• Ghost •
Ferdie's POV
Wala talaga akong maalala sa mga sinasabi ng babaeng kasama ko. But she has proofs. These photos doesn't lie. I can't understand kung bakit sa tuwing umaga wala akong maalala sa mga nangyari. Wala akong maalala sa aksidenteng sinasabi niya. Wala akong maalala sa pagsasama namin. I don't feel any connection at all.
Kassandra. She keeps on telling me that I should remember her. Paulit - ulit niyang sinasabi ang pangalan niya at paulit - ulit niyang pinapaalala na siya ang asawa ko. We have a marriage contract but I don't have any memories being married with her.
Dr. Suarez is explaining to me that I am suffering from anterograde amnesia because of an accident. My mind cannot recall the past which I cannot understand. I keep on trying to remember what happened to me, but it was all empty. Sumasakit lang ang ulo ko.
"Hon, it's time for your medicine."
Tiningnan ko lang si Kassandra na pumasok sa kuwarto at may dalang maliit na tray. Naroon ang isang syringe at ilang tabletas.
"Do I need to have that everyday?" Hindi ko alam kung anong mga gamot 'to. Paliwanag din ni Dr. Suarez, kailangan ko daw para makaalala ako.
Lumapit sa akin ang babae at humalik sa pisngi ko.
"I am so sorry, hon. Pero sinasabi ni Dr. Suarez, you need to take this. Paano ka gagaling? If you want to remember everything, ganoon din ako. I just want us to be normal." Sabi niya at kinuha ang syringe tapos ay itinusok sa braso ko.
"Is this permanent? My memory? Permanent na bang wala akong maalala?"
Lumuhod siya sa harap ko.
"Hon, walang problema sa akin kahit hindi ka na makaalala. Ang gusto ko lang magkasama tayo. Basta naaalala mo ako, masaya na ako. I will take care of you until the end." Nakangiting sabi niya. Kinuha niya ang mga tabletas at ibinigay sa akin. "Take this."
Sumunod na lang ako sa sinabi niya.
"Gaano katagal na akong ganito?"
"Two months. Pero huwag mo ng pasakitin ang ulo mo sa pag - iisip. You are fine. The doctors are doing everything para maging normal ka. At nandito ako."
Napapikit ako dahil sumasakit na naman ang ulo ko. Bakit siya lang ang tanging taong kakilala ko?
"I don't have any family?" I want to know who I really am.
"Hon, you don't have any family besides me. You are an only child and your parents died from a car crash."
"They did?" Wala naman akong maalala na nangyaring ganoon.
Tinulungan niya akong makahiga sa kama.
"Just take a rest. Huwag mo munang pilitin ang sarili mo. Do you know our term of endearment?"
Umiling ako.
Inayos pa ni Kassandra ang kumot ko.
"You call me hon. Honey. Isn't it sweet?"
"Hon?" Paniniguro ko.
"Yeah. Pahinga ka na. I love you, hon." Hinalikan ako sa labi ni Kassandra at lumabas na siya bitbit ang mga pinaglagyan ng gamot.
I really feel something strange. I know there is something wrong with me. I can feel that this is not my life. Pero napakahirap kung ganitong wala akong maalala na kahit ano sa buhay ko.
———————>>>>>
Kleng's POV
Hindi ko pansin ang gulat ng tingin ng mga tao sa opisina ni kuya. Dire - diretso akong pumasok doon at tinungo ko ang opisina niya. For the first time in two months, lumabas na ako. At wala akong pakielam kung magulat ang mga tao dito na buhay na buhay ako.
Nakita kong sumeryoso ang mukha ni kuya JD ng pumasok ako sa office niya. Nandoon din si Mason at nagtinginan lang sila.
"What are you doing here? Magpahinga ka na lang sa bahay." Isinara ni kuya ang pinto ng office niya.
Inilapag ko sa harap nila ang picture na ipinakita sa akin ni Yanna.
"That is Rachel. Anong ginagawa niya diyan?"
Tumingin ng makahulugan si Mason kay Kuya.
"Kleng, go home. Magpahinga ka na lang sa bahay." Sagot ni kuya.
"Anong makakasama? Anong makakasama sa akin? Nagtatanong lang ako kung anong ginagawa ni Rachel diyan? You missed that?" Natawa ako ng nakakaloko. "O talagang hindi mo lang sinabi sa akin?"
"Kleng, you are not an agent anymore. Labas ka na dito."
"Bullshit. She took something from me. She took the father of my baby. Pinatay niya si Ferdie. At least let me have a closure na alam kong magkakaroon ng katarungan ang pagkamatay ni Ferdie," hindi ko na napigil ang hindi mapaiyak.
"Man, just tell her." Sabi ni Mason.
Napahinga ng malalim si kuya.
"We don't have any concrete evidence na si Rachel ang may kagagawan niyan. But the fact that she was there, malaki ang chance na may alam siya. We don't know what is her motive kung siya man ang gumawa niyan."
Lalo na akong napahagulgol.
"Can't you find her?"
"We tried, Kleng. We've been in constant communication with the authorities pero matapos siyang ma - under sa witness protection program, umalis siya sa safehouse. They cannot find her." Si Mason iyon.
"And that's it? Wala na kayong gagawin?"
"Kleng, I know what you're doing. Naghahanap ka ng masisisi sa nangyari. Pero hindi ganoon iyon. We've done everything we could do. Alam kong mahirap tanggapin na wala na si Ferdie pero iyon ang totoo. Kahit anong gawin natin, kahit mahanap natin si Rachel, Ferdie is not coming back."
Ang lakas ng iyak ko. Nilapitan ako ni kuya at niyakap niya ako.
"Magpalakas ka lang para sa anak 'nyo. Nandito kami. Hindi namin kayo pababayaan." Pinahid ni kuya ang mga luha ko. "Go home. Have a vacation. Ako na ang bahala dito."
"Do you want to stay in Baguio for the meantime? You need a break. Away from everything. Makakapagpahinga ka doon. We will let you know any information about Rachel kapag may nakuha kami." Sabi ni Mason.
Tumingin ako kay kuya.
"If you say yes ipapahatid kita ngayon. Yanna can stay with you too."
Tumango ako. Siguro nga tama si Mason. Kailangan ko na munang lumayo para maka - recover ako sa mga nangyari.
Kuya JD fixed everything para maka - travel na ako. I am going to stay in one of their safehouses in Baguio. Maganda naman ang lugar. Malaki ang bahay, malawak ang lawn. Parang ordinaryong tirahan lang na may mga kapitbahay. Walang mag - iisip na safehouse iyon at maraming mga high caliber guns ang nakatago sa basement. Napahinga ako ng malalim. Parang wala na akong magawa sa buhay ko. It feels so empty.
"Girl, punta lang ako sa palengke ha? Bile lang ako ng mga stocks natin. At least dito walang stress. Buti naisip ng kuya mo na isama ako dito. Gusto ko naman na mabawasan ng iniintinding mga cases," sabi ni Yanna.
"Sige. Dito lang ako. Mag - iikot - ikot."
According to reports, temperature here might hit ten degrees. Ang lamig. Makapal na ang suot kong cardigan, parang nanunuot pa ang lamig sa buto ko. Naglakad - lakad ako sa mga kapitbahay. Parang ang lungkot naman dito. Malalaki ang mga bahay pero parang wala namang mga tao.
I saw someone in a wheelchair trying to pick up his blanket. His legs are both in a cast and he is really having a hard time getting his blanket from the grass. Mabilis akong lumapit para tulungan siya at para makapag - kilala na rin sa mga kapitbahay.
Pinulot ko ang blanket at nakangiting iniabot ito sa lalaki.
Only to see a ghost in front of me.
"Ferdie." Parang ako lang ang nakarinig ng boses ko.
"You know my name?" Nakatingin lang siya sa akin.
Oh my god! Oh my god! What is this? Nababaliw na yata ako. Ferdie is here. He is alive. He is here. Paano nangyari ito?
"Ferdie. Oh my god! What happened? I thought you were dead," umiiyak na sabi ko at hinahaplos ko ang mukha niya. Hindi ako makapaniwala sa nasa harap ko.
Strange, he is just looking at me like I am a stranger. Parang hindi niya ako kilala.
"Ferdie, hey. What happened to you?"
Nakatingin pa rin siya sa akin na parang kinikilala niya ako.
"I am Kleng. Kassandra. Ferdie I am Kassandra."
"Kleng." Parang iniisip niya ang pangalan na iyon. "Kassandra. My wife's name is Kassandra."
Napalunok ako sa sinabi niya. Wife? Ano ba 'to?
"Ferdie is this a god damn joke? This is not funny at all. All of us thought you were dead. What happened to you?"
Pero hindi siya nagsasalita. Nakatitig lang siya sa akin.
"Ferdie!"
Boses babae iyon. Napatingin ako sa pinanggalingan ng tumatawag. I know her. Mabilis akong lumayo kay Ferdie at tumakbo paalis doon. Pumuwesto ako sa lugar na hindi ako makikita.
"Anong ginagawa mo dito? Ang sabi ko doon ka lang sa loob 'di ba?"
Naitakip ko ang kamay ko sa bibig ko. Si Rachel ang babaeng iyon. She got Ferdie all along!
"Kassandra ang pangalan mo 'di ba?" Narinig kong tanong ni Ferdie sa kanya.
"Yes. My name is Kassandra and I am your wife." Sagot ni Rachel at inayos pa niya ang blanket ni Ferdie sa may hita nito.
Wife? What the fuck? What did she do to Ferdie?
"May nakilala akong babae. Kassandra din ang pangalan. Sino si Kleng?" Parang wala lang kay Ferdie ang mga itinatanong niya.
Namutla yata ang mukha ni Rachel at nagpalinga - linga siya.
"Kaya sinasabi ko sa iyo huwag kang naglalabas para hindi kung ano - ano ang naiisip mo. Walang ibang tao dito. Ako lang ang kasama mo. Ako ang asawa mo. Halika na. Pumasok na tayo sa loob. Its time for your medicine." Palinga - linga si Rachel habang tulak ang wheelchair ni Ferdie papasok sa katapat na bahay ng safehouse namin.
Napabuga ako ng hangin at impit akong napapaiyak. Ferdie. Ferdie is alive. I wanted to get him, I wanted to kill Rachel but I need to be rational right now. I need to think. Something happened to Ferdie and I will find out what it is before I take some action.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top