• Busted •
Ferdie's POV
I've kissed a number of women but kissing Kleng is just like my first time. Nanlalamig ang kamay ko. Naninigas ang katawan ko. Sobrang lambot ng labi niya at mas lalo kong gustong palalimin ang mga halik ko sa kanya dahil alam ko, ramdam ko na ako ang first kiss niya.
Kung puwede lang na hindi na matapos ito. I don't feel any lust at all. Hindi libog itong nararamdaman ko kay Kleng. I love her and I respect her.
Malalakas na katok ang parang nagpabalik ng kamalayan ko sa reyalidad. Pareho kaming napatingin ni Kleng sa bintana kung saan may kumatok at nakita kong isang lalaki ang nakatayo doon.
"K - kuya," takot na takot ang boses ni Kleng habang nakatingin sa lalaking nasa labas. Ibinaba ko ang bintana ng kotse at lalo kong nakita ang galit na mukha ng lalaki.
Shit. Ito ang kuya ni Kleng? Napalunok ako. Matapang akong tao pero mukhang mapapalaban ako dito at mukhang hindi ko ito kaya. Parang kapre sa tangkad ang kuya niya.
"Get the fuck out," narinig kong sabi nito sa akin.
Hindi ako gumalaw. Nanatili lang akong nakaupo sa driver seat. Hindi ko siya susundin. Kung ano lang ang sabihin ni Kleng, iyon lang ang gagawin ko.
Parang nanginig yata ang bawat laman ko ng maglabas ang lalaki ng baril at itutok sa mukha ko.
"Lalabas ko o lalabasan ka ng dugo kapag inubos ko ang bala nito sa ulo mo," banta nito sa akin.
"Kuya, wala naman kaming ginagawang masama," umiiyak na si Kleng. Halatang takot na takot din siya.
"Walang ginagawang masama? Inuubos na ng lalaking ito ang bibig mo. At bakit ka pumapayag ng ganyan? Kung gusto ka nito, sa bahay ka liligawan. Syota mo na 'to?" Galit na sabi nito.
"Si Kleng ang may ayaw na papuntahin ako sa inyo. I want to introduce myself formally to your family but she doesn't like it," seryosong sagot ko.
"Get out," utos nito sa akin. Alam ko naman na wala akong magagawa kaya padarag akong bumaba sa kotse. Nakasunod si Kleng na kulang na lang ay maglumuhod sa harap ng kuya niya.
"Kuya, kuya please. Huwag mong saktan si Ferdie. Wala naman kaming ginagawang masama." Umiiyak na sabi ni Kleng.
"What's your name?" Tanong nito.
Tumingin lang ako sa kanya at hindi sumagot. Malakas na suntok sa tiyan ang ibinigay sa akin ng kuya ni Kleng. Napasigaw siya sa ginawa ng kuya niya at mabilis na inawat ito. 'Tang ina, ang sakit! Para yata akong masusuka na mawawalan ng hininga. Pero pinilit kong magpaka - normal ng maka - recover. Ayokong makita ng lalaking ito na natatakot ako sa kanya.
"Ferdie. Ferdinand Jose Oligario," in between breaths ay sagot ko.
Nakita kong napakunot ang noo ng lalaki sa akin. Parang hindi makapaniwala.
"Kapatid mo si Lucy? Lucia Anne Oligario?"
"How did you know my sister?" Taka ko.
Mahina itong napamura at bumaling kay Kleng.
"Kleng, get inside. Hindi ko sasabihin kina nanay ang nakita ko."
"Kuya, ano ba? Mabait naman si Ferdie," walang tigil sa pag - iyak si Kleng.
"Pumasok ka na," matigas na sabi nito sa kapatid.
Pinilit kong ngumiti kay Kleng.
"Sige na. Pasok ka na, Kassandra. Okay lang ako," ayoko ng mag - alala siya. Kung anuman ang gawin sa akin ng kuya niya, lalaban ako kahit alam kong talo ako.
Alam kong masama ang loob ni Kleng pero wala siyang magagawa dahil iyon ang gusto ng kuya niya. Patakbo na lang siyang pumasok sa loob ng bahay nila. Lumapit sa akin ang kuya niya at hinawakan ng madiin ang mukha ko
"I don't want to see your fucking face near my sister. I know your kind. Mga mayayamang brat na uutuin ang mga babae at kapag nakuha na ang gusto, iiwan na lang na parang basahan." Tapos ay marahas na binitiwan ang mukha ko.
Tumingin ako ng diretso sa kanya.
"Hindi ganoon ang tingin ko kay Kassandra." Matigas na sabi ko.
Ngumisi ng nakakaloko sa akin ang kuya ni Kleng.
"Sa tingin mo ba, kapag nalaman ng kapatid mo na ang syota mo ay anak ng driver 'nyo, papayag siya?"
Parang doon ako kinabahan. Kilala ko si ate. Sigurado nga na hindi siya papayag na si Kleng ang maging girlfriend ko.
"Hindi pang - syota lang si Kassandra. And yes, I'll tell my sister about her." Kahit magalit siya, si Kleng pa rin ang pipiliin ko.
"Don't bother to do it. Alam ko na ang mangyayari. Just stay away from sister." Nakita kong tinanggal ng lalaki ang pagkakakasa ng baril niya tapos ay isinuksok iyon sa likuran. "Give me your phone."
"What? Why?" Taka ko.
"Just give me your fucking phone. O gusto mong basagin ko ang mukha mo, pretty boy." Banta pa niya.
Wala naman akong magagawa kaya kahit labag sa loob ko ay pahagis kong ibinigay ang telepono ko. He checked my phone. Contacts, messenger, emails, mga text messages. Pailing - iling lang siya. Tapos ay walang sabi - sabing bigla niyang binali ang telepono ko.
"Mayaman ka. You can easily buy a new phone. Just make sure na kapag bumili ka ng bago, wala na doon ang number ng kapatid ko. Block her in facebook. Stop messaging her because I will know if you do it. Go home at pag - aaral ang atupagin mo." At tinalikuran na niya ako.
Gustong - gusto ko siyang sugurin. Gusto ko siyang suntukin. Pero kapag ginawa ko iyon, siguradong talo din ako.
Mabilis akong sumakay sa kotse ko at mabilis kong pinaharurot paalis doon. Ipapamukha ko sa lalaking iyon na seryoso ako kay Kleng.
———————->>>>>>
Kleng's POV
Gusto kong isumpa si kuya JD. Bakit siya ganoon? Hindi na ba siya nakuntento na tinakot niya si Ferdie? Bakit kailangan pa niyang saktan? Walang tigil ang pag - iyak ko habang idina - dial ko ang number ni Ferdie. Cannot be reached. Nagalit kaya siya akin?
Ferdie, sorry sa ginawa ni kuya.
Ferdie, please. I - message mo naman ako. Tawagan mo ko para malaman ko lang na okay ka.
Sunod - sunod ang mga messages ko sa kanya. Pero wala siyang sagot sa akin. Ano kayang nangyari sa kanya?
Magdamag akong hindi halos nakatulog at nag - iiyak lang. Kahit katok na ng katok si nanay sa kuwarto ko ay hindi ako nagbubukas ng pinto. Hindi rin ako kumain ng agahan. Nakatingin lang si nanay sa akin dahil magang - maga ang mata ko. Nagpaalam lang ako na maagang papasok sa school pero ang totoo, gusto ko ng magkita kami ni Ferdie. Gusto ko na siyang makausap.
Si Yanna pa lang ang taong nasa student council office. Busy siya sa pakikipag - usap sa telepono. Seryoso ang pakikipag - usap niya. Hindi naman niya alam na dumating na ako kaya ang lakas ng boses niya.
"Sphinx, ilang buwan na akong undercover dito. Pero hindi si Julius Contreras ang target natin. That boy is clean."
Napakunot ang noo ko. Undercover? Ano ba itong pinagsasasabi ni Yanna?
"You better get me out of here. Mukhang wala dito ang pinuno ng drug syndicate na pinapasundan mo." Sabi pa niya.
"Yanna?" Tawag ko sa kanya.
Gulat na napatingin sa akin si Yanna at parang kinakabahan siya.
"Okay, tita. Yes. Uuwi ako ngayon weekend para magkasama - sama tayo. I'll see you soon. Bye." At pinatayan na niya ng telepono ang kausap niya. "O? Bakit magang - maga ang mata mo? Umiyak ka ba?" Tanong niya sa akin.
Parang nakalimutan ko na ang mga narinig kong sinabi niya sa kausap niya. Naalala ko na naman si Ferdie. Bigla na lang ako napahagulgol ng iyak.
"Si kuya kasi, sinaktan niya si Ferdie kagabi."
"Ha? Bakit naman niya sasaktan si Ferdie?" Taka ni Yanna.
"Boyfriend ko na kasi siya. Hinatid niya ako sa bahay tapos nahuli kami sa kotse na naghahalikan. Wala naman kaming ibang ginagawa. Ayun, sinaktan niya si Ferdie. Hindi ko na siya makontak," umiiyak na sabi ko.
"Hala siya. Boyfriend mo na si Ferdie? Ang landi mo!" Lakas ng tawa ni Yanna.
"Kailangang magkausap kami." Sabi ko at lumabas na ako. Pinuntahan ko ang kissing booth nila Chelsey para ma - check kung nandoon si Ferdie pero wala din. Si Chelsey lang at barkada niya ang nandoon. Nagtago na lang ako sa bandang likod na hindi nila ako makita kasi siguradong magtatanong sila kung bakit hinahanap ko si Ferdie.
"Wala pa ba si Ferdie baby? Late na naman siya," sabi ni Chelsey.
"Grabe din ang pananampalataya mo 'no? Sinabi na nga niya na maghanap na tayo ng iba. At mukhang wala na tayong pag - asa. Hindi tayo ang type ni Ferdie," sabi ng isa.
"Excuse me. Do you think seseryosohin niya ang geek na Kassandra Jade na iyon?" Natatawa pa siya. Napahawak ako sa dibdib ko. Alam ba nila na may relasyon kami ni Ferdie.
"Well, baka brainy girls talaga ang type ni Ferdie. Imagine napansin niya ang pangit na 'yun."
"Mga tanga. Nag - trip lang si Ferdie. It was just a fucking bet." Lakas ng boses ni Chelsey habang nag - aayos ng mga paninda nila.
Napalunok ako. Bet? Ano ba ang sinasabi niya?
"Anong bet? Hoy, ano ang alam mo? I - chika mo naman sa amin." Ang lalakas ng boses nila.
"Actually, hindi ko pa alam lahat ng details. But, I heard nag - uusap silang mag - tropa na it was just a bet between Kassandra and Ferdie. Huge money is involve. Alam mo naman ang mga anak mayayaman na iyon. Walang problema ang pera sa kanila kung gusto nilang maglaro," sabi pa ni Chelsey.
"So pustahan lang 'yung kay Kassandra?" Paniniguro ng isa.
"Yes. 'Di ba? Gawain naman ni Ferdie 'yan. Ilang babae na ba ang ginanyan niya? After matikman, iiwan na. Poor Kassandra. Matalino nga pero tanga naman." Tatawa - tawa pa si Chelsey.
Hindi ko na kayang pakinggan pa ang pinag - uusapan nila kaya mabilis akong umalis doon. Parang sasabog na ang dibdib ko sa sobrang sama ng loob. So, talagang niloloko lang ako ni Ferdie? Pustahan? Pinagpustahan lang nila ako?
Tumutunog ang telepono ko at nakita kong si Ferdie ang tumatawag sa akin. Lalo akong napaiyak at lalong nadagdagan ang sama ng loob ko. Hindi ko makayang sagutin ang tawag niya. Nag - text naman siya.
Where are you? Nandito ako sa office 'nyo. I want to see you.
Para akong robot na naglalakad habang papunta sa office namin. Hindi ko pansin ang mga estudyanteng nakakasalubong ko. Pagdating ko doon ay nakita kong naroon si Ferdie at si Yanna. Mabilis siyang tumayo at lumapit sa akin. Akma niya akong yayakapin pero mabilis akong umiwas.
"I am so sorry last night. My phone was - "
"Magkano Ferdie?" Tanong ko sa kanya.
Kumunot ang noo niya sa akin. "Ha? Ang alin? Magkano ang alin? Ito bang phone ko? Pinabili ko lang sa secretary ni ate. Nasira ang phone ko kagabi. Are you okay? Kasi 'yung -"
"Demonyo ka. Magkano ang pustahan 'nyo para maging syota mo ako?" Galit na sabi ko sa kanya.
Nakita kong namutla ang mukha ni Ferdie at napalunok siya.
"K - Kleng, hindi ko alam ang sinasabi mo. Anong pustahan? Wala akong alam 'dun."
Malakas ko siyang sinampal. Mabilis akong nilapitan ni Yanna at inawat.
"Ang kapal ng mukha mo. Hindi ka talaga dapat pagkatiwalaan. Manloloko na, sinungaling ka pa. Sana nga binugbog ka ni kuya kagabi. Ganun' kababa ang tingin mo sa akin? Laruan ba ako para pagpustahan 'nyo ng mga demonyo mong kaibigan? Hindi kami mayaman na tulad 'nyo pero hindi kami kasing sama 'nyo." Umiiyak na sabi ko.
"Kleng please, makinig ka naman sa akin. It's not what you think, okay. It was not a bet. Mahal kita," punong - puno ng pagmamakaawa ang itsura ni Ferdie.
Umiling lang ako. "Hindi mo na kailangang umarte. Nanalo ka na 'di ba? I - enjoy mo na lang ang pera mo. Gago!" Bumitiw ako sa pagkakahawak ni Yanna at iniwan ko na sila doon.
Lakad - takbo ang ginawa ko para hindi nila ako masundan. Iyak lang ako ng iyak. Ang sakit - sakit ng dibdib ko. Literal na para itong sasabog. Ang tagal - tagal kong nag - ingat para hindi maloko pero ito pa rin.
Niloko pa rin ako ng unang lalaking minahal ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top