• Five Years •

Advance happy new year.  Pasensiya sa medyo matagal - tagal na UD.  Medyo nag - contemplate lang si author about something.  Salamat sa lahat ng nag - aabang.  Kung meron sa inyo na medyo nalilito sa takbo ng mga istorya ng Circuit Agency series, I suggest basahin 'nyo ng sunod - sunod.  Magkakarugtong kasi ang mga stories nila.  Merong mga tanong na masasagot sa kabilang story mga ganern. 

Salamat ulit guys! Enjoy sa new UD.

❤️ H. Mendoza

——————\\\\\\\

Ferdie's POV

I can feel the strain in my legs but I keep on moving.  I need to finish this training.  I want to be on the top again.

And when I stopped, I heard a loud whistle.  I am catching for my breath.  I looked around and removed the swimming cap from my head.  I smiled when I saw on the board that I am the first one to finish.  Again.  I finished the four hundred meters freestyle without any fuss.

"Sir Ferdie Oligario!  Sergeant Davidson wants to see you in his office." 

Nawala ang ngiti ko ng marinig ko iyon at tiningnan ko ang lower rank agent na nakatayo malapit sa gilid ng pool.  Si Davidson na naman.  Ano na naman ang kailangan sa akin ng siraulong superior ko na 'yon?

Mabilis akong nag - shower at nagbihis.  Alam kong ayaw ni Davidson ang late at ayokong masilipan na naman niya ako ng iri - report niya sa mga agents sa Pilipinas.

It's been five years since I left and trained here at the main headquarters of Circuit Agency.  I worked hard to be in this position.  I trained a lot, I passed all my exams.  Lahat ng missions ay tinatanggap ko kahit pa nga madalas wala ng kasiguraduhan kung makakabalik pa ako ng buhay.  Ito ang gusto ko.  Kahit mahirap, hindi ako magrereklamo.  Kasi kahit five years na ang nakalipas, hindi pa rin siya nawawala sa sistema ko.  And I hate it.  I hate this feeling na hinahanap ko pa rin siya.  Wala akong pakielam kahit wanted man ako sa Pilipinas.  Madali naman iyong magagawan ng paraan ng agency.  But, pumayag na rin akong lumayo kasi hindi ko matanggap na nagkasira kami ni Kleng pero ang mga kapatid namin ay nagkaroon ng happy ever after. 

Napahinga ako ng malalim ng maalala ang mga nangyari sa amin ni Kleng.  Limang taon na ang nakalipas pero kahit kailan hindi ko siya nakalimutan.  Alam ko ang kasalanan ko.  Mali nga naman ang ginawa ko na pinagpustahan namin siya.  Pero kasalanan ko bang ang pustahan na iyon ay mauuwi sa totohanan?  Kahit ako.  Hindi ko maipaliwanag sa sarili ko kung bakit ko siya minahal.  At kahit hanggang ngayon ay minamahal ko pa rin siya.

I tried my best to get her back.  Nabugbog na ako, muntik na akong makapatay ng anak ng mayor dahil sa kanya.  I begged for her forgiveness.  Halos maglumuhod ako sa kuya niya para lang tulungan ako.  Pero sobrang tigas ni Kleng.  She cannot forgive me because of what I did.  Pati ang ate ko damay sa galit niya.  Hindi niya matanggap na nagpakasal ang kuya niya sa kapatid ng lalaking nanloko sa kanya. After a year ng maikasal si ate at si JD, bigla na lang siyang nawala.  Basta ang sabi niya sa parents niya , mag - aaral siya sa malayong lugar at huwag na lang siyang hanapin.  Kahit pareho kami ni JD na nasa agency at may mga access kami sa paghahanap ng mga tao, nasira kami kay Kleng.  We cannot find her anywhere.  Siya 'yung literal na naglahong parang bula.

Marahan akong kumatok sa opisina ni Davidson.  Fil - am ito na head ng Senior Agents dito sa main headquarters sa US.  Si Mason dati ang nasa posisyon niya.  Boss niya.  Since nagpa - transfer sa Pilipinas si Mason, siya na ang pumalit dahil sa recommendation na rin ni Mason.  Sinenyasan niya akong makapasok habang may kausap siya sa telepono at nagkalat ang folders at papel sa table niya.  He really looks worried and pissed at the same time.

"Another senior agent?" Napapailing siya sa narinig niyang sinasabi ng kausap niya.

"Few years ago, it was Clint.  Now, its Ted?  Shit," napasabunot sa buhok si Davidson.  "How is he?"

"Okay.  Call me if you have some good news." At painis niyang ibinato sa mesa ang cellphone.  Isinenyas niyang maupo ako.

"You need to go back to Manila," sabi niya at inilapag sa harap ko ang patong - patong na folders.

"Manila?  Are you sure?  Mason said I cannot go back since I am a wanted man," dinampot ko ang mga folders na ibinigay niya sa akin at binuklat - buklat.  Napapangiwi ako sa mga reports na naroon.  Covert operations that's gone awry.  Killed agents in the line of duty.  At ngayon, another senior agent, si Ted Castro ang fifty - fifty sa ospital.  There is a small chance that he can survive this ordeal.

"Your case about the son of the mayor is already arranged.  You need to finish their missions.  They are having a hard time infiltrating that syndicate.  I don't know what is happening why our agents assigned in that assignment keeps on getting dead." Mahina pa siyang napamura.

Natawa ako.  "So you are putting me in this mission.  I know you don't like me but, you want me dead now?"

"Shut up.  I don't like you because you are a pain in the ass.  I am giving you this mission since you are always telling me that you have nothing to lose.  So this is it.  I want you to infiltrate that syndicate so we can know who is behind that syndicate."

Muli kong binasa ang folder na nasa harap ko.  Few years ago ay inumpisahan ng targetin ng agency ang sindikato na ito.  A big gun running and drug smuggling syndicate.

"The agency is following this syndicate for almost five years, until now we don't have any lead who is their leader?" Taka ko.

"Because our agents keep on getting dead.  How can you get information from those dead agents?" Damang - dama ko ang frustration sa boses ni Davidson.  "Get ready.  Your flight is in three hours."

Napahinga ako ng malalim at kinuha ko ang mga folders at kinipit.  Sa flight ko na ito babasahin.  Tumayo na ako at tinalikuran ko na siya.

"Be safe." Narinig kong pahabol ni Davidson.

Tiningnan ko siya at tinanguan tapos ay tuloy - tuloy na akong lumabas.

———————->>>>>

Kleng's POV

"You need to move.  They know na may kasama ako dito.  Please.  You need to go with these."

Damang - dama ko ang kaba sa boses ni Clint habang isinusuksok sa bulsa ko ang ilang usb.

"Hindi ko kayang umalis mag - isa dito.  Hindi ko alam ang gagawin ko.  Hindi ko alam 'to," umiiyak na sabi ko.

"Parte ito ng training mo 'di ba?  As your senior partner, sinasabi ko na umalis ka na.  Kailangan mong maitago ang mga usb na iyan.  Guard it with your life.  The truth is in there but you can't open it.  They can trace you once you do that.  Hindi natin alam kung sino pa ang kakampi o kaaway natin.  Kahit kay Sphinx hindi mo puwedeng ibigay 'yan," sabi niya. 

Pareho kaming napalingon sa pinto ng malalakas na kalampag ang ginawa ng taong nandoon. 

"You need to fucking move Kasey!  Go now!" Malakas niyang sigaw sa akin.

Umiiyak lang akong nakatingin sa kanya.  Alam kong kapag umalis ako dito, may mangyayaring masama kay Clint.

"Go!" Malakas niyang sigaw.

Kahit labag sa loob ko ay mabilis akong umakyat at pumasok muli sa kisame na dinaanan ko.  Ibinalik ko ang exhaust ventilation frame at mula doon ay sinilip ko ang mga nangyayari.

Nakapasok na ang mga taong kanina lang ay nasa labas.  Si Clint ay nanatiling kalmadong nakaupo lang sa harap ng mesa.

Sa bawat suntok na ibinibigay nila kay Clint ay napapaiyak ako.  Gustong - gusto ko siyang tulungan pero wala akong magawa.  Hindi ko pa alam ang mga gagawin ko.  Magang - maga na ang mukha niya.  Duguan at halos mawalan na ng hininga.

"Boss, wala talaga sa kanya ang mga usb." sabi ng isang lalaki.

Napa - tsk ang boss na tinawag at dumukot ng baril sa likuran at itinapat sa ulo ni Clint.

"Naisahan tayo ng gago.  Kailangang makita 'nyo ang babaeng kasama niya dito.  Siguradong nasa kanya ang mga usb.  Sana buksan niya ang mga files para matunton natin siya."

Nakita kong tumawa si Clint.  Kahit hirap na hirap siya ay tumawa siya ng tumawa.

"You cannot find her.  Mamamatay ka muna Robert bago mo siya matagpuan." Tumatawang sabi ni Clint.

Pero hindi sumagot ang tinawag niyang Robert.  Tatlong putok ng baril ang tumapos sa buhay ni Clint.  Lahat ay tumama sa ulo niya.

Humihingal akong nagmulat ng mata.  Basang - basa ako ng pawis.  Napahinga ako ng malalim
at bumangon ako mula sa pagkakahiga.  Napabuga ako ng hangin at tumayo.  Tinungo ko ang mini bar sa kuwarto ko at kinuha ang bote ng Jack Daniels at tumungga doon.  I need to calm my senses from that horrible dream.

Limang taon na ang nakalipas mula ng mangyari iyon.  Pero sa tuwing mapapanaginipan ko ay parang kahapon lang ang nangyari. 

Tumingin ako sa relo at nakita kong pasado ala - singko na.  Kailangan ko na rin palang mag - ayos para sa morning run ko.  Nag - shower lang ako at nagbihis ng running gear.  Pagbaba ko ay naabutan ko si Yanna na nasa kusina at nagkakape kaharap ang laptop niya.  Mukhang wala pang tulog.

"Nandiyan ka pa rin?" Tanong ko sa kanya.

"Bumabad na ako dito sa mission na ibinigay ni Sphinx." Alam kong naiinis na siya. 

Natawa lang ako.  "Hindi ka pa ba nasanay?"

"Nga pala, another hit came.  Hinahanap ka pa rin ng kuya mo.  He is using all of his resources para makita ka." Sabi niya at iniabot ang isang papel sa akin.

Napahinga ako ng malalim at kinuha ang papel.  Nabasa ko roon ang mga pangalan ng taong inuutusan ni kuya para hanapin ako.  Recently kasi ay nagpadala ako ng bulaklak at mga grocery items kay nanay kaya siguro nagkaroon na naman ng hit.  Binalikan ni kuya ang establishments na inorderan ko at pilit niyang tinatanong kung sino ang nagpadala.  Hindi pa ba ako nasanay sa kuya ko?  He is a secret agent.  Nalaman ko lang ng pumasok din ako sa mundong ginagalawan niya.

"Bakit kasi hindi ka na lang muna umuwi?" Sabi ni Yanna sa akin.

"So I can see the face of the wife of my brother?  Huwag na," umirap pa ako.

"So?  Wala naman siyang masamang ginagawa sa iyo.  In fact mabait siya sa magulang mo.  And asawa ng kuya mo 'yun.  Wala ka ng magagawa.  Saka hindi mo ba nami - miss ang parents mo?  Five years ka na nilang hindi nakikita," sabi ni Yanna.

"And what will I tell them?  That I am an assassin now?  That I am a member of an elite force that kills people?" Napailing ako.  "And besides, I don't want to see that bitch."

Natawa si Yanna.  "You don't want to see her because she reminds you of her brother.  Aminin mo na kasi kaya hanggang ngayon nasasaktan ka dahil mahal mo pa rin."

"Shut up, Yanna.  Binaon ko na siya sa limot.  And I won't think twice to kill him kapag nakita ko pa siya."

"Eh bakit nga hanggang ngayon wala ka paring naging boyfriend?  After niya, waley na 'di ba?  Five years na 'yun kaya move on ka na.  Pero what do you think happened to him?  To Ferdie?  Bigla na lang siyang nawala 'no?"

"Duwag ang taong iyon.  Sigurado akong ginamit ng kapatid niya ang pera para maitago siya dahil sa pambubugbog niya sa anak ni Mayor Oliveros.  He is still a wanted man." Dinampot ko ang earphones ko at telepono.  "I'll just have my run.  Call me kapag tumawag si Sphinx."  Dire - diretso na akong lumabas.  Ayoko ngn marinig ang mga sasabihin pa ni Yanna.  Ayoko ng makarinig ng nakaraan.

Nagsimula akong tumakbo.  I need to do this to focus, for my cardio workout, for me to get calm.  Sa dami ng pinagdaanan ko makalipas ang limang taon, para na akong ibang tao.  Kahit ako hindi ko akalain na magagawa ko ang mga nagagawa ko ngayon.

Five years ago, ako lang si Kassandra Jade Carbonel.  Isang model student, masunurin sa magulang at kapatid.  Five years ago, nagmahal ako sa lalaking akala ko ay totoong nagmamahal sa akin.  Pero kalokohan lang pala ang lahat.  Sinaktan niya ako.  Pinaglaruan.  Hindi ko iyon matanggap.  Hindi ko siya mapatawad sa panloloko niya.  At lalong hindi ko matanggap na maging parte pa ng pamilya ko ang kapatid niya.

Hanggang sa malaman ko ang tunay na pagkatao ni Yanna.  Nagpapanggap lang pala siyang estudyante noon pero trainee na siya bilang undercover agent sa isang elite force agency.  An elite agency na kapartner ng gobyerno para sa paghuli sa mga sindikato ng drugs, gun smuggling at kung ano pa.

Gusto kong makatakas sa nangyari sa akin kaya ako sumama kay Yanna.  Tinalikuran ko ang lahat para sa bagong ako.

Tinalikuran ko na si Kassandra Jade Carbonel.  Pinatay ko na ang katauhan niya.  Hindi na siya kailanman maloloko.

Dahil ngayon, si Kasey Delmar ang nabubuhay sa pagkatao ko.  Isang senior agent sa elite force agency na pinamumunuan ni Sphinx.  Ako na ngayon si Kasey Delmar na hindi takot mamatay at handang pumatay kung kinakailangan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top