama.

--

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top