• Wife •
Kleng's POV
Tinitingnan ko lang ang sarili ko sa salamin. Wala namang nagbago. Naroon pa rin ang ilang mga peklat gawa ng bayolente kong trabaho noon. Robert gave me a souvenir. I have a big scar on my forehead. This will always be a reminder of the life I left behind.
Tumagilid ako at tiningnan ko ang tiyan ko. Wala ding pagbabago. Flat pa rin kahit na nga sa loob noon ay may buhay na pumipintig na ilang buwan lang ay tuluyan ng lalaki.
Napalunok ako at napapikit. Hindi ako makapaniwala dito. Buntis ako. May buhay na nawala pero may buhay ring pumalit. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Lungkot sa pagkawala ni Ferdie at saya dahil magkaka - anak kami.
Hindi ko pa rin matanggap na wala na siya. Araw - araw parang panaginip na bumabalik ang alaala niya. Kung paano kami nagkakilala. Kung paano kami nagkahiwalay. Those bittersweet memories that I will always cherish as long as I live. Ferdie will never die in my heart.
"Kleng. May bisita ka," boses ni Lucy iyon.
"S - sige. Sandali lang." Mabilis akong nagbihis. Wala akong inaasahang bisita. Sa totoo lang wala pa akong hinaharap na kahit sino maliban kay kuya at kay Lucy. Mas gusto ko lang ang ganito na mag - isa ako.
Pagbukas ko ng pinto ay naroon si Lucy. Nakangiti siya sa akin.
Ngayon ko lang na - realize na totoo ang mga sinasabi ni kuya na mabait si Lucy. 'Yung mga naririnig ko noon na masama ang ugali niya, superficial lang pala iyon. Sinasadya lang niyang gawin to show people how tough she is. Pero deep inside, she is a loving individual at kitang - kita ko kung gaano niya kamahal si kuya.
"Kamusta ka? Are you drinking your vitamins? 'Yung folic acid huwag na huwag mong kakalimutan na inumin. Importante 'yon," sabi niya.
"Okay lang ako." Hindi ko pa alam kung paano ako makikiharap kay Lucy. Asiwa pa rin ako. Pero she is reaching out for me lalo na ng mamatay si Ferdie at malaman niyang buntis ako. Lalo siyang nakikipag - close sa akin.
"May bisita ka. Si Yanna. Doon ko na muna siya pinapunta sa lanai. Magsabi ka lang kay Manang Yoyi kung may kailangan ka," pumipikit - pikit Lucy na halatang pinipilit lang na huwag maiyak. Lagi naman siyang ganoon. Sa tuwing makikita niya ako, lagi siyang naiiyak. Naaalala daw niya kasi si Ferdie.
Naabutan ko si Yanna a nagbabasa - basa ng magazine sa lanai. Mukhang inip na sa paghihintay sa akin. Natawa ako. After so many months, ngayon na lang ulit kami nagkita. Na - miss ko din ang bruhang 'to.
"Yanna."
Tiningnan ako ni Yanna at napangiti siya ng mapakla tapos ay mabilis na lumapit at yumakap sa akin. Ang higpit - higpit noon. Maya - maya ay umaalog na ang balikat niya. Humahagulgol na siya.
"Sorry. Sorry." Paulit - ulit niyang sabi.
Pinigil ko na ang sarili kong maiyak. Ayoko na. Pagod na pagod akong umiyak.
"Sorry saan?"
"Basta. Sa lahat. Kung hindi kita ni - recruit noon hindi magkakaganito ang buhay mo." Pinapahid ni Yanna ang luha niya.
"Choice ko 'yon. Wala kang kasalanan ano ka ba? Kamusta ka na?"
"Doon na ako sa agency ng kuya mo. Doon kami na - transfer for the meantime habang inaayos pa ni Sphinx ang lahat. Everything was compromised sa agency niya. She needs to rebuild it again. Masyado nating minaliit ang ang case ni Robert." Napahinga ng malalim si Yanna. "Ang dami - daming nagbuwis ng buhay dahil sa taong 'yon. Good thing nakakawala ka na."
"Kung ako ang masusunod, ayokong umalis. I still want to be an agent. Pero kalaban ko na si kuya. Ayaw na niya. At kung buhay din si Ferdie, ayaw na rin niya ng bayolenteng buhay para sa akin at sa magiging anak namin." Marahan kong hinaplos ang tiyan ko.
Nanlaki ang mata ni Yanna. "Buntis ka?"
Malungkot akong tumango.
Napabuga ng hangin si Yanna at ngumiti. "May nawala pero may pumalit. You'll get over this. Alam kong mahirap pero malalampasan mo din."
"Nanghihinayang lang ako sa mga panahong sinayang ko. Kung hindi ko pinairal ang pride ko noon, siguro hindi nagkaganito ang buhay namin. Masaya siguro kami."
"Kleng, everything happens for a reason. Lahat ng pagsubok dumadating sa buhay para mas lalo tayong tumibay. Kukuwestiyunin natin lahat but at the end of the day, tatanggpin pa rin natin bakit nangyari iyon. Makakaya mo 'yan." Marahan pang tinapik ni Yanna ang balikat ko.
Napahinga lang ako ng malalim. "Bakit napadalaw ka?"
"Na - miss nga kita. Saka gusto ko ding ipakita 'to sa 'yo kahit na alam kong bawal." Iniabot niya sa akin ang isang envelope.
"Ano 'to?" Taka ko 'yung binuksan. Pictures iyon mula sa scene kung saan sumabog ang ambulansiya ni Ferdie. Napalunok ako. I've been trying not to look at this for weeks. Magmula ng malaman kong buntis ako, itinago ko na ang mga ito.
"Kleng, look closely at the pictures."
"I've seen this dozens of times, Yanna. Ayoko ng tingnan 'yan." Ibinalik ko sa kanya ang envelope.
"Tingnan mo 'to," ibinalik niya ang isang picture sa akin.
"Please Yanna. Ayoko ng makita 'yan. Paulit - ulit lang akong sinasaktan niyan."
"Tingnan mo ang mga taong umusyoso. You don't recognize her?" Halos iduldol ni Yanna ang picture sa mukha ko at itinuturo ang isang babaeng nakatayo malapit sa nasusunog na van.
"Mga usyosero at usyusera ang mga 'yan." Sagot ko.
Parang naiinis na si Yanna sa akin.
"That is Rachel!"
Kumunot ang noo ko sa kanya at hinablot kong muli ang litrato. Pilit kong tinitingnan ang babaeng itinuturo niya. Naglabas siya ng mga litrato ni Robert at Rachel.
"See? Anong ginagawa niya diyan? She should be in hiding dahil siya ang tumarantado sa kuya niya."
Napalunok ako. Bakit hindi ko nakita ito? Bakit hindi man lang din nasabi sa akin ni kuya?
"Ayaw itong ipasabi ng kuya mo but they are doing some investigations na baka si Rachel ang may kagagawan ng nangyari kay Ferdie."
Para yata akong hindi makahinga sa nalaman ko.
"May mga connections kayo 'di ba? Sa mga pulis. Sa NBI. They would know kung ano ang bagong identity ni Rachel. Yanna, napakadaling trabaho nito."
"Limited ang access ko sa agency ng kuya mo. You better ask him. Pero huwag mong sasabihin sa kanya na sa akin nanggaling 'yan. Hindi ko lang matiis na hindi mo malaman."
Hindi na ako sumagot. Sa isip ko ay pinapatay ko na si Rachel.
——————->>>>
My head is like splitting in half. Every morning ganito ang pakiramdam ko. No recollection of what happened to me. I can hear faint voices. Sino ba ang mga 'to?
"Five cc every morning. Then continue to give these meds para pang - support. He will not remember anything."
Boses lalaki iyon. He is giving some instructions to a woman.
"Are you sure he will forget the past? I just want him to remember me."
Sino ba siya? Shit. What is this? Hangover ba 'to?
"This is a breakthrough drug. A drug that can help anyone who wants to forget their past. Hindi na kailangan ng mga aksidente o kung ano. Just give this drug and let it do its magic. We have tested this to many subject and the result was a success. Does he know who you really are?"
"No." Sagot ng babae.
"Just five cc okay? No more than that. Kaya merong mga oral meds para lang pang - suporta. Ayaw mo namang masobrahan ang dementia niya 'di ba?"
"W - who are you?" Hilong - hilo talaga ako.
Mabilis na lumapit sa akin ang babae. Sino ba siya?
"Hon, okay ka lang? May masakit ba?" Damang - dama ko ang pag - aalala ng babae.
"My head. It is like splitting in half. You. Who are you?" Blurry pa ang paningin ko but she looks familiar.
"Hon, you don't remember me? I am your wife. Kassandra." Pakilala ng babae.
"Wife? Kassandra." That name. It sound so familiar.
"Come on. You need to take this medicine," I saw her took the syringe from the doctor and stick it to my arm.
"Para saan iyan?"
"Its for your own good. You've been in a terrible accident. You can't still walk."
"Accident?" Taka akong tumingin sa paa ko at naka - cast nga ang mga iyon.
Unti - unti lumilinaw ang paningin ko. Isang babae ang nasa harap ko. She looks familiar but hindi ko maalala kung sino siya.
"This is Doctor Jeff Suarez. He's been helping you since the accident."
"What kind of accident?" Wala akong maalalang aksidente na sinasabi niya. Ang totoo, wala talaga akong maalala.
Lumapit sa akin ang doktor.
"Do you know your name?" Tanong niya.
Napapikit ako at parang may bumubulong sa akin na banggitin ang pangalan na 'yon.
"Ferdie. Who's that?"
Lumapit ang babae sa akin at hinawakan ang kamay ko.
"That is you, hon. You are Ferdie and you are my husband. You got into an accident before we got married."
Married? Pilit kong inaalala ang lahat pero blangko talaga.
May kinuhang mga gamot ang babae at ibinigay sa akin.
"You drink this medicine. You need this for your recovery." Tinulungan pa ako ng babae na mainom ko ang mga gamot.
"I'll leave you two alone. Babalik ako to check on him after two days," nakangiting sabi ng doktor sa babae tapos ay bumaling sa akin. "Just always drink your medicine. Your wife knows what to administer." Tinapik pa niya ako sa balikat bago tuluyang lumabas.
Tinutulungan ako ng babae na makaupo at marahan pa niyang minamasahe ang likod ko.
"You are my wife?" Paniniguro ko.
Malungkot na ngumiti ang babae. "Yes. I've been trying to tell you that every morning. At hindi ako magsasawang ipaalala sa iyo araw - araw na ako ang asawa mo."
"How?"
"We love each other. You keep on telling me over and over how much you love me."
Hindi ako makasagot. Pilit kong iniisip ang mga sinasabi niya.
Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan iyon.
"Your name is Ferdie. I am Kassandra Jade Carbonel. And I am your wife." Nakangiting sabi niya sa akin.
Tumingin ako sa paligid ko at naroon ang marami niyang pictures. Picture niya, pictures ko. Picture naming dalawa. Mga litrato na hindi ko talaga maalala.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top