CHAPTER TWENTY-ONE
CHAPTER TWENTY-ONE
"HERE'S THE list of your new missions," bungad ng ama ni Charles sa kanya pagkapasok na pagkapasok niya ng opisina nito.
He's been back in New Jersey since last Sunday. To the point na hindi na matutuloy ang plano nilang magkakaibigan na i-celebrate ang kaarawan ni Wynter dahil sa pagka-busy nilang dalawa.
Caleb called him due to an emergency. Andaming nangyayaring gulo sa dalawang kontinenteng binabantayan ng Williams Mafia, North and South America. Sa totoo lang ay mas pabor para kay Charles na ma-busy siya nang ganito dahil hanggang ngayon ay wala siyang balita kung ano ang nangyari kay Angelo at Wynter simula nang umuwi ang dalawa.
Kahapon niya lang din nabalitaang may nagtakang magpahamak kela Anurak at Narae nitong mga nakaraang linggo, buti na lamang ay hindi nakalampas ang mga kalaban sa mga bantay nila.
"Be sure to make them all pay. As much as possible, there will be no killings. Just capture them and the government will handle the penalties." Tingnan siya nang masinsinan ng ama niya. "I'm entrusting this mission to you, Dominique. Don't fail me a second time."
"Yes, Dad." Bahagyang yumuko si Charles saka lumabas ng opisina.
His father was talking about the encounter with the Russian Mafia and Angelo's kidnap months ago. Ang usapan ay hindi nila papatayin ang mga ito pero pareho sila ni Wynter na hindi nakinig.
The government was displeased because of their actions. The consequence of that was getting suspended by their fathers. Ang mga ama na nila ang nagdesisyon na patigilin muna sila. And now, the time is pretty much perfect.
Charles sighed and went inside his room. Marahang ibinagsak niya ang katawan sa kama saka tumitig sa kisame at muling bumuntong hininga.
He was missing his best friend's brother. If there's only a way to safely be with you, I would do it in a heartbeat. Napailing na lang siya saka pilit na binasa ang mga papeles na nasa folder. He has exactly four missions, according to this file.
Makakasama niya si Wynter sa lahat ng misyon. Wynter must have received the same file back at her house. Though he was a bit curious about the real reason behind their pairing since Europe and Asia ang hawak ng Vazquez Mafia. I guess they really wanted us to be partners. Charles sighed at that thought. So most likely, kakatok na lang bigla si Wynter sa bahay nila para sunduin siya para sa misyon nila.
Ang una't pangalawa sa mga misyon ay kailangan nilang mahanap ang dalawang lider ng mga terorista na paniguradong nagtatago sa North America. Magkaibang grupo pero iisa ang misyon.
Ang pangatlo naman ay kailangang mahanap ang makapangyarihang tao sa likod ng sunod-sunod na kaso ng human trafficking sa South America. Pinaghihinalaang isa itong government official sa lugar na 'yun. Sickening government officials using their power for crimes.
Finally, Charles flipped the page and saw the profile of their mission. Agad siyang napatigil at ilang saglit ang hinintay bago siya tuluyang makapag-isip ng matino. Napabuga siya ng hininga saka muling binasa ang nasa huling pahina.
Last mission: Protect Angelo Gabrielle Cortez at all cost.
ANGELO SMILED as he watched his youngest sister cooking in their kitchen. Pinauwi kasi ng ama nila ang mga kasambahay kaya naman kanya-kanyang asikaso ng mga gawaing-bahay ang nangyari sa kanilang apat. By apat, it means siya, si Autumn, si Emy, at si Mama Summer nila.
"Don't worry, Hermano. I'm almost done with our dinner." Autumn quickened her pace. Siya naman ay tinatapos na lang ang pag-aayos ng pagkakainan nila.
"Anong oras daw uuwi si Emy?" He asked his little sister who's finally done with her dish.
"I believe she's still busy with work," sagot nito saka sinalin ang niluluto sa bowl. Nang matapos ay tumingin ito sa kanya. "How about you? Are you bored now?"
"Are you not?" balik na tanong niya sa kapatid saka bumuntong hininga.
Autumn slightly chuckled. "I missed serving and cooking in Heaven Taste."
"I missed bartending," sagot naman niya. "By the way, how's your acads?"
His youngest sister smiled. "Final year and I'm officially a chef."
Angelo smiled proudly at his sister. Simula nang makilala niya ito ay gustong-gusto nitong nagluluto. Pareho pa nga sila ni Emerald na ginagawang personal chef ang bunsong kapatid kaya naman alam na alam nilang may patutunguhan ito sa larangan ng pagluluto.
"Speaking of which, second to the last year na rin pala ni Emy this year. Finally, magiging psychiatrist na rin siya."
Nangingiting tumango si Autumn. "Yep, though I really don't know why she still wanted to pursue that course. I mean yeah, she got all the skills for that course but come on! Hindi ba siya napapagod mag-aral?" Mahina pa itong natawa.
"Hey, you know that's what she wants. Yung maraming ginagawa. She needs to be busy." Sinabayan pa ni Angelo ng pagsenyas ng quotation marks sa ere gamit ang mga kamay ang salitang needs.
Kung saan-saan pa pumunta ang kwentuhan nilang magkapatid habang kumakain, at habang nasa kalagitnaan ng hapunan ay saktong pagpasok ng kanilang ina sa dining room.
"Mama! How's work?" bungad ni Angelo kay Summer sabay halik sa pisngi at abot ng bag nito.
Si Autumn naman ay inalalayan ang ina papuntang dining room para maghapunan. "Lots of stress? You know, you can stop working now, Mom."
Napangiti naman si Summer sa asal ng dalawa. "Nah, I'm fine, sweethearts. How about you two? Stressed na ba kayo rito sa bahay?"
Both of them pouted and nodded at the same time which made Summer chuckle. Aww, aren't these two cute?
All three of them enjoyed their dinner and stories, and while at it, Emerald entered their home. Napangiti naman ang tatlong naghihintay saka niyaya siyang kumain.
"How's work, Hermanita?" Angelo asked.
Emerald shrugged and continued eating. Nang maubos ang pagkaing nasa bibig, pinunasan nito ang labi saka sumagot. "Still the same. Were you both safe here while I was gone?"
Tumango naman ang dalawa at si Autumn ang sumunod na nagsalita. "Dad called earlier to make sure of our safety as well. And of course, nagsisimula nang magreklamo si Hermano."
Mahina namang natawa si Summer sa narinig saka tumingin kay Wynter. "Kailan ka babalik sa Thailand? May business din kayo roon ah."
Wyn sighed. "I'm not sure, Ma, but I'll leave the country by the end of this week."
Napatango naman si Summer. "You got the file from your dad this morning?"
The lady nodded as well. "Yeah. I'll pay Dom a visit."
Sa 'di malamang dahilan, agad nakuha ni Emerald ang atensyon ni Angelo. I still don't know why that person seems so familiar to me.
Napansin ni Wynter na nakatitig sa kanya ang kapatid kaya naman tumingin siya rito, only to see his confused face. Napailing naman si Wyn. So he still gets affected by Dom.
Tumikhim naman si Angelo bago nagsalita na para bang hindi siya naapektuhan sa pangalang binanggit ng kapatid. "And after that? You'll go back to LUST DAWN? I'm sure Narae and Anurak miss you." Ngumiti pa siya.
Umiling naman si Emerald. "I'll be back here with Dom." Napansin na naman ni Wyn na bahagyang natigilan ang kapatid. "And then I'll ask Dad if you can come with us, back to LD."
Bigla namang nagtaas ng kamay si Autumn. "And if Dad agrees, can I also go back to working at Heaven Taste?"
Alam ni Wynter na may alam din ang bunsong kapatid sa nangyayari. Alam nilang lahat, maliban kay Angelo, na target ng mga kalaban ang kuya nila kaya ito pilit na itinatago sa bahay nila. Autumn stayed there as well para hindi ganoong maghinala si Angelo.
"Yeah, though ayaw mo bang sumama sa amin sa LD?" kunwaring tanong ni Wyn.
Umiling naman ang bunso nilang kapatid. "I'll stay here. I wanna spend my summer break cooking at Heaven Taste."
Tumango na lamang si Wynter at tinapos ang kinakain. Nang ayos na lang lahat ay sama-sama silang nagligpit ng pinagkainan bago umakyat sa kanya-kanyang kwarto.
Angelo threw himself at his bed and stared at the ceiling. He was really curious about this Dominique guy kaya naman tinext niya si Narae para may hingin. Ilang minuto lang ay nag-reply ito na ikinangiti naman niya. He thanked his friend and dialed the number.
After two rings, the person picked up the call.
(Williams speaking, who is this?)
Huminga nang malalim si Angelo bago nagsalita, "It's Angelo Cortez, I wanna ask you something."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top