• Messenger •
Ferdie's POV
Nasa tapat pa lang ako ng pinto ng unit ni Drew ay naririnig ko na ang pagkakaingay sa loob. Napangiti ako. Well, tamang - tama. This is the night for celebration.
Tuloy - tuloy akong pumasok sa loob at nandoon nga sila sa sala at nag - iinuman. May mga babae din. Nakilala kong grupo nila Chelsey. Naipagpasalamat kong wala siya doon.
"Hey! Guys! Nandito na ang ultimate fuck boy!" Malakas na sigaw ni Jojo at pinapalakpakan ako."
"Gago," natatawang sabi ko at naupo ako sa sofa. Kinuha ko ang beer na ibinigay niya.
"So? Ano ang latest? Balita namin may LQ daw kayo ng future syota mo, ah." Sabi ni Drew.
Umiling ako at natatawa lang.
"Ano na nga? Kayo na?" Pangungulit pa ni Aris.
"Cash or check tumatanggap ako," natatawang sabi ko.
Lakas ng sigawan nila. Nakita kong naguguluhan na nakatingin sa amin ang mga babaeng nandoon.
"Ulol. 'Di kami naniniwala." Sabi ni Drew.
Natatawa akong binuksan ang cellphone ko at ini - open ang messenger. I sent a message to Kleng.
I am so happy for today. Can't believe you're my girlfriend already. I want to see you. Missing you so bad.
Ang tatlong kumag kong mga kaibigan ay nakatingin sa phone ko. Naghihintay ng reply.
"Dodoblehin ko ang pusta ko. Sigurado akong hindi sasagot si Kleng." Buong - buo ang kumpiyansa ni Drew.
"Wait for it." Nakita namin na na - seen zone ang message ko.
Lakas ng tawa ni Drew. "Tingnan mo nga? Seen zoned! Lakas mangarap netong si Oligario," tumatawa pa rin siya.
Unti - unting nawawala ang ngiti sa labi ko. Hindi ba ako sasagutin ni Kleng? Mapapahiya pa yata ako sa mga kumag na 'to.
"Baka busy lang," iyon na lang ang nasabi ko at inis kong ibinato sa sofa ang phone ko.
"Ikaw naman kasi. Masyado kang bilib sa sarili mo. O? Ready mo na 'yung tig - 40k namin, ha? Parang gusto kong mag - travel next week," sabi pa ni Drew.
Hindi ako sumagot. Naiinis din ako. Bakit hindi sumasagot si Kleng sa message ko? Nasaan ba siya? Hinatid ko pa siya sa bahay nila just to make sure that she is safely home.
Five. Ten. Fifteen. Thirty minutes have passed. Para akong tangang check ng check sa phone ko kung may reply siya sa message ko. Still, seen zoned. And I am getting pissed. Ano ba ang ginagawa niya at hindi niya masagot ang message ko?
"Wala pa ring reply?" Tonong nang - aasar si Aris.
Hindi ako nakasagot kasi napatingin kami pare - pareho sa pinto dahil mag nag - buzz. Si Jojo ang nagbukas noon at nakita kong ai Chelsey ang dumating.
"At last. Naabutan din kita dito," sabi niya at mabilis na tumabi sa akin. Nag - hi siya sa mga kasama niya. "Kanina pa kita tinatawagan. Kailangan ka namin sa booth namin sa foundation day."
Tiningnan ko lang siya at muli kong itinutok ang atensyon ko sa telepono ko. Hindi pa rin sumasagot si Kleng. Ano bang ginagawa niya?
"Ferdie, ang supla - suplado mo na ngayon. May bago ka bang flavor of the month?" Sabi niya sa akin.
"Chel, huwag mong guluhin 'yan si Ferdie. Mainit ang ulo niyan. Baka ikaw ang mapagbalingan niyan," natatawang sabi ni Drew.
"Why? Kanina pa 'yan. Sa canteen hindi ako pinansin. Si Kassandra Carbonel ba ang bago mong laruan?" Tumingin lang ako kay Chelsey. "That nerd freak? Kapag kinausap mo parang out of this world ang mga sinasabi."
"You just don't understand what she says kasi hindi kayang i - comprehend ng utak mo," hindi ko natiis na hindi sabihin iyon sa kanya. Bakit niya sasabihang freak si Kleng? They don't know her.
Napatingin ako sa mga kasama ko kasi napatahimik silang lahat. Alam kong napahiya din si Chelsey sa sinabi ko pero hindi ko na iyon mababawi pa. Ramdam kong parang nagka - tensiyon sa paligid. Napailing na lang ako at tumayo. I am already pissed. Napipikon ako kasi bakit hindi sumasagot si Kleng sa message ko?
"Saan ka pupunta?" Tanong ni Drew.
"I need fresh air," sabi ko at lumabas na.
I am still looking at my phone, waiting for her reply. Wala pa din. Inis kong tinungo ang kotse ko at sumakay. Pupuntahan ko si Kleng.
———————>>>>>
Kleng's POV
Hindi ako makapaniwala na may boyfriend na ako? At si Ferdinand Jose Oligario pa. Kahit kanino ko ikuwento ito, talagang sasabihin ng mga tao, naloloka na ako at sobrang ilusyunada ko. Kahit ako, hanggang ngayon, hindi ko alam kung bakit ako pumayag na maging girlfriend niya. Ang bilis. Nakilala ko lang siya 'nung kelan lang pero hindi ko maintindihan. Inis ako sa kanya sa simula. Pero ng makasama ko siya, parang maayos naman siyang tao at sobra akong bumilib sa pagiging matalino niya kahit pa nga notorious basagulero siya sa school.
Saka hindi siya natatakot magpakilala kina tatay. Gusto pa nga niyang makaharap si kuya JD. Diyos ko po. Baka balatan siya ng buhay ni kuya kapag nalaman na boyfriend ko siya.
Ini - open ko ang facebook account niya at nakangiting tiningnan ko ang picture niya. Seryoso kaya talaga siya sa akin? Talaga kayang gusto niya ako? Ano ba itong nararamdaman ko? Ito na ba 'yung love na sinasabi nila? First time kong maramdaman 'to sa isang lalaki.
Napapitlag ako ng tumunog ang messenger ko. May message si Ferdie.
I am so happy for today. Can't believe you're my girlfriend already. I want to see you. Missing you so bad.
Napakagat labi akong napangiti. Kinikilig naman ako sa message niya.
Sasagutin ko na lang iyon ng bigla namang tumatawag si Julius. Kainis. Kanina pa ako naiinis sa kanya. Isinama niya ako doon sa bar na iyon dahil doon daw kami magkakaroon ng group meeting pero wala naman kaming mga ka - group na dumating. Pinipilit lang niya akong kumain o kaya uminom na lang daw. Siraulo ba siya? Pipilipitin ng kuya ko ang leeg ko kapag nag - inom ako.
Ayoko na sanang sagutin ang tawag niya pero baka kasi tungkol ito sa project.
"Bakit, Julius?" Walang gana kong sagot.
"Tatanungin ko lang kung tuloy ang group meeting bukas?"
"Siguraduhin 'nyo lang na darating ang mga members. Huwag 'nyong sinasayang ang oras ko," sabi ko.
"Oo naman, Kleng. Ewan ko kung bakit hindi dumating 'yung mga groupmates natin kanina."
"Siya - siya. Sige na. Bukas na lang. Matutulog na ako." At kahit nagsasalita pa siya ay binabaan ko na siya ng telepono.
Balik ako sa messenger para sagutin ko ang message ni Ferdie. Pero tumunog na naman ang telepono ko. Si Yanna namam ang tumatawag.
"Yan? Bakit?"
"Gabing - gabi kasi tumawag sa akin si Karl. OA 'yang president 'nyo, ha? Volunteer lang ako sa student council pero bakit feeling ko mas marami akong trabaho sa inyo," tonong nagmamaktol.
Napatawa ako. "Bakit ba?"
"In just a few days, foundation day na. Gusto niya, starting tomorrow may mga booth ng naka - set up all over the university. Kumpleto na ba ang line up ng mga sasali?"
"Ibinigay na sa kanya ang listahan."
"Eh 'yung booth natin? Sa tingin mo ba bebenta 'yun sa mga tao? Baka wala naman pumunta kasi sino ba naman ang mag - iinteres na bumili ng kropek na ititinda natin?"
"Malay mo naman. Sigurado naman ako mauubos 'yun."
"Sigurado ako ang papatok na naman ay 'yung booth nila Chelsey. Magtitinda daw ng mga accessories saka mga pashmina. Then on the side, meron silang kissing booth. Every item na bibilhin, may libreng kiss. Parang ang balita pa they are going to invite Ferdie sa booth nila." Sabi pa ni Yanna.
Hindi agad ako nakasalita. Si Ferdie?
"Eh tayo? Ano ang paandar natin?" Tanong pa niya.
"Hindi ko alam." Biglang parang wala akong maisip na idea. Isipin ko lang na kung sino sinong babae ang hahalik kay Ferdie, parang sumisikip na ang dibdib ko.
"Kung magkaroon din kaya tayo ng ganoon? Tapos kada may bibile, sa 'yo naman may libreng kiss?" Suhestiyon ni Yanna.
"Okay ka lang? 'Di lalong walang bumili sa atin." Natatawa ako sa idea niya.
"Hindi nga. Sige, ako ang bahala, ah? Basta pumayag ka na. Meeting ulit tayo with the council bukas." At pinatayan na ako ng telepono ni Yanna.
Natawa naman ako sa idea ni Yanna. Ako pa talaga ang ilalagay niya doon? Sobrang desperado naman namin kung ganoon ang gagawin namin.
Muli kong binuksan ang messenger ko. Nakita ko ang sunod - sunod na message ni Ferdie.
Seen zoned talaga ako?
Hindi mo ako talaga sasagutin?
Sobrang busy mo ba at talagang wala man lang akong hi or goodnight mula sa 'yo?
Kassandra, kapag hindi ka pa sumagot, kakatok na ako diyan sa bahay 'nyo.
Napabalikwas ako at sumilip sa bintana. Nandoon nga at nakaparada ang kotse ni Ferdie malapit sa bahay namin. Mabilis akong lumabas ng bahay. Nakita kong nakatayo sa tabi ng kotse niya si Ferdie at seryosong nakatingin sa akin.
"Gabing - gabi na. Ano ba ang ginagawa mo dito? Baka makita ka nila tatay."
"You are not answering me." Walang kangiti - ngiting sabi niya. Parang talagang nagagalit siya.
"Sasagutin ko naman ang message mo pero kasi tumawag si Julius. Tapos - "
"Julius? Tinatawagan ka ni Julius?" Lalo ng nangunot ang noo ni Ferdie.
"Ano kasi, magka - group kasi kami sa -"
"So kapag ako ang nag - message, okay lang sa iyo na hindi mo sagutin. Pero kapag si Julius ang tumawag kailangan na sagutin mo? Ganoon ba?"
"Teka. Wala naman kaming ginagawa. Nag - usap lang kami para sa project ng group. Nagagalit ka ba? Walang dahilan para magalit ka." Naiinis na rin ako sa kanya. Lalo na nga at nalaman kong kasali siya sa kissing booth nila Chelsey.
"Bakit hindi ako magagalit? I wanted to know if you are okay. And I hate it that some douchebag is talking to you. Lalo na ang Julius na iyon."
"Ano? Alam mo -"
"Nagseselos kasi ako." Diretsong sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko.
Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya. Para yatang nagdiwang ang puso ko. Pinigil ko ang mapangiti dahil talagang kinikilig ako. Hindi ko ma - imagine na si Ferdie ay nagseselos dahil lang may kausap akong lalaki.
"Alam mo, bukas na bukas ibo - broadcast ko talaga sa campus na ikaw ang girlfriend ko para wala ng lalaking lalapit sa iyo." Sabi pa niya.
"Hoy, ano ka ba? Huwag mong gagawin 'yan, ha? Gusto kong i-sekreto lang natin ito." Saway ko sa kanya.
"Bakit? Ikinakahiya mo ba ako? Gusto kong malaman ng lahat na ikaw ang babaeng nagpatibok ng puso ko."
Pinigil kong mapangiti pero parang sasabog na ang dibdib ko sa sobrang kilig.
"Huwag muna. Please."
Napahinga ng malalim si Ferdie tapos ay hinawakan ang kamay ko.
"Kung pumapayag ka kasing kausapin ko si Manong Ben tungkol dito, 'di sana hindi tayo nagkikita ng palihim na ganito. Puwede naman kitang puntahan at dalawin sa bahay 'nyo." Parang punong - puno ng panghihinayang ang boses niya.
"Saka na lang. Baka magulat kasi sila nanay at tatay. Alam nila, wala pa akong planong magkaroon ng boyfriend."
"So ako talaga ang first boyfriend mo?"
Tumango ako sa kanya.
"Sige na. Uwi ka na. Sasagutin ko na lahat ng messages mo."
Ngumiti sa akin si Ferdie at hinalikan ako sa noo.
"I'll see you tomorrow at school. Okay?" Sabi niya.
Tumango lang ako.
Sumakay na siya sa kotse niya at pinaandar iyon. Bago siya umalis ay ibinaba niya ang bintana sa tapat ko.
"Sleep tight. I love you."
Tapos ay tuloy - tuloy na siyang umalis.
Parang nae - engkanto akong nakatingin sa papalayong kotse ni Ferdie.
Tama ba ang narinig ko? Talagang sinabihan niya ako ng I love you?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top