• Campaign •
UD bago matulog. Good nite. 😘😌
Ferdie's POV
Hindi ko pinansin ang tingin ng ate ko ng dumating ako sa bahay. Nagpagabi na nga ako ng uwi para hindi kami mag - abot pero mukhang hinihintay talaga niya ako. I found her sa front porch na umiinom ng wine mag - isa. Parang hobby na niya ang pag - iinom these past few weeks at napahinga ako ng malalim dahil alam ko ang dahilan noon.
"Night," iyon lang ang sabi ko at tuloy - tuloy na sana akong papasok sa loob ng bahay.
"Come back. Stay here. I need to talk to you," seryosong sabi niya.
Napahinga ako ng malalim at napailing. Wala naman akong magagawa kundi ang sumunod kaya kahit labag sa kalooban ko ay padabog akong naupo sa harap niya.
"What do you need?" Nakatingin lang ako sa kisame. Ayokong makita ang simangot na mukha ng ate ko baka lalo lang madagdagan ang badtrip ko ngayong araw na ito.
Inis na ihinagis niya sa harap ko ang tatlong sobre.
"Manang Yoyie found that in your room. Three warnings from the guidance office?" Ramdam ko ang pigil na pigil na galit ni Ate Lucy.
"Naniwala ka naman diyan," sagot ko.
"Damn it Ferdie! When are you going to change?! Ilang warnings na ang na-receive ko from your school. Hindi ka lang nila ma-suspend at ma-expel because we are the biggest stock holder of that university. But that doesn't mean that you can do whatever you want!" Sumabog na ng tuluyan ang galit niya.
Tiningnan ko lang siya at hindi ko inintindi ang galit niya.
"Hindi ka pa nagsasawa magalit? Maghapon ka ng highblood office mo, pagdating dito highblood ka pa rin. Masama sa katawan 'yan," sagot ko sa kanya.
"You shut up. When are you going to grow up?" Napahinga siya ng malalim at napailing - iling.
"Ano ba ang problema? My grades are okay. Wala akong bagsak. Ano pa ang gusto mo?"
"Yeah. Your grades are okay. But your freaking attitude pulls your grades down. Lahat na ng professor nagrereklamo sa iyo. You don't respect authority. You're bullying students. What the hell is your problem?" She sounded so desperate na parang hopeless case na ako.
Same lines. Noon ko pa naririnig 'yan. Tumayo na lang ako kasi alam ko naman wala naman kaming pagtatapusan ng ate ko.
"Good night. Go back to your nightly drinking ritual," sabi ko at tuloy - tuloy na akong pumasok sa loob at nagkulong sa kuwarto ko.
Pabagsak akong nahiga sa kama. Parang naririnig ko pa ang mga sinasabi ng ate ko. Puro reklamo tungkol sa attitude ko. I don't see anything wrong with what I am doing. Totoo lang ako. Nagpapakasaya and living my life to the fullest. Ayokong matulad kay daddy. He didn't fulfil his promise to me.
Hindi ako ganito. Even my sister. Mabait si ate Lucy. Bubbly. Masayahin. She has so many friends at ako ganoon din. We are so close. Dati. She used to call me bear when I was little. But everything changed when dad died. My sister shouldered all the responsibilites that dad left. Kung hindi siya kikilos, everything we have will be lost dahil pilit na kinukuha ng mga kapatid ni daddy. Kaya siguro tumigas ng ganito si ate Lucy. But the moment she took care of the company, that's the time we started to drift apart. Lagi na siyang gabi umuuwi, she doesn't have time with me. I am all alone. Pakiramdam ko mag - isa lang ako sa mundo. I was grieving because of my father's death and yet, wala akong makausap tungkol doon.
And then, doon ako natutong magbarkada. I found a new family with them. Masaya ako lalo na kapag nasa akin ang atensiyon nila. They are willing to listen to every word I say. I became the rebel boy that my dad hate. Who cares? Wala na rin naman siya so sino pa ang sasaway sa akin? Wala na rin naman siya para matupad ang pangako niyang ipapakilala niya sa akin ang mommy namin.
The hell with her. Sumama lang lalo ang loob ko ng maisip ko ang babaeng iyon. Ayos na nga din na hindi na nagawang ipakilala ni daddy ang mommy namin ni ate. Mas mabuti pang para sa amin, patay na rin siya.
Tumunog ang telepono ko at si Drew ang tumatawag.
"What's up?" Bungad ko.
"Is it true? Tatakbo kang vice president ng student council?" Parang hindi siya makapaniwala.
"Yeah. Bakit may problema ba?" Natatawang sabi ko.
"Fuck off, Oligario. Wala kang hilig sa pag - aaral. Napakatamad mo ngang pumasok sa subjects mo tapos kakandidato ka pang vice president ng student council. Who are you pissing right now?" Sabi pa niya.
"Wala ba akong karapatang tumakbo sa student council? I think lahat ng estudyante deserve na kumandidato," sagot ko.
"Ulol. 'Yung matitinong estudyante, oo. Pero ang katulad natin, huwag na tayong makigulo sa kanila. Uminom na lang tayo."
"Just help me campaign. I am telling you, I am going to be the vice president of the student council," at tumawa na ako.
"Gago ka. 'Di ko alam kung anong ginawa mo at pumayag sila na maging kandidato ka. Sa dami ng kaso mo sa guidance office. Sige na. Bukas na lang," at pinatayan na niya ako ng telepono.
Hindi ko mapigil ang tawa ko ng ibato ko ang telepono ko sa kama. Paano nga ba ako nag - apply ng candidacy? I used my charm and my money. At iyon din ang gagamitin ko para makuha ko ang boto ng mga estudyante. That Kassandra will eat dust. Ngayon pa lang ay nararamdaman ko na ang panalo ko.
For the first time, parang na - excite akong pumasok sa school bukas.
——————->>>>>>>
Kleng's POV
Pasado alas onse na ng gabi pero gising pa ako. Kaharap ko ang mga papel na sinusulatan ko para sa campaign bukas. Hindi ko na sana kailangan ng ganito kasi nga dapat per classroom na na lang ang campaign ko. Since na wala naman akong kalaban noong una, parang introduction na lang as the new vice president of the student council ang mangyayari. Pero dahil sa biglang nagkaroon ako ng kalaban, napilitan pa tuloy akong mag - effort para gumawa ng mga flyers.
"Kleng, alas onse na. Matulog ka na," narinig kong sabi ni nanay.
"Tapusin ko na lang ho ito." Sagot ko.
"Ano ba 'yan?" Lumapit pa siya at tiningnan iyon. Napakunot ang noo ni nanay. Alam kong ayaw niya ng ganito. Pakiramdam yata ni nanay magiging aktibista ako dahil napakarami kong concerns na nakikita sa eskuwelahan at hindi ako nangingimi na sabihin iyon.
"Sumali ka na naman sa ganyan. Sinabi ko naman sa iyo tigilan mo na ang mga student student council na ganyan. Magkakaroon ka lang ng maraming kaaway diyan, eh." Sabi niya.
"Wala naman ito, 'nay. Student council lang. Saka maganda sa resume ito kapag nag - apply akonsa trabaho pagka - graduate ko. Makikita ng employer kung gaano ako kasipag," sagot ko.
"Makikita kamo ng employer mo kung gaano katigas ang ulo mo. Tigilan mo 'yan. Matulog ka na. Ayong sumasali ka sa ganyan. Intindihin mo ang pag - aaral mo. Malaman pa ng kuya mo 'yan, magalit pa 'yun." Naramdaman kong hinalikan ako sa ulo ni nanay at pumasok na siya sa kuwarto niya.
Tiningnan ko ang mga flyers ko. Sa ganda ng credentials at achievements ko na nakalagay doon, imposibleng hindi ako manalo.
————
Maaga akong pumasok sa school kinabukasan. Umaga naka - schedule ang campaign tapos ay sa hapon ang botohan. Nag - usap na kami ng grupo namin na sama - sama kaming mangangampanya bawat kuwarto.
Pero papasok pa lang ako sa gate ay napansin ko ng parang nagkakagulo ang mga estudyante at nag - uunahan na makapasok sa loob. Anong meron? Tumingin ako sa relo ko at ala - alas nuebe pa lang ng umaga. Eleven pa ang first class ko. Maaga lang talaga akong pumasok para sa campaign.
"A - anong meron?" Tanong ko sa isang estudyante na patakbo papunta sa kiosk malapit sa canteen.
"May kissing booth 'yung isang nangangampanya para sa student council," sagot nito at iniwan na ako.
Kissing booth para sa campaign? Ano 'yun? Usapan namin sa mga candidates na walang magarbong campaign. Saka next week pa ang foundation day at kami ang in-charge sa mga booth. Wala naman nag - apply na kissing booth sa amin.
Sinundan ko ang mga estudyante. Ang haba ng pila. Karamihan sa mga nakapila ay mga babaeng estudyante.
"Grabe ang guwapo ni Ferdie! Talagang iboboto ko siya," parang kinikilig na sabi ng isang estudyante.
Ferdie? Ang gagong iyon? Siya ang may pakana nito?
Mabilis akong sumiksik sa kulumpon ng mga tao para makita ko kung anong nangyayari sa harap. At doon, nakita kong nakaupo sa isang silya si Ferdinand Oligario at humahalik sa pisngi ng bawat estudyanteng nakapila. Ang mga kaibigan niya ay namimigay ng Starbucks card sa mga lalaking estudyanteng naroon.
"Vote for Ferdie Oligario for VP," naririnig ko pang sabi ng mga kaibigan niya.
This is so unfair! Hindi ko na napigil ang inis ko at pumunta ako sa harap at pinukpok ko ang mesa sa harap ni Ferdie.
"This is cheating!" Galit kong sigaw sa kanya.
Napahinto siya sa paghalik sa pisngi ng estudyante at takang tumingin sa akin. Wala akong pakielam kahit nakatingin ang lahat ng estudyante doon sa akin.
Ngumiti si Ferdie sa akin at lumapit. Nakapagitan sa amin ang mesa at nakatukod ang mga kamay ko doon.
"What's wrong with this? Nangangampanya ako. You should do the same so you can get votes," nakangiting sabi niya sa akin.
"Kapal ng mukha mo. You are cheating. Wala sa usapan ang ganitong klaseng campaign dahil hindi lahat ng candidates ay mayamang katulad mo. Stop this," sabi ko.
Natawa si Ferdie sa narinig na sinabi ko. Maging ang ibang mga estudyante doon ay pinagtawanan ako.
"Alin ang cheating dito? Kasalanan ko ba kung gusto ako ng mga tao? Hindi mo lang kasi matanggap na sa campaign pa lang, talo ka na." Pinagmukha niyang inosente ang mukha niya.
Inirapan ko siya. "You will never win. I will contest your candidacy. Sigurado ako, you used your backers para magawa mo ito."
"Go ahead. Let's see," dumukwang siya para mapalapit lalo sa akin. "Ganito na lang. Why don't you vote for me? I'll give you a free kiss. Sa lips pa," nakakalokong sabi niya.
Umugong ang tuksuhan sa paligid.
"Kiss mo mukha mo," at itinapal ko sa mukha niya ang campaign flyer ko tapos ay walang lingon likod na umalis ako doon.
Ngayon ako nagsisisi kung bakit ko pa sinita ang siraulong lalaki na iyon kahapon. Kung puwede ko lang ibalik ang mga nagyari, pababayaan ko na lang sila.
Dahil talagang sinisira ng lalaking iyon ang future ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top