• Tutor •
Kleng's POV
"Karl, i - assign mo ako sa ibang estudyante. Kahit na sinong pinakatamad na estudyante dito pagtitiyagaan kong i-tutor. Huwag lang 'yang si Oligario," tinapunan ko ng masamang tingin si Ferdie na nakaupo sa bandang likod ng student council office namin at parang inosenteng patingin - tingin sa buong paligid. Lalo lang siyang nakakainis!
"Kleng hindi tayo puwedeng tumanggi sa mga estudyanteng nangangailangan ng tulong," sagot sa akin ni Karl.
"Hindi tutor ang kailangan ng lalaking iyan. Kumpisal at pagtuturo ng kagandahang asal ang kailangan niyan," tiningnan ko ulit siya at nakita kong nakatingin na siya sa akin. Ngumiti pa siya na lalo kong ikinainis.
"Masisira naman tayo sa committee niyan. Kleng, unang project natin ito as newly elected officers ng student council. Kahit na notorious tamad at bully 'yang si Ferdie, matataas ang grades niyan." Sabi pa ni Karl.
"Bakit kailangan pa niya ng tutor kung matataas ang grades niya? Saka Economics 101? Pang first year iyon. Pre-requisite para maka - jump ka sa ECO 102. Karl, sayang ang slot na ito. Puwede natin itong ibigay sa mas nangangailangan na estudyante," para akong nakikipag - usap sa hangin dahil parang hindi na intindi ni Karl ang mga sinasabi ko.
"Hindi pa ba tapos ang diskusyon 'nyo? Aral na aral na kasi ako, eh. Alam mo 'yun? Gusto ko ng matuto. Puwede na ba tayong mag - umpisa? Mam?" Narinig kong sabat ni Ferdie.
Inirapan ko siya.
"Karl - "
"Kleng, you are the new Vice President. Do your job as my second in command. Help those students that needs help. Wala na tayong pinag - usapan," sabi ni Karl at tumayo na bitbit ang mga gamit niya.
"Karl, please." Nakikiusap na ako.
"Late na ako sa tuturuan kong estudyante. Sige na," at iniwan na niya ako.
Gusto kong sumigaw sa inis. Lalo lang akong nainis ng makita kong nakangisi sa akin si Ferdie na parang bang may naiisip siyang kalokohan.
"Maghanap ka ng ibang magtuturo sa iyo," sabi ko sa kanya at inimis ko na din ang gamit ko.
Tumayo siya at lumapit sa akin.
"Uy, bad 'yan. Discrimination sa aming mga estudyante. Saka, masisira ka at ang student council 'nyo kapag nalaman nilang tumatanggi kang tumulong sa mga katulad namin," sagot niya.
Napahinga ako ng malalim sa pagpipigil ng sasabog ko ng galit.
"Alam kong sinasadya mo 'to. Bakit? Dahil natalo kita sa election?"
Ngumisi siya sa akin. "Correction. You didn't win. I let you win. Pero okay na iyon. Hindi naman ako naghahanap ng kapalit. Kaso, ramdam kong as a student council officer wala kang pagpapahalaga sa katulad kong estudyanteng nangangailan," pinalungkot pa ni Ferdie ang mukha niya.
"Please lang. Tumigil ka ng arte mo." Napailing - iling ako at inis na sumigaw. "Fine! Magkita tayo sa library in ten minutes." Iyon lang at tinalikuran ko na siya.
"Saan ka pa ba pupunta? Puwede kitang samahan." Sabi niya.
Hindi ko na lang siya pinansin at binitbit ko lang ang mga gamit ko palabas ng kuwarto. Ramdam kong nakasunod pa rin siya.
"Marami ka bang ituturo sa akin?"
"God! Bakit ba ang kulit mo?" Inis na baling ko sa kanya. Akala ko ay nakasunod lang siya sa akin. Hindi ko alam na dikit na dikit pala siya sa pagkakasunod sa akin kaya pagharap ko sa kanya ay subsob ako sa dibdib ni Ferdie.
Ang bango niya. Amoy mamahalin ang pabango. Hindi rin siya amoy sigarilyo.
"Huwag ka naman basta yayakap sa akin ng hindi ako ready," tumatawang sabi ni Ferdie. "Kinikilig ako, eh."
Malakas ko siyang itinulak at lumayo ako sa kanya.
"Lumayo - layo ka sa akin, ha? Itu - tutor lang kita. Kung may choice lang ako, talagang hindi ikaw ang gusto kong turuan." Sabi ko at nagpatuloy ako sa paglakad.
"Sinasaktan mo na naman ang feelings ko." Nagpaawa pa ang itsura niya.
Hindi ko siya pinansin. Alam ko naman na nang - aasar pa rin siya.
Dumiretso na ako sa library at nakasunod pa rin siya. Alam kong tinitingnan kami ng mga estudyante kasi talaga namang kilala si Ferdie sa buong university tapos susunod - sunod lang sa nobody na katulad ko.
Pinili ko ang pinakasulok na puwesto sa library para walang masyadong makapansin sa amin. Gusto ko na lang matapos ito at talagang bukas, makikipagpalit talaga ako ng estudyanteng tuturuan ko.
"Hi, Ferdie."
Pareho kaming napatingin ni Ferdie sa tumawag sa kanya. Babae iyon at todo pa-cute ang ngiti sa kanya. Inirapan ko lang ang babae at itinutok ko ang pansin sa libro at sa mga ituturo sa kanya.
"Chel," tanging sabi ni Ferdie.
"Hindi mo pa rin ako tinatawagan. Nagtatampo na ako." Sobrang arte ng boses ng babae.
Napa - rolyo ang mata ko sa kaartehan ng babaeng ito. Kaya ganito na lang ang yabang ng lalaking ito, eh. Feeling niya kasi lahat ng babae naghahabol sa kanya.
"I am trying to study, Chel." Tanging sagot ni Ferdie.
"O? Bakit sa iba ka pa nagpapaturo? I told you I can help you with everything. If you have projects, I can do it for you. Just tell me what you need."
Napailing ako sa sobrang pagka - desperada ng babaeng ito para lang mapansin.
"I'll just see you some other time, Chel. I just want to study for now." Tonong nagtataboy na si Ferdie.
Napasulyap ako sa babae at nakita kong parang napahiya siya sa narinig niya. Buti nga. Arte - arte kasi.
"S - sige. I'll see you around. I'll still wait for your call anytime." At tumalikod na ito.
Patuloy lang ako sa pagbuklat ng libro. Hindi ko talaga tinitingnan si Ferdie.
"So, what are we going to study?" Narinig kong tanong niya.
Inis na inilapag ko sa harap niya ang nakabukas na libro. Doon sa page na dapat niyang pag - aralan.
"Basahin 'yan. Law of supply and demand." Sabi ko.
"Hindi mo i-explain sa akin?" Tanong pa rin niya.
"Marunong kang magbasa 'di ba? Basahin mo. Intindihin mo. Ganoon lang kadaling mag - aral. Huwag kang tamad." Sagot ko sa kanya.
Nagtaka ako ng hindi sumagot si Ferdie at nakatingin lang sa likuran ko.
"And this is our newly elected vice president Kassandra Jade Carbonel. She is also helping a student to study," narinig kong sabi ng kung sino.
Tiningnan ko kung sino iyon. Isang grupo ng mga estudyante at ilang faculty members ang nasa malapit sa amin. Kasama si Karl. May dalang camera ang isang estudyante at kinunan kami.
"Hi, Kassandra. We are from our school newspaper. Ipi-feature kasi ang newly elected officials ng newspapers and bagong projects 'nyo," sabi ng isa sa mga ito.
Hindi ako nakasagot at nakita kong nakangiti lang sa kanila si Ferdie.
"Your student partner is the notorious Ferdinand Jose Oligario? Mabuti naman at mukhang nagbabago ka na Mr. Oligario," sabat ng isang faculty.
"Sir, alam 'nyo naman na basta pag - aaral, priority dapat iyan ng mga estudyante." Sagot ni Ferdie.
Napailing ako. Kapal talaga ng mukha nito.
"Okay. That's good to hear. At least mukhang nagbabago ka na. And this will be also good dahil baka ang ibang mga tamad mag - aral ay ma - enganyo dahil sa inyo. Goodluck," at kumaway na sila sa amin tapos ay umalis na.
"Tingnan mo nga. Good job ka kasi ako ang tinuturuan mo," mayabang na sabi niya.
"Mag - aral ka na lang diyan," inis na sabi ko at iniwan ko siya para kumuha pa ng ibang libro.
—————————->>>>
Ferdie's POV
Hindi mawala ang ngiti sa labi ko habang sinusundan ko ng tingin si Kleng na naghahanap pa ng mga libro. Alam kong galit na galit talaga siya at ako ang na - assign na estudyante sa kanya. Ginawan ko talaga 'to ng paraan. Kahit naipasa ko na ang subject na ito and I even got A grade sa finals, sinabi kong I am flunking my grades on this pero ang totoo, si Aris talaga ang bagsak sa subject na 'to.
Nagkunwa akong busy sa pagbabasa ng bumalik si Kleng sa table. Panay siya buklat ng mga pages na halatang naiinis pa rin siya.
"Can I have your number?" Sabi ko sa kanya.
Tiningnan niya ako ng masama.
"Ano?" Inis na tanong niya.
"Cellphone number mo. I want to have it. Kasi baka pag - uwi ko may mga hindi pala ako naintindihan so madali kitang matatawagan," kaswal na sagot ko sa kanya.
"Magbasa ka at intindihin mo. Dito lang kita tuturuan and after one hour, wala na akong pakielam sa iyo. You're on your own."
Pinalungkot ko ang mukha ko.
"Ganyan ka ba talaga magtrato ng mga nangangailangang estudyante? Ikaw din. Sa iyo magri - reflect iyon kapag hindi ako pumasa. Ibig sabihin, hindi ka effective na tutor." Sabi ko pa.
Pinipigil ko ang ngiti ko kasi alam kong gusto na akong bulyawan ni Kleng. Talagang inis na inis na siya.
Painis niyang kinuha ang ballpen at isang piraso ng papel at painis na inihagis iyon.
"Don't call me if its not important. Just text your questions." Sabi niya.
Ang ganda ng ngiti ko habang sini - save ko sa phone ko ang number niya.
"Do you want to grab a bite?" Sabi ko sa kanya.
"Basahin mo ang pinapabasa ko sa iyo."
"Sa school canteen lang. Masarap daw ang palabok doon."
Alam kong malapit ng maubos ang pasensiya ni Kleng at talagang naaaliw ako sa nangyayaring ito.
"Hindi ako kumakain ng palabok, okay?"
"Spaghetti? Carbonara? Pancit Canton? Yakisoba? Pancit luglog? Lahat na ng klase ng pampahaba ng buhay binanggit ko na."
Malakas na isinara ni Kleng ang libro sa harap niya at dumukwang sa akin.
"Mr. Oligario, wala lang akong choice kaya ako nandito. Wala akong pakielam sa mga pampahaba mo ng buhay. Kung gusto mong kumain, kumain ka mag - isa mo."
Dumukwang din ako na halos magdikit na ang mukha naming dalawa kaya mabilis na umiwas si Kleng tapos ay tumayo na.
"Tapos na ba tayo? I still have my fifteen minutes," sabi ko sa kanya.
Tinalikuran na ako ni Kleng.
"I'll pick you up tomorrow," pahabol ko pa.
Hindi na siya lumingon. Hindi ko alam kung narinig ba niya ang sinabi ko pero nangingiti ako habang minamasdan siyang palayo.
Hindi maalis ang ngiti habang naiiling na binitbit ko ang mga gamit ko. Lumabas ako ng library at dumiretso ako tambayan namin ng mga barkada ko. Si Aris lang ang naabutan ko doon.
"Saan ang tropa?" Tanong ko.
"Wala pa si Drew. Kasama ni Jojo sa kabilang building. Mukhang may pinopormahan na naman doon," sagot niya at inabutan ako ng sigarilyo. Umiling lang ako sa kanya at kinuha ko ang phone ko.
"Himala. Tumanggi ka sa sigarilyo?" Parang hindi makapaniwala si Aris.
"Baka makita ako ni Kleng. Masira pa ang diskarte ko," sagot ko.
Lakas ng halakhak ni Aris.
"'Tol, mukhang iba na 'yan. Mukhang dibdiban na 'yang kay Kleng."
"Ulol. I just don't want to lose to you assholes. Malaki - laking pera din ang magagastos ko kung 'di ko pa gagalingan."
Napakunot ang noo ko ng mapansin ko ang aking archenemy na si Julius na may kausap na babaeng estudyante. Lalong kumunot ang noo ko ng makilala ko kung sino iyon.
"Si Kleng ba ang kausap ni Julius?" Alam kong nakatingin din si Aris sa gawi nila.
Bakit nag - uusap silang dalawa? I thought Kleng hates boys? At si Julius pa? Just like me, Julius is just another headache in this university.
Naramdaman kong inakbayan ako ni Aris.
"Mukhang may karibal ka Oligario. Matinik din sa chicks 'yang si Julius." Natawa si Aris. "Hay, parang naaamoy ko na ang forty thousand ko."
Tiningnan ko siya ng masama at bumalik ang tingin ko kina Kleng. This time, she is smiling at him na para bang may pinag - uusapan silang nakakatawa. At hindi ko maintindihan kung bakit parang nag - iinit ang ulo ko.
"Cash or check walang problema sa akin." Sabi pa ni Aris.
Hindi ko na siya pinansin. If Julius is really hitting on her, I must really move fast. I don't want to lose to this bet and at the same time, hindi ako papayag na maunahan pa ako ni Julius sa isang babae.
————
Pasensha na sa matagal na update. May mga tinapos lang 😊. Enjoy!
FB - Helene Mendoza (para friends tayo)
IG - Herby Mendoza (for hugots and poems)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top