PROLOGUE
PROLOGUE
MAGKAHAWAK-KAMAY ang dalagang si Amethyst at ang binatang si Luther habang nakaupo sa buhangin, nakaharap sa malawak na karagatan at nakamasid sa papalubog na araw. Ito na ang huling pagkikita ng dalawa. Dahil bukas, aalis na si Amethyst patungong London at doon na maninirahan kasama ang mga magulang nito.
"Huwag ka nalang sumama sa kanila." Sabi ni Luther na madilim ang mukha at mas humigpit pa ang hawak sa kamay ng dalagita. "Dito ka nalang. Sabi mo hindi mo ako iiwan. I'm already twenty, Amethyst, kaya na kitang buhayin."
Magkapit-bahay sila ni Luther at palagi niyang nakikita ang guwapong mukha nito. Kaya nga nakaroon siya ng crush dito na nauwi sa malalim na emosyon na may katugon din naman pala sa binata.
She's seventeen and he's twenty. Tatlong taon ang agwat ng edad nila pero hindi 'yon naging hadlang sa relasyon nila.
Amethyst had been in love with Luther ever since she started high school. First year siya noon at Fourth year naman ito. And that was three years ago. Ngayon ay magka-college na siya at ito naman ay tapos na sa kursong Criminology at nag-aaral ngayon ng abogasya.
Ngayon, mas lumalalim pa ang nararamdaman niya para sa binata. Isa ito sa mga rason kung bakit ayaw niyang umalis. Alam niyang ayaw siya nitong paalisin dahil simula ng manligaw ito sa kanya at sagutin niya, palagi nitong hinihiling sa kanya na huwag niya itong iwan. Pero hindi naman niya hawak ang desisyon na iyon.
Humilig si Amethyst sa balikat ni Luther. "Kung puwede nga lang, dito nalang ako sa tabi mo habang buhay. Pero wala namang magpapakain sakin dito. Oo, sinabi kong hindi kita iiwan, pero hindi naman papayag sila mommy na manatili ako rito habang sila ay nasa ibang bansa."
"Kaya nga kitang buhayin." May diin nitong sabi bago bumaga ng marahas na hangin si Luther. "Sabi ko na nga ba e, mangyayari 'to." He tsked. "Kaya ayaw kitang ligawan noon e, alam kong aalis ka at iiwan mo ako." Hinawakan nito ang pulsuhan niya. "Kung mahal mo ako katulad ng palagi mong sinasabi sakin, hindi ka sasama sa kanila. Mananatili ka sa tabi ko—"
"Luther, I'm only seventeen." May diin niyang sabi. "Kailangan ko pa ang mga magulang ko para mabuhay ako. At saka ano nalang ang sasabihin ng mga magulang mo kung ibabahay mo ako? Minor de edad pa rin ako, Luther. Alam kong kaya mo akong buhayin pero paano naman ang mga pangarap ko? I want to study and reach my dreams." Gusto niyang ipaintindi sa kasintahan na mahal niya ito pero hindi pa ito ang tamang panahon para magsama sila.
"At hindi mo 'yon kayang gawin na kasama ako?" His gripped on her wrist tightened. "Tama ka, bata ka pa nga. Kahit hindi mo sakin sabihin, alam kong gusto mong iparating sakin na makakahanap ka pa ng iba." Nagtagis ang bagang nito. "Bakit ko ba kasi pinatulan ang isang katulad mo? Masyado pang bata para seryosohin ako."
Nanubig ang mga mata niya. "Kahit naman bata ako alam kong mahal kita."
Mas lalong humigpit ang pagkakahawak sa kanya ni Luther. "I love you, Amethyst. Kaya nga kahit tatlong taon ang agwat ng edad natin, ayos lang sakin. Minahal pa rin kita. Ayokong iwan mo ako— ayoko."
Napatitig siya sa kamay niya na mahigpit na hawak ni Luther. "N-Nasasaktan ako, Luther—"
"Mas masakit pa riyan ang nararamdaman ko ngayon." Nagtatagis ang bagang na sabi nito.
"L-Luther, b-bitiwan mo ako." Masakit na ang pagkakahawak nito sa kaniya kaya pilit niyang inaagaw ang pulsuhan niya rito. "Mahal kita—"
"Hindi ako naniniwala." Matalim ang matang tumingin sa kanya si Luther. "Kapag sumama ka sa Daddy at mommy mo, isa lang ang ibig sabihin non, nakikipaghiwalay ka na sakin. Kaya kakalimutan ko ring may nakilala akong Amethyst at buburahin ko ang pagmamahal ko sayo sa puso ko." Pakasabi nito niyon ay iniwan siya sa dalampasigan.
Gusto niyang suyuin ang kasintahan pero para ano pa? Wala namang patutunguhan ang relasyon nila. Oo, mahal niya ito pero mga bata pa sila. Ayaw niyang sirain ang kinabukasan nilang dalawa para pagbigyan ang sinisigaw ng mga puso nila. She's just seventeen and he's twenty, too young to survive in this crazy and scary world.
Bagsak ang balikat na umuwi si Amethyst sa bahay nila. And because she and Luther are neighbors, alam niyang hindi pa umuwi si Luther. Panay ang bisita niya sa bahay nito para itanong kung umuwi na ang binata pero nauumay na siya sa sagot ng ina ni Luther. It's always 'Sorry, Amethyst, Luther is not here'.
She badly wanted to talk to him. Gusto niyang i-propose rito ang long distance relationship pero hanggang sa sumapit ang araw ng pagalis nila, walang Luther na nagpakita sa kaniya.
So she left with a heavy heart.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top