• Amusement Date •
—- Sabi ko babawi ako 😊
Kleng's POV
Naka - receive ako ng text kay Ferdie na sa parking lot na kami magkita na dalawa. Nagpaalam na lang ako sa mga kasama ko na maaga akong aalis dahil may bibilhin pa akong libro. Naka - receive din ako ng text kay nanay na umuwi ako ng maaga. Uuwi daw kasi ang kuya ko.
Diretso ako sa parking lot. Hinanap ko ang kotse ni Ferdie at nakita ko siyang nakatayo sa gilid noon. Nakangiti siyang nakatingin sa akin.
Pakiramdam ko ay literal na nalaglag ang panga ko kasi ang guwapo - guwapo naman talaga niya. Ang ganda - ganda pa ng ngiti niya at talagang nakaka - inlove ang mga tingin niya.
Mabilis akong sumakay sa kotse niya kahit na nga nakalahad ang dalawang kamay niya para yakapin ako. Siraulo ba siya? Baka makita pa kami ng mga estudyante siguradong pagchi - chismisan kami.
"Wala man lang akong welcome embrace?" Himig nagtatampo siya ng sumakay sa sasakyan.
"Baka may makakita sa atin," sagot ko at tumingin ako sa labas. Alam ko naman na safe ako dito sa loob ng kotse dahil super dark ng tint. Walang makakakita sa akin.
"Ano naman? Gusto ko nga makita nila na ako ang kasama mo para wala ng didikit sa iyo," sabi niya at binuhay ang makina ng kotse niya.
"Hindi nga puwede 'di ba? Mahirap ng may makaalam nito. Saan pala tayo pupunta?"
Ngumiti lang siya sa akin. "Surprise."
"Saan nga? Kailangan kong umuwi ng maaga. Dadating daw ang kuya ko."
"Kapag ginabi tayo ipakilala mo ako sa kuya mo. Saka bakit ba mas takot ka sa kuya mo?" Nakatutok ang pansin niya sa kalsada.
"Hindi mo kilala si kuya. Dati siyang sundalo. Sa army. Ngayon private security ng isang pulitiko yata o negosyante. Hindi ko rin alam ang detalye sa trabaho niya. Basta mas mahigpit pa si kuya sa magulang ko," paliwananag ko sa kanya.
Tumango - tango lang si Ferdie. "Kung maayos naman akong magpapakilala sa inyo, sigurado naman na maayos din akong tatanggapin ng pamilya mo. I have known Manong Ben and he is nice."
"Kilala mo si tatay pero hindi ang kuya ko. Basta. Hindi mo puwedeng makilala si kuya. Baka pilipitin lang 'nun ang leeg mo."
Natawa siya ng parang nakakaloko sa akin.
"Kung sinasabi mo lang iyan para takutin ako, hindi effective."
Inirapan ko lang siya. Napansin ko ang daan na tinatahak namin na palabas ng Maynila.
"Teka. Palabas na 'to ng Maynila, ah." Nakita kong papuntang Laguna ang biyahe natin. "Saan ba tayo pupunta?"
"Surprise nga. Relax ka lang diyan." Nanatiling nakatutok sa kalsada ang tingin niya.
Hindi na ako nagtanong. Hindi naman siguro ako kikidnapin netong si Ferdie.
Pinigil ko ang ngiti ko ng makita ko ang destinasyon namin.
Enchanted Kingdom.
"Amusement park? Anong gagawin natin dito?" Pinipigil ko ang pagngiti ko.
"Why? What is wrong here? Dito tayo magdi - date. Ayaw mo ng maraming makakakilala sa iyo kaya lumayo tayo." Ipinark ni Ferdie ang kotse niya sa parking spot na nakita niya tapos ay bumaba at pinagbuksan ako ng pinto. "Let's go my princess." Nakangiting sabi niya.
Parang sasabog yata ang dibdib ko sa sobrang kilig.
"Let's enjoy this day. Wala kang dapat na ipag - alala na may makakakita sa iyo na kasama mo ako at ikahiya mo ako."
"Hindi naman kita ikinakahiya. Alam mo naman sa campus sobrang sikat mo doon. Kahit nga ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na nagustuhan mo ako. I am just a nobody. People will walk past at me ng hindi ako tinitingnan. Walang pumapansin sa akin." Sabi ko.
"You got mine. Bigtime." Nakangiting sabi niya.
"Seryoso ka ba talaga sa akin?" Gusto ko kasi talagang makasigurado sa kanya.
Nawala ang ngiti sa labi ni Ferdie at tumitig sa mata ko.
"Seryosong - seryoso. What else do you want me to do so I can prove that I am dead serious with you?"
Umiling lang ako. "Tara na." At naglakad na ako papasok sa loob ng amusement park.
————————->>>>>>>
Ferdie's POV
Guys are calling me non - stop. Salitan ng tawag ang mga kabarkada ko kaya inilagay ko na sa silent mode ang telepono ko. Walang tigil din ang text nila sa akin. Tinatanong kung nasaan ako at sino ang kasama ko. Paano daw kasi, nagwawala si Chelsey dahil hindi pa tapos ang kissing booth pero bigla na akong nawala.
Gago ka. Galit na galit si Chelsey. Nasaan ka ba?
Si Aris iyon.
May pinuntahan lang ako. Sagot ko.
Tiningnan ko si Kleng na abala sa paglalaro ng paghuli sa mga plastic rubber duckies na nasa tubig. Natawa ako kasi talagang tuwang - tuwa siya.
Aris: Saan? Sino kasama mo? Kasama mo si Kleng? Uy! Tang ina si Oligario mukhang totohanan na 'yan ah! Huwag mo naman masyadong totohanin kasi naniniwala naman kami na nakuha mo na 'yang si Kassandra. Magbabayad na kami. Naka - ready ang pera kay Drew.
Nawala ang ngiti sa labi ko ng mabasa ko iyon. I want to cut this fucking bet. I don't need their money. Ayokong malaman ni Kleng ang tungkol sa pustahan na 'to. Nakita kong tumatawang kumakaway sa akin si Kleng habang papunta siya sa bump car area. Ang ganda - ganda ng ngiti niya at napakaganda niya.
Shit. Iba na talaga ito. I think I love her now.
Fuck. Ayokong aminin ito. Alam kong wala akong seseryosohing babae. Pero Kleng is different. I know what I feel for her is really serious. And I don't know how to tell her about that stupid bet.
Kleng made me do some things that I don't normally do. Nag - aaral ako. Alam kong matalino ako pero I want to impress her more kaya puro libro ang kaharap ko kahit dumating ako sa bahay. Hindi na rin talaga ako nakikipag - away kahit madalas na pino - provoke ako ni Julius at ng barkada niya. Ako na lang ang umiiwas. Kaya totoo ang sinasabi ng guidance counselor kay Ate Lucy na ilang weeks na akong hindi nagpupunta doon.
Saan ka nga? Text ulit ni Aris.
May pinuntahan nga ako. Mamaya na lang daan ako unit ni Drew. I need to talk to you guys.
Aris: Hahaha. Seryoso 'yan? 'Tang ina ka! Tapusin mo na kasi ang paglalaro mo diyan kay Kleng para kami naman ang papasok sa kanya. At least alam na namin na madali naman pala siyang mapaamo. Tagal na naming type ni Jojo 'yan, eh.
Para yatang uminit ang puno ng tenga ng mabasa ko ang text na iyon ni Aris. Kung kaharap ko siguro siya, baka talagang nasapok ko ang mukha niya.
Fuck off, asshole. Iyon ang text ko sa kanya.
Aris: Dude, seryoso ka? Joke lang iyon.
Hindi ko na siya sinagot. Pinatay ko na lang ang phone. Nakita kong nakangiting lumalapit sa akin si Kleng hawak ang isang maliit na stuff toy.
"Ang cute o! Napanalunan ko," at tumatawa pa siya.
"Kasing cute mo," nakangiting sagot ko.
Nag - blush ang pisngi ni Kleng.
Napahinga ako ng malalim at hinalikan ko siya sa noo.
"Tara let's eat." At inakbayan ko siya. I want to tell the whole world na siya ang girlfriend ko.
———————->>>>>>
Kleng's POV
Mabagal ang pag - andar ni Ferdie ng sasakyan niya habang papalapit kami sa bahay. Inabot na kami ng alas - otso dahil medyo na - traffic kami pabalik ng Manila.
"Sana nag - enjoy ka," sabi ni Ferdie sa akin ng mai - park niya ang kotse niya.
"Sobra. Thank you," nakangiting sabi ko. Sobrang saya ko talaga ngayon. Ganito pala ang feeling ng may boyfriend.
"I bought all of your stuff kaya you won't need to open your booth for the following days."
"Ano? Ano ka ba? Para sa org iyon." Sagot ko sa kanya.
"Kahit na. Ayokong may lalaking hahalik sa iyo dahil lang sa cause. No. Ayoko ngang may lalaking titingin sa iyo, eh." Seryosong sabi niya.
Natawa ako. "Ayaw mo ng may hahalik sa akin pero ikaw, okay lang na papakin ng mga estudyante at ni Chelsey."
"Well, lalaki ako. Walang mawawala. And everybody knows na bad news ako sa campus. Ikaw, ayokong may pangit silang makita sa iyo. Saka sigurado akong mag - aabang ang Julius na iyan para maka - iskor sa iyo."
Natawa ako at tinanggal ko ang seatbelt ko.
"Sige. Kita na lang tayo bukas," sabi ko at akmang bababa na pero pinigilan ako ni Ferdie.
Hala! Hahalikan ba niya ako?
Inilapit ni Ferdie ang mukha niya sa mukha ko. Napapikit ako kasi ito na yata iyon! Ito na ang first kiss ko!
Pero nakaramdam lang ako ng pagkadismaya kasi hinalikan lang ako sa noo ni Ferdie.
"Good night, love. Sleep tight. I'll see you tomorrow."
Hindi ko naman ipinahalata sa kanya na na - disappoint ako na hindi niya ako hinalikan kaya mabilis na akong bumaba. Kumaway pa ako sa kanya habang tinitingnan paalis ang kotse niya. Hindi mawala ang ngiti sa labi ko habang papasok ako sa bahay kaya hindi ko napansin ang tao na kausap ni nanay.
Kuya?" iyon lang ang nasabi ko ng makita ko ang kuya JD ko na nakatingin sa akin tapos ay sa kotse ni Ferdie na papalayo.
"Mukhang bigtime ang naghatid sa iyo, ah." Seryosong komento niya habang sinusundan ng tingin ang kotse ni Ferdie.
Napilitan akong ngumiti kay kuya. Magaling na imbestigador 'to at alam niya kung nagsisinungaling ako. "Kaibigan ko lang, kuya. Dito rin kasi ang way niya kaya isinabay na niya ako."
"Pangalan," sabi ko habang humihigop ng kape.
Tumingin ako kay nanay. Gusto kong tulungan niya ako sa pag - iinterrogate na ito ni kuya.
"Just the name of your friend na naghatid sa iyo." Ulit pa rin niya.
"Kuya ano ba? Nay," naiinis na ako sa kanya.
"James ano ba? Tigilan mo ang kapatid mo. Bakit mo tinatanong ang pangalan? Para haharasin mo na naman." Nakahinga na ako ng maluwag ng sumabat na si nanay.
"Kailan ako nangharass ng kaibigan mo? Nagpapakilala lang ako," sagot niya sa akin.
"Natatakot sila sa iyo. Saka please. Tigilan mo na nga ako." Inis na sabi ko sa kanya.
Napailing ako. "I am just protecting you. Sa dami ng mga masasamang tao ngayon."
"Mabait si Ferdie. Diyan ka na nga. Minsan ka lang dadalaw dito nang – iinis ka pa." At tinalikuran na siya at nagkulong ako sa kuwarto ko.
Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang kaba. Napangiwi pa ako dahil nakita pala ni kuya na inihatid ako.
Tumunog ang telepono ko at nakita kong si Ferdie ang nagtext.
May nakalimutan akong sabihin sa iyo.
Kumunot ang noo ko. Ano 'yun?
I love you. See you tomorrow love.
Impit akong napatili sa sobrang kilig.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top