• Fire Alarm •
Medyo magaling na si author. Makakabawi na ako ng UD 😊
Kleng's POV
Hindi ko kayang tumingin ng diretso kay kuya JD. Narito lang kaming dalawa sa loob ng conference room. Sphinx and the rest of the team are outside brain storming with Mason and Ferdie. Ferdie is telling them that he is already in with Robert's syndicate and Sphynx wanted to be on the loop about developments of the case. Siya din ang nagsabi na mag - usap na muna kaming magkapatid. She wanted everything to be okay before I can go back to my mission.
"Bakit mo naisip na gawin ito, Kleng?" Wala ng galit sa boses ni kuya. Siguro alam naman na niyang wala na siyang magagawa kahit magalit siya. Alam kong explanation na lang ang hinahanap niya ngayon.
"Challenge. I wanted new environment. I want something na I know I excel."
Napahinga ng malalim si kuya. "But you were excellent in school. You were a dean's lister. You were the vice president of your student council. Ano pa ang challenge na gusto mo?" Napapailing si kuya. "Kahit kailan hindi ko naisip na gugustuhin mo ang ganitong buhay. You are living your life dangerously."
Napaiyak na ako kasi napapahiya ako kay kuya. Alam kong napakababaw ng mga dahilan ko sa kanya.
"I chose to lie about my job because I thought I am protecting you. Mahal na mahal kita, Kassandra. I am working my ass off just to give you and our parents a better life."
Hindi ako makasagot. Iyak lang ako ng iyak.
"Is this about me marrying Lucy? Iyon ba ang ang ipinagrebelde mo? I love her. Maiintindihan mo rin iyon kapag nagmahal ka na."
Nagmahal nga ako kaya ako nagkaganito. Gusto ko 'yung sabihin kay kuya.
Napabuga siya ng hangin. "Wala na naman akong magagawa dito. Nandito na. Can you do this case?"
Pinahid ko ang luha ko at tumango.
"Are you okay working with Ferdie?" Tankng pa niya.
Umiling ako.
"Bakit? Kleng, is this still about what happened to you and Ferdie five years ago?"
Umiling pa rin ako.
"That idiot was stupid for hurting you and he paid for it already. I've seen how that boy went crazy looking for you. Minahal ka niya. And I think hanggang ngayon minamahal ka."
Natawa ako. "Talaga? At galing sa iyo 'yan? You almost blew up his brain when you saw the two of us kissing."
"I was just pissed but you know I can't do that. 'Di ako naman ang pinatay ng ate niya." Natatawa ding sagot ni kuya tapos naiiiling na tumingin sa akin. "Halika nga."
Tumatayo ako at lumapit sa kanya. Hinila niya ang kamay ko at niyakap niya ako ng mahigpit.
"Mahal na mahal kita Kassandra at ayokong may mangyari masama sa iyo. I don't want you to do this but tama si Sphynx. It's your life, it's your choice."
"I can do this, kuya. Napakarami ko ng misyon na nagawa at kaya ko. I don't need a partner here."
"Pagdating diyan, wala na akong magagawa. The deal is on."
"Paanong naging agent si Ferdie?"
"Ask him. You have all day, all week, all your lifetime to ask him." At ngumiti ng nakakaloko sa akin si kuya. "Affected ka pa sa kanya?"
Ang bilis ng iling ko.
Natatawa si kuya pero maya - maya ay sumeryoso din.
"Hindi madaling mission si Robert at ang sindikato niya. Alam mo na may mga agents ng namatay sa pagmanman sa kanya. We lost Clint and now Ted is still unconscious in the hospital. I don't want you and Ferdie to end up like them."
Napakunot ang noo ko. "Clint?" Gusto kong makasiguro kung iisang Clint ang pinag - uusapan namin.
"Yeah. Clint Vergara. One of us and a senior agent. Favorite ni Mason 'yun. Siya ang pumalit kay Dale. But he got hit during one of his operations." Napahinga ng malalim si kuya. "He got hit by a female assassin."
"Female assassin?" Si Clint? He is also working with kuya's agency? Was he a double agent? Alam ba ni Sphinx 'yon?
"That's what we got from the reports. Maraming tauhan si Robert kaya mag - ingat ka. But don't worry, hindi kita pababayaan. Hindi ko papayagan na may mangyaring masama sa iyo."
Hindi ako nakasagot. Iniisip ko pa rin ang nalaman ko tungkol kay Clint. He was the one who trained me. I was there when he got hit. I was there when he died and hindi babae ang pumatay sa kanya. At hanggang ngayon, nasa akin ang mga usb na sinabi niyang ingatan ko. Sasabihin ko ba ito kay kuya?
Pareho kaming napatingin ni kuya ng may kumatok sa pinto. Si Sphinx iyon at si Mason. Tuloy - tuloy silang pumasok.
"Everything is settled, Kleng. Ferdie would be your partner in this mission. Mas magiging magaang ang trabaho mo dito dahil sa kanya."
Gusto kong tumutol. Mapapagaang? Baka lalong magka - leche - leche ang trabaho ko dahil sa kanya.
"Nauna na siyang umalis para pumunta kay Robert. You need to get ready. Susunduin ka ni Robert 'di ba?" Paalala pa ni Sphinx.
Tumayo na ako. Kailangan ko ng bumalik sa flower shop. Doon ako siguradong pupuntahan ni Robert.
"Mag - iingat ka, Kleng." Paalala ulit ni kuya.
Tinanguan ko na lang sila.
————————>>>>>>
Ferdie's POV
Tahimik lang akong nagmamaneho habang nasa likuran ko si Robert at si Kleng.
Parte ito ng misyon ko bilang si Joe Sanderas na driver / bodyguard / assistant ni Robert. At mas gusto ko naman ito lalo na kapag kasama si Kleng. Para alam ko kung anong ginagawa nila at kung saan sila pupunta.
Wala na kaming pagkakataon na mag - usap ni Kleng dahil ipinatawag na ako agad ni Robert.
Pero hindi ko alam kung makakatagal ako ng ganito. They are flirting at the back. Kahit alam kong trabaho lang ito kay Kleng, hindi ko matiis na hindi mainis sa tuwing hahawakan ni Robert ang kamay niya, aamuyin ang buhok niya. Nakikita ko pang hinahaplos ni Robert ang mga hita niya. Mapapatay ko yata ang putangina.
"Mi reina, where do you want to eat tonight?" Tanong ni Robert. Inaamoy - amoy niya ang mahabang buhok ni Kleng. "Or do you want me to eat you?"
Napapahigpit ang kapit ko sa manibela habang nagmamaneho ako. I wanted to take off my gaze at them pero hindi ko magawa. Naiinis ako kay Kleng dahil parang gustong - gusto niya ang ginagawa niya. Gusto kong ipaalala sa kanya na misyon niya lang ito at hindi kailangang totohanin.
"Anywhere, Robert. I am not hungry at all," Kleng's voice is so sweet. Halatang lalong nang - aakit at lalong nauulol naman ang lalaking kasama niya.
"Joe, go straight to my penthouse." Utos sa akin ni Robert.
Tumango lang ako at itinuon ko ang pansin ko sa kalsada. I might blow my fucking cover kapag hindi umayos itong si Kleng.
"Robert -" nakita kong hinawakan ni Robert ang mga labi ni Kleng para patahimikin ito.
"I want you to call me your king," sabi nito at marahang hinaplos ang mukha ni Kleng.
Fuck! Fuck! Fuck! Malakas akong nagpreno na ikinagulat nilang dalawa. Muntik silang sumubsob sa upuan sa harap nila.
"Lintek! Anong nangyari?!" Malakas na bulyaw ni Robert.
"Sorry boss. Biglang huminto 'yung kotse sa harap ko," pagsisinungaling ko.
"Ayusin mo ang pagmamaneho, Sanderas. Huwag mong ubusin ang pasensiya ko. Ayokong pumangit ang mood ko ngayon," sabi pa niya sa akin.
Hindi ako sumagot at muling sumulyap sa kanila mula sa rear view mirror. Nakita kong nagbabanta ang tingin sa akin ni Kleng.
"Huwag ng masyadong mainit ang ulo mo. Kasama mo na nga ako nagagalit ka pa." Sabi ni Kleng at nilalaro - laro nito ang buhok sa may tenga ni Robert.
"Ayoko kasi ng tanga. Nasaktan ka ba?" Sagot ni Robert.
Nakangiting umiling si Kleng. Bahagyang lumayo sa kanya si Robert ng tumunog ang telepono nito.
"What do you need Rachel?" Iritadong sabi nito sa kapatid. Nakatingin pa rin ako kay Kleng at nakita kong pinanlalakihan niya ako ng mata na parang ibig sabihin ay tumingin ako sa kalsada.
"Kasama ko nga si Joe. Punyeta ka. Ayusin mo ang shipments ngayong gabi. Hindi ko pa alam kung anong oras kami makakabalik." Iritableng sagot ni Robert sa kapatid.
Pareho lang kaming nakikiramdam ni Kleng.
"Fine! Fine! Pababalikin ko si Joe pagkahatid sa amin." Inis na pinatay ni Robert ang telepono. "Joe, dumiretso ka kay Rachel pagkahatid mo sa amin." Baling niya sa akin.
"May problema boss?" Paalisin niya ako dito? Hindi puwede. Hindi ko puwedeng iwan si Kleng kasama ang gagong 'to.
"Mauulol na ang kapatid ko kapag hindi ka pa nakita. Yariin mo na nga ng matahimik na iyon. Mukhang ikaw ang flavor of the month."
"Pero boss, baka mahirapan kayo pauwi. Maghihintay lang ako dito." Sagot ko.
"Ako na ang bahala. Kasama ko naman si Kaila kaya malamang magbababad lang kami sa kuwarto," nakangising sagot ni Robert.
Ulol mo! Gusto kong isigaw. Shit. This can't be. Hindi ko puwedeng iwanan si Kleng kasama ang buwayang 'to. Even if she is a trained agent, puwede pa rin siyang mapahamak.
Inihinto ko sa condo niya si Robert at bumaba sila doon ni Kleng.
"Dumiretso ka na sa bahay. Nandoon si Rachel. Tell her not to fuck the shipment tonight," bilin pa ni Robert at inakbayan papasok ng condo si Kleng. Inirapan lang ako ni Kleng at lalong isiniksik ang sarili kay Robert habang naglalakad sila papasok sa loob.
Gusto ko ng magwala lalo na ng makita kong pinisil ni Robert ang pisngi ng puwet ni Kleng.
Lahat na yata ng mura nasabi ko na sa isip ko. I need to do something. Baka pasukin ng talangka ang utak netong si Kleng at mag - all the way sa harap ni Robert just to pull this mission. I know those female agents. They will do anything to finish a job even if that means using their body and I know Kleng is not an exemption.
Kahit na ba alam kong ako ang nakauna sa kanya, hindi ko pa rin hawak ang isip niya. Sumasakit na yata ang ulo ko. My phone is ringing non - stop. Tawag ng tawag si Rachel pero hindi ko sinasagot.
Idinayal ko ang number ni Bryan.
"Can you track Robert?"
"Yeah. Nandiyan siya sa location mo." Sagot niya sa akin.
"What is he doing?"
Natawa si Bryan. "Pati personal na ginagawa ni Robert aalamin na natin?"
"Just check it kung anong ginagawa niya. Hack the cctv's," may pagmamadali sa boses ko.
"Ferds, is this about the new agent? I heard JD's sister was found and she is one bad ass agent."
"Just do what I said. Where are they?"
"The penthouse. I hacked the cctv on that floor and man. Your chick was so hot. Baka hindi na umabot sa kama ang dalawang 'to. They are making out sa lobby pa lang," tatawa - tawang sabi ni Bryan.
Shit! Para na yatang sinisilaban ang ulo ko sa galit.
"Damn it." Inis kong pinatay ang telepono at pumasok ako sa loob ng condo. I checked everywhere. The location of cctv's, security. Kailangan na walang bakas na ako ang gagawa nito.
Lumakad ako hanggang sa likod at napangiti ako ng makita ko ang hinahanap ko.
Nang masiguro kong walang tao, mabilis kong hinila ang fire alarm at malakas na tunog ang pumuno sa buong building.
People are starting to run towards the exit of the building at sumabay ako. Mabilis akong bumalik sa sasakyan at tinitingnan ko ang mga mangyayari.
Napakaraming tao ang tumatakbo palabas ng condo sa pag - aakala nilang mayroong sunog na nangyayari. Napangiti ako dahil tumutunog na ang telepono ko. Si Robert ang tumatawag.
"Boss. Pabalik na ako sa bahay mo." Pagsisinunaling ko.
"Bumalik ka dito. Ihatid mo si Kaila pauwi," damang - dama ko ang inis sa boses ni Robert.
"Problema boss?"
"Kailangan i - evacuate ang building. Someone pulled the fire alarm at magkakaroon ng force evacuation ang lahat ng nandito." Napahinga ng malalim si Robert.
Pilit kong inaalis ang ngiti sa labi ko dahil baka makahalata ang kausap ko.
"Paano si Rachel, boss?"
"Balikan mo muna 'tong si Kaila saka mo puntahan ang kapatid ko." At pinatayan na niya ako ng telepono. Halatang badtrip.
At hindi na maalis ang ngiti sa labi ko habang nagda - drive ako papunta kung saan naghihintay si Kleng.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top