• Remember my name •

Kleng's POV

Para akong batang nagtatakbo pabalik sa bahay. Hindi ko pa rin mapaniwalaan ang nakita ko. Kung ano - anong pumapasok sa isip ko. Ang dami kong gustong gawin. Gusto kong bumalik doon. Gusto kong sugurin si Rachel. Gustk kong bawiin si Ferdie. Pero sa nakita ko, may mali. May mali sa kanya. Kasi, bakit hindi niya nakikilala at ang sinasabi niyang Kassandra ay si Rachel?

How did she do it? Shit. Lahat na ng imposibleng senaryo ay naisip ko na. So this is her scheme all along? She pretended to be the good witness and she even ratted out her own brother? Pero bakit si Ferdie?

"Girl, winner bumili ng mga gulay dito! Fresh na fresh at ang mura pa. Mukhang mapupurga tayo sa chopsuey," tumatawang sabi ni Yanna habang bitbit ang mga pinamili niya.

Nakatingin lang ako sa katapat naming bahay kung saan naroon si Ferdie. Anong gagawin ko? Sasabihin ko ba sa kanila ang nalaman ko? Think. Think. I keep on telling that to myself kasi naba - blangko ang utak ko. Hindi ako makapag - isip ng maayos. All along I thought I lost Ferdie pero hindi pala. May tao lang na nagnakaw sa kanya.

"Hoy. Kanina pa ako nagsasalita dito," tinapik pa ako sa balikat ni Yanna. "Okay ba kako sa 'yo ang chopsuey?"

"Would you believe me if I tell that Ferdie is alive?" Iyon ang sagot ko sa kanya.

Nawala ang ngiti sa akin ni Yanna. I know that look. She thinks I am crazy.

Napahinga lang siya ng malalim at inilabas ang mga gulay na pinamili niya.

"You think I am crazy, right?" Napailing ako. "Sana nga nababaliw na lang ako. But I am telling the truth. Ferdie is alive and I know where I can find him."

"Kleng, its just the stress okay? Malalaman din natin ang totoong nangyari kay Ferdie. Pero hindi na siya babalik. I - focus mo na lang ang sarili mo sa magiging anak 'nyo."

"Hindi ako stressed. Buhay si Ferdie at si Rachel ang kumuha sa kanya." Sinilip ko ang bahay sa tapat namin tapos ay hinila ko palabas si Yanna.

"Kleng ano ba? Ano ba 'tong ginagawa mo?" Naiinis na si Yanna sa akin.

Hindi ako sumagot. Tiningnan ko ang paligid ng bahay at nakita kong wala namang mga cctv's na nakakabit doon. Nagulat si Yanna ng bigla akong sumampa sa bakod.

"Gaga ka! Buntis ka baka nakakalimutan mo. At ano 'tong ginagawa natin? Trespassing 'to." Mahinang sabi ni Yanna.

"Sumunod ka sa akin."

Palinga - linga din si Yanna. Alam kong ayaw niya ng ginagawa ko pero wala siyang magawa kundi ang sundin ako. Bahala na siya kung isipin niyang nababaliw ako. Basta kailangan kong malaman niya na buhay talaga si Ferdie.

"Ano bang ginagawa natin dito?" Tanong pa rin ni Yanna. Umiikot kami sa bahay at pasilip - silip sa mga bintana. Hanggang sa makita ko si Ferdie na nakahiga sa kama. Gising siya pero nakatitig lang siya sa kisame.

"There is Ferdie." Sabi ko at hinatak ko si Yanna para sumilip siya sa bintana. Muntik pa siyang mangudngod doon.

Nanlalaki ang mata niya dahil hindi niya mapaniwalaan ang nakita niya.

"What happened?" Mahinang tanong ni Yanna. Alam kong hindi rin talaga siya makapaniwala sa nakikita niya.

Noon bumukas ang pinto ng kuwarto at pumasok si Rachel. Tumingin sa akin si Yanna na para bang nagtatanong kung totoo ang nakikita niya.

"Hon, you want to eat?" Tanong ni Rachel kay Ferdie.

Muling tumingin sa akin si Yanna.

"Sino si Kleng?" Narinig kong tanong ni Ferdie kay Rachel. Tinutulungan niyang makaupo si Ferdie.

"Sino bang Kleng? Wala akong kilalang Kleng. Ako ang asawa mo. Ako si Kassandra." Tonong naiinis na si Rachel.

"There was a woman. She said her name was Kleng and she really looked familiar. Do you think she can help me remember something?" Tanong ni Ferdie.

"Walang babae. Hallucination mo lang 'yon. Nobody can help you but me. We've been through this everyday, hon?" Hinaplos pa ni Rachel ang mukha ni Ferdie.

"What about my legs? When can we remove the cast?"

"Soon. Si Dr. Suarez na ang bahala diyan. Come on. It's time for your medicine." Sabi ni Rachel.

"Pero sabi ni Dr. Suarez once a day lang 'yan 'di ba?"

"He changed the dosage. Give me your arm," halatang iritado na si Rachel sa mga pagtatanong ni Ferdie.

Ferdie just sit still while Rachel is injecting some medicine to his arm.

"Magpahinga ka na. I love you." Sabi ni Rachel at humalik sa noo ni Ferdie.

Hindi sumagot si Ferdie.

"You need to say I love you back to me."

"I love you." Parang wala sa loob na sabi ni Ferdie.

Impit akong napaiyak. Hindi ko alam kung sa awa ko ba sa nakikita kong kalagayan ni Ferdie o dahil sa may ibang babaeng nagsasabi ng I love you sa kanya.

"We need to get out of here. We need to have a plan," sabi ni Yanna.

"Ayokong iwan si Ferdie," umiiling na sabi ko.

"Kleng, this is serious. You saw that crazy bitch. Siraulo ang gagang babaeng iyon. She can do anything to Ferdie."

Muli akong sumilip sa bintana at nakita kong nakahiga lang ulit si Ferdie sa kama at nakatitig sa kisame.

"Come on. Aayusin natin 'to." Hinila na ni Yanna ang kamay ko para makaalis na kami doon.

——————->>>>>

Ferdie's POV

"Are you god damn crazy? Gusto mo bang maging zombie na 'yang inaangkin mong asawa mo?"

Napakunot ang noo ko. May nag - aaway ba? That voice. Boses ba ni Dr. Suarez iyon?

"He is remembering. Tinatanong niya kung sino si Kleng." Bakit parang kinakabahan ang boses ni Kassandra.

"I told you to stop this fucking craziness, Rachel. I told you from the beginning the drugs will wear off."

Drugs? I moved my wheelchair closer to the door para mas marinig ko ang pinag - uusapan nila. Wait. Who the hell is Rachel? Si Kassandra ang nagsasalita.

"Kaya nga dinagdagan ko ng dose. Two cc every night." Sagot ni Kassandra.

"You are killing him. Baka sa kagustuhan mong maangkin ang lalaking 'yan, lalo lang siyang mawala sa iyo. Kaya nga may mga oral meds para pang - suporta. Those injectables are hardcore."

"He still the same. He doesn't remember anything every morning. Kaya lang he is starting to ask who is Kleng."

Sino nga ba si Kleng? Why is that name always ring a bell?

"For god sake Rachel. Sabi mo patay na ang babaeng iyon. Naaalala lang niya. We are just altering his memories pero talagang darating sa punto na may maaalala siya."

"I know she is dead. I've read it sa mga files na nakuha ko kay Ted."

Napahinga ng malalim ang doktor.

"I suggest you stop this. Hindi mo maangkin ang taong kahit kailan ay hindi magiging sa iyo. Inaangkin mo ang buhay niya. Pinagbigyan lang kita dahil malaki ang utang na loob ko sa kapatid mo. But this has to stop."

"No. Ngayon pa ba ako hihinto? I am living my dream life. This is all I wanted. A happy and normal life with the man I love. Nakakawala na ako sa magulong buhay kasama si Robert. And this is it." Paliwanag ni Kassandra. Ano ba ang mga sinasabi niya?

"You think he will forgive you if he remembers everything? Baka patayin ka niyan. Alam mo kung ano siya at kung ano ang puwede niyang gawin."

"He will not remember anything. Mabubuhay kami, tatanda ng kami lang. Ako lang ang kasama niya." Matigas ang boses ni Kassandra. "At saka bakit biglang nag - iiba ka ng tono ngayon? Gusto mo bang itigil ko na ang pagpi - finance sa mga research mo?"

"You're crazy." Tonong sumusuko ang boses ni Dr. Suarez. "Mas baliw ka sa kapatid mo."

"You don't know what crazy things I can do."

Lumabas ako sa kuwarto at nakita kong nakatayo malapit sa kuwarto si Kassandra at si Dr. Suarez. Mabilis na lumapit sa akin si Kassandra.

"Bakit hindi ka pa nagpapahinga?"

"I just want to go out. I want fresh air. Puwede ba?" Sagot ko sa kanya.

Nagtinginan si Kassandra at si Dr. Suarez.

"Okay. Put your blanket on. Malamig sa labas." Sabi ni Kassandra.

Tumango lang ako sa kanya.

Mababa ang ulap at ramdam na ramdam ang lamig sa labas. Mula sa labas ay nakikita ko sa bintana na parang nagtatalo si Kassandra at si Dr. Suarez. Pilit kong inaalala kung sino ako at kung anong nangyari sa akin. Pero sa tuwing kausap ko si Kassandra, lagi lang niyang sinasabi na Ferdie ang pangalan ko.

I can feel that something is going on. I know that Kassandra is hiding something to me. I wanted to blame my messed up mind kung bakit wala akong maalala. Basta alam ko, hindi ito ang buhay ko.

"Ferdie."

Lumingon ako at nakita ko ang babaeng nakausap ko nung nakaraan. Ngumiti ako sa kanya. Hindi ko maintindihan pero gumaan ang pakiramdam ko ng makita ko siya. Wait. She's crying?

"Hi." Sabi ko sa kanya.

Luminga - linga siya at mabilis na lumapit sa akin.

"I'll get you out of here. Gagawa ako ng paraan." Umiiyak na sabi niya.

"Why? Who are you?" Tanong ko sa kanya. Ang ganda - ganda niya. Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? "Why are you crying?"

"Kleng. My name is Kleng. Remember me. Remember my name." Muli siyang luminga at tumingin sa bahay. "Don't trust the woman in your house. She is not your wife. She is doing something to you. I don't know what but I will find out. Your name is Ferdinand Jose Oligario. You are an agent of Circuit Agency."

Kumunot ang noo ko sa kanya. Ano ba ang mga sinasabi niya?

"Just try to remember me, please." Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang mukha ko tapos ay hinalikan niya ako sa labi.

And this is really strange. Bakit parang ang pamilyar ng halik niya? When she stopped kissing me, parang ayokong huminto siya. I want her to kiss me more.

"Babalikan kita. Just don't trust her and just play along."

Kung gaano kabilis na dumating ang babae ay ganoon kabilis din siyang nawala.

Grabe ang kabog ng dibdib ko. Gusto kong sundan ang babae pero hindi ko naman alam kung saan siya nagpunta. Papadilim na ang paligid.

Tumingin ako sa pinto at papalabas doon si Kassandra at si Dr. Suarez.

"Stop giving him another dose. Huwag kang makulit," sabi pa ni Dr. Suarez kay Kassandra.

Parang inis na tumango lang ang babae.

Lumapit sa akin si Dr. Suarez at tinapik ako sa balikat.

"We will remove your leg cast next week then we will do some therapies para maka - lakad ka na ulit."

Tumango lang ako. Lumapit din sa akin si Kassandra at itinulak ang wheelchair ko.

"I'll see you next time doc." Paalam ni Kassandra at itinulak na niya ang wheelchair papasok sa bahay.

Pakiramdam ko ay ipapasok na naman ako sa isang kulungan ng makapasok kami sa loob.

————->>

Kleng's POV

Galit na galit na sa akin si Yanna. Sobrang tigas daw ng ulo ko. Kailangan daw muna naming kausapin sila kuya tungkol dito para makagawa kami ng plano. Pero hindi ko na kayang pagtagalin pa 'to. Araw - araw, lalong nababaon sa panganib si Ferdie hangga't kasama niya ang luka - lukang si Rachel.

Itinaon kong naliligo si Yanna kaya ako lumabas at pinuntahan ko si Ferdie. God I missed him so much. Pero tama si Yanna. Hindi ako puwedeng magpadalos - dalos ng desisyon.

Nakita ko ang isang lalaki na paalis sa bahay na tinutuluyan nila Rachel. Mabilis akong sumakay sa kotse niya at nagtago sa likod bago pa siya sumakay. Nang ma - start na niya ang kotse ay saka ko itinapat ang hawak kong folding knife sa leeg niya.

"Drive." Utos ko sa kanya.

"W - wha - s - sino ka?" Ramdam ko ang kaba sa boses ng lalaki.

"Just drive your car away from here. Makikipagkilala ako sa iyo mamaya." Lalo kong idiniin ang kutsilyo sa leeg niya.

Sinunod naman ng lalaki ang utos ko. Nang makalayo na kami sa bahay nila Rachel ay ipinahinto ko ang kotse niya at pinababa ko siya.

"Don't do anything stupid. I can kill you with one blow," sabi ko sa kanya.

"Holdap ba ito?" Parang naiiyak na ang lalaki.

"You just need to answer my questions. Walk," itinulak ko pa siya para maglakad siya. Dumiretso kami sa tinutuluyan namin ni Yanna. Nagulat pa si Yanna ng itulak ko papasok sa bahay ang lalaki.

"What the hell is this Kleng?! Nababaliw ka na ba talaga?" Gulat na gulat na sabi ni Yanna.

Kunot - noong tumingin sa akin ang lalaki.

"Kleng?" Paniniguro niya.

"Who the hell are you? What is your relationship with Rachel Fernando?" Itinutok ko ang kutsilyo sa leeg niya.

"Damn it! Mapapatay tayo ng kuya mo kapag nalaman 'tong ginagawa natin." Natataranta si Yanna.

"Talk!" I can see some blood dripping from his neck dahil sa madiin na pagkakalagay ko ng kutsilyo at hindi ako mangingiming tuluyan ang lalaking ito kapag hindi niya sinagot ang mga tanong ko.

"Don't kill me. Please. I'll tell everything." Naiiyak na sabi nito.

"Kleng, this is stupid. You are compromising everything," naiiling na sabi ni Yanna. "And you are not an agent anymore. This is a violation."

Pero hindi ko pinansin ang mga sinasabi ni Yanna.

"Who are you?" Tanong ko sa lalaki.

"My name si Dr. Jeff Suarez. I am helping Rachel Fernando to wipe away the memories of her husband." Nanginig ang boses niya.

Nagkatinginan kami ni Yanna.

"Husband? That man is not her fucking husband!" Sigaw ko.

"I know. I know. Please. Please don't kill me. Sasagutin ko lahat ng tanong mo." Pakiusap ng doktor.

Humugot ako ng silya at naupo sa harap ng doktor.

"Tell me everything." Seryosong sabi ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top