CHAPTER 12

CHAPTER 12

GISING ang diwa ni Amethyst ng bumukas ang pinto ng silid na kinaruruonan niya sa loob ng Club ni Luther. Nang nagmulat siya ng mata, nakita niya si Luther na naglalakad palapit sa kama na kinahihigaan niya. He looks dangerous as he strides towards her, yet, oddly, she's not afraid of him.

Ilang oras na siyang nakatali pa rin siya sa kama at walang magawa para makawala. Her skill is limited only to getting information and kicking someone's ass. Hindi siya makawala kahit anong subok niya. Hindi siya si Themarie, ang isa sa kaibigan niya na ang daming kayang gawin.

Nang makaupo ang binata sa gilid ng kama, kitang-kita niya sa mukha nito ang pagod. Hinilamos nito ang mga palad sa mukha nito saka bumuga ng marahas na hangin.

"Fuck!" Luther hissed under his breath.

Nakaramdam siya ng awa sa binata. Bakas sa mukha nito na parang pagod na pagod na ito na may halong pagsisisi at pagkamuhi.

"Luther." Kuha niya sa pansin ng binata.

Luther gives her a sideway glance. "What?!" He snapped at her.

"Ayos ka lang ba?" May pag-aalang tanong niya.

Natigilan ito bago mapait itong ngumiti na nauwi sa mapaklang tawa. "I killed a man today, Amethyst." Tumitig ito sa mga mata niya. "I guess you're right, I'll never be gentle even if I try so hard."

Kinagat niya ang pang-ibabang labi. "Please, tanggalin mo ang posas ko." Gusto niya itong yakapin at sabihing ayos lang 'yon.

Pero kailan ba naging maayos ang pagpatay ng tao?

Laking gulat ni Amethyst nang dumukwang si Luther palapit sa kamay niya at inalis nga ang posas sa kamay niya. Her hands were freed in less than seconds and Amethyst slowly embraced Luther to console her, pero kaagad na binaklas ni Luther ang mga braso niya rito.

"Umalis ka na, Amethyst." Tumayo ito saka naglakad patungo sa maliit na Bar na naroon saka magsalin ng alak sa shot glass. "You know," uminom ito ng alak. "Tama ka. I'm not a good person and I will never be. Kaya umalis ka na."

Bumuntong-hininga siya. Amethyst can feel her heart breaking at Luther's words. Hindi man niya makayang aminin ditto ng harapan kasi medyo wala na ang epekto ng alak sa kanya, pero nasasaktan siya na pinagtutulakan siya nito palayo. Kanina lang, bago ito umalis, ay maayos naman ito. Tapos ngayon, parang hindi na ito maayos.

Something must have happened.

"Ano ba'ng nangyari sayo?" Tanong niya at naglakad palapit dito. Inagaw niya ang bote ng whiskey na hawak nito at ibinalik iyon sa lalagyan. "Ano bang nangyari sayo?" Tanong niya at masuyong sinapo ang mukha nito at pilit na pinaharap sa kaniya. "Look at me, please?" She demanded.

Humarap ito sa kaniya at pinakatitigan siya. "Sige na, umalis ka na." May pakiusap sa boses nito. "Just go. Leave me alone."

She didn't listen to Luther, instead she encircled her arms around Luther's waist. She can't bear to see his sad face which he has right now. Kaya niyakap niya ang binata.

Naramdaman niyang nanigas si Luther sa ginawa niyang pagyakap dito pero hindi siya nito tinulak palayo na pinagpasalamat niya. Pagkalipas ng ilang segundo, naramdaman niyang yumakap ang braso nito sa beywang niya saka hinapit siya palapit sa katawan nito.

He hugged her tightly, like he doesn't want to let go of him.

"Amethyst," he breathes out her name like he's afraid to let her go. "I'm a very dangerous man, so pleas leave." Mas humigpit pa ang yakap nito sa kaniya. "I'm not the right man for you. I never will be."

Amethyst tightened her embraced on Luther. "I know that you are not the right man for me, Luther. Alam ko ring marami kang ginagawang masama, hindi ako bulag sa mga illegal mong gawain. But even after knowing that, I don't even know why I'm still here, hugging you like this. But people change, Luther, maybe you can still change of the better."

Bahagyan siyang pinakawalan ni Luther sa pagkakayakap at masuyong sinapo ang mukha niya.

"Do you think I'm capable of changing?" Tanong nito sa kaniya habang hinaplos ang pisngi niya at nakatitig sa kaniya. "Do you think I'm capable of being gentle to you?" He brushed his thumb against her lips, "kasi pakiramdam ko hindi ko 'yon magagawa."

Umiling siya. "Luther, people change all the time. I'm sure you can too." Huminga siya ng malalim. "Hindi naman kasi ikaw ito, e. Hindi ka masamang tao, Luther. Hindi ganun ang Luther na nakilala at minahal ko. Hindi kayang pumatay ng tao nang Luther na nakilala ko noon. You are good and just. You are one of those amazing people that I know. It's not too late, you can still change, Luther, please?"

Luther pressed his lips on hers and smiled, but it didn't reach is eyes. "Go. Leave me." Binitiwan siya nito saka bahagyan siyang itinulak palayo. "I'm never gonna change so leave me. Now. Leave."

Hindi napigilan ni Amethyst na malaglag ang isang butil ng luha sa pisngi niya, "so it was really all pretend?" Parang may sumasakal sa puso niya. "Hindi mo talaga ako gusto?"

Luther looked away. "Just go, Amethyst."

Tinuyo niya ang luha sa pisngi niya saka ngumiti kay Luther. "Sige, kung 'yan ang gusto mo. Aalis na ako."

She hugged Luther one last time and kissed the corner of his lips before she turns around and left the room and then she left the Club afterwards.

Maybe Luther was right, this was the best thing to do. But her heart is breaking and she's in pain? How was this right?

NAPATITIG si Luther sa pintuan na nilabasan ni Amethyst. He sent her away. That's the best thing to do, right? Hindi niya kayang magbago. Hindi puwede. He has a mission to do. Alam niyang tama ang ginawa niya, alam niyang para iyon sa ikabubuti ni Amethyst.

Pero bakit heto siya at hinahabol ang dalaga palabas ng Club, nagdarasal na sana hindi pa ito tuluyang nakaalis sa Club Red.

"Amethyst!" He shouted at the top of his lungs. "Amethyst! Come back!"

People inside the Club looked at him, confused. Wala siyang pakialam sa mga matang napapantastikuhang nakatingin sa kaniya. Kailangan niyang makita si Amethyst.

Lumabas siya ng Club Red, nagdarasal na sana hindi pa ito tuluyang nakaalis, pero huli na siya. Wala na roon ang dalaga. Ni anino nito ay hindi niya makita.

Fuck!

Why did he send her away if he would chase her?

"Luther?"

That angelic voice filled his ears. Mabilis siyang lumingon at nagtama ang mga mata nila ni Amethyst na nasa likuran niya.

"Amethyst." He whispered her name as he run towards her and hugged her tightly. "Thank God you're still here!"

She was taken aback by his embraced, he felt it, but she didn't push him away. "Nagpunta lang ako sa restroom, napuwing kasi ako e."

Pinakawalan niya ito sa mahigpit na pagkakayakap at mataman niyang tinitigan ang mga mata nito. They were red and swollen. Hindi iyon mata ng napuwing.

"You'd been crying." Because of me?

Umiling ito at pasimpling pinahid ang luha sa gilid ng mga mata. "Hindi ako umiyak." Nag-iwas ako ng tingin. "Sige, aalis na ako."

Pinigilan niya ito sa braso. "Stay." Luther looked at Amethyst in the eyes pleadingly. "Please, stay, Amethyst."

Pagod na sinalubong ni Amethyst ang tingin niya. "Luther, you can't keep pushing me and pulling back whenever you feel like it. Made up your mind because you're hurting me with you uncertainty."

Inalis ni Amethyst ang kamay niyang nakahawak sa braso nito saka sumakay ito sa kotse nito at kaagad nitong pinaharurot iyon palayo.

Marahas siyang umiling.

Mabilis siyang sumakay sa Mustang niya saka pinaharurot iyon patungo sa dereksiyon na tinahak ng sasakyan ni Amethyst. "Sorry, baby. I'm really trying, but I can't let you go. Hindi ko pala kaya."

PABAGSAK na humiga si Amethyst sa kama niya pagkauwi na pagkauwi niya sa bahay niya mula sa Club ni Luther. Walang tao sa bahay niya maliban sa kaniya. Wala na naman si Honey, kaya mag-isa ulit siya.

Napatitig si Amethyst sa kisame habang laman na naman ng isip niya kay Luther. He keeps pushing and pulling her away and it's confusing her so much.

Kapipikit lang niya ng mga mata ng marinig niyang parang bumukas ang sliding window ng silid niya, ang bintana na nakaharap sa silid ni Luther.

Mabilis siyang bumangon at akmang kukunin ang baril na itinago niya sa ilalim ng kama ng mapagsino niya ang pangahas na lalaki na umakyat sa bintana niya.

"Luther?" Hindi niya makapaniwalang tawag sa pangalan ng binata ng makitang umapak ang paa nito sahig ng kuwarto niya.

"Amethyst." Bigla siya nitong sinugod ng yakap sabay kubabaw sa katawan niya. "I can't..." Luther mumbled. "I can't, Amethyst." He showered her face with lots and lots of kisses. "I can't. I just can't. I can't let you go. I can't."

Luther keeps on kissing her, showering her face and neck with kisses.

And he keeps on mumbling, "I can't, Amethyst. I just can't."

Hinaplos niya ang likod ni Luther saka ang isa naman niyang kamay ay sinusuklay ang buhok nito. She wanted Luther to calm down and that's the only way she knew how. Umasa siyang gagana ang ginagawa niya para kumalma ang binata.

Minutes later, he did stop mumbling and calm down. Nakahiga na ito ngayon sa tabi niya pero mahigpit pa ring nakayakap sa beywang niya.

"Are you okay now?" Tanong niya sa binata habang patuloy na hinahagod pa rin niya ang buhok at likod nito.

"I killed a man today." Bulong ni Luther, "do you think I'm okay?"

Nanlamig siya pero pinakalma niya ang sarili. Maybe he has his reasons? "Bakit mo siya pinatay?" Pinilit niyang hindi mautal habang nagsasalita.

"He pulled out the gun first. I just reacted." Anito at mas humigpit ang yakap sa kaniya. "I pulled the trigger and he's dead now."

Namutla siya pero hindi niya pinakita iyon. This man can really kill!

"Hindi ka ba nakonsensiya sa ginawa mo?" Tanong niya ulit sa mahinang boses.

"He deserved what I did to him."

Tinitigan niya si Luther na nakapikit ang mga mata at kalmado ang ekspresyon ng mukha.  "Luther, please, you can still change for the better." Pakiusap niya.

He opened his eyes and looked at her. "I can't do that."

Kumunot ang nuo niya. "Bakit naman?"

"Kasi ayokong magbago." Nag-iwas ito ng tingin. "This is me. Take it or leave it."

Bumuntong-hininga siya saka niyakap ang binata at hinalikan ito sa nuo. "Honestly, I don't know what to answer you. I really don't."

Natigilan ito at matiim na tumingin na naman sa kaniya. "Bakit? Ayaw mo ba akong makasama sa buhay mo?"

"You're confusing me." Aniya, "it's either you want me or not, Luther. It can't be an 'or'."

Luther smiled before kissing her on the lips. And she let him kissed her. She likes it when he kissed her, especially if it's soft and passionate.

"I want you." Bulong ni Luther habang hinahalikan siya sa mga labi.

"Then it was not pretend?" She asked in between their kisses.

Luther bit her lower lip. "No. I lied."

Amethyst can't help but smile. "Really?"

Luther nodded before snaking his tongue inside her mouth and she accepts him fully and wholeheartedly. Kaya nang kubabawan siya nito, hinayaan niya ang binata kahit pa nga unti-unting nahuhubad ang saplot nilang dalawa.

Mga undol at daing ang kumawala sa labi niya ng yapusin nito ang hubad na niyang katawan hanggang sa mainit at mapusok niyang inangkin ng binata na mapusok din naman niyang sinalubong at tinanggap.

And when they came, it was heaven.

But it wasn't the last. They had sex again, and again and again until they run out of energy and fell asleep.

NANG magising si Luther, wala na sa higaan si Amethyst. Napangiti siya ng maalala ang nangyari sa kanila kagabi ng dalaga. Mabilis siyang bumangon at kaagad na hinanap si Amethyst. Luther went to the kitchen and saw Amethyst cooking breakfast.

Amethyst was humming as she dances and cook at the same time.

Luther was amused at the scene in front of him. Bumaba ang tingin niya sa pang-upo nito na gumigiling pababa at pataas at naramdaman niya ang pagkabuhay ng bagay na nasa gitna ng hita niya.

Amethyst can really make him hard in an instant. Effortlessly.

Naglakad siya palapit dito at akmang hahawakan ito sa balikat ng bigla nalang umigkas ang kamay nitong may hawak na kutsilyo papuntang mukha niya. Mabilis siyang umilag at ekspertong inagaw ang kutsilyo kay Amethyst.

"Fuck, baby!" He hissed as he throw the knife into the sink. "Balak mo ba akong patayin?"

"Sorry. I didn't mean to..." Puno ng pagsisisi nitong sabi na umiiling pa.

Bumuga siya ng marahas na hangin saka ininspeksiyon ang kamay nito. "Hindi ka ba nasugatan? Mag-iingat ka kapag kutsilyo ang hawak mo, okay? Baka masaktan ka."

May munting ngiti na gumuhit sa mga labi ni Amethyst. "Nag-aalala ka sakin?"

"Fuck, yeah." Hinalikan niya ang palad nito. "Hindi ko nga kayang malayo sayo, ang Makita ka pa kayang nasaktan?" He tsked, "By the way, I can't have breakfast with you. I have to go. May kailangan lang akong asikasuhin."

Tahimik na tumango si Amethyst.

Luther hugged Amethyst from behind and kissed her nape and neck before whispering over her ear. "I'll pick you up later for dinner. It's a date."

In an instant, Amethyst smile was back. "Okay. Hihintayin kita. Saan mo pala ako dadalhin mamaya?" Tanong ni Amethyst na halata sa boses na excited ito sa kung saan man sila pupunta.

He kissed the tip of her nose. "It's a surprise."

Sumimangot ito. "Gusto ko nang malaman ngayon."

Tumawa siya ng mahina. "Mamaya na. Surpresa ko 'yon sayo." Hinalikan niya ito sa mga labi saka siya nagpaalam ay malalaki ang hakbang na umalis.

If he can't let go of Amethyst, then he better do something to make her stay safe while being with him. Pero uunahin muna niya ang misyon niya. Hindi niya puwedeng ipagpaliban 'yon. They are now in code red. He had to move. Fast. Nasa harapan na nila ang pagkakataon na matagal na nilang pinaplano na mangyari at wala siyang balak na palampasin 'yon.

There's too much stake already. My plan better work. For Amethyst to be safe.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top