• Outreach •
Ferdie's POV
"The fucking bet is over."
Pare - parehong nakatingin ang mga barkada ko ng dumating ako sa unit ni Drew na seryosong - seryoso.
"And I don't want any of you saying bad things about Kleng. Ayokong makarinig na binabastos 'nyo siya lalo ka na Aris," at tiningnan ko siya ng masama.
Kitang - kita ko ang kalituhan sa mukha nila at talagang takang - taka sila sa inaakto ko.
"Teka. Teka nga. Naka - drugs ka ba? Gumamit ka na rin finally? Sino runner mo?" Sabi ni Jojo.
"Hindi ako sabog, gago. Sinasabihan ko lang kayo. This fucking bet about Kleng is over," dumukot ako ng cash sa bag ko at inilapag ko ang lilibuhing pera sa mesa. "Yan na ang pera 'nyo."
Natawa si Aris at napailing.
"Tinamaan si Oligario," ang lakas ng tawa niya habang kinukuha ang pera niya.
Pero hindi ako natawa. Nakatingin lang ako sa kanila kaya huminto rin siya sa pagtawa.
"For real?" Si Drew iyon.
"Basta ayoko ng mag - uusap kayo ng hindi maganda tungkol kay Kleng. At ayokong lumabas ang tungkol sa naging pustahan natin. Kilala 'nyo ako. Ibaon na sa limot ang pustahan na 'to. Walang nangyaring pustahan tungkol kay Kleng," seryosong sabi ko.
Nag - thumbs lang silang tatlo sa akin. Kilala ko naman ang mga kaibigan kong 'to. Alam kong hindi nila ilalabas ang tungkol dito.
Biglang bumukas ang pinto ng unit ni Drew at pumapasok doon si Chel.
"Hindi ka ba marunong kumatok Chelsey?" Inis na sabi ni Drew.
"Lagi naman akong nandito. Susungit 'nyo naman," tapos ay bumaling sa akin. "Nakakainis ka. Hindi ka na bumalik sa kissing booth kahapon."
"I had something to do," sagot ko sa kanya.
"You need to be there at the booth today. Girls are waiting for you." Sabi pa ni Chelsey at tumabi pa sa akin.
"Hindi na ako puwede Chel. Kung gusto mo si Aris na lang. Si Drew o kahit si Jojo. Kahit sino sa kanila. Pero ako, hindi na." Bahagya akong lumayo sa kanya.
"Bakit? Nakakainis ka. Alam mo naman na every year ikaw ang bida doon. And you always look forward for this event dahil marami kang babaeng nakukuha. Sige na. Hindi pa nga kita natitikman," nagmamaktol na sabi ni Chelsey.
"Hindi na ako puwede okay? Huwag ako ang kulitin mo," tumayo na ako at tinungo ko ang pinto. Pero bago lumabas at binalingan ko ang mga kaibigan ko. "It's over okay?" Paalala ko sa kanila.
Sunod - sunod lang ang tango nila.
Diretso ako sa school para puntahan si Kleng. Miss ko na siya agad. Gusto ko siyang makasama palagi kasi ewan ko ba. Iba talaga ang presensiya niya sa akin. She makes me calm. She makes me think straight. Pero pagdating ko sa student council office, walang tao at naka - lock. Sabi ng isang estudyante ay maaga daw nagsialis ang mga tao doon para pumunta sa Home for the Aged sa Alabang. Magbibigay daw ng mga food at mga regalo ang org nila Kleng. Iyon ay dahil nakalikom na sila ng sapat na pera para sa cause nila. Hindi niya kasi alam ako ang pumakyaw ng lahat ng paninda nila.
Napahinga ako ng malalim at idinayal ang number niya. Matagal bago siya sumagot.
"Saan ka?" Tanong ko sa kanya.
"Naku. Sorry. Hindi na kita nasabihan kanina. Nagmamadali kasi kami. Biglaan lang na pumunta kami dito sa Bahay ni Maria home for elderly people." Sabi niya. Nakakarinig ako ng ng parang pagkakasayahan ng sa background.
"Saan ba 'yan?" Tanong ko pa.
"Dito sa Alabang. Baka hanggang hapon na kami dito. Bukas na lang tayo magkita ha?" Sabi pa niya.
Napahinga ako ng malalim. "Sige."
"Bye. Tawagan na lang uli kita mamaya." At pinatayan na ako ng telepono ni Kleng kahit may gusto pa akong sabihin.
Anong gagawin ko naman ngayon? Ayokong umuwi. Ayoko ding pumunta sa mga kaibigan ko. Ayoko din mag - stay dito sa campus.
Kinuha ko ang telepono ko at idinayal ko ang number ng secretary ni ate Lucy. May ipapagawa ako sa kanya.
———————>>>>>>>
Kleng's POV
"Bakit kasi tayo nagmadali na pumunta ngayon? Hindi pa naman sapat 'yung pondo na nakuha natin 'di ba?"
Naiinis ako kay Karl. Akala niya kasi sasapat na ang pera na nakuha namin para sa pagho - host dito sa beneficiary ng org namin. Kaso 'tong si Karl nagmagaling masyado, hindi naman nag - ayos ng budget. Hindi niya rin kinausap ang mga coodinators kung ilan ang total ng mga elderly na nandito. More than hundred pala. Kulang na kulang ang food na naka prepare namin.
"Paanong gagawin natin dito? One hundred plus ang mga elderly. More than fifty lang ang naka - prepare na meals," kita ko rin ang pag - aalala sa mukha ni Yanna.
"Kung magpatak - patak na lang tayo? Kasya naman siguro kahit fast food na lang," problemado na rin si Karl.
Gusto ko siyang batukan. Kahit magpatak - patak kaming mga member ng student council, hindi kakasya para pambili ng pagkain.
Gusto ko ng umiyak sa kawalan ng magagawa. Isang staff doon ang lumapit sa akin.
"Miss, doon na lang sa hall A dalhin ang mga food na pina - deliver 'nyo." Sabi niya.
Kumunot ang noo ko. "Food na pinadeliver?" Tumingin ako kay Karl at Yanna. Nagtataka din ang mukha nila. Wala kaming ipapadeliver na food dahil wala kaming budget. Ang tanging food na dala namin ay nasa van. Pansit at tinapay at mga give aways na bath essentials.
"May dumating kasing dalawang truck ng catering foods courtesy of your organization. Si Kassandra Jade Carbonel daw ang contact person. Doon ko na lang ipapa set up. Saka may isang truck din ng mga give aways doon ko din ipapadala. Malaki - laki ang hall A." Sabi pa ng babae.
Ako? Napalunok ako. Mabilis akong lumabas at nakita ko nga na may dalawang truck ng catering at isa pang truck ang nakaparada sa labas.
"T - teka. Teka. Sandali. W - wala kaming pambayad diyan," sabi ko sa isang staff ng catering na nagbababa ng gamit.
"Bayad na po ito mam," at iniabot ang resibo sa akin. Bayad na nga.
Hindi ko maisip kung sino ang gagawa nito. Lahat ng mga kasamahan ko ay nagtataka kung kanino galing ang mga ito. Pero kitang - kita ko na para silang nakahinga ng maluwag dahil sa nangyari.
"Kleng, kung sino man ang nagpadala ng mga iyan, hulog siya ng langit. Tingnan mo, masayang - masaya ang mga elderly." Tuwang - tuwang sabi ni Yanna.
Nakatingin lang ako sa mga masasayang mukha ng matatanda na kanya - kanyang kuha ng pagkain. Maya - maya ay tumunog ang telepono ko. Si Ferdie ang tumatawag.
"Kamusta ang outreach 'nyo?" Malambing na tanong niya.
"Masaya. Masayang - masaya ang mga matatanda. May nagpadala kasi ng pagkain at - " hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng marealize kong puwedeng si Ferdie ang gumawa nito. "Ikaw ba ang nagpadala ng mga pagkain?"
Natawa siya. "Naisip ko lang na baka kulangin ang dala 'nyo."
Napangiti ako at kahit hindi ko siya nakikita ay parang gusto ko siyang yakapin.
"Thank you. Para kang guardian angel ng mga matatanda dito. Sobrang napasaya mo sila," sabi ko sa kanya.
"Well I can see them. I am here sa office. Beneficiary pala ng foundation ng company namin ang elderly home na ito. I can see what is happening," sabi niya.
Napakunot ang noo ko at hinanap ko ang office ang officr ng administrator at nakita kong naroon nga si Ferdie. Kumaway siya sa akin.
"Anong ginagawa mo dito? Baka makita ka ng mga kasamahan ko," kinakabahan talaga ako.
"Ikakahiya mo pa rin ba ako?"
"Hindi. Pero kasi alam mo naman na -"
"Hindi naman ako magpapakita sa kanila. Dito lang ako. Hindi na rin kita iistorbohin. Hihintayin na lang para sabay na tayong umuwi," muli ay kumaway siya sa akin at pumasok sa loob ng office ng administrator.
Hindi mawala ang ngiti sa labi ko. Lalo ko lang minamahal si Ferdie.
Lahat ng mukha ng mga tao doon ay punong - puno ng ngiti. Masayang - masaya ang mga matatanda, ang mga staff. Pati kami. Ibang klase talaga ang feeling kapag alam mong nakakapagpasaya ka ng ibang tao.
"Alam mo kung kanino galing ang mga ito?" Tanong ni Yanna sa akin habang nagliligpit kami.
Umiling lang ako. "Hindi na nga pala ako sasabay sa inyo pauwi."
"Bakit naman? Baka mahirapan kang mamasahe."
"Tumawag sa akin si kuya. Magkikita daw kami diyang sa ATC." Pagsisinungaling ko.
"Ah. Okay sige. Kita na lang tayo bukas sa school."
Tinapos ko lang ang iba pang mga trabaho at nauna na akong umalis. Doon nga ako dumirecho sa ATC at doon na rin kami nagkita ni Ferdie. Inaya niya lang akong kumain ng hapunan at inihatid na rin niya ako pauwi. Ayaw daw niyang gabihin ako at baka mapagalitan ako sa bahay.
"Sana napasaya kita ngayon," sabi niya sa akin habang naka - park kami malapit sa bahay.
"Sobra. Hindi lang ako. Pati ang mga matatanda doon. Kung makita mo lang ang mga mukha niya. Sobra silang natuwa sa mga natanggap nila," nakangiti kong sabi.
Hinawakan ni Ferdie ang mga kamay ko.
"Basta makita lang kitang masaya." Sabi niya.
Napakagat - labi ako. "Thank you talaga."
Marahang hinawakan ni Ferdie ang mukha ko. Tapos at hinaplos - haplos ang buhok ko.
"Can I kiss you?" Seryosong sabi niya.
"Ha?" Para yata akong kinabahan. So ito na ito? Ito na ang first kiss ko?
"Kiss. I'll kiss you." Sabi niya.
Napalunok ako. "Okay?" Diyoskopo! Ito na nga!
Pakiramdam ko ay huminto ang mundo ko ng maramdaman kong lumapat ang labi niya sa labi ko. Ang lambot. Ganito pala ang feeling. Ibang klase ang kilabot na bumalot sa katawan ko. Bahagyang gumalaw ang labi niya at lalo siyang dumikit sa akin. Lumalim ang paghalik. Nang - aangkin.
Para yata akong nawawala sa sarili ko. Parang ito lang nararamdaman ko. Ang paghalik ni Ferdie sa akin. Para akong nasa alapaap. Ang saya - saya ng feeling ko.
Pinutol ng mararahang katok sa bintana ang paghahalikan namin ni Ferdie. Kita ko ang iritasyon sa mukha niya ng lumayo sa akin at pareho kaming napatingin sa taong nakatayo sa gilid ng kotse.
Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng malamig na tubig ng makilala ko ang taong iyon.
Si Kuya JD at seryosong nakatingin sa amin habang may hawak itong baril.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top