CHAPTER 15

CHAPTER 15

IPINARADA ni Luther ang sasakyan sa labas ng bahay niya, hindi niya inihatid si Amethyst sa bahay nito pagkatapos nang nangayari. Hindi puwede baka mapahamak ito roon. Mabilis siyang lumabas at umikot patungo sa passenger seat para pagbuksan si Amethyst na walang emosyon ang mukha.

He's afraid of what she must be thinking at the moment. He just killed a man in front of her!

Sabay silang pumasok sa bahay niya at sa paglipas ng bawat sigundo, hindi siya mapakali sa katahimikan ni Amethyst.

She's silent and it's scaring the fuck out of him!

Nagpapasalamat siyang naroon sina Blake at Blaze sa salas ng makapasok sila. I'm sure they will break the ice.

"Hey, what's up, X?" Nakangiting tanong sa kaniya ni Blaze. Ang ngiting 'yon ay naglaho ng makita ang mukha ni Amethyst na walang emosyon. "You look like hell, Miss Amethyst."

Tipid lang na ngumiti si Amethyst bilang tugon sa huling sinabi ni Blaze, at mas lalo siyang nakaramdam ng kaba at takot.

Maybe this is it. The time has come for Amethyst to leave him. He's sure as hell she won't stay with a man who just murdered someone. Why is his life so fucked up? I hate this!Bakit kailangan pa nitong makita ang ginawa niya? Kaya niyang isangla ang kalukuwa niya sa demonyo, tanggapin lang siya ni Amethyst bilang siya at hindi na ito maghanap ng iba pa— pero sa nangyari, hindi na siya magtataka kung tumakbo palayo sa kaniya ang dalaga.

She will never accept him.

Hinawakan niya sa kamay si Amethyst at masuyo itong hinila patungo sa kuwarto niya at pinaupo ang dalaga sa kama pagkatapos ayumupo siya sa tabi nito.

"I'm sorry you have to see that." Kaagad niyang panimula sa mababang boses. "Sa mundong ginagalawan ko, normal na 'yon. I usually don't kill, but that man pointed his gun at you. I cannot let that happen. Over my dead fucking body—"

"Ayoko ng ganito, Luther."

Nanigas siya sa kinauupuan at dahan-dahang napatingin sa dalaga na nakatutok ang mga mata sa sahig ng silid niya.

"A-Ano?" Nauutal na sabi niya. Kinain ng takot ang buo niyang pagkatao.

"Ayoko ng ganito." Ulit nitong sabi saka kinagat nito ang pang-ibabang labi. "I'm thankful that you saved my life but ..." Her job is to take down criminals and Luther, he just murdered someone.

"But what?" Kinakabahan niyang tanong habang nakatingi kay Amethyst na bakas ang kaguluhan sa mukha. "This is me, Amethyst. This is the real me." Anguish was now visible in his face. "Hindi ba puwedeng tanggapin mo ako bilang ako? I will make you happy, I'll buy anything that you desire, i will give you my heart... just stay..." hinawakan nito ang kamay niya at pinisil iyon. "Stay with me, Amethyst...don't leave me."

Tumingin sa mga mata niya si Amethyst. The confusion on her face was replaced by blank expression. "I can't be with a man like you, Luther. I just can't. Ayokong malaman ang mga ginagawa mong masama kaya huwag mo akong pigilang umalis."

His insides tightened and he dropped on his knees. He begged. "Please, Amethyst, please... don't leave me... please... please..."

Tears fell down from her eyes. "I can't."

Nagpa-panic siyang umiling. "No! Don't! Please! Stay!" Mahigpit niyang hinawakan ang kamay nito. "Amethyst, please!"

Inagaw ni Amethyst ang kamay nito na hawak niya saka malalaki ang hakbang na umalis ito ng kuwarto niya at luamyo sa kaniya.

Napatitig lang si Luther sa kawalan habang nakaluhod pa rin.

Parang may sumasakal sa puso niya habang nakaluhod. Nanginginig ang kalamnan niya at parang kinakapos siya ng hininga sa sobrang sakit na nararamdaman niya. Is his heart breaking again?

At that very moment, he wanted to beg God to help him. But Luther knew ... even though he prayed to God a million times, he will not hear him—just like his unheard prayers to bring his mom's death to justice— and Amethyst will disappear in his life for good this time.

He was choking in his own heartache as a lone tear escape his eyes.

Why can't I be happy?

PASALAMPAK na umupo si Amethyst nang makapasok siya sa bahay niya. She was sobbing silently as the scene keeps on repeating in her mind ... the scene when Luther begged her to stay, to accept him.

She wanted to nod and say yes, she accepts him. All of him.

But her job was stopping her. She can't. Mas mabuti nang lumayo siya kay Luther, para hindi niya alam ang ginagawa nitong masama. Para wala siyang alam. Para kung magtanong man sa kaniya ang ahensiya niya tungkol sa binata ay wala siyang alam at magiging makatutuhanan 'yon.

That's why she can't let herself stay with Luther. Mapapahamak ito sa kaniya.

The Agency she is, they will know that she has an intimate relationship with Luther and they will exploit it. They will use her to get to Luther. No! She can't let that happen!

But at the same time, she can't lie to her agency. That will put herself at risk of everything she has work for. The Agency will punish her. Severely.

Amethyst pulled herself together before walking towards her laptop in the living room and tried to continue typing her report, with big tears running to her cheeks. Pero ilang minute na siya sa harapan ng laptop niya ay hindi pa rin niya matipa ang keyboard ng laptop niya para isulat ang mga nalaman tungkol kay Luther.

It pained her to do her job.

Nanginginig ang kamay niya habang sinusubukan paring mag-type. Hindi siya makahinga ng maluwang at parang sinasakal ang puso niya sa sobrang sakit.

'Luther San Diego Jr. is a drug dealer—

Her fingers stopped typing as tear continue to fell from her eyes.

Umiiyak na napahiga si Amethysst sa sahig ng bahay niya saka sunod-sunod na tumulo ang luha niya habang sapo ang bibig para hindi lumikha ng ingay. Ang sakit-sakit ng puso. Ayaw niyang mamili sa pagitan ni Luther at sa trabaho niya. Mula't sapol, alam niyang dapat niyang unahin ang responsabilidad niya sa ahensiya na kinabibilangan, pero ayaw naman niyang makulong si Luther ng dahil sa kaniya.

Hindi niya kakayanin.

But she has to do her job. She has to choose.

Luther or her mission.

What do I do?

LUMIPAS ang gabi at dumating ang umaga na wala sa sarili si Amethyst. Nakahiga pa rin siya sa sahig ng bahay niya at wala sa sariling nakatingin sa kisame habang gulong-gulo ang isip niya.

'Yon ang naabutan ni Honey. At kaagad itong nag-alala sa kalagayan niya.

"Amethyst!" Kaagad siya nitong dinaluhan sa sahig. "Anong nangyari sayo? Good God!" Kinalong nito ang ulo niya at hinaplos ang nuo niya. "You have a fever! What happened?"

Ang walang buhay niyang mga mata ay tumingin sa kaibigan. "I can't choose." Pabulong niyang sabi at ang traidor niyang mga luha ay namamalisbis na naman. "Hindi ko siya kayang ipahamak. Mahal ko siya. Mahal na mahal. Mahal na mahal." Humikbi siya. "Nahihirapan na ako..."

"Amethyst..." Honey looks worried. "Ano ba ang pinagsasasabi mo?"

"Mahal ko si Luther." Aniya na humihikbi. "Akala ko nawala na ang pagmamahal ko sa kaniya ng umalis ako noon at iwan siya, pero naroon lang pala ang emosyong 'yon, nagtatago at naghihintay na lumabas ulit. And Luther triggered that emotion again. Only he can."

"Oh, tapos?" Tumaas ang kilay ng kaibigan. "Anong problema do'n?"

Mapait siyang ngumiti. "He's a bad guy." Wika niya na hindi ikinukuwento ang lahat ng impormasyong. "I can't be with him, Honey. He sells drugs for a living. Kahit hindi ko 'yon sabihin sa mga boss natin, alam kong alam nila. Hindi ako puwedeng magsinungaling." She pushed herself up and faced Honey. "Misyon ko ang alamin ang lahat ng tungkol kay Luther San Diego Jr., at ngayong nalaman ko na. And I can't decide. I don't know what to do. I don't want to choose. Ang sakit, parang pinipiga ang puso ko sa sakit."

Honey nodded like she fully understands her dilemma. "Amethyst, trabaho natin na ipakulong ang mga katulad niya, hindi mahalin. He is your mission. I'm telling you now, Amethyst, as your friend, forget him."

Nagbaba siya ng tingin para itago ang ilang butil ng luha na nalaglag na naman sa mga mata niya. "I'm trying..."

"Try harder." Hinaplos muna ni Honey ang likod niya saka inalalayan siya nito patungo sa kuwarto niya at pinahiga.

"Babalik din ako kaagad." Sabi ni Honey pagkatapos siya nitong ihatid sa kuwarto niya at nagpaalam.

Walang imik siyang tumango at napatitig na naman sa kisame.

Kapagkuwan ay mariin niyang ipinikit ang mga mata at itinikom niya ang nanginginig na mga labi dahil naiiyak na naman siya.

He killed that man to save you.Anang isang bahagi ng isip niya.

He did... but whatever the reason, Luther still killed someone. And in the Agency she is working for, it's a crime ... its murder.

Puwede naming hindi ko sabihin? Siguro naman hindi nila malalaman? Hindi naman siguro nila malalamang nagsinungaling siya sa report niya.

And to pull that off, she has to stay away from Luther so she will stay clueless to whatever he is doing. O katya aalis nalang siya sa bansang ito. Babalik na siya sa London at ilalagay niya sa report niya na walang kinalaman si Luther sa mga illegal na Gawain. Na wala siyang nakitang illegal na ginawa nito.

At kapag napatunayan nilang nagsinungaling ka? Tanong ng isang bahagi ng isip niya.

Then she will be Luther's accomplice and she will pay for it. But at least she will not be the one who puts Luther behind bars. At least she had protected him, even juts for a little while.

Bumangon si Amethyst sa pagkakahiga ng maplano na niya sa isip niya ang ilalagay niya sa report niya para protektahan ang lalaking mahal niya.

Yes, if she has to lie to keep him safe, she will.

Habang naglalakad si Amethyst patungo sa salas, pabalik sa laptop niya, tumunog ang cell phone niya. She took her phone out from her jeans pocket and answered the call.

"Hello?" Aniya.

"This is a clear line." Sabi ng lalaki na nasa kabilang linya. His tone was business like. "Thyst, we appreciate the Report you made."

Kaagad na nagsalubong ang kilay niya sa narinig at napatigil siya sa paghakbang. "What report, Sir?"

"The report about Luther San Diego Jr." Anito.

Umawang ang labi niya sa narinig. "I— Ahm, I di—"

"It was full of details and very concise. Thank you. Anyway, remain still for a couple of days. I'll call you when you need to get out of the country."

She was still in daze. "Y-yes, Sir."

When the call ended, Amethyst ransacked her mind who made the report.

Wala siyang ipinasang report! Ni pagtipa nga sa laptop niya ay hindi niya ginawa. Sino ang may gawa no'n? Sino ang ibang nakakaalam tungkol sa report na gagawin niya kay Luther at sino ang may alam sa mga illegal na Gawain ng binata maliban sa kaniya— Oh god!

Nasapo niya ang bibig ng maisip kung sino ang posibling may gawa no'n.

Honey!

Mabilis siyang bumaba sa hagdan at akmang hahanapin ang kaibigan ng pumasok ito sa bahay.

"Honey, please tell me you aren't the one who send that report." May pagmamakaawa ang boses niya.

Tumigas ang anyo ni Honey. "I have to do it myself, Amethyst. Nakikita ko kasing hindi mo kaya. You're drowning in your own tears. So I hacked your laptop. Dinagdagan ko lang ang naisulat mo nang report dahil hindi naman lingid sa kaalaman ko ang mga ginagawa niyang illegal. Saka ipinasa ko nang hindi ka na mahirapan. And I'm not sorry that I did what I did. Its our job." Pagkasabi nito iyon ay naglakad ito at nilampasan siya.

Amethyst felt her knees buckled. No! Luther can't go to prison! No! Pero anong magagawa niya, tapos na. Naipasa na ni Honey ang tanging dahilan para makulong ang binatang mahal niya.

SINAPO ni Luther ang ulo habang nakaupo siya sa sahig, ang likod niya ay nakasandal sa paanan ng kama habang maraming basyo ng alak ang nagkalat sa paligid niya. He wanted to shout in so much anger, frustration and anguish.

"X?" Boses iyon ni Blaze.

He dragged his gaze to Blaze who's standing few feet away from him. "Yeah?"

"According to our man spying on Mr. Tsui, he is always on the abandoned pier just outside the city. We believe that it's Mr. Tsui hideout." Ani Blaze saka bumuntong-hininga. "Anong gusto mong gawin namin sa kaniya? Do we have to wait until the meeting to kill him? Blake can't use his rifle since there is no open window for him to take the shot"

Pinilit niyang mag mukhang maayos sa harap ng Blaze. "May tao ba tayo roon?" Balik tanong niya.

"Yes. Hinihintay nila ang utos mo."

Bumuntong-hininga siya. "Pasabugin niyp ang buong lugar kung nasaan siya. I don't care how you do it, just do it. It's easy that rifle, isn't it?"

Nanlaki ang mga mata ni Blaze. "Are you out of your fucking mind?!" He looks horrified at his order. "X naman! We are in code red! Meaning si Mr. Tsui lang ang dapat na mamatay at hindi kasama ang mga galamay niya! Minrod will kill us!"

Walang emosyon siyang tumingi sa kaharap. "Wala akong pakialam. I learned from Blake that the man who pointed a gun at my Amethyst was one of Tsui's men—to scare me. This is personal and that's my decision. Take it or leave it."

"What if i say leave it?" Mahina ang boses na tanong ni Blaze sa kaniya.

"I'm still older than you, Blaze, and I'm still your boss." His eyes darkened in anger. "If you're a pussy, then I'll do it myself, or do I have to remind you why you have to do it."

Bumuga ng marahas na hangin ang kausap. "Fuck you, X." Tinalikuran siya nito. "I'll do it."

"Good answer."

Nang makalabas si Blaze, kinuha niya ang cell phone sa ibabaw ng kama at bago pa niya mapigilan ang sarili, tinawagan niya si Amethyst.

And Amethyst never answered his call. Fuck! What did he expect?

TIINITIGAN lang ni Amethyst ang cell phone niya habang tumatawag sa kaniya si Luther. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na itong tumawag basta ang alam lang niya ay maraming beses na na.

After nine rings, his call ended.

Then his phone rang again. Luther is calling again.

At may sariling isip ang kamay niyang sinagot iyon at ini-loud speaker.

She didn't speak. And the other line was silent until a very baritone voice filled her ears.

"Amethyst, I just want to say I'm sorry you have to see that. But you have to know that in the line of work I'm in, normal na sakin ang pumatay. I shouldn't have ... but that man pointed the gun at you. I can't let that happen. You're very precious to me. Heck! I'm in love with you! I can't fucking lose you, Amethyst. I can't lose the only woman I ever love." He paused for a couple of minute. "Yes, Amethyst, I'm in love with you." Parang nanghihina ang boses nito at nagmamakaawa. "I'm fucking in love with you! So please, have mercy on my already wreck and broken heart. Can you please come back to me and be with me again? I want to feel the warmth of your loving arms and the soft caress of your lips. I miss those ... i miss you. If i have to sell my soul to the devil for you to stay and give me a chance, i will. Stay with me, Amethyst. Stay..." He let out a loud breath, like he is frustrated and doesn't know what to do. "I need you, Amethyst ... please, I still love you.

Sarkastikong tumawa si Luther sa kabilang linya kapagkuwan. "But maybe this is for the best. Tama ka. You should really stay away from me as far as possible." Bigla nitong bawi. "Ayokong madamay ka sa kasamaang pinaggagagawa ko at gagawin palang. You should leave me alone and stay away. That's the best for both of us. I will just endanger you. Because god knows if something bad happens to you, I. Will. Die."

Then the line died.

Kinagat niya ang pang-ibabang labi habang halo-halo ang emosyon na nararamdaman niya dahil sa mga sinabi ni Luther. And even if she tried her best to stay away from the man she learned to love again, she couldn't. Amethyst had fallen in love with Luther again. At masakit dahil ang daming balakid sa pagmamahalan nila.

Ano pa ang mukhang ihaharap niya kay Luther pagkatapos i-send ni Honey ang report na 'yon sa kinauukulan gamit ang pangalan niya?

How?

MATIIM na nakatitig si Luther sa TV habang ibinabalita ang nangyaring pagsabog sa isang abandonadong Pier.

'Sa ulo nang mga nagbabagang balita. May sumabog na abandonadong Pier hindi kalayuan sa siyudad at may naiulat na labin-limang patay. Nasa kamay na ngayon ng Pulisya ang mga bangkay at nasa ilalim na ng pagsusuri para alamin ang kanilang mga pagkakakilanlan. Sampu ang hindi pa nakikilalang bangkay sa ngayon, samantalang apat ay may pagkakakilanlan na, samantalang ang isa naman ay isang kilalang negosyante na nag ngangalang Chi Tsui. Isa itong mayamang Chinese Businessmen na narito sa Pilipinas para mag-negosyo. Wala pang alam ang awtoridad kung ano ang dahilan ng pagsabog at kung sino ang ulo ng krimen na ito, kaagad naman daw na ilalabas ang Police report kapag nalaman na nila ang buong pangyayari sa nasabing pagsabog.'

Tumiim ang bagang niya. At last, you paid for what you did to my mother. Pero sa halip na magsaya dahil nagtagumpay ang isa sa mga plano nila ay wala siyang maramdamang kasiyahan. Mahaba ang tatahakin nilang daan patungo sa tagumpay na inaasam nilang lahat.

"Who's next?" Tanong ni Blake na nasa pang-isahang sofa at nakatingin sa kaniya na hinihintay ang utos niya.

He sighed and answered. "Do everything you can to sway Mr. Henrick to meet with us personally. If we have to cut him from our distribution list to pressure him, do it. The moment he got hook in our bait, we will end him."Gusto ko nang matapos 'to.

Blake nodded. "Got it."

Nakakunot ang nuong dumako ang tingin niya sa humahangos na Blaze na palapit sa kanila ni Blake na nasa salas.

"What is it?" Luther asked in confusion when he saw Blaze's worried face. "What happened? Nakatunog ba ang natitirang dalawa nating target dahil sa nangyari kay Tsui?" May pag-aalala niyang tanong.

Kapag nangyari 'yon, tiyak na babalik na naman ito sa mga lungga nito at hindi magpapakita ng ilang taon. He can't do this anymore that's why he has to end it!

May inilapag si Blaze na window envelop sa center table na nasa harapan niya saka huminga ito ng malalim. "A letter from Minrod."

"Fuck." Luther cursed and hurriedly opens the envelop.

Mabilis niyang binasa ang nakasaad sa sulat.

'Read this you imbecile. And tell me that you're fucking careful in your fucked up endeavor.'Below Minrod's penmanship that can be compared to a font style 'chiller' was a long letter.

A letter that has his name on it.

Fuck! What the fuck is this?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top