• Review •
Ferdie's POV
"Mukhang dibdiban 'yan, ah."
Hindi ko pinansin si Aris na naupo sa tabi ko at nakibasa din sa binabasa kong libro. Kanina pa ako nandito at nire - review ang mga dapat kong aralin para sa exam ni Sir Felix bukas. Ang exam na kailangan kong ma-perfect para mapatunayan ko sa Kassandra na 'yun na kaya kong gawin ang kahit na anong ihamon niya sa akin.
"'Wag ka magulo. Nagre - review ako," saway ko sa kanya. Panay ang tawag nila sa akin kanina pa na pumunta ako sa unit ni Drew para mag - inom pero hindi ko sila sinasagot.
"'Tang ina neto. Hoy, iba na yata 'yan. Mukhang nagpapakitang gilas ka na kay Kleng," tumatawang sabi ni Aris at dumukot ng sigarilyo.
"Hindi ako nagpapakitang gilas. Gusto ko lang mapahiya ang babaeng iyon dahil ang baba ng tingin niya sa akin. Tingin niya bobo ako, tamad, basagulero at walang pangarap sa buhay," sagot ko.
Napatawa lalo si Aris.
"Bakit? Apektado ka doon? Totoo naman lahat ang sinabi niya. Mali lang siya 'don sa bobo kasi talaga namang pang - alien ang utak mo," naiiling na sabi niya at nagsindi ng sigarilyo tapos ay binugahan ako.
Hindi na lang ako sumagot at nagpatuloy sa pagbabasa.
Nagulat ako ng biglang may bumato ng bote ng mineral bottle sa akin. Sabog ang tubig noon sa mukha ko at sa librong binabasa ko. Sabay kaming napatayo ni Aris para sinuhin ang gumawa noon.
Naningkit ang mata ko ng makita kong si Julius ang gumawa noon.
"Anong problema mo?!" Galit kong sigaw sa kanya.
"Gago ka! Kayo ng kapatid mo! Mga gago kayo!" Malakas niyang sigaw sa akin. Galit na galit ang itsura niya. Inaawat siya ng mga kasama niya.
"Ikaw ang gago! Nananahimik ako dito ikaw ang nanggugulo!"
Napatawa siya ng nakakaloko.
"Kayo ang nanggulo sa buhay namin. Ang ate mong anak ng demonyo. Anong akala niya sa sarili niya? Diyos? Basta na lang niya tinanggal sa trabaho ang daddy ko?"
Napabuga ako ng hangin. Hindi pa ba siya maka-move on sa pagka-fire out ng daddy niya? Ilang linggo na 'yun at ilang linggo na rin niya akong pini-peste tungkol dito.
"I told you, there must be a reason why she did that. Baka hindi nagta - trabaho ng tama ang daddy mo. So dapat lang siguro siyang tanggalin," sagot ko at naupo na lang ako ulit. Ayoko ng makipagtalo pa sa kanya. Wala ako sa mood at mas gusto kong intindihin itong binabasa ko.
"Gago! Bitch lang talaga ang ate mo!" Sigaw niya sa akin.
That's it.
Mabilis akong tumayo at malakas kong sinuntok si Julius. Bagsak siya sa maalikabok na semento. Agad na umawat ang mga kasama niya dahil talagang susuntukin ko pa siya ulit.
"Diyan ka lang magaling! Masyado kang basagulero! Magkapatid nga kayo ng walanghiya mong ate!" Sigaw pa ni Julius pero nagtatago siya sa mga kaibigan niya.
Mabilis ko siyang dinaluhong at mahigpit kong hinawakan ang kuwelyo niya.
"Ikaw ang gago. Ang kapatid ko hindi nagtatanggal ng tao kung alam niyang maayos. Baka ang tatay mo ang tulad mong gago kaya dapat lang na mawalan siya ng trabaho. Move on, dude and stop saying bad words about my sister dahil talagang dudurugin ko ang mukha mo," sabi ko sa kanya at muli ko siyang bibigwasan ng may humawak sa kamay ko at marahas akong inalis kay Julius.
Nakita kong ang guard iyon ng university. Patulak akong inilayo kay Julius.
"Ipa - expel 'nyo 'yan! Basta na lang nanununtok ng walang dahilan. Napakagago!" Sigaw niya habang tumatayo pero umaatras naman.
Tiningnan ko siya ng masama at kinuha ko na lang ang gamit ko. Hahawakan ako ng isang security guard pero tinabig ko ang kamay niya.
"Hindi mo ako kailangang hawakan. Alam ko ang daan papunta sa guidance office," inis na sabi ko at iniwan ko na sila.
—————————-\\\\\\
Kleng's POV
"Anong nangyari sa iyo kahapon? Hindi ka nakapasok. Saka bakit ika - ika ang lakad mo?"
Nagtatanong ang tingin sa akin ni Yanna ng pumasok ako sa office ng Student council office.
"Nadapa ako kahapon. Ang laki ng sugat ko sa tuhod," sabi ko at dahan - dahan akong naupo.
Pagkagaling ko kasi sa condo ng kaibigan ng Ferdie na iyon ay dumiretso na lang akong umuwi. Sobrang sakit talaga ng tuhod ko. Pinilit ko nga lang din na pumasok ngayon kasi nagpapatawag ng meeting si Karl para pag - usapan daw ang nalalapit na foundation day ng school.
"Hala. Eh, kaya mo bang umikot - ikot ngayon dito sa university? Kasi pinapa - check na ni Karl kung saan - saan ipupuwesto ang mga booths para sa foundation day."
"Kaya ko naman," sagot ko at inilabas ko ang mga listahan ng mga student organizations na nag - pass ng mga desired booths nila. Merong kissing booth, marriage booth, burst the bubble booth, at marami pa. Natawa ako at napailing. Talagang unang - una sa listahan ang kissing booth at marriage booth. Marami talagang mga ilusyunado at ilusyunadang estudyante dito.
"I - aallow ba ito? 'Tong kissing at marriage booth? Parang hindi naman appropriate," sabi ko.
Natawa si Yanna.
"Kahit kailan, kj ka. Alam mo naman 'yan ang pinakaaabangan ng mga estudyante dito," natatawang sabi ni Yanna.
Napairap ako at napailing. "'Yung mga hopeless lang ang may gusto neto." Komento ko at inilapag ko ang mga papel.
"Mag - boyfriend ka kasi ng ma - experience mo naman." Sabi ni Yanna at lumapit sa akin. "Si Ferdie, hindi mo type?" Nanunukso ang tono.
"Utang na loob, Yanna. Tantanan ako. Siraulo lang ang lalaking iyon at walang magawa kaya ako ang pinagti-tripan. Tingin ko kasi nacha - challenge lang siya sa akin kasi hindi ko talaga siya pinapansin," kinuha ko ulit ang mga papel na kanina lang at binitawan ko at tiningnan na naman iyon. Ano ba ang babasahin ko dito? Nabasa ko na 'to.
Ang lakas ng tawa ni Yanna. "Eh, bakit natataranta ka? Pinag - uusapan lang natin si Ferdie parang nawawala ka na sa focus."
"Ano ba, Yanna? Hindi nakakatuwa, ah? Impakto 'yun. Siya kaya ang dahilan kung bakit may sugat ako."
"Bakit? Anong nangyari?"
"Pumunta sa bahay namin. Inabangan ako sa kanto. Isasabay daw niya ako pagpasok," naiiling ako ng maalala ko ang nangyari kahapon.
Lakas ng tili ni Yanna. "'Di nga? Si Ferdie talaga? Pinuntahan ka?" Hindi siya makapaniwala.
"Nakakainis kaya. Ayan ang laki tuloy ng sugat ko. Alam ko na nagti - trip lang siya. At talagang gumawa ako ng paraan para hindi na siya ang maging student partner ko."
"Ikaw naman. Pagbigyan mo na 'yung tao. Malay mo ikaw pala ang daan para tumino siya. Balita ko, wala pang record sa guidance office ngayon si Ferdie this week. O 'di ba progress 'yun?"
"Wala ng pagbabago 'yun." Sabi ko at muli kong kinuha ang mga papel sa harap ko.
"Eh si Julius? May pag - asa ba sa iyo? Katulad lang naman ni Ferdie na siraulo dito sa university 'yun. And between Julius and Ferdie, team Ferdie ako. Si Julius mukhang hindi mapagkakatiwalaan," umingos pa si Yanna.
"Mabait naman si Julius. Saka he is trying his best na pumasa." Katwiran ko kahit nga alam ko naman na tamad din talagang mag - aral ang lalaking iyon. Magka - grupo lang kasi kami sa isang subject kaya napipilitan din akong kausapin siya. Alam ko naman na kaya madalas siyang nakikipag - usap sa akin ay inuuto niya lang ako. Dahil everytime na may group meeting ay lagi siyang wala at kahit na anong idea ay wala siyang nai - contribute.
"Basta. Team Ferdie," at winagayway pa ni Yannah ang isang flyer na ginamit noon ni Ferdie sa campaign.
"Halika na nga. Kung ano - ano ang naiisip mo. Check na natin 'yung mga locations kung saan magandang ilagay ang mga booths," natatawang sabi ko at kahit hirap ay pinilit kong maglakad.
Palakad - lakad kami ni Yanna para sa pag - check ng mga spaces. Hanggang sa makarating kaming sa tapat ng faculty office. Marami - raming mga estudyante ang nakatayo doon at nakatingin sa board.
"Anong meron dun?" Taka ni Yanna.
"Oo nga, eh." Napalaki ang mata ko. "Lumabas na ang result ng exam ni Sir Felix! Tara dali tingnan natin!" Excited ako. Kasi sigurado ako na hindi makakapasa doon si Ferdie at makakawala na ako bilang student partner niya.
Pinilit kong sumiksik sa kulumpon ng mga tao. Pero napakunot ang noo ko. Tatlo lang ang nakapasa na nakapaskil doon. At napalunok ako ng makita ko ang pangalan na unang - una sa listahan.
OLIGARIO, FERDINAND JOSE. 100%
Para yata akong hihimatayin. He got a perfect score? At 'yung dalawang nakapasa ay parehong 75% ang marka.
"Shit," mahinang sabi ko. Paano nangyari iyon? Did he cheat? Wala pang nakaka - perfect score sa exam ni Sir Felix. Kahit ako, nahirapan akong ipasa iyon. Sa pagkakaalala ko, 81% lang ang nakuha ko kasi sobrang hirap talaga ng exam niya.
"Talino talaga ni Ferdie 'no? 'Tang ina, naperfect niya ang exam ni Felix. Lupit," narinig kong komento ng isa.
"Oo nga. Gago lang talaga, eh. Basagulero lang. Nabalitaan mo bang sinapak si Julius kahapon. Ayun, guidance office si gago. Malamang mahina ang isang linggo suspension dun," sagot ng isa.
Hindi ako makapagsalita. Hindi ako makapaniwalang naipasa niya ang exam tapos perfect pa talaga. Tapos suspended dahil nanapak?
Wala sa loob na napatitig uli ako sa pangalan ni Ferdie na nasa papel.
Wow. Parang nacu - curious na ako sa Ferdie na ito, ah.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top