• Model Student •

Hello guys. Another story. Third installment ng series ng Men of Circuit Agency. Story naman ni Kleng at Ferdie. Kelangan 'nyong basahin ang story ni Lucy at JD (How to tame Lucy? - complete -) at story ni Dale and Anya (Guarding Anya - on-going) para masundan 'nyo ang story. Magkakarugtong kasi 'yan. Sana suportahan 'nyo ulit at huwag kayong magsasawang magbasa.

Salamat 😘
Follow nyo ko sa IG at FB ha? Search lang Herby Mendoza para maaliw kayo sa mga hugot - pag - ibig ko. Hehehe

Nagmamahal ❤️
- H. Mendoza

—————-/////////

"Come on, Ferdie. One more round."

I looked at the glass of beer that Drew put on the table.

"Drink it up. Mamaya pa naman ang klase natin. Saka minor subject lang naman ang PE," sabi pa niya habang muling binalingan ang katabing babae at nakipaghalikan dito.

"Get a fucking room," sabi ko sa kanya at dire - diretso kong ininom ang baso ng beer na ibinigay niya tapos ay tumayo na ako. Pumunta ako sa terrace kung saan tanaw ko ang buong university na pinapasukan ko. I am supposed to be inside studying but instead, dito ako nakababad sa condo ni Drew. I don't feel like going to school today. Baka kung ano na naman ang marinig ko at baka kung ano na naman ang magawa ko.

My professors cannot expel me. Kahit madalas akong absent, I always make it to a point na almost perfect ang mga exams ko. Nagtataka nga sila kung paano ko daw iyon nagagawa. Minsan, isang linggo akong absent before midterms pero ng bigayan ng exam, pasado lahat ng exams ko. Conduct at attendance lang talaga ang humihila sa grades ko pababa. But, who cares? Our company is the biggest stock holder of this university so technically we almost own this and I'll do everything I want hangga't makatapos ako at makaalis na ako sa hell hole na ito.

Iyon naman ang usapan namin ng ate ko. Once I finish any college degree, bahala na daw ako sa buhay ko. Hindi na daw niya ako papakielaman. Ganoon din naman ako sa kanya. We drifted apart after our dad died five years ago at sa tingin ko, malabong magkasundo pa kaming dalawa. My sister has her own life na hindi puwedeng pakielaman. At mas gusto ko iyon. Mas gusto ko nga na hindi kami nagkikita para hindi rin kami nag - uusap.

Dumukot ako ng sigarilyo sa bulsa ko at nagsindi. Kita ko ang mga estudyanteng nagmamadaling makapasok para hindi ma - late. Sa labas ng university ay naroon ang ilang estudyanteng naghihintay ng mga kaklase nila. I saw some of my friends na naroon na. Siguradong hinihintay na kaming dalawa ni Drew. Kung bakit naman kasi ang hilig sa babae netong kaibigan ko na 'to. Parang damit lang kung palitan ang mga babae niya. Kahapon, iba ang kasama tapos ngayon 'yung barkada naman ng babaeng nakilala niya kahapon. Hindi na nga ako magtataka kung magka - tulo ang gago na 'to.

I can hear loud moans from Drew's room. At least nagtago naman sa kuwarto. Kumatok ako.

"I'll go ahead. The guys are waiting at the gate," sabi ko.

"Fuck off!" Sagot niya sa akin.

Natawa lang ako at napailing. Inubos ko ang natirang beer sa mesa bago ako lumabas at tumawid papunta sa university. Nakangiti agad si Jojo at Aris sa akin ng makita ako.

"Mukhang may karga ka, ah. Ala una ng tanghali?" Natatawang sabi ni Aris.

"Sinamahan ko lang si Drew. May dalang babae sa condo niya," sagot ko at nagsindi ng sigarilyo.

"Hey. Bawal 'yan," saway ni Jojo sa akin.

"Says who?" Sagot ko at humihithit ako tapos ay ibinuga ko ang usok sa mga estudyanteng dumadaan.

"Hi Ferdie."

Lumingon ako sa tumawag sa akin sa nakita kong si Chelsey iyon. Kaklase ko sa isang subject at nakainuman 'nung isang gabi. Well, we made out pero wala ako sa mood na yumari ng babae kaya iniwan ko din siya.

"Chelsey," tanging sabi ko.

"Sabi mo you're going to call me?" Pinaganda pa niya ang mata niya tapos ay talagang pinatamis ang ngiti niya.

Humithit uli ako sa hawak kong sigarilyo bago ko iyon itinapon at inapakan.

"Sorry. I was busy," tanging sagot ko.

Napa - oh lang si Chelsey at dama ko ang disappointment sa boses niya. Pero pinilit niyang ngumiti.

"Well, you call me when you're not busy anymore? Okay?"

"Sure. See you around," sabi ko. Gusto ko na siyang umalis. Wala ako sa mood makipaglandian ngayon.

Kumaway lang sa akin si Chelsey at tuluyan ng pumasok sa loob ng university.

"'Tol, 'yan na si Kleng." Narinig kong sabi ni Jojo.

"Who's Kleng?" Taka ko. Muli akong dumukot sa sigarilyo sa bulsa ko at nagsindi. Mukhang nakakita na naman ng pagti - tripan 'tong mga kaibigan ko.

"Kassandra Carbonel, 'tol. Running vice president sa student council. Beauty and brains. Suplada." Sabi ni Aris at nakatingin din sa tinitingnan ni Jojo.

Sinundan ko ng tingin ang tinitingnan nila. Sino 'yun? Wala naman akong makitang maganda sa dumarating na pulutong ng mga estudyante.

"Saan maganda diyan? Wala naman," sabi ko at sumandal ako sa gate habang patuloy sa paninigarilyo.

Napansin kong parehong tumahimik ang dalawang kaibigan ko.

"What's your name?"

Napatingin ako sa babaeng nagsalita sa gilid ko. Saan galing ito? Hindi ko siya nakita sa grupo ng mga estudyanteng tinitingnan ko. Napa - diretso ako ng tayo kasi nagulat ako sa authoritative niyang tono ng pagtatanong ng pangalan ko.

"What? Who?" Takang tanong ko. Tumingin ako sa kaibigan ko at parang pinipigil nila ang pagtawa nila.

Muli akong tumingin sa babaeng estudyante na nakatayo sa gilid ko. Lumakad siya at humarap sa akin.

"I am asking for your name. What's your name?" Mataray na sabi niya.

"You don't know me?" Taka ko. Walang hindi nakakakilala sa akin dito. I am teacher's enemy number one. Pagdating naman sa mga babae, ako ang number one sa hunk list nila.

Bahagyang ngumiwi ang mukha ng babae. "Amoy alak pa," mahinang sabi niya at tumingin sa akin. "Itatanong ko ba ang pangalan mo kung kilala kita? I don't know you. Do you know that smoking is strictly prohibited here?" Mataray na sabi niya.

Gusto kong matawa. Is she out of her fucking mind? Talaga sigurong hindi niya ako kilala. Sa tagal ko ng naninigarilyo dito, kahit sa loob ng university ay nagagawa ko at walang sumasaway sa akin. Even the guards let me do my stuff dahil araw - araw akong nagbibigay ng pera sa kanila.

"Miss, you better do your own business and leave us. You don't know what kind of trouble you're getting into," natatawang sabi ko.

Inirapan niya ako at pahablot na kinuha ang id ko na nakasuksok sa bulsa ng polo ko.

"Ferdinand Jose Oligario." At painis niyang binitiwan ang id ko tapos ay lumapit pa sa akin. "If you think because you are popular in this university you can do whatever you want. Bad influence ka sa mga estudyante dito. If you want to be a trying hard tough guy, do it somewhere. Naiistorbo mo ang mga estudyanteng gustong mag - aral ng maayos." Tapos ay pabigla niyang kinuha ang sigarilyong nasa bibig ko at itinapon iyon sa lapag at inapakan. Pagkatapos noon at walang lingon-likod siyang umalis ay taas - noo pa ng parang proud siya sa ginawa niya.

"What the fuck just happened?" Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari. Parang wala ako sa sariling sinusundan ng tingin ang babaeng sumita sa akin.

"We think you found your match." Natatawang sabi ni Aris habang parang humahangang nakatingin sa papalayong babae.

———————->>>>>>

Kleng's POV

"Aga - aga busangot ang mukha mo," puna sa akin ni Yanna ng makapasok ako sa office ng Junior Finance Student Council. Painis kong ibinaba ang bag ko.

"Hindi na maaga. It's one o' clock already." Sagot ko.

"O? Bakit mainit ulo mo? Relax. Campaign na mamaya. Kelangan na fresh ka. Remember running for Vice President ka ng Student Council. Kelangan maganda ang aura," sabi ni Yanna.

"Paano kasi buwisit 'yung isang estudyante na nakita ko sa gate. Nasa gate na nga, doon pa naninigarilyo. Napaka - walang disiplina. Hindi ba niya naiisip na may ibang mga estudyante doon?" Sabi ko.

"Talaga? Sino 'yun? Hindi man lang sinita ng mga guards?"

"Ano bang pangalan 'nun? Ocampo? Ortega?" Ano nga bang apelyido 'nung lalaking iyon? "Oligario? Parang 'yun ang apelyido niya." Hindi ko masigurado kung 'yun nga ang apelyido ng lalaking iyon. Sa inis ko sa kanya nakalimutan ko ang pangalan niya na nabasa ko sa id niya. Ang tumatak lang kasi sa isip ko ay ang id picture niya na parang nasuntok na panda ang mata dahil sa kapal ng eye liner.

"Ferdie? Si Ferdie? Ferdinand Jose Oligario?" Paniniguro ni Yanna. Nanlalaki pa ang mata niya na lumapit sa akin.

"Oo yata. Oo. 'Yun nga ang pangalan niya."

"Guwapo? Kung guwapo, siya na iyon," sabi ni Yanna.

Guwapo ba? Oo. Mukhang bad boy. Pero hindi ko kasi siya type kaya hindi ako nagu-guwapuhan sa kanya.

"Kleng, anong ginawa mo?" Parang kinakabahan si Yanna.

"Anong ginawa ko? Sinita ko siya. Mali ang ginawa niya. Bad influence siya sa mga estudyante at talagang isusumbong ko siya sa guidance office." Sabi ko. Kumuha ako ng isang papel para magsulat ng incident report.

"Ano ka ba? Hindi mo ba kilala si Ferdie? Siya ang pinaka - famous na bully dito. At ang pamilya niya ang halos may - ari nitong university." Sabi ni Yannah.

"So? Dahil sila ang may - ari dito untouchable na siya? Nasaan ang fair justice among students? Dahil mayaman siya, he can do anything he wants here? Other students na nahuhuling nagsisigarilyo o nakainom suspended agad. Samantalang siya nandoon kasama pa ang mga guards habang nagsisigarilyo at amoy alak pa siya." Kumukulo talaga ang dugo ko sa lalaking iyon.

"Hindi mo ba siya kilala talaga? Ano ka ba, Kleng? Their group is a notorious bully here. Lalo na 'yang si Ferdie. Ano ba 'yan? Kinakabahan ako para sa iyo," ramdam kong natatakot talaga si Yanna.

"Ano ka ba? Huwag kang matakot doon. Tama ang ginawa ko. Tatapusin ko lang ang incident report na ito at talagang ipapasa ko ito sa guidance office." Sagot ko.

Hindi sumagot si Yanna pero nakita ko lang siyang nakatingin sa may pinto at mukhang kabadong - kabado siya.

"Kleng," bahagya pang nanginig ang boses ng kasama ko.

"Mamaya mo na ako istorbohin at tatapusin ko na 'to." Sabi ko habang tutok pa rin sa ginagawa ko.

"Kleng may tao." Sabi pa ni Yannah.

"Ikaw na muna ang bahala," naiinis na ako sa kanya. Sobrang istorbo na niya.

"So your name is Kleng?"

Napahinto ako sa ginagawa ko pero hindi ako nag - angat ng mukha. Alam ko ang boses na iyon. Napalunok ako at dahan - dahan akong nag - angat ng tingin. Hindi ako nagkamali. Ito ang lalaking sinita ko kanina. Nakatayo sa harap ko at nakatingin sa akin.

"Anong kailangan mo?" Mataray na sabi ko sa kanya.

"I want to know you better. Kassandra Jade Carbonel.  Sophomore. Consistent dean's lister. Scholar and running Vice President for the student council. You have an impressive resumé," nakangising sabi niya.

"Anong kailangan mo? Kung akala mo na masisindak mo ako tulad ng ginagawa mo sa ibang estudyante, nagkakamali ka. Talagang ipapasa ko sa guidance office ang reklamo sa iyo." Sagot ko.

Pero natawa lang siya tapos tumingin sa mga kasama niyang nasa pinto ng office namin.

"Feisty. I like it. Mukhang magandang laban 'to." Sabi niya na natatawa tapos ay tumingin sa akin. "Okay lang. Ireport mo ako? Wala akong pakielam. I just want to see face to face kung sino ang makakalaban ko as vice president for the student council."

Napakunot ang noo ko. Ano? Napatingin ako kay Yanna at maging siya ay nagulat sa narinig niya.

"I just filed my candidacy. Happy campaigning." At natatawang iniwan niya ako. Tingin ko ay maging ang mga kaibigan na kasama niya ay nagulat sa sinabi niya.

"Oh my god, Kleng. Siya ang makakalaban mo sa student council? Ano ba 'to?"

Hindi ako makapagsalita. I am the sole candidate for vice president. Wala na ngang lumaban kasi ang mga estudyante ang nag - udyok sa akin na sumali ko. Gusto pa nga nila as president pero hindi ko pa kaya ang ganoong responsibilidad.

Parang nakaramdam ako ng kaba. Mukhang nagkamali nga ako sa binangga ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top