• Sick and Crazy •

Kleng's POV

"Please.  I will tell everything you want to hear.  Huwag mo lang akong patayin." Halos mangiyak - iyak na si Dr. Suarez

"What is your connection with Rachel Fernando?"

"I am their doctor.  Robert Fernando was involved in human organ trafficking.  Bukod sa gunrunning at drugs, isa din 'yan sa mga negosyo niya."

"Robert financed my laboratory.  Pati ang private hospital ko ay siya ang nagpatayo.  Malaki ang utang na loob ko sa kanya." Patuloy pa ng doktor.

"Robert is dead.  Wala na ang sindikato nila.  Ano ang ginagawa ni Rachel kay Ferdie?" Tanong ko.

"Marami akong nagawang mali sa buhay ko.  But what I am doing is for science.  I wanted to help people.  Those people are being paid para madugtungan ang buhay ng iba."

"What the hell is wrong with Ferdie?  Why he can't remember me?  At bakit sinasabi niyang asawa niya si Rachel?  At ginagamit pa ng babaeng iyon ang pangalan ko?"

Lumikot ang mata ng doktor.

"I discovered a drug that can wipe someone's memory.  I tested it to animals and then humans and it is effective.  Rachel asked for my help and in return she will continue to finance my on going researches."

Napailing ako at gusto ko yatang saksakin na ang lalaking ito sa harap ko.

"Sabi niya sa akin she wanted a new life.  She wanted to get out from the life that she had.  Gusto niyang matahimik sila kasama ng lalaking iyon and in return she will help me with my research.  Kaya ko siya tinulungan.  But when I saw the reports about him, his true identity, it's only a matter of time na maalala niya ang lahat."

"I keep on telling Rachel that the effect of the drug will wear out eventually.  Too much administration will cost the patient to undergo coma."

"Mapapatay kita sa ginawa mo.  Bakit hindi ka tumawag sa mga pulis at i - report ito?  Ferdie has a family.  We thought he was dead."

"Hindi ko naman alam ang tungkol doon.  Rachel is becoming crazy obssessed with him.  She is doubling the drug na ibinibigay niya dahil nakakaalala na si Ferdie.  I changed the medicines.  Pinalitan ko ng sterile water ang ini - inject niya at ang mga oral meds ay pinalitan ko ng placebo pills."

Para akong nakahinga ng maluwag sa sinabi ng doktor.

"I know its too late for me pero siguro naman, hindi pa huli para matulungan natin ang lalaking iyon.  Rachel is crazy.  Mas baliw siya sa kapatid niya.  She even took your identity dahil ang akala niya ay patay ka na."

Tumingin ako kay Yanna at napapailing lang siya.

"Rachel is dangerous.  She will do anything para hindi sila magkahiwalay ni Ferdie.  She is living in a fantasy.  Hindi ko alam kung ano ang puwede niyang gawin kapag nakaalala si Ferdie."  Tumingin si Dr. Suarez kay Yanna.  "Si Rachel din ang may kagagawan ng pagsabog ng ambulansiya.  Sinamantala niya na nagkakagulo noon dahil nabaril si Ferdie.  Ako ang gumamot sa kanya.  Pina - semento din niya ang mga paa ni Ferdie para hindi ito makalakad at matali lang sa wheelchair.  There is nothing wrong with his legs.  She planned all of this makuha lang niya si Ferdie."

Mahina akong napamura.  Mas lalong dapat na kaming kumilos para mabawi ko na si Ferdie. 

I dialled my brother's number para masabi ko ang sitwasyon dito.  As always, para na namang babaeng nagger ang bibig ni kuya.  Walang tigil na salita at galit na galit sa akin.

"Puwede bang makinig ka muna sa akin?" Inis kong putol sa pagmo - monologue niya.

"You are doing something stupid.  Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?  You are not an agent tapos nangidnap ka pa ng doktor."

"Are you listening to me?  Kasabwat siya ni Rachel sa pagkidnap kay Ferdie.  Ilang beses kong sasabihin sa iyo na buhay si Ferdie and Rachel is manipulating his life.  Please naman." Naiiyak na ako sa pag - i - explain kay kuya.

"You should tell this to me first bago mo ginawa 'yan.  You don't have the authority to interrogate someone.  You are not an agent anymore and you are endangering your baby!" Galit na galit ang boses ni kuya.

"Saka mo na ako pagalitan kapag nailigtas na natin si Ferdie.  We need to do something please."

"Don't do anything stupid.  Hintayin mo kami diyan.  We need to have a plan." Sabi ni kuya.

Inis na pinatayan ko siya ng telepono.  Ilang oras pa bago dumating sila kuya.  Kailangan ko ng gumawa ng paraan.  Hindi na makakapaghintay si Ferdie kina kuya.

Muli akong humarap kay Dr. Suarez.

"You need to do something.  Call Rachel and tell her you need to meet her somewhere.  Give me some time para makuha ko si Ferdie sa bahay niya." Sabi ko.

Napalunok si Dr. Suarez. 

"Hindi ko alam kung maniniwala sa akin si Rachel."

"Just do something para lumabas si Rachel doon." Inis akong tumalikod sa kanya.

"Kleng, calm down.  Padating na naman ang kuya mo.  Hintayin na lang natin sila.  We cannot do this by ourselves.  Think about your situation.  You are god damn pregnant," sabi ni Yanna sa akin.

"I can do this.  I need to save him.  I need to save him for our baby."  Naiiyak na sabi ko.  I know I am being unreasonable at trained akong mag - isip, gumawa ng plano under stress.  Pero iba pala kapag talagang mahal mo na sa buhay ang involved.  Wala na akong plano.  Ang mahalaga lang, mailigtas ko doon si Ferdie.

"Bantayan mo iyan.  Hihintayin kong lumabas si Rachel at kukunin ko si Ferdie sa bahay niya," hindi ko na pinakinggan ang pagtawag ni Yanna sa akin.

——————>>>>>

Ferdie's POV

I got the strangest dream.   

In my dream, I killed people.  I did some crazy stuff.  It was so real.  I can really feel every punch, every kick that I gave to someone. 

And there is this woman.  So beautiful.  So serene.  She is just looking at me smiling. 

What's her name?  She told me to remember her name.

Kleng.  I smiled when I remember her.  This is the first time that I can remember someone after I wake up. This is the first time that I can recall my dream.

I can remember her telling me not to trust the woman in this house.

What did she tell me?  My name?  Ferdie.  Ferdinand Jose.  Ferdinand Jose Oligario.

Sumasakit na naman ang ulo ko.  Shit.  If only I can talk to that woman again.

I tried so hard to transfer myself from the bed to the wheelchair.  And when I tried to open the door of my room, I can't open it.  It's locked.

Damn.  Why is this locked?  Who the hell is this woman?

A series of flashbacks are flashing in my head.  People with guns, people fighting.  Napangiwi ako.  There is so much violence.  What is this?

Then her smile again.  Her smile is like a light in the darkness that is consuming my mind.

Her name is Kleng.  What are these memories? 

I looked at the door when it opened.  This woman is smiling at me.  Lagi ko siyang kasama pero talagang wala akong maramdaman na attachment sa kanya.

"It's time for your medicine, hon." Nakangiting sabi niya.

"I don't want that.  I want to go to a hospital.  I want another doctor.  I want another opinion about my condition," sagot ko sa kanya.

Biglang nag - iba ang reaksyon ng mukha ni Kassandra.  Tumalim iyon at tiningnan niya ako ng masama.

"No.  You are going to stay here.  May doktor na tayong kausap 'di ba?  Hindi mo na kailangan ng second opinion." Matigas na sagot niya.

"But who am I?  What is my name?  Who are you?"

"Paulit - ulit ba tayo?  Ikaw nga si Ferdie.  Ako si Kassandra ang asawa mo." Iritableng sagot niya.

"I want you to bring me to my parents grave.  I want to know if you're telling the truth."

"Damn it, Ferdie!  So you are accusing me of lying to you?  Ako pa?  Ako ang nag - alaga sa iyo.  Hindi kita iniwan sa mga panahong halos mamatay ka na." Galit na galit ang itsura ni Kassandra.

"Bakit wala akong maalala tungkol sa iyo?  I keep on remembering someone.  Her name is Kleng."

Napailing si Kassandra tapos ay inis niyang kinuha ang syringe at itinusok sa braso ko.

"Magpahinga ka na.  Mag - usap tayo mamaya kapag nakapagpahinga ka." Tuloy - tuloy na siyang lumabas.  I tried to opened the door but she locked it again.

I know something is not right with her.  Napahawak ako sa ulo ko.  More flashbacks.  What are these?  School.  I keep on following that woman.  There was some bet between me and some guys.  Who are they?  She was mad at me.  She was crying because I did something to her.

Inis kong kinatok ang ulo ko.  Who are you Kleng?

Sumilip ako sa bintana dahil nakarinig ako ng pagtunog ng papaalis na sasakyan.  Paalis si Kassandra.  I need to get out of here.  I can feel that I am not safe with her.

Pilit kong binubuksan ang pinto.  I tried to find something to unlock it.  I found a card and I used it to open the door and I did it.  Wow.  Paano ko nagawa 'yun? 

I wheeled my chair outside the room.  Then I saw her again running towards me.  I felt my heart beat faster the moment I saw her.

"Kleng." Bulalas ko.  Na - e - excite talaga ako kapag nakikita ko siya.

"You need to get out of here.  Come on.  Help is coming," itinulak niya ang wheelchair ko para makababa kami sa sala.  "What did she do to you?"

"I keep on remembering you.  I have flashbacks and I always see you," hindi ko maintindihan kung bakit ako na - e - excite magkuwento sa kanya.

"Tell it to me later." Kahit hirap ay pinipilit niyang makababa kami sa hagdan.

"What are you doing here?  Where are we going?" Tanong ko sa kanya.

Lumuhod siya sa harap ko at hinawakan ang mukha ko.

"We are going home." Nakangiting sabi niya sa akin.

Pero hindi ako nakasagot sa bilis ng pangyayari.  Nasa likuran na ni Kleng si Kassandra at malakas niyang hinampas ng kung ano sa ulo si Kleng.

"No!" Malakas kong sigaw.

Wala akong magawa kundi tingnan lang si Kleng na walang malay na nakahandusay sa lapag.  Blood is dripping from her head.

Then I looked at Kassandra who is just looking at Kleng.  She is holding a big figurine.  I know her.  She is not my wife.  I don't have a wife.  I know her face and Kassandra is not her name.

"Rachel?" Nanlalaki ang mata kong nakatingin sa kanya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top