• Last case •

Ferdie's POV

Lahat kami ay tahimik lang na nakaupo sa kuwarto ni Kleng. Lahat nakatitig sa usb na nakapatong sa mesa na naroon. Walang naglalakas ng loob ng hawakan man lang iyon.

"I remember Clint told me. Never to check it because people looking for it will find out kapag ini - open iyan. I don't know kung paano ang gagawin diyan." Bahagyang napangiwi si Kleng ng gumalaw siya kaya mabilis ko siyang inalalayan.

"So what's the plan?" Seryosong tanong ni JD.

"I have an idea." Narinig kong sabat ni Dale. Nakatayo siya sa may pinto at nakatingin sa amin.

"Labas ka dito Mayor. Mahirap ng masilipan ka na may ginagawa kang iba. Saka matagal ka ng retired." Sabi ni Mason.

"I'm just going to help you guys." Natatawang sabi ni Dale.

"Okay how?"

"Just open it. Guys, think. Gusto 'nyong mahuli ang kasabwat ni Robert. That's your chance. Siguradong lalabas ang taong iyon once you open that."

"But we don't know whom to trust anymore." Sabi ko.

"Guys, you are a team. Ngayon pa ba kayo nag - alala kung nandiyan na ang sagot sa mga tanong 'nyo? Just be ready to anything." Sabi pa ni Dale. "Ilipat na muna natin si Kleng sa bahay. She will be safe there."

"But I can stay here." Protesta ni Kleng.

Marahan ko siyang hinalikan sa noo. "Everything will be fine, babe. You need to be safe first."

Hindi na naka - kontra pa si Kleng sa amin. Dinala namin sa mas ligtas na lugar si Kleng.

"You wait for me. Kailangan mong bumawi sa akin," nakangiting sabi ko kay Kleng.

Natawa siya. "Ako pa talaga ang babawi?"

Hinalikan ko siya sa labi at automatic na kumapit ang kamay niya sa ulo ko para salubungin ang bawat paghalik ko.

"I missed you so much. I promise after this, hindi na talaga tayo maghihiwalay. This will be my last case and we will be together. Away from all this violence. We will have a normal life with our kids. We will just be happily married and building our lives together," malambing kong sabi sa kanya.

"Kaya mo? You'll miss the action."

Natawa ako. "Siyempre hindi naman ako papayag na wala tayong aksyon sa kama. Okay na ako doon."

Kinurot ako sa tagiliran ni Kleng.

"Puro talaga kalokohan ang nasa isip mo."

Lakas ng tawa ko at muli ko siyang hinalikan.

"I'll be back. I will just finish this job. You wait for me," paalam ko sa kanya. "I love you."

Ngumiti sa akin si Kleng. "I love you too."

Pakiramdam ko ay iyon ang pinakamatamis na salitang narinig ko sa buong buhay ko.

Parang ayokong lumabas para iwan si Kleng. Pakiramdam ko ay may mabigat na bakal ang mga paa ko sa bawat paghakbang ko. Pero kailangan ng matapos ito.

After I brought Kleng to a safer place, we decided to open the usb. Kung ma - trace man kami, at least we know what to do at handa kaming tatlo.

Pare - pareho kaming hindi humihinga habang pinapanood namin ang laman ng usb. Mostly ay mga videos ng mga transactions ni Robert. Hindi lang pala gun running at drugs ang negosyo niya. Pati human organ trafficking ay pinasok na rin niya. If the price is right, kaya niyang dumukot ng mga tao at patayin ang mga ito para makuha ang organ na kailangan ng parukyano. Naroon ang ilang mga prominenteng tao. Marami talagang kasabwat sa negosyo niya. Senators. Congresmen. Mayors. All hell will break loose once the copy of this leaks to the media kaya alam kong handang pumatay at mamatay ang sinuman na may gustong kumuha nito. All the vital evidence was with Kleng all along.

We made a copy of this tapos ay tiningnan namin ang laman ng huling usb.

Napakunot ang noo ko dahil familiar iyon.

"Ano 'to? These are the names of those agents that is in the system," bulalas ni Mason.

Shit. I know this. Ito nga ang kopya ng mga listahan ng mga agents na tanging si Tito Jess at ako lang ang nakakaalam ng mga passwords.

"This is bad. Kapag napunta ito sa mga kaaway natin, each of our agents will be compromised." Sabi ko.

"I don't know about this. Paano ito napunta kay Clint?" Parang sa sarili lang nagsalita si JD. "Mason?"

"Hindi ko 'to alam. Maybe top management? I don't know anything about this. Shit." Alam kong kahit si Mason ay nagugulat sa nalaman niya.

Tumunog ang telepono ni Mason. Sobrang seryoso ng mukha niya at tumatango - tango lang tapos ay ibinulsa ang telepono.

"We got company." Sabi niya at dinukot ang baril na nakasukbit sa likuran niya.

Sumilip ako sa labas at nakita kong madilim lang ang paligid. Pero alam kong nasa paligid lang ang mga kalaban namin.

"You know the drill." Sabi ni Mason sa akin at sumenyas kay JD na lumabas sila. Ganoon din ang ginawa ko.

Mula sa dilim ay kita ko ang limang lalaking naka - full battle gear papunta sa kuwarto kung nasaan kami kanina. Isa - isa silang nawawala at makakarinig na lang ako ng mahihinang pag - igik. I know Mason and JD are working already. Tahimik lang. Ayaw nilang magkaroon ng mas malaking gulo kaya alam kong mas gusto nilang matapos ito ng mas tahimik.

Isang lalaki ang pumasok sa kuwarto kaya sinundan ko. Pinabayaan ko lang siyang magpipindot sa laptop at kinuha niya ang mga usb.

"Put down your gun." Sabi ko sa kanya. Isang maling galaw lang niya, hindi talaga ako mangingimi na pasabugin ang ulo niya.

Hindi naman ito gumalaw. Nagtaas lang ng kamay pero nanatiling hawak ang usb.

"Show your face." Utos ko sa kanya.

Humarap siya sa akin pero nanatiling nakataas ang mga kamay niya. Ang mukha niya ay natatakpan ng skull mask.

"Remove your fucking mask and show your face!" Malakas kong sigaw at pinaputukan ko ang sahig malapit sa paa niya.

Hindi man lang tuminag ang lalaking nasa harap ko. Hinubad niya ang suot na skull mask at hindi ako makapaniwala sa taong nasa harap ko.

"Ted?" Si Ted? But this guy is in the hospital? Napakaliit nga ng chance niyang mabuhay base sa report ng mga doktor. Pero nandito siya. Malakas na malakas sa harap ko.

"Kamusta Ferdie?"

"Ano 'to? Anong ginagawa mo dito?" Alam ko ang sagot sa mga tanong ko pero hindi ako makapaniwala sa katotohonan na nasa harap ko.

"I need this. My boss need this," sagot niya.

"Anong boss? You are working with us. Fuck man. You are the fucking mole?" Parang hindi ako makahinga sa nalaman ko.

"Cut the bull Oligario. You know this will happen. Tanga na lang ang nagtitiyaga sa agency 'nyo. Am I going to die working with you people?" Naiiling na natatawa siya. "Mas magandang magbayad si Robert. And this?" Itinaas niya ang hawak na usb. "If we have this list, gagaan ang buhay namin. Malalaman namin lahat ang identity ng mga agents and we will ask them to work with us. Those who doesn't want, will be dead."

"Ted, we are like brothers. You trained me," parang gusto kong manghina sa nalaman kong ginawa ni Ted. "Ang daming agents na namatay dahil sa kanya.  And that is all because of you? Paano mo nagawa 'to?"

"Money. Hindi ako katulad mo na nabuhay na milyonaryo. Hindi ako katulad ni JD na matalino na pinakasalan ang ate mo. I need to work my ass off para lang kumita ng malaki. And you think the pay that I am getting in your agency can sustain a family?" Naiiling si Ted.

"So ganito ang ginawa mo? You betrayed us!" Malakas na sigaw ko sa kanya.

"No hard feelings, Oligario. I just need my money." Sagot niya.

"Fuck you!" Sigaw ko at pinaputukan ko siya ng baril pero maagap na may humawak ng kamay ko para hindi ko mabaril si Ted. Si Mason iyon.

"Hindi natin gawain 'to. Pabayaan mong ang ang mga pulis ang trumabaho sa kanya." Malungkot na sabi ni Mason.

"What? 'Tang ina Mason. Papatayin tayo ng gagong 'yan. Siya ang dahilan kung bakit namamatay ang mga agents mo." Sagot ko.

Tumingin lang si Mason kay Ted at napailing.

"I can't kill a brother. Naging parte pa rin siya ng agency natin." Bumaling si Mason kay Ted. "I don't know your reasons why you decided to turn your back at us. Itinuring ka namin na kapatid Ted. I saved your life."

"Bullshit! Puro kayo drama!" Mabilis na dumukot ng baril si Ted at pinaputukan si Mason pero mabilis ko siyang naitulak. Sunod - sunod na putok ang narinig ko at bumagsak sa lapag si Ted. Duguan at naghahabol ng hininga.

Si JD ang may gawa noon.

Pareho kami ni Mason na inalalayan ni JD na tumayo pero nakakapagtakang kusang tumiklop ang tuhod ko at napaluhod ako sa sahig.

"Ferdie! Ok ka lang?" Nag - aalalang sabi ni JD at inalalayan ako.

What is wrong with me? Napaubo ako at may dugong lumabas sa bibig ko.

"Fuck! May tama ka!" Malakas na sigaw ni JD.

Ako? May tama ako? Noon ko lang naramdaman na parang may masakit sa may dibdib ko. And when I look at it, blood is dripping from my body.

Shit. No. This can't be. Bigla yata akong parang pangangapusan ng hininga. Namamanhid ang buong katawan ko.

"Mason! Do something! He can't die!" Natataranta si JD.

"S - si Kleng -" Si Kleng. I wanted to see Kleng. I need to go back to her.

"Mason! He needs help!" Umiiyak ba si JD? Ang labo kasi ng mukha niya.

"I - I can't breathe," humihingal na sabi ko.

"Shut up. Stay with me," nanginginig ang boses ni JD.

Wala na akong naririnig sa mga sinasabi niya. Everything went black.

———————->>>>>>

Kleng's POV

Bakit ang tagal nila? Kanina pa ako naghihintay dito pero wala akong balita kung ano ng nangyari kina kuya.

Pinilit kong bumangon kahit pa nga parang pinipilipit ang katawan ko sa sakit. Napapabuga ako ng hangin sa bawat paggalaw ko pero pinipilit ko pa rin na gumalaw.

Napangiti ako ng maalala ko ang mga sinasabi ni Ferdie. Dami talaga niyang plano para sa amin. Totoo kaya ang sinasabi niyang kaya niyang talikuran ang ang trabahong ito para sa akin?

And I can also do that. Parang ngayon ako nakahinga ng maluwag ng marealize kong hanggang ngayon mahal ko pa rin ang lalaking iyon. Tinabunan ko lang ng galit pero talagang nag - uumalpas ang nararamdaman kong pagmamahal sa kanya. I don't want to live like this anymore. Like him, I just want a normal life with him together with our kids.

Parang luka - lukang napatawa ako. Kids? Magkakaanak kami ni Ferdie? Who would have thought that after five years kami pa rin ng gagong iyon? Ramdam ko naman na totoo ang mga sinasabi niyang mahal niya ako.

I tried to call kuya JD. Gusto kong makibalita kung anong nangyari sa kanila pero hindi siya sumasagot sa tawag ko. May nangyari kaya? Hindi ko rin maintindihan ang kabog ng dibdib ko.

Nakita ko si Dale na nagmamadaling pumapasok sa loob ng bahay. Hindi nga niya ako pansin kasi nagsisisigaw siya sa kausap niya sa telepono.

"I need the god damn ambulance right now!" Malakas niyang sigaw.

Ambulance? Bakit kailangan ng ambulansiya?

"He doesn't have fifteen minutes, okay? Bring me the fucking ambulance now!"

"D - dale? May nangyari ba?" Tanong ko sa kanya.

Natatarantang tumingin siya sa akin. "Bakit ka tumayo? Magpahinga ka lang. Kami na ang bahala dito."

"Nasaan sila kuya? Si Ferdie?"

"Just go back to your room please? Everything is fine."

Pero hindi ako naniniwala. Nakita kong pumapasok si kuya sa bahay na laglag ang mga balikat. He got blood on his clothes.

"Kuya anong nangyari? Nasaan si Ferdie?" Grabe ang kabog ng dibdib ko. Kung nandito si kuya dapat nandito na si Ferdie. Nangako siya babalik siya sa akin.

Nagtinginan lang si Dale at si Kuya.

"They got him to the hospital. Mason is with him. I can't be there. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag kay Lucy ang nangyari," mahinang sabi ni kuya.

"What are you saying? Kuya! Nasaan si Ferdie?!" Natataranta na ako.

"I am so sorry Kleng." Parang maiiyak na si kuya.

"Nasaan si Ferdie?" Tuluyan na akong napaiyak. I know something happened to him.

"He's been shot. I don't know if he's going to make it." Mabilis na pinahid ni kuya ang mga luha niya.

Parang nanlambot yata ang tuhod ko sa narinig ko kaya napasalampak lang ako sa sahig. Mabilis akong nilapitan ni kuya at niyakap.

No. Hindi totoo 'to. Masamang panaginip lang 'to. We have so many plans. We have so much to build together.

Pero sa nakikita kong reaksyon ni kuya, ngayon ko lang siya nakitang ganitong natataranta at nag - aalala.

I know Ferdie is in bad shape.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top