• Probability •
Ferdie's POV
I am looking at the paternity test result that I just received a while ago. Kanina pa ito nakapatong lang sa mesa ko at hindi ko magawang buksan. Natatakot ako sa resulta na makikita ko.
I went to mental hospital last week and I saw the situation of Rachel. Although she is in good environment and she is well taken care of, talagang malala na siya. She is not living in the reality anymore. Wala siyang ibang kilala kundi ako lang. She keeps on screaming my name. She keeps on telling everyone that I am her husband and we are going to build our family of our own.
I felt pity for her. I didn't imagine that her infatuation for me will end up like this. Totoo palang nakakabaliw ang pag - ibig.
I requested for a paternity test para malaman ko kung ako nga ang talagang tatay ng ipinagbubuntis niya. Anything is possible since two months kaming nagsama bilang mag - asawa and we did everything a married couple would do. Ang problema ko ay kung paano sasabihin kay Kleng ang sitwasyon na ito.
Itinago namin ni JD ang nalaman namin. Kleng is having a hard time conceiving. Madalas siyang nakaratay sa kama kasi konting galaw lang niya ay nag-i-spotting na siya kaagad. Kaya hindi ko alam kung paano ipapaliwanag ito sa kanya.
Napahinga ako ng malalim at kinuha ko ang sobre at binuksan. Pikit-mata kong binuklat ang papel na naroon. And result is in there.
PROBABILITY OF PATERNITY: 99.99997%
Shit.
Parang nanghihina akong napasandal sa kinauupuan ko. Fuck. Bakit ganito? When I thought everything is okay biglang mayroong ganito? Hindi ba matatapos si Rachel sa pagsira sa amin ni Kleng?
Napasubsob ako sa mga palad ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Nagagalit ako. Nagagalit ako sa mga nangyayari. Bakit kailangan na magkanito? All I ever want is to be with Kleng, pero bakit kailangan ang dami - dami naming pagdaanan na pagsubok? Hindi ko alam kung matatanggap niya ito.
"Ferdie."
Mabilis akong nagpahid ng luha at tiningnan ko ang tumawag sa akin. Si JD iyon at seryosong nakatingin sa akin.
"Okay ka lang ba?"
Umiling ako.
Napahinga siya ng malalim at naupo sa harap ko.
"Results came in?"
Walang imik kong iniabot sa kanya ang papel. Mahinang napamura si JD sa nakita niya.
"You know I never wanted that. I never wanted anything of what happened to me. Those two months was hell. And this." Naiiling na sabi ko. "How could I tell this to her? Ilang beses ko na siyang nasaktan and I don't know if she would understand this time." Hindi ko na napigil at umiyak na ako sa harap ni JD. Wala ng hiya - hiya. Kasi nahihirapan na talaga ako.
"You were not yourself during those times. Alam naman ni Kleng iyon."
"Pero paano niya maiintindihan kung buntis siya at malalaman niyang buntis din si Rachel at ako rin ang ama?"
"Anong plano mo?" Ibinalik ni JD ang papel sa akin.
"Hindi ko alam. Wala akong maisip kung anong gagawin ko." Napabuga ako ng hangin. "We have so many plans. We will get married after she gave birth. We will travel anywhere she wanted to go. We will build our own house. We will start our family. Tatalikuran namin ang lahat ng nangyari sa amin. Pero paano kung mayroong ganito?"
Tinapik niya ang balikat ko.
"You better tell her hangga't maaga. My sister is hard headed but maiintindihan naman niya ang ang bagay na nangyayari. Tanggapin mo lang kung anong magiging desisyon niya."
"I cannot accept that child. I never wanted that. Isa lang ang anak ko at iyon ang magiging anak namin ni Kleng." Matigas na sabi ko.
"Ferdie, walang kasalanan ang bata."
"Kahit na. Hindi ko kayang tanggapin iyon. May mga kamag - anak naman siguro si Rachel. Bahala na siya. If they need money, I can give it to them. Any amount I can give it to them basta tigilan na lang nila kami ni Kleng. We just wanted a peaceful life." Naiiyak na sabi ko.
Kitang - kita ko ang awa sa mukha ni JD. Alam ko naman na naiintindihan niya ang sitwasyon ko kaya hindi niya ako hinuhusgahan.
"Fine. I will try to locate some of her relatives para sila na ang bahala kay Rachel. Matatapos din ito. Maaayos din ang lahat." Tumayo na siya at naglakad palayo sa akin. Alam kong hindi man siya nagsasalita, masakit din sa kanya ang nangyayaring ito dahil apektado ang kapatid niya.
———————->>>>>
Kleng's POV
Damn. So ito pala ang feeling ng naglilihi. Kahit na ang dami - dami kong napagdaanang training, mga hard missions, nabaril na ako, nabugbog, nasaksak, pinakamahirap pa rin pala ang paglilihi. Lalo na siguro ang panganganak.
Ilang linggo na akong nasa kama lang. Doctor advised that I should stay rested until maging okay ang baby ko. I need to have a total bed rest. Meron daw akong incompetent cervix at kailangan pa ng ilang linggo bago iyon ma - treat ng doktor ko. Matagal - tagal pa rin pala akong nandito lang sa kama.
I am really having a hard time conceiving. Bukod sa kailangang total bed rest ako, grabe ang heartburn ko. Konting kain lang isusuka ko na din. Sobrang sensitive ng pang-amoy ko. Ang mga pagkain hindi ko basta-basta makain.
"Pero gagawin lahat ni mommy para maging okay ka lang baby. Ayokong mawala ka." Mahinang sabi ko at marahan ko pang hinaplos ang maliit na umbok na puson ko. "Sorry kung muntik ka ng mawala ha? Naging selfish si mommy. Pero promise hindi na ngayon."
Pumasok sa kuwarto si Ferdie. Nakangiti siya agad sa akin. Matagal - tagal ko ding hindi nakita ang lalaking 'to. Sabi niya marami lang inaasikaso sa agency for the transfer of his cases kaya madalas siyang nakababad doon.
He is making progress too. After weeks of therapies, he is now walking without the use of crutches. He is also seeing a psychiatrist just to make sure that everything is fine. Requirement din ng agency iyon.
But I know something is off with Ferdie the past days. He looks worried. Kahit lagi siyang nakangiti sa akin, laging nag - aalala sa kalagayan ko, I know mayroon siyang ibang iniisip.
"How's my queen?" Bati niya sa akin. He is smiling at me but hindi umakyat sa mga mata niya ang ngiting iyon.
"I am fine. We are fine," nakangiti kong sagot sa kanya. Pinilit kong maupo kaya tinulungan niya ako. "I am really bored here. I cannot be like this forever."
"Hey, this is for our baby. Konting tiis na lang. Next week doctors will be treating you na so don't worry. Everything will be fine. I'll be with you every step of the way," he planted a kiss on my forehead.
Lumabi lang ako. "Kamusta ka? Parang lagi kang nakababad sa agency. Baka naman tumatanggap ka na naman ng mga cases." Sabi ko. Ibinaba niya ang ilang mga papel na dala niya sa katabi kong mesa.
"Hindi. Promise ko sa 'yo 'di ba? No more cases. Mag - iingat na ako para sa inyo." He is looking at my face na parang kinakabisado niya iyon. I can see that something is wrong. I can feel it. Call it a woman's intuition basta iba ang pakiramdam ko.
"Do you want to tell me something?"
Parang nagulat siya sa tanong ko. Bahagyang nataranta.
"What? What would I tell you? I love you. That's what I always wanted to tell you. I love you. Whatever happens, I will love you 'til the end." Nakangiti niyang sabi sa akin.
Napahinga ako ng malalim. Praning lang siguro ako. Sa dami na ng pinagdaanan namin ni Ferdie, ngayon pa lang kami bumabawi sa tagal ng pagkakalayo namin kaya ayoko na ng problema.
"H - how is Rachel?" Hindi ko alam kung bakit ko iyon biglang naitanong sa kanya.
Nag - iba ang timpla ng mood ni Ferdie. Sumimangot ang mukha niya.
"Do we need to talk about her?" Parang iritadong tanong niya.
"Hey. Are you mad? Tinanong ko lang naman. I just want to make sure that she stays in there. Ayoko ng maulit ang nangyari noon. I don't want her to ruin our lives again."
"She is still in the mental hospital. Crazy. Okay na 'yon?" He is really pissed.
"Teka. Bakit ka ba nagagalit? Nagtanong lang naman ako. You know that even if Rachel is crazy, she can still play everyone. Malay ko ba kung nagpapanggap lang talaga siyang baliw? That woman is desperate. She will do everything just to get you. Ganoon siya kabaliw."
Napahinga ng malalim si Ferdie at napailing.
"I'm sorry. Madami lang talagang intindihin sa agency kaya ayoko ng pag - usapan si Rachel." Hinalikan niya ako. "I'm sorry okay? Ayokong nag - aaway tayo. Ayokong nai - stress ka." Hinahaplos niya ang pisngi ko.
"Ikaw din naman. You don't look good these past few days. Huwag mong masyadong intindihin ang mga cases mo. Give it to kuya JD. Kaya naman nilang ipagawa sa mga bagong agents 'yun."
Hindi nakasagot si Ferdie dahil tumunog ang telepono niya.
"I need to answer this. It's your brother. Baka may ico - confirm lang." sabi niya at tumayo. Tiningnan ko lang siyang naglakad palabas ng kuwarto.
Napanguso ako at napabuga ng hangin. Tiningnan ko ang mga papel na dala ni Ferdie at kinuha ang mga iyon. Isa - isa kong binuklat. Napangiti ako ng makita ko ang isang kopya ng resignation letter niya. He is really true to his words. Talagang aalis na siya sa agency. May isang envelope na nakalagay na classified. Napangiti ako. I missed reading classified reports. Binuksan ko. Hindi naman siguro magagalit si Ferdie kung pakielaman ko 'to. I am missing my agent life. Kumunot ang noo ko ng mabasa ko kung ano iyon. Reports about Rachel. Her situation in the mental hospital. Napatingin ako sa nakasarang pinto. I thought Ferdie is not interested with her situation? Pero ang mga reports na ito ay mula pa day one na ipasok doon si Rachel.
Napalunok ako sa isang papel na nabasa ko. A copy of OB report stating that Rachel is pregnant.
Para yatang hindi ako makahinga. Rachel is pregnant? May bumukol yata sa lalamunan ko.
Then I found a piece of paper na nakasuksok doon.
Ferdie requested for a paternity test. And the result is positive.
Siya ang ama ng ipinagbubuntis ni Rachel.
Para akong pangangapusan ng hininga. Literal na nagsisikip ang dibdib ko sa nabasa ko. I know this is possible dahil matagal din silang nagsama and I know hindi naman ito ginusto ni Ferdie. Pero masakit pa rin sa akin ito. 'Yung maisip ko nga lang na may nangyari sa kanila ay napakasakit na, ano pa ito ngayon na nalaman ko na magkakaanak din sila?
And he didn't even bother to tell me about this?
Hindi ko alam na tumutulo na pala ang luha ko. Bakit ang sakit - sakit nito? Mas masakit pa sa tama ng bala, sa mga saksak, sa mga suntok na naranasan ko.
Tumingin ako sa bumukas na pinto at nakita kong parang nakakita ng multo si Ferdie habang nakatingin sa akin.
"What is this?" Umiiyak na tanong ko.
Natataranta siya. Mabilis siyang lumapit sa akin at kinuha ang mga papel na hawak ko.
"You shouldn't opened this," he is pissed. Galit pa ba siya na pinakealaman ko 'to?
"Why? You don't want me to know that you're going to be a father again?" Basag na basag ang boses ko.
Napapikit si Ferdie at napailing.
"I am going to do something about this. Hindi mo na kailangan sanang malaman. I don't want to give you more stress."
Ang lakas ng iyak ko. Ang sakit - sakit talaga lalo na nga at nanggaling na mismo sa kanya.
Niyakap ako ni Ferdie ng mahigpit.
"Alam mong ikaw lang ang mahal ko. Hindi ko ito ginusto. Alam mo kung ano ang nangyari sa akin. But - but I need to do something about her baby." Basag na rin ang boses ni Ferdie.
Hindi ako makasagot. Ayoko ng marinig pa ang mga sasabihin niya.
"Leave me." Mahinang sabi ko.
Takang tumingin sa akin si Ferdie.
"Pag - usapan natin 'to."
"Kung hindi ko naman nakita 'to, wala ka naman planong sabihin sa akin 'di ba? Ano pa ang pag - uusapan natin tungkol dito?"
Naihilamos ni Ferdie ang kamay sa mukha niya.
"I am sorry. Natatakot kasi ako na malaman mo. Alam kong masasaktan ka kaya gusto kong ako na lang ang gumawa na paraan."
"We are partners. You can tell me everything para mapagtulungan nating ma - solve ang isang problema. But this, sobrang sakit nito. Lagi ka na lang bang magsisinungaling sa akin? Mula pa ng magkakilala tayo, sa pagsisinungaling ka nagsimula. Hanggang ngayon. Hindi ko na tuloy alam kung totoo bang mahal mo talaga ako o nagsisinungaling ka lang din ulit."
"Kassandra, please. Pag - usapan naman natin. I won't leave you. Baka may mangyaring masama sa'yo."
"Just leave me for now. I want to think alone. Hindi ko kasi ma - process 'to."
"Kassandra naman. Huwag ka namang ganyan."
"Just get out." Mahinang sabi ko at nahiga ako sa kama at tinalikuran siya.
Ilang beses niyang tinatawag ang pangalan ko pero hindi ko siya nililingon. Iyak lang ako ng iyak. I can't think straight. Kung ano - ano ang pumapasok sa isip ko.
Siguro ay napagod na si Ferdie dahil hindi nagtagal ay nakarinig ako ng mga yabag palayo sa akin tapos ay pagbukas ng pinto at pagsara noon.
Lalo akong napaiyak. I should have killed that bitch when I had the chance. Sana, wala na kaming gulo na ganito. She is really ruining our lives at hindi ko alam kung kailan siya matatapos sa panggugulo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top