• Date •

Ferdie's POV

Wala akong imik habang nagpapaliwanag ang Guidance Counselor kay ate. She is basically re-telling what happened. Ang dami - dami kong gustong i - correct. I wanted to tell her how did it start. Version lang kasi ni Julius ang alam niya.  Ang kasinungalingang version ng tarantadong Julius na iyon. Aris wanted to testify but sinabi kong huwag na lang. Ayokong madamay siya. Sanay na ang mga tao dito na laging ako ang umpisa ng gulo so malabo naman silang maniwala sa akin kahit idikdik ko sa kanila na si Julius ang nagsimula ng gulo na iyon.

Hindi ko na tinitingnan si ate Lucy pero alam kong kung nakakamatay ang sama ng tingin niya sa akin, kanina pa ako nakabulagta dito. She is pissed. Bakit hindi? I took fifteen minutes of her precious time. Alam kong iyon ang ikinakainis niya.

"Miss Oligario, this is his third offense already. I don't know what to do with your brother anymore. Bullying is not acceptable in our university and lalo na ang pakikipag – away," iyon ang narinig kong sabi ni Mrs. David. Gustong - gusto ko talagang magsalita pero kinagat ko na lang ang dila ko.

"Is he expelled?" Ramdam ko ang pagtataray sa boses ni ate.

"We don't want to expel him, Miss Oligario. We still consider the help that your dad gave when the university is still struggling. And –"

"Who is the biggest stock holder in this university, Mam?" I know my sister will go on this. Napapailing na lang ako.

Parang nagulat si Mrs. David sa sinabi ni ate. Hindi agad siya nakapagsalita. At ng sumagot siya ay parang siya lang ang nakarinig ng sinabi niya.

"Oligario Cargo Services," parang bulong lang iyon.

"Pakiulit. Parang hindi ko narinig," mataray na sabi ni ate.

"Oligario Cargo Services. Your company Miss Oligario," seryosong sagot ni Mrs. David.

"Good. If my brother did something, it is okay that you give the right punishments. I don't tolerate his attitude. But we all know that his grades are good."

"Alam naman namin iyon Miss Oligario. Kaya lang, natatakot na ang ibang estudyante sa kanya. Masyado siyang barumbado."

Tiningnan ako ng masama ni ate at inirapan.

"The next time he do that, if he hurt or bully another student. Call the police. Ipahuli 'nyo siya. Makulong man siya wala na akong pakialam." Tumayo si ate Lucy. "Ipapadala ko na lang ang cheke para sa pledge ng company for the upcoming foundation of the university."

Magsasalita pa sana si Mrs. David pero tumayo na si ate at dire - diretsong lumabas. Sumunod na lang din ako sa kanya.

Wala kaming imikan habang nasa biyahe. Kahit paano, nahihiya ako sa kanya. Ayoko ng ganitong sitwasyon. Kasi susumbatan na naman niya ako. Sasabihin na naman niyang nakukuba siya sa pagta - trabaho tapos hindi pa ako marunong makisama. Marami na siyang problema sa opisina tapos dadagdag pa ako. Puro away pa ang inaatupag ko. Kabisado ko na ang mga linya ni ate Lucy.

"He called you a bitch," hindi ko na natiis na hindi sabihin sa kanya.

Sinimangutan lang ako ni ate at itinuon ang atensiyon sa telepono niya.

"The guy that I punched, he called you a bitch." Sabi ko. "Because you fired his dad."

"I don't care what they want to call me. Sanay na ako," parang wala siyang pakielam sa sinabi ko.

"Kung sanay ka, ako hindi. If people are calling you names, ayokong marinig. They called you anak ng demonyo. Anak ka ni Lucifer sa dami ng taong tinanggalan mo ng trabaho."

Tinaasan lang ako ng kilay ni ate.

"They deserve that, Ferdie. Those people that I fired deserves it. Walang puwang ang tanga at sinungaling sa kumpanya ko."

Napailing na lang ako at hindi na ako nagsalita. Mahirap makipagtalo sa kanya.

Mabilis akong bumaba sa sasakyan at pumasok sa bahay. Pinakiramdaman ko si ate. Umalis din siya kaya dumiretso ako sa garahe. Aalis din ako.

Bumibiyahe na ako ng maka - receive ako ng text mula sa isang unknown number. Hindi ko pinansin. Baka mga text lang ng mga tagahanga ko. Sa dami ng nare - receive kong text kung kani - kanino sanay na akong balewalain sila. Saka isa pa, wala din ako sa mood. I just want to relax kaya kay Drew ako didiretso. Magpapakuha ako ng babae o papupuntahin ko si Chelsey o bahala na kung ano ang mangyari.

Nagulat pa ako ng tumunog ang telepono ko. Number lang din. Hindi ko na lang din pinansin. Sobrang kulit neto, ha. Kakapikon. Huwag talagang sumabay na mambuwisit sa akin dahil talagang wala ako sa mood.

Pero ayaw tumigil ng tumatawag. Patuloy lang sa pagtunog ang telepono ko kaya inis na sinagot ko iyon.

"What the fuck?! Who is this?" Inis na sabi ko sa tumatawag.

Walang sagot akong narinig.

"Who the hell are you? Alam mo bang nakaka - istorbo ka?"

I heard someone from the other line cleared a throat.

"S - sorry kung nakakaistorbo. Gusto ko lang kasing masiguro kung interesado ka pang magpa - tutor?" Babae ang nagsalita.

Shit. Who is this? Is this Kleng? Mabilis kong ikinabig sa gilid ang kotse ko at nag - park.

"Hello. Hello. Who is this? Kleng?" Gusto kong makasiguro na siya ang tumatawag sa akin. I know that girl. She is fierce at ma - pride. She would never call me. Besides, I didn't give my number to her.

"Oo. You are one hour late already kaya gusto ko lang malaman kung magpapa - tutor ka pa," malumanay ang boses niya. Hindi nagtataray.

Tumingin ako sa relo ko at totoo nga. Alas kuwatro na. Alas tres ang schedule ng tutor namin ni Kleng. Pero teka, she is calling me just to ask kung magpapa - tutor pa ako? Did I pass the exam?

"Wait, you called me para itanong lang kung gusto ko pang magpa - tutor? May kundisyon ka 'di ba? Sabi mo tuturuan mo lang ako kung mape - perfect ko ang exam ni Felix." Napapangiti na ako. I know I can perfect that exam.

Napahinga siya ng malalim. "And you did." Mahinang sabi niya.

Lalong lumapad ang ngiti ko. Mukhang naka puntos na ako.

"Sige. Can we adjust our time around six pm? And if its possible can we meet sa Alex III?" Pinipigil ko ang ngiti ko.

"Hindi ba puwedeng sa school na lang?"

"Katapat lang naman ng school ang resto na iyon. Besides I want to treat you kasi kahit papaano may naitulong ka naman bakit ko na-perfect ang exam na iyon."

Matagal bago siya sumagot.

"Kleng? Okay lang ba?" Hindi puwedeng hindi siya pumayag. Sobrang badtrip ko na buong araw, ito na lang ang magpapaligaya sa akin dahil alam kong maipapakita ko sa mga kaibigan ko na nahuhulog na sa akin si Kleng.

"Sige. Pero isasama ko ang friend ko." Sabi niya.

"Sure. Kahit sampu pa ang friends mo."

"Bye." Busy tone na lang ang narinig ko.

Napakagat labi pa ako habang nakatingin sa phone ko.

——————>>>>>

Kleng's POV

Parang wala ako sa sariling nakatingin sa spare phone na ginamit kong pantawag kay Ferdie.  Hindi ko ginamit ang sarili kong telepono kasi wala naman talaga akong planong kausapin siya.  Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Shit. Hindi ko akalain na magagawa ko iyon. Tumawag ako kay Ferdie? Napapikit ako at marahan kong pinukpok ng hawak kong cellphone ang ulo ko.

Baka kung anong isipin niya sa akin. Baka akala niya nagkakandarapa akong turuan siya. Kaya lang ako tumawag sa kanya para malaman ko kung gusto pa niyang magpa - tutor para kung ayaw niya, makahanap ako ng iba na mas deserving turuan.

Mabilis kong inimis ang mga gamit ko at dumiretso ako sa office ng student council. Nandoon si Yanna na busy sa pakikipag - coordinate ng mga booths na gagawin para sa foundation day.

"Yanna, samahan mo naman ako." Bulong ko sa kanya. Ayokong marinig ng mga tao doon ang sasabihin ko sa kanya.

"Saan?" Wala sa sariling tanong niya. Ang focus niya kasi ay nasa lay out na nasa harap niya.

Tumingin ako sa mga naroon at busy naman silang lahat kaya bumulong ulit ako kay Yanna.

"Niyayaya ako ni Ferdie sa Alex III. Doon na lang daw kami magkita para sa tutor niya," sabi ko.

Napahinto sa ginagawa si Yanna at mabilis na tumayo. Hinatak niya ang kamay ko at lumabas na.

"Ano? Ulitin mo nga ang sinasabi mo," kitang kita ko ang excitement sa mata ni Yanna.

"Sabi ko sa Alex III kami magkikita ni Ferdie mamaya. Samahan mo ako."

"Magdi - date kayo?"

"Ano ka ba? Hindi kami magdi - date. Mag - uusap lang kami at tuturuan ko siya.

"Ganoon din 'yun. Ano ka ba? Ang dami - daming babae nagkakadarapa 'dun."

Umirap ako. "Basta samahan mo ako." At tinalikuran ko na siya.

Nagbabad lang ako sa library hanggang sa makita kong malapit ng mag - ala - sais. Sinubukan kong tawagan si Yanna pero text lang ang nareceive ko sagot. Hindi pa daw siya makaalis kasi marami pa silang inaayos.

Napakamot ako ng ulo. Ako lang mag - isa ang makikipagkita sa Ferdie an iyon? Baka kung ano ang isipin ng mga makakakita sa amin? Pero saglit din akong nag - isip. Ako lang ang nagbibigay ng kahulugan sa mga nangyayari. Tuturuan ko lang siya. Mayaman lang talaga siya kaya kahit yata ang Manila Hotel puwede niyang i-renta para lang doon kami magturuan.

Dumiretso ako sa restaurant na sinasabi niya. Hindi pa ako nakakapunta doon kasi mga mayayamang estudyante lang talaga ang pumapasok doon. Nakita ko si Ferdie sa isang sulok na nakaupo at naghihintay. Bihis na bihis. Parang gusto ko ng lumabas ulit kasi parang 'di naman talaga ako bagay dito.

Tumalikod na ako. Aalis na lang ako. Iti - text ko na lang siya na bukas na lang kami magkita.

Naramdaman kong may humawak sa balikat ko habang palabas ako. Gulat na napalingon ako. Si Ferdie!

"Saan ka pupunta?" Nakangiting tanong niya.

Hindi agad ako nakasagot kasi nakatitig lang ako sa mukha niya. Bakit iba ang aura ni Ferdie ngayon? Ang aliwalas ng mukha niya. Ang linis ng itsura niya. Nagpagupit ba siya? Bagay sa kanya ang suot niyang polo.

Alanganin akong ngumiti. "S - sunduin ko lang sana 'yung friend ko." Ano ba? Bakit ba ako natataranta?

"I am sure alam naman niya ang papunta dito. Tara doon tayo," sabi niya at hinawakan ang kamay ko at naglakad patungo sa puwesto niya.

Mabilis akong bumitaw sa pagkakahawak niya. Hindi dahil sa nababastusan ako kundi sa parang kinuryente ang pakiramdam ko. Ayokong lagyan ng malisya ito. Walang gusto sa akin si Ferdie. Iyon ang idinidikdik ko sa utak ko.

"What do you want to eat?" Tanong niya ng makaupo kami.

Hindi agad ako sumagot. Tumingin lang ako sa paligid.

"Nag - aalala ka ba na may makakita sa iyo na kasama mo ako?" Sumeryoso na ngayon si Ferdie.

Hindi na lang ako sumagot at inilabas ko ang mga gamit ko. Nagbuklat ako ng mga libro.

Napahinga ng malalim si Ferdie at tumawag ng waiter. Narinig ko siyang umoorder. Palihim ko siyang sinusulyapan at talagang napaka - strong ng personality niya. Sa simpleng pag - order lang para talaga siyang sanay - sanay mag - utos sa tao. Ganito yata talaga kapag mayaman.

"I hope you like pork belly with brown keema curry. That dish is so good. I am sure you're going to love it." Nakangiting sabi niya.

"Puwede mo bang sagutan 'to?" Sabi ko sa kanya at iniabot ko ang isang papel.

Kunot - noong kinuha niya ang papel at binasa. Lalong nangunot ang noo niya at seryosong tumingin sa akin.

"You think I cheated?" Walang kangiti - ngiting sabi niya.

Hindi ako makasagot. Iyon kasi ang kopya ng exam ni Sir Felix. Gusto ko lang makasiguro na kaya talaga niyang ma - perfect iyon.

"H - hindi naman sa ganoon. Gusto ko lang - "

"Ganoon din iyon, Kassandra." Napapailing na napahinga siya ng malalim. "Wala ka palang tiwala sa kakayahan ko at tingin mo kailangan kong mandaya para lang pumasa." Nagsimula siyang magsulat - sulat sa papel.

Hindi na lang ako kumibo. Parang napahiya naman ako sa ginawa ko. Sinasabi ko na nga ba na mali itong naisip ko.

Wala pang sampung minuto ay ibinigay ni Ferdie sa akin ang papel.

"Check mo. Baka this time hindi ko na perfect and magkaroon ka na ng dahilan para bitawan ang pagtuturo sa akin," sabi niya at itinuon ang pansin sa dumating na pagkain.

Chineck ko ang papel. Isa - isa kong tinitingnan ang mga sagot niya. Napalunok ako. Perfect talaga niya. Natapos niya ang exam sa harap ko ng wala pang sampung minuto at wala siyang mali kahit isa.

Tumingin ako sa kanya. Seryoso lang siyang kumakain. Halatang sumama ang loob sa ginawa ko.

"Pasensiya ka na. Hindi lang kasi talaga ako makapaniwala na -"

"Hindi ka makapaniwala na ang notorious teacher's enemy number one ay kayang ipasa ang pinakamahirap na exam ng teacher sa university?" Putol niya sa sasabihin ko tapos ay ngumiti na siya. "Okay lang. Eat. Lalamig ang pagkain."

Parang hindi ko naman kayang kumain. Nahihiya ako.

"T - totoo bang sinapak mo si Julius?" Tanong ko.

"Oo. At hindi ako nagsisisi na ginawa ko iyon." Sagot niya.

"Suspended ka?"

Umiling siya. "My sister took care of it."

"Kasi kayo ang may - ari ng school."

Tumingin sa akin si Ferdie.

"Ayaw mo ba talaga sa akin? Kahit man lang bilang estudyante? Ramdam ko kasi napipilitan ka lang dito. No choice ka lang dahil member ka ng student council."

"Ferdie, hindi naman sa ganoon. Pero kasi, dapat maging mabait ka din sa ibang estudyante. Para hindi nila isipin na kaya ka pumapasa kasi kayo ang may - ari ng school." Sabi ko.

"We don't own the school, okay? Biggest shareholder lang ang company namin."

"Kaya nga. So dapat lalo kang maging maayos. Tigilan mo ng makipag - away."

Napangiti siya. "Kapag naging model student ba ako, magkakaroon ako ng reward?"

Kumunot ang noo ko. "Anong ibig mong sabihin?"

"If I can do whatever you say, whatever you want, papayag ka ng maging girlfriend kita?"

Ano daw? Girlfriend? Tarantandong 'to. 'Di nga nanligaw, girlfriend agad ang gusto.

"Hindi ito biro, okay? Tigilan mong mag - joke." Inis na sabi ko.

"Who says I am not being serious? Who says I am joking?"

Para yatang nataranta ako kasi ang seryoso ng mukha niyang nakatitig sa akin.

"I know you won't believe it but, I really like you Kassandra and I want you to be my girlfriend."

Walang kakurap - kurap si Ferdie ng sabihin iyon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top