• Flower shop •
Ferdie's POV
The bar is full of people. Papalapit pa lang ako sa pinto, malakas na tunog ng galit na galit na mga speakers ang sumalubong sa akin. Sa totoo lang, I don't feel like doing this assignment. Wala akong ganang trumabaho ng kahit na ano kasi ang gusto ko, hanapin na lang si Kleng. Gusto ko siyang makausap. Gusto kong malaman kung anong nangyari sa kanya. Kung galit siya sa akin, huwag niyang idamay ang pamilya niya. I know how her parents misses her. Kahit si JD. Galit ba siya dahil napangasawa ng kapatid niya ang ate ko? Pero hindi niya dapat ginawang umalis at hindi na siya nagpakita sa pamilya niya.
I know something is off at her at talagang aalamin ko kung anong nangyari sa kanya. And bakit basta - basta siya sumasama sa mga lalaki? Is she a high class pro? 'Tang ina. Parang ayokong isipin na ganon' na nga siya pero sa nakita ko, sa ginawa namin, fuck. Makakapatay yata ako ng tao kapag nalaman ko kung sino - sino ang mga lalaking nakasiping niya.
Inikot ko ang paningin ko sa buong bar at nakita ko ang target ko na nakaupo sa VIP section kasama ang mga kaibigan at may mga bodyguards. I know how to get her attention. I'll buy her a drink, I'll use my charm, if I need to bed her tonight just to get the information that I need, I'll do it ng matapos na ito at ng maka - focus na ako sa paghahanap kay Kleng.
Busy ako sa pakikipag - usap sa waiter kung paano ibibigay kay Rachel Fernando ang drink na i - o - offer ko ng isang grupo ng mga lalaki ang lumapit sa akin.
"Hindi ako puwedeng magkamali. Ikaw si Ferdinard Oligario." Pagaril na sabi ng lalaki.
Tiningnan ko ang nagsalita at napa - tiim - bagang ako. Si Ronan Oliveros. Ang huling balita ko dito, nasa America na rin at nagpa - reconstructive surgery. Nasira daw kasi ang ilong nito at cheek bone gawa ng pagkakabugbog ko sa kanya noon. Tumingin ako sa mga kasama niya at pawang mga nakainom na ang mga ito. Halatang away na ang hanap.
"You got the wrong guy," sabi ko at tinalikuran ko na. I look different five years ago at dahil lasing naman ang mga ito, madali ko naman silang maiiwasan. Tulad nga ng sinasabi lagi ni Mason at JD sa akin, stick to my mission.
"Huwag mo akong tinatalikuran. Sigurado ako ikaw si Ferdie. Tingnan mo ang ginawa mo sa mukha ko!" Malakas na sigaw ng lalaki at itinulak ako. Subsob ako sa counter ng bar. Naglayuan sa amin ang ibang mga customers doon.
Fuck. Kailangan talagang sumabay sila ngayon?
"I said, I am not that guy. Lasing ka lang. Hindi ko kilala ang sinasabi mo," sabi ko at lumakad na paalis doon. Napatingin ako sa lugar nila Rachel at nakatingin siya sa akin.
"Gago ka!" Malakas na suntok ang naramdaman ko pero nakaiwas na ako sa susunod pa. I immediately grabbed his arms and threw him on the floor. Gave him a good hand choke on his neck. Akmang susugurin ako ng mga kasama niya kaya lalo kong diniinan ang pagkakahawak sa leeg ni Ronan.
"Try. Just try to touch me. I'll break his neck," banta ko sa mga kasama niya. Isa - isa silang naglayuan. Tiningnan ko si Ronan at talagang nahihirapan na siyang huminga at tinatapik ang kamay ko.
"Hindi ako ang lalaking sinasabi mo. You got the wrong guy," at painis na binitawan ko si Ronan. Napaubo - ubo pa siya habang tinutulungan ng mga kasama niya.
Napailing ako. Sira ang plano ko. Inis akong naglakad palabas ng bar. I need to clear my head. Sa totoo lang, sira naman talaga ang plano ko ngayon. Wala akong concrete plan para sa assignment na ito. Gusto ko lang talaga matapos 'to. Dahil si Kleng ang laman ng utak ko. Kung nasaan siya. Kung saan ko siya hahanapin.
Dumukot ako ng sigarilyo sa bulsa at sinindihan iyon. Para akong nakahinga ng bumuga ako ng usok.
"Can I have light?" Malambing na sabi ng kung sino. Tiningnan ko ang babaeng tumabi sa akin.
Si Rachel Fernando.
I lit her cigarette at nagpakaswal lang ako na naroon siya.
"I saw what you did. You have some moves. Trainer ka ba?" Tanong niya sa akin.
Kumunot ang noo ko. "Trainer?"
"Yeah. Karate, taekwondo. That kind of stuff." Sabi niya.
"Jiu jitsu. But I am not a trainer." Sabi ko.
Natawa si Rachel at humithit sa hawak na sigarilyo.
"They all look karate to me."
Tumawa din ako. This is good. Siya na ang lumapit sa akin.
"So who are those guys?" Tanong pa niya.
"They thought I am the guy they were looking. I don't even know them. They are looking for some guy named Ferdie whoever that asshole. But my name is Joe." 'Tang ina. Wala ba akong ibang maisip na cover? Joe? Just Joe?
"Joe." Parang kinakabisado ni Rachel ang pangalan ko. "What do you do for a living, Joe?"
Umiling ako. "Bum. I got fired last time. I punched my boss."
Ang lakas ng tawa niya. "For real? Why?"
"He was an asshole." Natatawa ring sagot ko.
"So you don't have a job right now?"
Umiling lang ako at pinitik ko ang sigarilyo ko sa kalsada.
"Do you want to have one?"
Tumingin ako kay Rachel at makahulugan siyang nakatingin sa akin.
"Are you going to offer me a job?"
"If you can do some unconventional things, maybe I can."
"When can I start?" Nakangiting sagot ko sa kanya.
———————>>>>>>
Kleng's POV
Sa lahat ng mission ko, ito na yata ang pinakagusto ko. Nandito ako sa flower shop na nirerentahan ng agency. And I am the owner Kaila Chavez. I can easily pull this off dahil paborito ko ang mga bulaklak. I can be the naive and innocent Kaila na mga bulaklak lang ang alam sa buhay.
"Ano ba ang mapapala natin sa Robert na 'yan? Bakit ba talagang pinapatutukan ni Sphinx?" Tanong ni Yanna. Pareho naming inaayos ang mga bulaklak. Bago kami tumuloy dito, nag - crash course kami ng flower arrangement para talagang makatotohanan ang cover namin.
"Hindi mo na naman binasa ang file," sagot ko sa kanya habang inaayos ang mga bulaklak.
"Maraming negosyo pero pang - cover niya sa illegal na negosyo niya. At marami ng agents ang nagbuwis ng buhay dahil sa kanya."
Napahinga ako ng malalim. Naalala ko na naman si Clint. Napansin siguro ni Yanna na biglang akong tumahimik.
"Naalala mo na naman si Clint."
"He was there when I got my first mission. He trained me. I saw how he died just to save me."
"Hindi mo ba talaga nakita ang mukha ng mga taong 'yon?"
Umiling ako. "Robert din ang pangalan ng lalaking pumatay sa kanya but hindi ako sigurado kung iisa ang Robert na iyon at si Robert Fernando."
Napahinga ng malalim si Yanna. "Mahuhuli din sila. Matatapos din natin ang misyon na 'to. Kailan ba tayo sumablay?"
Hindi na ako sumagot ng may pumaradang Mercedes Benz sa tapat ng flower shop. Nakilala ko ang bumaba. Si Robert Fernando nga kasama ang mga bodyguards niya. May kausap siya sa telepono habang tumitingin ng mga bulaklak.
"I don't care kung mahirap ang ipinapagawa ko. Gusto kong hanapin mo ang babaeng nakilala ko sa ball." Sabi niya. Nagkatinginan kami ni Yanna at alam kong ako ang ipinapahanap niya.
"Paano ko malalaman ang hitsura niya eh nakasuot siya ng mask. Hindi ko alam. I just want you to find her. I - check 'nyo lahat ng guests. I will know kung siya nga iyon." Sabi niya at inis na pinatay ang telepono tapos ay tumingin sa amin. Nakita kong saglit siyang natigilan ng makita niya ako.
"Good afternoon, Sir." Nakangiting bati ko. I used my sweetest voice para lalo kong makuha ang atensyon niya.
"Gusto ko ng tatlong dosenang red roses. At isang dosenang white roses." Sabi nito.
Lumapit ako sa kanya at dumikit. Muli siyang tumingin sa akin.
"Is this for a girlfriend, sir?" Malambing ko pang tanong.
"The red roses is for my mother. The white is for my sister." Sagot niya at humarap sa akin. "You're voice is so familiar. Are you happen to be in a masquarade party last night?"
Malandi akong ngumiti at tumango. Parang nagliwanag ang mukha ni Robert.
"Mi reina? The woman in the black dress?" Sabi pa niya.
"Si, mi rey." Nakangiting sagot ko.
Lalong lumapad ang ngiti ni Robert at kinuha ang kamay ko at hinalikan iyon.
"At last I found you. I looked for you all over the place last night. Bakit bigla kang nawala? My men told me some guy brought you out of the hotel." Sabi nito.
Nagtatanong ang tingin sa akin ni Yanna.
"Oh? I had an emergency last night."
"Do you own this place, mi reina?" Tanong pa ni Robert. Hindi niya binibitiwan ang kamay ko.
Tumango ako.
"I'll buy all of the flowers." Sinenyasan niya ang mga tao niya na ilabas ang mga bulaklak tapos siya ay naglabas ng lilibuhin. "How much? All of these?"
"Sir, all those - "
"You call me Robert. Fifty thousand? Is that enough?"
"Yes. That is okay." Nakangiting sabat ni Yanna.
Isang bundle na tig - iisang libo ang inilapag ni Robert sa mesa.
"I am so glad I found you, mi reina. And this time, without the mask. Hindi ako nagkamali. Maganda ka nga talaga. Can I have your name now?"
"Kaila. Kaila Chavez." Sagot ko.
Muling kinuha ni Robert ang kamay ko at hinalikan.
"I'll pick you up later, Kaila. And I don't take no for an answer. Be ready at eight." Iyon lang at tumalikod na si Robert. Ang mga tauhan niyang kasama ay kinuha ang lahat ng mga bulaklak na naroon. Ang kaninang flower shop na punong - puno ng bulaklak, ay hubad na hubad na ngayon.
"Be ready at eight, Kaila." Natatawang sabi ni Yanna.
"Gusto ko na ngang matapos 'to." Dinampot ko ang pera at ibinigay kay Yanna. "Bigay mo kay Sphinx."
"Sino muna ang lalaking kasama mo kagabi? Kaya ka ba biglang nag - off the grid?"
Napairap ako ng maalala ko si Ferdie.
"Wala. Bangungot 'yun na ayoko ng maalala at hindi ko na makikita."
——————- >>>>>>
Ferdie's POV
"We can use a man like him, Robert. He is good." Naririnig kong sabi ni Rachel sa kapatid niya.
Nandito ako sa labas ng opisina Robert. Nag - uusap ang magkapatid dahil gusto akong ipasok ni Rachel biglang assistant sa kapatid niya.
"I don't need assistant. I have bodyguards."
"Alin? 'Yang mga bodyguards mong pulpol? I am telling you. You can use this guy. He got brains and he got skills too. Hindi katulad niyang mga bodyguards mo na puro pagpatay lang ang alam."
"Did you tell him our business."
Bahagyang natigilan si Rachel. I can sense some second thoughts.
"Tanga ka talaga! Nakakita ka lang ng guwapo, talagang ibubulgar mo na ang mga negosyo natin." Mahinang napamura si Robert. "What the fuck is his name?"
"J - Joe. Joe Sanderas." Kinakabahang sagot ni Rachel.
"Gaga ka! Huhulaan ko, hindi mo pa pina - background check 'yan 'no?"
"I did. He is clean. Nakakainis ka naman. Ako na nga ang nagsasabi na magaling siya."
"Fine! Joe!" Malakas na tawag sa akin ni Robert.
"Yes sir?" Tumayo ako sa harap niya at alam kong gini - gauge niya ang pagkatao ko.
"If I accept you in my crew, hanggang saan ang kaya mong ibigay?"
"Kahit buhay ko Sir." Diretsong sagot ko.
He pulled a gun and pointed it at me.
"Robert! No! Put down your gun!" Sigaw ni Rachel.
Pero hindi ako gumalaw. Nanatili lang akong nakatingin sa kanya. Sanay na ako sa ganito. Hindi ito ang unang pagkakataon na may tumutok ng baril sa mukha ko. If this will be my last mission, if I am going to die like this, I'll accept it. Walang pagsisisi. Handa na ako sa ganitong pagkakataon.
"You're not afraid to die?"
Umiling lang ako. Ikinasa niya ang baril niya at itinutok sa mukha ko but I didn't move a bit.
"Robert, please. Ano ba? We need him." Naiiyak na si Rachel.
Binitiwan ni Robert ang baril niya at inilapag sa mesa.
"How did you know?" Tanong ni Robert.
Kumunot ang noo ko.
"How did you know I am not going to pull the trigger?"
Napangisi ako. "The safety is off."
Napangisi din si Robert. "Impressive." Tumingin siya sa kapatid niya. "I think I'll like this guy."
Tingin ko ay parang nakahinga ng maluwag si Rachel sa sinabi ng kapatid niya.
"Pick up this woman at eight pm. I'll text you the address and the name. Bring her in Peninsula. Reserve a table for us." Sabi ni Robert at iniabot ang susi ng kotse sa akin. "I don't want her to be late."
Tumango ako at ngumiti kay Rachel bago tuluyang lumabas. Naglalakad na ako ng makatanggap ako ng text.
Kaila Chavez. KC Flower Shop Manila.
Nagkibit ako ng balikat. May babae si Robert at makakuha ako ng mga impormasyon sa babaeng iyon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top