• Collateral Damage •
Kleng's POV
I need to be with Ferdie. Kahit masakit ang buong katawan ko, kahit sa bawat paghakbang ko ay mauubusan ako ng hininga, kailangan ko siyang makita.
Galit na galit na si kuya JD sa akin. Sobrang tigas daw ng ulo ko. Isa pa daw ako sa iintindihin niya kapag may nangyari sa akin. Pero wala akong pakielam. Matigas na kung matigas ang ulo ko. Kailangan ko lang makita si Ferdie.
"Hindi na natin kailangan na makigulo dito Kassandra. May first aid sa ambulansya. Sila ang bahala kay Ferdie." Sabi ni kuya sa akin habang nagda - drive siya papunta sa ospital kung saan dadalhin si Ferdie.
"Please. Gusto ko lang malaman na okay siya," umiiyak na sabi ko.
Hindi kumibo si kuya JD at tahimik na lang na nagmaneho.
"Nagkamali ako kuya. Masyado kong inilubog ang sarili ko sa galit ko. Sinayang ko ang mga panahon namin ni Ferdie. Nagsisisi ako. Paano kung may mangyaring masama sa kanya?" Umiiyak na sabi ko.
"Walang mangyayaring masama sa kanya," alam kong pinapalakas lang ni kuya ang sarili ko.
Tumunog ang telepono ni kuya at inilagay niya iyon sa speaker mode para mas maayos siyang makapagmaneho.
"Any news Maze?"
"Robert is dead. Ng dumating ang mga pulis para sa raid they found Robert in his office shot in the head." Sandaling napatahimik si Mason. "Ted is dead too."
Mahinang napamura si kuya.
"What about the usb?"
"I already turned over it to the authorities."
"S - si Rachel. 'Yung kapatid ni Robert. Alam din niya ang mga negosyo ng kapatid niya. Nahuli ba siya?" Sabat ko.
"Under sa witness protection si Rachel. She got a deal with the police. Wala akong balita kung nasaan na siya."
"Si Ferdie. What about Ferdie?" Naiiyak na naman ako.
"Nakasunod ako sa ambulansiya niya. Don't worry Kleng. He is stable already. Unconscious but stable. You don't - "
Wala na kaming narinig ni kuya mula kay Mason. Malakas na parang pagsabog lang tapos ay malalakas na preno ng mga sasakyan tapos ay ang pagkawala ni Mason sa linya.
"Mason! Mason!" Sigaw ni kuya. Lalo nitong binilisan ang pagmamaneho.
"Tawagan mo uli," parang sasabog na ang dibdib ko sa kaba.
Panay ang mura ni kuya dahil busy tone lang ng busy tone ang telepono ni Mason.
"Anong nangyari?" Hindi ko na mapigil ang hindi mapaiyak.
"Shit!" Inis na ibinalibag ni kuya ang telepono niya sa dashboard tapos ay mabilis na pinaharurot ang sasakyan.
Apoy ang bumulaga sa amin ni kuya ng papalapit na kami sa ospital. Sa kalsada ay naroon ang mga partes ng isang sasakyan at isang nasusunog na van. Naroon din hindi kalayuan ang ibang mga nakahintong sasakyan.
"What the -" mabilis na nag - preno si kuya at bumaba ng kotse. Kahit pilitin kong sumunod sa kanya ay mabagal pa ang mga reflexes ko dahil sa bugbog ng katawan ko.
Nakita ko si Mason na sinalubong si kuya. Itinulak ni kuya si Mason at nagpipilit si kuya na puntahan ang nasusunog na van pero pinipigilan ito ni Mason.
Sigaw lang ng sigaw si kuya JD tapos ay napaupo siya sa kalsada at umiiling na umiiyak.
Pinilit kong lumapit sa kanila.
"Anong nangyari?"
Punong - puno ng luha ang mukha ni kuya JD habang nakatingin sa akin.
I know something happened. Sunod - sunod na nagdadatingan ang mga ambulansiya at truck ng bumbero.
"Kuya ano 'to? Nasaan si Ferdie?" Nanginginig ang boses ko.
"Come on. Umalis na tayo dito," kahit si Mason ay parang umiiyak.
"No! Nasaan si Ferdie? Sabi mo stable siya. Nasaan siya?"
Lalong napaiyak si kuya JD. Napailing din si Mason.
"The ambulance exploded. Ferdie is dead." Parang si Mason lang ang nakarinig sa sinabi niya.
Hindi ko kayang i - process ang sinasabi ni Mason. Hindi mag - sink in sa akin ang sinasabi niya. Nakatingin lang ako sa nasusunog na ambulansiya. Pakiramdam ko ay namanhid ang buong katawan ko. Hindi. Hindi totoo 'to. Hindi totoong wala na si Ferdie. Ipinikit ko ng madiin ang mata ko para pagmulat ko isang masamang panaginip lang 'to. Pero nagngangalit na apoy ang tumambad sa paningin ko ng imulat ko ang mata ko.
This is real.
Ferdie is dead and it is real.
—————////
Nakakalat lang sa table ko ang mga files at reports tungkol sa pagkamatay ni Ferdie. Ilang linggo na akong narito lang sa kuwarto ko. Hindi ako lumalabas. My bruises are all healing but I am really broken inside.
I am just looking at the photos of the explosion. The pieces of the ambulance, the charred bodies of Ferdie and the nurses and the driver. Hindi na halos makilala. Hindi nga ako pumunta sa burol ni Ferdie. I heard that Lucy almost went crazy when she learned that her only brother is dead.
Lucy wanted to give me some of Ferdie's ashes pero hindi ko tinanggap. Hindi ko kailangan ang abo niya. Si Ferdie ang kailangan ko. Gusto kong mabuo ang mga plano namin. Ang pamilyang gusto niyang buuin kasama ako. Ang pangako niyang tatalikuran niya ang bayolenteng buhay para sa aming dalawa. Iyon ang gusto kong mangyari. Hindi ko kailangan ng abo.
Paulit - ulit ko lang na binabasa ang report ng pagkamatay niya. May explosives na nakalagay sa ambulansiyang sinasakyan niya. Hindi alam kung sino ang naglagay. Wala na kaming mapagbibintangan. Robert is dead and his syndicate has been crushed down by the authorities. Wala na rin si Ted. Rachel is gone living her new life. Ferdie is just a collateral damage.
Inis kong hinawi ang mga papel at litrato sa mesa. Collateral damage? Putang ina. He died because of nothing? He is just a collateral damage? Paano ako? Paano ako mabubuhay ng normal kung alam kong wala na ang lalaking hinihintay kong bumalik?
Mabilis kong pinahid ang mga luha ko ng makarinig ako ng mga katok. Sigurado akong si kuya lang iyon. Magmula ng mamatay si Ferdie, dito na niya ako pinatuloy sa bahay nila ni Lucy. Ayaw niyang doon ako tumuloy kina nanay dahil baka mag - alala ang mga ito dahil sa itsura ko. Ang alam nila, namatay si Ferdie dahil sa aksidente at sa Amerika na ito inilibing.
"Kumain ka muna," sabi niya at inilapag ang isang tray ng pagkain sa mesa ko.
Umiling lang ako.
"You need to eat. Kailangan mong magpalakas.
Natawa ako ng nakakaloko. "Para saan? Anong purpose?"
"Kleng, walang may gusto ng nangyari. Kung masakit sa iyo ang pagkawala ni Ferdie, ganoon din sa amin. Lalo na kay Lucy."
Napasubsob lang ako sa mesa at napaiyak. Grabe ang hagulgol ko.
"Kung alam kong mangyayari 'to, I wouldn't waste those years hating him. I end up like this because I let myself hate him kahit alam kong mahal na mahal ko naman siya. Bakit ang unfair? Bakit siya pa?"
Niyakap ako ni kuya JD ng mahigpit.
"Wala akong sagot sa mga tanong mo."
Iyak lang ako ng iyak. "I don't know how will I go on. Everything in my life fell apart. My job. Si Ferdie. My life."
"I don't know why did I deserve this pain? Dahil ba sa nakapatay ako? But those are bad people. I only kill bad people. Lahat kinuha sa akin," umiiyak na sabi ko.
"Kung iniisip mo rin ang nga kasama mo, don't worry. Sphinx is trying to build her agency again with our help. Everything is fixed. Sila Ted din ang gumawa ng paraan noon para ma - frame up siya. Maaayos din ang lahat," sabi ni kuya.
"But I am not going to allow you to go back. You don't need to be an agent anymore, Kleng. Have a normal life. Alam mong iyon ang gusto ni Ferdie na mangyari kung nabubuhay pa siya."
Pero hindi ako nakasagot sa sinasabi ni kuya. Pakiramdam ko ay parang may kung anong sumuntok sa sikmura ko at para akong napapasuka. Mabilis akong humiwalay sa kanya at dumiretso sa banyo. Wala pa naman akong kinakain na kung ano pero duwal lang ako ng duwal. Ilang araw na rin akong ganito.
"Are you okay? Kumain ka kasi." Nakasunod sa akin si kuya JD.
Para akong nanghihinang napaupo sa harap ng mesa. Nakatayo lang si kuya malapit sa akin at nakatingin sa akin.
"I'm going to eat. Sige na. I just want to be alone."
"Try to eat. Now," seryosong utos niya.
Alam kong hindi rin ako tatantanan ng kapatid ko kaya kumutsara ako ng kanin at ulam na dala niya. Pero hindi ko pa nalulunok ang pagkain ay nasusuka na naman ako. Diretso na naman ako sa banyo at sumuka.
"Shit. Fucking upset stomach." Napapangiwi ako habang hinihilot ang sikmura ko.
Napahinga ng malalim si kuya. Hindi ko alam kung desperasyon ba iyon or sign of relief. Napapailing na nakatingin pa rin siya sa akin.
"What?" Naiinis na ako sa kanya.
"You're pregnant Kassandra."
Nahilo yata ako sa sinabing iyon ni kuya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top