• Future plans •
Kleng's POV
"Do you think she's going to be okay?
Kanino bang boses 'yun? I am still dizzy.
"She needs to rest. Sa tigas ng ulo ng babaeng 'yan dapat diyan itali sa kama para di na makabangon. She is endangering herself."
Si kuya JD ba 'yun?
"What about our baby?"
Baby. Baby? Napamulat ako. Yes! My baby!
Biglang akong bumangon at nakita ko si kuya JD at si Ferdie na mabilis na pumigil sa akin.
"Lie down." Matigas ang boses ni Ferdie.
"I'll leave you two alone." Seryoso din si kuya. Tiningnan niya lang ako at napapailing na lumabas ng kuwarto.
Bahagya akong gumalaw at kumirot ang balikat ko. Ferdie is just sitting on the chair near the bed. May crutches na naka-sandal sa dingding. Wala ng cast ang mga paa niya and so far he is looking good. Parang nakaka-recover na siya.
But he is just seriously looking at me. Parang hindi siya masaya. Parang galit pa nga.
I remember everything that happened. Si Rachel. I was trying to save Ferdie. Everything was in chaos. And I had bleeding. Automatic na napahawak ako sa puson ko at kinakabahan akong tumingin kay Ferdie.
"She's okay. Don't worry. Nothing bad happened to our baby," seryosong sabi niya at napapailing na napahinga siya ng malalim.
Para akong nakahinga ng maluwag at napaiyak ako. Ngayon ko na - realize ang mga nagawa ko. I almost lost my baby. Dahil sa tigas ng ulo ko, dahil sa kagustuhan kong masunod ang gusto ko, muntik ng mawala ang anak ko.
"She's a fighter like you. Magaling kumapit," he chuckled when he said that.
Hindi ako sumagot at tumingin lang ako kay Ferdie. Hindi matapos-tapos ang pag-iyak ko habang nakatingin ako kay Ferdie. Hindi ako makapaniwala na nandito siya at buhay na buhay.
"Why?" Tanong niya sa akin. Napansin siguro niya na nakatingin lang ako sa kanya.
Umiling ako. "I just can't believe that you are here. You're alive beside me."
Kinuha ni Ferdie ang kamay ko. Lalo akong napahagulgol. Totoo talagang nandito siya. I can feel the warmth of his touch.
"I thought I lost you. Hindi ko kaya. Hindi ko na kaya na mawala ka." Umiiyak na sabi ko.
"I am sorry." Mahinang sabi ni Ferdie. "I didn't take care of myself. Masyado akong nagpaka-kampante na kaya ko lahat. I had nothing to lose then but I found you and everything matters. I am sorry for giving you a hard time those past months."
"It's okay. Basta nandito ka. Basta nandito ka na at hindi ka na mawawala ulit. Mahal na mahal kita Ferdie." Basag na basag na ang boses ko.
Nakita kong pilit na tumayo si Ferdie at naupo sa gilid ng kama ko.
"I am still on therapy. Two months na naka - cast ang mga paa ko. But eventually I will be okay." Parang paliwanag niya. He lowered his head and he kissed my lips. "This. I won't forget this. Kahit na anong mga gamot isaksak sa akin para makalimutan ko ang lahat, I can't forget your kiss."
Hinawakan ko ang mukha niya at tinitigan iyon.
"I missed you so much. I've wasted too much time hating you but the truth is ikaw pa rin talaga."
Ngumiti siya sa akin. Hinaplos - haplos ang buhok ko.
"We have our lifetime together. I won't go away. We will live in peace. Away from everything. Just you and me and our baby." Lumapad ang ngiti ni Ferdie. "Ang galing ko 'no? Shooter talaga ako." Natatawang sabi niya at hinawakan din ang puson ko.
Napatawa din ako sa sinabi niya.
"But," sumeryoso na ng mukha ngayon si Ferdie. "Don't you ever do that again?"
Kumunot ang noo ko. "Ang alin?"
"Susugod ka sa isang giyera na wala kang plano? What were you thinking?"
"I wanted to save you. Hindi ako mapapakali kung alam kong nasa panganib ka at hindi mo naman kayang iligtas ang sarili mo. That's what partners do right? Saving each other's ass?"
Natawa si Ferdie at napailing.
"Still the same. You almost died but still, you're feisty as ever. And I love you more for that." He kissed me again. Mas malalim at mas nang - aangkin. Pero mabilis din akong lumayo sa kanya.
"What happened to Rachel?"
Napahinga ng malalim si Ferdie.
"JD sent her to a mental institution. She is a nut case and mukhang matagal-tagal bago maka-recover."
Napairap ako. "I should have killed her dahil sa ginawa niya sa iyo."
"We don't do that, Kleng. Especially to those people that needed help."
Natawa ako ng nakakaloko. "So lumambot ka na sa kanya? After all that she did to you? O baka naman talagang dinibdib mo na ang pagiging mag - asawa 'nyo?" Parang lumalaki yata ang ulo ko sa inis.
"What? Where did you get that idea?" Parang natatawa si Ferdie sa sinasabi ko. "She is crazy and she needed help kaya dinala siya sa mental hospital nila JD. Kleng, we kill people but we also help lalo na 'yung mga taong walang kakayahang tulungan ang sarili nila. Besides, I think Rachel will be staying there for too long."
Tinaasan ko lang siya ng kilay.
"Did you - did you have - you know -" hindi ko maituloy ang gusto kong itanong.
"Did what?"
"The two of you. Did you have sex?" Napahinga ako ng malalim ng maitanong ko 'yun.
Napakamot ng ulo si Ferdie. "Well I can't use my legs but - you know? This soldier is fully functional," parang nahihiya si Ferdie.
Lalong sumimangot ang mukha ko kaya parang nataranta si Ferdie.
"I was groggy most of the time when I was with Rachel. And she told me she was my wife. So it was normal to do that?"
"Punyeta ka Oligario. Mapapatay yata kita."
Natawa si Ferdie. "You just risked your life and our baby's just to save me then you want to kill me now?"
Tiningnan ko siya ng masama pero hinalikan niya ako.
"Huwag ka ng magalit. I don't remember those times with her. Sa totoo lang, kahit wala akong maalala noon, parang may kulang. Everytime na hahalikan niya ako, iba. I don't feel anything at all. May iba akong hinahanap. Sa panaginip ko, ikaw lang ang nakikita ko. Mawala man ang alaala ko, ikaw pa rin. Ganoon kita kamahal, Kassandra."
I cupped Ferdie's face and I kissed him passionately. Hindi na ako papayag na magkahiwalay pa kami ulit.
———————>>>>>>
Ferdie's POV
Doctor said that Kleng needs another two days before she can go home. Nag - usap na kami ni JD na kakausapin ko na ang parents niya at magpapaalam na ako na pakakasalan ko si Kleng. Wala na naman silang magagawa dahil kung hindi sila papayag, itatakas ko na ang anak nila.
"So sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo?"
Natawa ako sa tanong ni JD habang inaalalayan akong maglakad papasok sa opisina ng agency. I am still using my crutches pero konting panahon na lang, hindi ko na ito kakailanganin.
"Bakit naman? Ayaw mo bang pakasalan ko ang kapatid mo?"
"Aba, hindi puwedeng hindi mo panagutan si Kleng. Baka ibaon kita ng buhay kapag ginawa mo 'yun."
"Kaya nga ako nagpapatulong sa iyo. I-build up
mo na ako kay Manong Ben para hindi na sila magulat na magpapakasal na kami."
"Kaya mong pagtiyagaan ang ugali ng kapatid ko? Nakita mo naman kung gaano katigas ang ulo 'non." Napapailing - iling pa si JD.
"Sus. Magtataka pa ba ako? Saka napagtiyagaan naman kitang pakisamahan so okay na 'yun. Pareho lang naman kayong matigas ang ulo ni Kleng."
"Gago ka, ha?" Tumatawang sabi ni JD. "Kung 'di lang ako bubugbugin ng ate mo, kinutusan na kita."
Lakas ng tawa ko. "Kaya nga malakas loob ko. Alam kong hindi mo magagawa." Pareho kaming napatingin sa opisina ni Mason dahil parang natataranta siyang nagkakalkal sa isang box.
"Problema 'nun?" Taka ko.
"Ewan ko. May super classified case 'yan galing kay Dimalanta. Baka sumabit," sagot ni JD.
Nakita namin na may kinuhang cellphone si Mason at tiningnan iyon. Parang nagkulay suka yata ang mukha ni Mason ng parang mabasa ang mga messages na nakita niya. Parang nanghihina itong napaupo sa upuan niya.
Lumapit kami ni JD.
"Hey, okay ka lang?" Tanong ni JD kay Maze.
Parang wala sa sariling tumingin lang siya sa amin.
"Maze, may problem ba?" Tanong ko.
Napabuga siya hangin tapos ay naihilamos niya ang kamay sa mukha niya.
"Fuck. This is impossible." Mahinang sabi ni Mason.
"Ano nga?" Kulit ni JD.
"I have a son." Parang sa sarili lang iyon nasabi ni Mason.
Nagkatinginan kami ni JD. Ano daw? May anak daw siya? Baka nababaliw na 'tong si Mason? Wala nga 'tong syota.
"Ah, naka-disgrasya ka? Tanga ka. 'Di ka kasi marunong gumamit ng condom," pinagtawanan pa ni JD si Mason.
Pero hindi sinakyan ni Mason ang joke ng kaibigan. Mukhang mabigat na problema ang kinakaharap niya.
"Man, panagutan mo kung gusto mo. Kung ayaw mo naman, sustentuhan mo. Karapatan ng bata 'yun." Seryoso na ngayon si JD.
"I can't," napasandal si Mason sa upuan niya. Parang walang magagawa.
"What do you mean you can't?"
Tumingin lang sa amin si Mason. "She is married to my brother."
Napa - oh lang kami pareho ni JD. Wala na kaming nasabi sa bigat ng problema ni Mason.
"JD, may call ka sa line 2," narinig kong sabi ni Bryan.
Nagpaalam siya sa akin at sinagot ang tawag niya. Iniwan ko na din si Mason dahil parang wala din naman akong maitutulong sa problema niya. Dumiretso ako sa cubicle ay inayos ko ang mga files ko. Kailangan ko din sigurong mai - transfer to kay Mason at JD kung magku-quit naman ako dito sa agency.
Decided na kami ni Kleng na pareho naming tatalikuran ang trabahong ito. We will be a normal couple with normal and peaceful lives for our kids. Napakarami naming future plans ni Kleng at excited na akong magkatotoo ang mga iyon kasama siya.
Tiningnan ko si JD na palapit sa akin. Seryoso na ang mukha niya. Wala na ang masayang ekspresyon ng kausap ko siya kanina. Siguro ay ramdam din niya ang bigat ng problema ni Mason.
"Parang damang-dama mo ang problema ni Mason, ah." Natatawang sabi ko sa kanya habang nakatutok ako sa laptop ko.
"Mental hospital called." Sabi niya.
Nawala ang ngiti ko at tumingin ako sa kanya.
"Something wrong?"
"It's about Rachel." Napailing pa siya na parang bad news talaga ang natanggap niya.
"Bakit ka pa tinawagan? Tapos na tayo sa kanya. Sila na ang bahala sa kanya." Inis na sagot ko.
"You don't understand. Rachel is in some kind of situation."
"Like what? She is crazier than ever?" Natatawang sagot ko. Wala akong pakielam sa kanya. Kahit mamatay siya o mabaliw siya lalo doon, mabuti nga sa kanya. She ruined my life.
Napahinga ng malalim si JD bago sumagot sa akin.
"Ferdie, she is pregnant. Rachel is pregnant."
Nalaglag yata ang panga ko sa sinabi niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top