• ECO 101 •



Kleng's POV

Malayo pa lang ay nakikita ko ng kumakaway sa akin si Yanna.  Tumatakbo siya para makalapit sa akin.  Bakas na bakas sa mukha niya ang saya.

"Congratulations!" Sigaw niya at yumakap sa akin.

"Totoo ba talaga?  Hindi ito joke?" Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinasabi niya.

"Oo nga.  Ang galing - galing mo.  Kahit si Ferdie ikaw ang ibinoto.  Ipinakita niya sa mga estudyanteng nandoon."

Kakaiba 'to.  Siniguro ng lalaking iyon na ilalampaso niya ako and he did.  Hindi ko kayang sumabay sa mga paandar niya habang nangangampanya siya tapos ngayon ako ang ibinoto niya? 

Ang daming mga estudyanteng bumabati sa akin pagdating ko sa office ng student council.  Nandoon lahat ang newly elected officers. 

Ang saya - saya ng atmosphere sa buong office.  Nagsi - celebrate ang lahat.  Tapos nag - discuss na para sa upcoming foundation day ng university.  Pero parang wala akong maintindihan sa mga dini - discuss nila kasi para pa rin akong nasa cloud nine dahil hindi ako makapaniwalang nanalo ako.

"Uwi ka na?" Tanong ni Yanna sa akin.  Kami na ang naroon na naglilipit.  Inabot na kami ng gabi dahil sa pagsi - celebrate dito.

"Oo.  Marami pang gagawin bukas.  Meetings ulit saka 'di ba may paandar agad 'tong bagong student council president natin.  Help a fellow student.  Mag - tu-tutor pa tayo sa mga estudyanteng tamad mag - aral," napailing ako habang itinatapon ko sa basurahan ang mga gamit na baso.

"Baka naman talagang mahina ang ulo." Sabi ni Yanna.

"Hindi ako naniniwala sa taong mahina ang ulo.  Walang taong mahina ang ulo.  Taong tamad, marami." Sagot ko.

"Congratulations."

Pareho kaming napatingin ni Yanna sa may pinto at nakita kong nakasandal doon si Ferdie na nakapamulsa ang dalawang kamay at nakangiting nakatingin sa akin.

Hindi ko alam kung anong ire - reaksyon ko.  Magpapasalamat ba ako o hindi ko na lang siya papansinin?  Mas pinili ko 'yung hindi na lang siya pansinin.

"O?  That's what I get for letting you win?  Just a simple thank you would do," sabi pa niya at tuloy - tuloy na pumasok sa loob ng office tapos ay naupo sa isang silyang naroon.

"Kleng, labas muna ako." Narinig kong sabi ni Yanna.  Bago pa ako makapag - protesta ay lumabas na siya at naiwan kaming dalawa doon ni Ferdie.

Napahinga ako ng malalim at ipinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko.  Bakit kasi nandito pa ang lalaking ito?  Nakakainis!  Saka bakit ba ganito siya tumingin?  Nakatitig siya sa akin tapos nakangiti lang siya.  Praning ba ito?

"My friends were right.  You are pretty," sabi pa niya.  "Bakit ngayon lang kita nakita?"

Hindi ako sumagot pero ramdam kong nag - iinit ang pisngi ko.

"Mas cute ka kapag nagba - blush.  So?  What is your first project as the new vice president?" Tanong pa niya.  Itinaas niya ang dalawang paa sa kalapit na desk.

Ang kulit naman nito.  Hindi pa ba siya aalis?  Alam ko naman na nang - iinis lang siya.

"First project ko kung paano patitinuin ang mga taong katulad mo," wala sa loob na sabi ko.  Shit!  Ano ba ang nasabi ko?  Kinakabahang napatingin ako kay Ferdie dahil siguradong makikipagtalo na siya sa akin dahil sa sinabi ko.

Pero parang hindi naman siya apektado sa sinabi ko.  Pinalungkot lang niya ang mukha niya pero alam kong nang - iinis pa rin siya.

"Ouch.  You hurt my feelings." Pero wala naman sa itsura niya na nasaktan siya sa sinabi ko.

Inirapan ko siya.  "Meron ka ba 'non?"

"Oo naman.  Sa katunayan nga 'yung feelings ko para sa 'yo, eh."

Ano daw?  High ba sa ipinagbabawal na gamot ang lalaking ito?

"Mr. Oligario, ang alam ko malakas ka lang magsigarilyo at uminom.  Hindi ko alam na gumagamit ka rin pala ng ipinagbabawal na gamot kaya ka nagti - trip at ako ang pinagti - tripan mo." Sagot ko sa kanya.  Itigil niya ang panggagago niya sa akin. 

Nakita kong sumeryoso ang mukha ni Ferdie tapos ay tumayo at lumapit sa akin.

"I smoke.  I drink.  But I don't do drugs.  So, puwede mong bawasan ang pagiging judgmental mo sa mga tao." Sabi niya.

Napalunok ako kasi ang lapit niya sa akin.  Well, mabango siya ngayon.  Hindi siya amoy alak at hindi rin amoy sigarilyo considering na pagabi na.

"I know you're not going to say thank you.  Okay lang.  You can pay me in some other way," nakangiti na siya ngayon.

"Ano?"  Anong pinagsasasabi nito?

Ngumiti lang siya at inilapit ang mukha sa mukha ko.  Tapos ay pinisil ang ilong ko.

"See you tomorrow, VP." Tapos ay tatawa - tawa siyang lumabas ng office.

Kunot - noong nakatingin lang ako sa kanya habang naglalakad siya palayo sa office namin.  Ang daming mga estudyanteng bumabati sa kanya tapos may babaeng estudyante na lumapit sa kanya at agad niyang inakbayan at nakipagtawanan siya grupo ng mga ito.

———————->>>>

Ferdie's POV

"So?  Sinagot ka na ba?" Nakangising sabi ni Drew sa akin. 

Nandito kami sa condo niya at umiinom. 

Ngumiti lang ako.  "Malapit na." At uminom ako sa hawak kong beer.

"Ulol.  Mukhang mahirap paamuin iyon.  Ihanda mo na ang tig po - 40k namin," sabi ni Jojo.

Tumawa lang ako at ipinagpatuloy lang ang pag - inom ko.  Tumingin ako sa pinto ng bumukas iyon dahil dumating si Aris kasama si Chelsey.

"Hinahanap ka," parang anunsiyo ni Aris at pabagsak na naupo sa tabi ni Drew.

"Hi Ferdie.  Hindi mo pa rin ako tinatawagan," pinalungkot pa ni Chelsey ang mukha niya at parang nahihiya na tumabi sa akin.

"Chel, hindi mo makukulit ngayon 'yang si Ferdie boy.  May pina - project kasi 'yan," tumatawang sabi ni Jojo.

Nagtatanong na tumingin sa akin si Chelsey.

"Project?  Do you have a project?  I can help you with that," sabi ni Chelsey.

Tiningnan ko lang siya.  Wala ako sa mood kahit na anong gawing pagpi - flirt sa akin ni Chelsey.  Parang nawalan na ako ng gana sa mga babaeng lumalapit sa akin.  Walang challenge.  Ibibigay ang lahat para mapansin ko.  Pero si Kleng.  Natawa ako ng maisip ko siya.  She is so feisty.  She's not afraid to tell what's on her mind.  Siya lang ang babaeng naglakas ng loob na sitahin ako sa mga ginagawa ko.  Well, hindi ko isasama si Ate Lucy kasi ibang level 'yun.  But Kleng, she really proves that she is not just a pretty face.

"Nako, Chel.  Iba ang project niyan.  Dapat ang tanong mo, sino ang project niya." Sabi ni Aris.

"Ano ba ang sinasabi nila?" Nagtatakang tanong ni Chelsey.  Hindi talaga siya makasunod sa pinag - uusapan namin.

"Nevermind.  What are you doing here?" Tanong ko sa kanya.  Nakita kong nagtatawanan ang mga kasama ko.

"I told you, sabi mo tatawagan mo ako." Sabi niya.

"Medyo busy nga ako, eh."  Tumayo ako at inubos ko ang laman ng beer ko.  "I'll go ahead.  Maaga pa ako bukas." At kumaway lang ako sa kanila tapos dire - diretso akong lumabas.

I let the cold wind touch my face at wala sa loob ko napangiti ako.  Hindi ko alam kung bakit ako nae - excite para bukas.  I know, tomorrow is going to be an exciting day for me.

———————>>>>>

Kleng's POV

Maaga pa lang ay nasa university na ako.  May early meeting ang lahat ng officers ng student council.  Naroon din si Yanna na sobrang active din talaga sa mga school activities kahit hindi siya officer.  Nagpapasalamat ako para doon kasi malaking tulong talaga siya sa amin.

"Nagpapakitang gilas ang bagong presidente," bulong sa akin ni Yanna.

Natawa ako at tumingin kay Karl.  Marami siyang dini - discuss sa amin.  Tungkol sa darating na foundation day, meeting with alumni para sa alumni homecoming, meeting with the professors at ang bagong paandar niya na help a fellow student.

"Miss Kassandra Jade Carbonel will discuss about the help a fellow student program ng student council," narinig kong sabi ni Karl.

Ano daw?  Nagtatakang tumingin ako sa kanya.  Bakit ako ang magdi - discuss?  Ipinakita niya lang sa akin ang plans niya pero hindi niya sinabing ako ang magdi - discuss nito.

"Kleng, tawag ka." Sabi ni Yannaz

Tumayo ako at pumunta sa harap.  Kinuha ko ang papel na ibinigay ni Karl.

"Help a fellow student program is the first program of the newly elected officers of the student council.  This primarily aims to help those student who are having a hard time in their certain subjects.  Among us and other student volunteers will have a one student to help," sabi ko.

Nakita kong tumango - tango ang ibang mga naroon.

"This is one way to help those students na bumagsak sa subjects nila.  We are here to guide them, to be a friend to them para mas matulungan natin silang mag - aral."

Wala namang tumututol sa mga sinasabi ko.  Lahat ay nag - a - agree dahil tingin nila ay makakatulong ito sa mga estudyante.

"We already have the list of those students that we will help.  Voluntary ito and we chose random students that are flunking in their subject," sabi ko pa at binuksan ko ang papel na ibinigay ni Karl.

Isa - isa kong binanggit ang pangalan ng officer at pangalan ng makakapartner na estudyante.  Natapos ko na lahat ng nakasulat ay hindi ko nakita ang pangalan ko.

"Karl, wala akong partner student?" Tanong ko sa kanya.

"Ha?  Kumpleto 'yan.  Nandiyan ang pangalan mo," sabi niya at kinuha ang papel na hawak ko para i - double check tapos ay napailing at napakamot ng ulo.  "'Yung draft pala ang naibigay ko sa iyo.  Ito 'yung revised.  Kumpleto na 'yan." Sabi niya.

Binuksan ko ang papel at hinanap ko kung ano ang pangalan ng partner student ko.  Wait. Tama ba ang nababasa ko?

Student Council Officer
KASSANDRA JADE CARBONEL

Student Partner
FERDINAND JOSE OLIGARIO

Subject to teach:  ECO 101

Nanlalaki ang mata kong napatingin kay Karl.  Tama ba itong nababasa ko?  Magsasalita na lang ako ng may humahangos na lalaking dumating sa pinto ng office.

"What did I miss?"  Humihingal pa si Ferdie ng sabihin iyon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top