• Kasey •
—— kung may mga mali, pasensiya na. Medyo sabog po si author dahil sa puyat 🤣
Kleng's POV
I need to impress Robert kaya talagang nagpaganda ako ngayong gabi. Nakaready na ang mga gagamitin ko para mai - record ang conversation namin ni Robert. Kailangan kong maging handa ngayon.
"Okay ka lang diyan mag - isa?" Tanong ni Yanna mula sa telepono. I put her on speaker para may kausap ako habang hinihintay ko si Robert na sunduin ako.
"Okay lang. Hinahanda ko lang ang sarili ko. Alam mo na. Mukhang manyakis iyon. I need to be ready sa mga style ng mga manyakis. He could put roofies in my drink."
Lakas ng tawa ni Yanna. "As if naman na magagawa niya 'yun sa 'yo."
Nakarinig ako ng pagparada ng sasakyan sa labas.
"Mukhang nandito na siya. Wait for my call." At pinatay ko na ang telepono. Nanatili akong nakatalikod sa pinto dahil gusto kong masurprise si Robert kapag nakita niya ako. I want him to fall into my trap para kahit na anong gawin ko, anong sabihin ko sa kanya ay mapapasunod ko siya.
Bumukas ang pinto pero hindi pa rin ako humaharap. Nakarinig ako ng mahinang ehem.
"I am here to pick up Miss Kaila Chavez."
Napakunot noo ko. Teka. Hindi ito boses ni Robert. Mabilis akong humarap at si Ferdie ang nakatayo doon. Gulat din siyang nakatingin sa akin. Gusto kong matawa. I really gave him a good punch. Ang laki ng blackeye niya.
"What are you doing here?" Takang tanong niya.
"Ikaw. Anong ginagawa mo dito? Get out please." Sabi ko at tinungo ang pinto para palabasin siya. Pero hindi tuminag si Ferdie.
"I am looking for - " hindi niya naituloy ang sasabihin ng marealize niyang ako ang Kaila na hinahanap niya. Sumeryoso ang mukha ni Ferdie na nakatingin sa akin. "You are Kaila Chavez." Paniniguro iyon at hindi tanong.
"Please umalis ka na. You don't know what is happening." Sabi ko at kinuha ko ang bag ko. Maghahanap na lang ako ng taxi papunta sa Peninsula.
Nakita kong nagngalit ang bagang ni Ferdie at galit na tumingin sa akin.
"I can't. I am your ride to your client." Diniinan niya ang salitang client.
Wait. Did he just say client?
"Get in the car. Ayaw niyang ma - late ka." At nagpatiunang lumabas si Ferdie at binuksan ang likurang upuan.
"No. I can find my own ride." Sabi ko. Ayokong sumakay sa kotse kasama ang lalaking ito. At paano ba siya napunta dito? Paanong siya ang magiging ride ko? Paano niya nakilala si Robert? Shit! Ano ba itong panggugulo na ginagawa ni Ferdie and how did he find me?
"Get in. Don't test my fucking patience." Mariin na sabi ni Ferdie.
Tumunog ang telepono ko at nakita kong unknown number ang tumatawag sa akin. Siguradong si Robert iyon.
"Mi reina, my apologies if I can't pick you up myself. But I instructed Joe to pick you up. I can't wait to see you." Iyon agad ang bungad ni Robert.
Joe? Did Robert called Ferdie, Joe? Ano ba 'to?
"I'll see you okay? Take care mi reina." At pinatayan na ako ng telepono ni Robert.
Naguguluhan ako sa nangyayari but I need to pull this stunt. Kung anuman ang papel nitong si Ferdie, wala akong pakielam. Baka sa dami ng pera ng lalaking 'to, na - bored na sa buhay kaya nagpanggap na driver ng kung sino. Inis akong sumakay sa likurang bahagi ng sasakyan at ramdam ko ang pabalibag na paraan ng pagsasara ni Ferdie ng pinto. Hindi agad siya sumakay at nakita kong may kausap siya sa telepono sa labas. Ilang minuto rin iyon tapos ay sumakay siya sa driver side.
Walang imik siyang nagda - drive. Nakatutok lang ang tingin niya sa kalsada pero ramdam ko ang tensyon sa aming dalawa.
Gusto ko siyang tanungin kung anong ginagawa niya dito. Driver siya ni Robert? Paanong nangyari iyon? Baka bilhin pa ni Ferdie si Robert. This guy is worth billions kaya ano 'tong palabas niya na driver siya at Joe ang pangalan niya.
"Is Robert your regular?" Basag ni Ferdie sa katahimikan namin. Ramdam ko pa rin ang galit sa tono ng boses niya.
Hindi ako sumagot. Ayoko siyang kausap. I just want to get out of this car at matapos ang assignment ko na 'to.
"How much?" Sabi pa niya.
"I don't know what you're talking about." Malamig na tugon ko.
"Maganda ba ang bigayan diyan sa trabaho mo kaya hindi ka na umuwi sa inyo? Kaya hindi ka na nagpakita sa pamilya mo?" Nagngangalit ang tono ng boses ni Ferdie.
Nakita kong nakatingin sa akin si Ferdie from the rear view mirror kaya inirapan ko siya.
"Huwag ka ng magsalita please. I don't want to hear your voice at hindi mo naman alam ang sinasabi mo."
"Why? Mas gusto mo lang marinig ang boses ng mga kliyente mong nagbabayad sa iyo?" Napatawa ng nakakaloko si Ferdie. "Tell me how much is your rate. Baka kaya ko."
"Fuck you." Mahina pero mariin kong sabi ko sa kanya. "Hanggang ngayon hambog ka pa rin. Tingin mo kaya mong bilhin lahat gamit ng pera mo. And to tell you, you cannot afford me kahit bilyonaryo ka pa." So he think I am a hooker? Demonyo siya. Kung ganoon ang tingin niya sa akin, bahala siya sa buhay niya.
Napahalakhak ng nakakaloko si Ferdie.
"Oo nga pala. Why will I pay if I can get you for free. Willing ka ngang sumama ng libre sa akin kagabi."
I gritted my teeth. "Stop this car. Stop this!" Malakas ko siyang hinampas sa balikat.
"Truth hurts, babe." Sabi niya at hindi ininda ang paghampas ko. Nagpatuloy lang siya sa pagda - drive.
"What are you doing here? How did you find me?" Mukhang wala namang balak si Ferdie na ihinto ang sasakyan. He is in control here right now kaya susunod lang ako sa agos.
Hindi siya sumagot sa akin. Tumutunog ang telepono niya.
"Rach," he put his phone to speaker so he can drive freely.
"Joe, you can come back here. Ibalik mo na 'yang walker ni Robert kung saan mo man nadampot 'yan. Their date is cancelled."
Kumunot ang noo ko. Walker? Mga hayup na 'to. Talagang pokpok ang tingin sa akin.
"Walang advice ang kapatid mo. Baka mayari ako kung hindi ko dadalhin 'to sa Peninsula." Sagot niya sa kausap na babae.
"Cancelled na nga. Siya na mismo ang nagsabi sa akin. Nagkaproblema sa isang shipment. So I need you here to help me. And the night is kinda cold. Parang gusto kong magpainit kasama ka."
The fuck. Sino ba ang malanding 'to? Napatingin ako sa phone ko at nakareceive ako ng text galing kay Robert. Cancelled nga ang date namin. Shit. Sira ang plano ko. I immediately texted my team tungkol sa cancellation. Ipinatrack ko din kay Geoff kung nasaan si Robert using his phone.
I am in a mission at ito ang dapat na iniintindi ko. Pero hindi ko maalis ang atensyon ko sa kausap ni Ferdie. Who is this Rach?
"Come on, Joe. Huwag mong masyadong sinusunod si Robert."
"I'll finish this first, Rach. I'll see you later."
"Can't wait."
Ferdie pressed the end call button at muling itinutok ang pansin sa kalsada.
"Your date is cancelled." Parang anunsyo niya.
"Then stop this car para makababa ako." Matabang na sabi ko.
Hindi siya sumagot pero iniikot niya ang kotse pabalik sa flower shop.
Narinig kong huminga ng malalim si Ferdie.
"What happened to you?" Halos padaing na sabi niya.
"Nothing happened. I just realized that there is life outside our house."
"What kind of life? This? Ipinagpalit mo ang buhay na ito sa pamilya mo?" Galit na sabi ni Ferdie. Ikinabig niya pagilid and kotse at bigla niyang inapakan ang preno ng kotse. Muntik pa akong masubsob sa upuan sa harap ko. Bumaba siya at sumasakay sa likod kung saan ako nakaupo.
"You are selfish. You don't know what happened to your family. What happened to me. We are all looking for you." Kitang - kita kong nag - aapoy sa galit ang mata ni Ferdie.
Inirapan ko siya. "Excuse me. Alam ko ang nangyayari sa pamilya ko. Pero pagdating sa iyo, wala na akong pakielam. Iniisip mo pa ba na ako pa rin 'yung nauto mong babae five years ago?" Tumawa ako ng nakakaloko. "That girl is dead, man."
"Kaya anong ginawa mo? Binaboy mo ang buhay mo? Fuck, Kassandra! Why did you do that? How many men?!" Galit na galit na sigaw niya.
"Teka nga. Ano ba ang ipinaghihimutok mo?" Naiiling na natatawa ako. Papanindigan ko na itong ibinibintang niya sa akin. Papanindigan ko ng prostitute ang tingin niya sa akin. "Dahil hindi mo ako natikman noon? Hindi mo tuloy naipagmalaki sa mga gago mong kaibigan na natikman mo si Kassandra Jade Carbonel? You won that fucking bet the moment I said yes to be your girlfriend. Hindi ka pa masaya?"
"Bullshit! Tapos na iyon! That was five years ago. Grow up. Hanggang ngayon 'yun pa rin? The fucking bet? Shit Kassandra, hindi mo alam ang nangyari sa akin. Shit happened in my life."
"Well, you deserve it." Pinilit kong ayusin ang sarili ko pero sa kalooban ko ay grabe ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
Umayos ng upo si Ferdie pero nakatingin siya sa akin.
"How much?" Madiin na tanong niya.
"You cannot afford me." Mahinang sagot ko.
"Tell me your fucking price!" Malakas niyang sigaw.
"I told you, you cannot afford me! Get out!" Malakas ko siyang itinutulak sa pinto ng kotse pero mariin akong hinawakan sa magkabilang balikat ni Ferdie. He is trying to kiss me. I tried to defend myself pero lahat ng moves ko, may counter - attack siya. I tried to punch him again pero mabilis niyang nasangga ang kamay ko hanggang sa pareho na niyang hawak ang mga iyon.
"I let you punch me last night. But I am not going to allow you this time." Sabi niya at mabilis na hinuli ng labi niya ang mga labi ko.
Ferdie's kiss is like a punishment to me. Dama ko ang galit sa bawat paggalaw ng labi niya. Walang paggalang, walang respeto sa bawat pagdampi ng labi niya. Hindi katulad kagabi na parang sabik na sabik siyang matikman iyon kahit na nga hindi pa niya alam na ako iyon.
"This is what you want, right? Men treating you like a piece of meat." He grabbed one of my boob and squeezed it. "They can taste you for a price."
Gusto ko ng maiyak. Gusto ko ng i - tama ang maling iniisip niya sa akin. Pero para ano pa?
Hindi ako gumagalaw. Pinapabayaan ko lang siya sa ginagawa niya. Maya - maya ay marahan siyang huminto. He rested his head on my chest and shaking his head.
"I can't do this." Nag - angat siya ng ulo at malungkot na tumingin sa akin. "I can't do this to you. I am sorry. I blame myself why you end up like this."
Hindi ako sumagot. Lumayo sa akin si Ferdie at bahagyang inayos ang damit kong muntik na niyang sirain tapos ay lumabas ng kotse at bumalik sa driver seat.
Wala na siyang kibo habang nagmamaneho pabalik sa flower shop. Huminto siya sa tapat noon. Pababa na lang ako ng magsalita siya.
"Its your parents anniversary tomorrow. I'll shut my mouth. I won't tell them about your life. I won't tell them that I found you in one condition." Sinasabi niya iyon ng hindi lumilingon sa akin.
"What?" Mahinang tanong ko.
"Go home. I expect you to be in your house tomorrow." Lumingon sa akin si Ferdie. "Because if you don't show up, I'll find you. Trust me, Kassandra. I can find you now."
Hindi na ako sumagot sa kanya. Mabilis na akong bumaba at pumasok sa flower shop. Rinig ko ang padaskol na paraan ni Ferdie ng pagmamaneho ng sasakyan paalis doon. Pero imbes na makahinga, parang lalo lang nadagdagan ang kaba ko.
————->>>>>>
Ferdie's POV
Walang nagtangka na humarang sa daraanan ko ng pumunta ako sa agency. Galit ako. Nagagalit ako kay Kleng. Nagagalit ako kay Robert. Nagagalit ako sa sarili ko. Hindi ko matanggap ang nangyari kay Kleng. Pilit kong iniisip kung bakit niya iyon ginawa? She came from a happy and loving family. Kaya ba nangyari iyon sa kanya dahil sa kagagawan ko? Kaya siya napariwara?
Inis kong hinagis ang telepono ko ng makarating sa puwesto ko. Agad kong kinuha ang laptop ko at nagsimulang mag - search doon. Sa websites ng mga high class prostitutes, sa mga walkers page, men's club. Ang dami. I need to know kung saan affiliated itong si Kleng. Sigurado ako sa mga high end men organizations siya kasali dahil hindi basta - bastang tao si Robert. Pero para akong naghahanap ng karayom sa dayami nito. She can use a different name like what she did last night.
Malakas kong pinukpok ang laptop ko ng maisip kong ganoon na nga siya ngayon. Bakit? Bakit niya naisipan na sirain ang buhay niya? Paulit - ulit na tanong iyon sa isip ko. Sobra ang galit at guilt feeling na nararamdaman ko. Dahil sa isang simpleng pustahan, nasira ko ang buhay ng babaeng minamahal ko.
Oo. Aminado naman ako. It is always her. Walang seryosong babae after Kleng. Siguro nga ng makita ko siya sa masquarade ball, kahit naka - mask, siya lang ang bumuhay sa excitement ko. I can feel the chemistry between us kahit hindi ko alam na siya iyon.
"Bad timing ba?"
Tiningnan ko si JD at napangiwi ako. Anong sasabihin ko sa kanya? I know it is unfair not to tell him na nakita ko si Kleng dahil alam ko na talagang hinahanap din niya ang kapatid niya.
Umiling ako.
"Okay naman ang report mo, ah. We can follow every Robert's move. Konti na lang mahuhuli na siya sa akto."
"Do you have any news about Kleng?" Tanong ko.
Napahinga ng malalim si JD tapos ay umiling.
"Napaka - ironic 'no? Kaya kong hanapin ang kahit na sino pero ang sarili kong kapatid hindi ko matagpuan." Napailing siya. "Well, if there is any consolation, at least I know she is alive."
"Maybe you are looking at the wrong way." Wala sa sariling sabi ko.
Kumunot ang noo niya sa akin. "Bakit? May alam ka ba? Did you find her?"
"No. Here is additional report for Robert's finances. I'll try to get more kapag nakapunta ako sa bahay nila." Iniba ko na ang usapan namin.
Tumayo na si JD at kinuha ang papel na ibinigay ko.
"Invited ka bukas sa bahay, ha? Nanay and tatay wants you to be there. At pumunta ka talaga para hindi na mag - init ang ulo ng ate mo sa 'yo." Paalala ni JD.
Tumango ako.
"Yes I'll be there."
Tiningnan ko lang hanggang sa makalayo si JD tapos ay tumingin ako sa harap ng laptop ko. Naalala ko ang sinabi ko kay JD.
Maybe you are looking at the wrong way.
Or I am looking at the wrong way. I searched from my laptop the list of the members of our agency. From old to new. Pero naisip kong imposible 'tong pumasok sa isip ko. Malabong maging agent si Kleng. Hindi nga niya alam na iyon ang trabaho ng kuya niya.
Pero naisip ko din kung saan kami nagkita. Iisa ang common denominator namin. Si Robert. Sa tuwing magkikita kami, dahil kay Robert. And the way she moves, she knows how to defend herself. Hindi iyon magagawa ng ordinaryong babae kung wala itong training.
Shit. Parang nabuhay ang dugo ko sa mga naisip ko. I immediately searched different contract agencies na affiliated sa government. I know this is a long shot looking for her dahil alam kong puwedeng ibang pangalan ang gamit niya. Walang ibang nakaka - access sa ganito at ang agency lang namin ang may ganito because we have the best IT and hackers. Only Jesus Dimalanta and me knows about this files. Tito Jess made sure I know about this dahil majority of the shares of Circuit Agency is owned by Oligario group of Companies.
I narrowed my search. I didn't look for her name. I looked for the name of her parents. Parang iyon ang pinaka - password para makita ang lahat ng files ng isang agent. Nakatago ito sa lahat at ang may mga access lang ang puwedeng mag - search nito.
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko ng i - search ko ang pangalan ng magulang nila JD.
Lumabas ang pangalan ni JD. Tama naman lahat. Kung saan siyang affiliated agency, mga missions, used aliases.
Napabuga ako ng hangin ng wala ng ibang lumabas. Paranoid lang siguro talaga ako kaya kahit mga imposible ay naiisip ko.
Biglang may nag - buzz sa computer screen ko. There is another hit.
KASEY DELMAR.
Parang hindi ako makahinga ng i - click ko ang pangalan na iyon.
Dahil si Kasey Delmar and bagong identity ni Kassandra Jade Carbonel. Senior Agent from Sphinx Private Contract Agency.
Naihilamos ko ang kamay ko sa mukha ko. Hindi ako makapaniwala sa nababasa ko. There is her full profile. Missions, aliases. Napatakip ang kamay ko sa bibig ko. Trained assassin? She already killed people? Fuck.
Kleng is not a prostitute. She became an agent like me and we have the same mission.
To get Robert and bring his syndicate down.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top