• Acceptance •
Kleng's POV
Ayoko na munang magkita kami ni Ferdie. Kasi sa tuwing naiisip ko siya, naiisip ko din ang kalagayan ni Rachel. Pareho kaming buntis. Halos magkasabay kami ng pagbubuntis. Lamang yata ako ng ilang linggo. I am on my eighteenth week of pregnancy and the doctor's fixed my cervix already. No more threat of miscarriage for me because of my incompetent cervix. Maayos na rin akong nakakagalaw.
Kuya JD helped me to file my resignation with Sphinx's agency. She built her agency again after proving to local authorities and other agencies that she is not affiliated with Robert's syndicate. Masaya ako para sa kanya. Alam kong ito ang gusto no Sphinx.
"Are you sure about this?" Malungkot ang mukha ni Sphinx habang binabasa ang ibinigay kong resignation letter.
Pilit akong ngumiti at tumayo. "I don't want my child to grow up knowing that her mom can kill anyone."
Natawa si Sphinx. "Hey, you are still capable of doing that kahit wala ka na sa agency."
"I won't. I'll be living a new life. A normal life. For my baby." I cleared my throat kasi parang may bumabara doon. Marami din kasi kaming pinagsamahan ni Sphinx kaya mabigat din sa loob ko ang pagpapaalam na 'to.
Ngumiti siya. "And I am so proud for you. Bibihira ang mga taong galing dito sa agency na gusto ng normal na buhay. Just like me. I resigned from your brother's agency but I built my own. Hindi ko kasi kayang tigilan 'yung thrill. The adrenalish rush." Natawa si Sphinx. "That's make me more aroused kaya masaya ang married life namin ng asawa ko."
Tumawa din ako.
"Kamusta ka na?" Ngumiti ng nakakaloko si Sphinx. "So you and Oligario ha?"
Kumagat labi ako at umiling.
"Ewan ko."
"Anong ewan mo? Ayan na ang pruweba. Hindi pa ba kayo magpapakasal?"
"I don't know." Napahinga ako ng malalim. "Maraming nangyari na nakagulo sa amin. I need to think first."
"Like what? Hey, when I've seen that boy the first time, I know he is madly inlove with you. Just one look at him and when he is looking at you, you are his world. Bihira ng makakita ng lalaking ganyan."
Napakagat-labi ako at mabilis kong pinahid ang luha kong bigla na lang tumulo. God damn this hormones.
Tumayo si Sphinx at yumakap sa akin.
"I hope everything will be alright. Kung anuman ang pinagdadaanan 'nyo, kung anuman ang nangyayari sa inyo you need to talk about it."
Tumango ako. Pareho kaming tumingin sa pinto at sumilip doon si kuya JD. Tumayo na din ako.
"We will see each other soon. Too bad we are going to lose our badass agent." Malungkot na sabi ni Sphinx.
Yumakap ulit ako sa kanya at sabay na kami ni kuya na lumabas.
"Saan kita ihahatid ngayon?" Tanong niya habang naglalakad kami papunta sa parking.
"Puwede mo ba akong ihatid sa Mental."
Tiningnan niya lang ako na para siyang hindi makapaniwala sa sinabi ko.
"Please. Gusto ko lang siyang makita." Sabi ko.
"I don't think this is a good idea. Ito na nga pinagkakaawayan 'nyo ni Ferdie tapos pupunta ka pa. Lalo mo lang sasaktan ang sarili mo."
"Sige na. Sandali lang. May gusto lang akong patunayan sa sarili ko."
Napahinga ng malalim si kuya at kahit alam kong labag sa kalooban niya ay sinunod na lang niya ang gusto ko.
"I promise I won't do anything stupid. I just want to see her."
"Si Ferdie ba hindi mo man lang kakamustahin? Ilang linggo ng pabalik - balik iyon sa tinutuluyan mo. Hindi ka lang kinukulit dahil ayaw niyang ma - stress ka. Alam mo bang gabi - gabing nasa labas lang iyon ng kuwarto mo? Baka daw kasi kailanganin mo siya. Hindi ka man lang pumayag na samahan ka niya sa treatment mo. May karapatan din siyang malaman ang mga nangyayari sa anak 'nyo." Himig nanenermon na si kuya.
Hindi ako sumagot. Alam ko naman 'yon.
"Huwag ganyan, Kleng. Huwag masyadong mataas ang pride at matigas ang ulo. Matuto kang makinig. Matuto kang bumaba at lumebel sa mga sitwasyon. Huwag mong isipin na laging ikaw ang agrabyado. Hindi mo ba naiisip na kawawa din si Ferdie? Kung marami kang pinagdaanang hirap, ganoon din siya. Alam mo ba kung paano niya kinakaya itong sitwasyong ito? Hindi niya kailangan ang galit mo ngayon. What he need is your understanding. Hindi lang lagi ikaw ang dapat unawain. Matuto ka ding umunawa sa kalagayan ng iba."
Tumatagos sa pagkatao ko ang bawat sinasabi ni kuya. Nakayuko lang ako habang dinadama ko ang bawat salitang sinasabi niya. Totoo kasi lahat iyon.
"Hindi ginusto ni Ferdie ang nangyari sa kanila ni Rachel. Kung may unang taong dapat na magalit dahil sa nangyari, ako iyon. Dahil ano? Niloko ka niya? Binuntis ka na tapos nambuntis pa ng iba? Alam mong hindi gusto ni Ferdie na mangyari iyon sa kanya. Alam mong ikaw ang mahal niya pero bakit mo siya kailangang parusahan sa kasalanan na hindi naman niya ginusto?"
Durog na durog na ako sa mga sinasabi ni kuya. First time niya akong sinermunan ng ganito na talagang ang sasasakit ng bawat sinasabi niya kasi totoo. Tahimik lang akong umiiyak.
"Ano ang gusto mo? Namatay si Ferdie o kinidnap siya ni Rachel? Mas gusto ko na yata 'yung nakidnap na lang siya. Kasi kahit anong nangyari sa kanila, ikaw pa rin ang pinili niya. Ikaw pa rin ang binalikan. Ibinuwis mo nga ang buhay mo para lang mailigtas mo si Ferdie 'di ba? Pati anak 'nyo muntik mapahamak para lang kay Ferdie. Tapos sa ganitong sitwasyon na puwede 'nyo namang pag - usapan, bigla ka na lang bibitaw at iiwan mo siya. Kung kailan na kailangang - kailangan ka niya. Selfish ka niyan. Wala kang ipinagkaiba kay Rachel. Wala kang karapatang magmahal."
"Puwedeng tama na? Durog na ako sa mga sinasabi mo, eh." Humihikbing sabi ko.
Napahinga ng malalim si kuya.
"Kleng, mahal kita. Pero minsan kailangang alugin 'yang utak mo para matauhan ka."
"Hindi ko kasi alam kung paano ko kakayanin na mayroon pang iba bukod sa anak ko."
"I've told this to Ferdie at napag - usapan na rin namin ni Lucy. Since wala ng ibang kamag - anak si Rachel and she is not capable of taking care of her baby, we are going adopt the baby."
Gulat akong napatingin kay kuya.
"I'm sorry Kleng. We've decided about this. Kahit ayaw mo, kahit ayaw ni Ferdie, we will adopt the baby. Karapatan niya iyon na magkaroon ng magandang future. Walang kasalanan ang bata."
Lalo akong napaiyak pero hindi na ako nagsalita.
Tahimik lang akong nakasunod kay kuya habang naglalakad kami papasok sa Mental. May sumalubong na attendant kay kuya na parang kilalang - kilala na siya doon. Dinala kami sa isang maayos na kuwarto.
Nakasara ang pinto at may maliit na salamin para makita ang nasa loob. Sumilip si kuya at napangiti siya ng mapakla
"Lagi lang naman siyang ganyan. Nakahiga at laging tinatawag ang pangalan ng asawa niya." Sabi ng attendant sa amin.
Sumilip din ako at nakita ko ang sitwasyon ni Rachel. Nakahiga siya sa kama wearing a hospital gown. Nakatitig sa ceiling habang panay ang banggit ng pangalan ni Ferdie. Medyo umbok na rin ang tiyan niya. Pareho kami.
May dumating na isa pang nurse attendant na may bitbit na mga gamot at pumasok doon.
"Rachel, iinom ka na ng gamot."
"Hindi nga Rachel ang pangalan ko. Ako si Kassandra. Kassandra Jade ang pangalan ko," inis na sabi ni Rachel.
Napatingin ako kay kuya.
"She keeps on telling everyone that her name is Kassandra Jade." Sagot niya sa akin.
Bumangon si Rachel at tumingin lang sa attendant.
"Gamot mo 'to. Para sa baby mo. Para lumakas siya." Sabi ng attendant dito.
"Baby ko? Magkakababy na kami ng asawa ko? Ni Ferdie?" Kitang - kita ko ang tuwa sa mukha niya.
Napapikit ako at napaiyak.
"Oo. Sige na. Inom na."
Sinunod naman niya ang sinabi ng attendant. Ininom niya ang gamot at muling nahiga sa kama.
"Tawagin mo ako kapag dumating na si Ferdie ha?" Bilin pa nito sa attendant.
Tumango lang ang attendant at lumabas na.
I looked at Rachel and I think she is not faking this. She is really crazy and mukhang wala na siyang pag - asang gumaling. She is living in another world. Tulad ko, umaasa din siyang magkaroon ng normal na buhay. Umaasa din siyang magkaroon ng maayos na pamilya and instead of feeling angry, I felt pity for her.
At least ako, hindi ko kailangan mabuhay sa ibang mundo kasama si Ferdie. Kasi, ako ang mundo ni Ferdie. Gaga ako. Ngayon ko na - realize kung gaano ako kasuwerte. Hindi ako katulad ni Rachel na nagmamakaawa, umaamot ng kahit konting atensiyon ni Ferdie. Ako, nasa akin ang lahat ng atensyon niya. Ako ang buhay niya and yet, tinalikuran ko siya dahil sa isang pagkakamali na hindi niya ginusto.
"Uwi na tayo." Mahinang sabi ko.
"Okay ka na?"
Tumango ako at inalalayan ako ni kuya maglakad palabas.
"Is she receiving a good treatment for her pregnancy?" Tanong ko habang pasakay kami ni kuya sa sasakyan.
Tumango siya. "Ferdie asked me to take care of it. Kami ni Lucy ang nag - aasikaso para sa kalagayan ni Rachel."
"Anong sabi ni Ferdie?"
Tiningnan ako ni kuya. "Why don't you ask him?"
"Kakausapin ba niya ako? I pushed him away."
Napailing si kuya at marahang ginulo ang buhok ko.
"It's about time na ikaw naman ang gumawa ng paraan. Ikaw naman ang maghabol. Nakakapagod din 'yun 'no."
"Teka nga. Bakit ba parang si Ferdie ang kinakampihan mo?"
"Wala akong kinakampihan sa inyong dalawa. Doon lang ako sa tama. And this time, mali ka."
Napabuga lang ako ng hangin.
"Hindi ko nga alam kung saan ko siya pupuntahan."
Natawa si kuya. "Hindi mo alam? Doon lang naman nakababad si Ferdie sa katabing kuwarto mo. Inaabangan kung kelan ka makikipag - usap sa kanya. Ermitanyo na siguro 'yon."
"Hatid mo naman ako doon."
Tumawa lang si kuya sa akin.
"You two are really pain in the ass." Natatawang sabi niya habang nagsimulang magmaneho.
————————->>>>>>
Ferdie's POV
I lost count of days kung kailan ko pa huling nakita si Kleng. She doesn't want to talk to me at ayoko namang pilitin siya dahil baka makadagdag lang ako sa stress niya.
Miss na miss ko na siya. Kahit nandoon lang siya sa kabilang kuwarto, pakiramdam ko nasa malayong lugar siya. Masisira na yata ang ulo ko sa kakaisip kung ano ang gagawin sa sitwasyon namin.
Malaki ang pasasalamat ko kay JD dahil napakalaki ng tulong niya ngayong mga panahong talagang kailangan ko ng masasandalan. He became the older brother that I always wanted. Wala siyang sawa sa pagpapaalala sa akin. Siya din ang tumutulong sa akin kung paano gagawan ng paraan ang sitwasyon ni Rachel. Wala talaga kaming magagawa. Talagang anak ko ang dinadala ni Rachel. JD told me that he requested for another two dna test with two different laboratories and the results are still the same. Rachel is pregnant with my baby.
JD and ate Lucy suggested that they will adopt Rachel's baby. Wala naman daw kasalanan ang bata so bakit ito ang dapat mag - suffer sa kasalanan ng magulang niya? Totoo naman iyon. I am not heartless at kahit baligtarin nga ang mundo, anak ko pa rin ang batang iyon at may karapatan siya sa kung anong meron ako.
I reached for the glass of scotch na nasa tabing mesa ng kama at inubos ang laman 'non. I need to clear my mind kasi talagang mababaliw na ako. Ayoko namang tawagan na naman si JD at itanong ang kalagayan ni Kleng dahil baka makulitan na siya sa akin.
Nagsasalin ako ng alak sa baso ng marinig kong parang may nagbubukas ng pinto. Who could this be? Imposibleng si JD. Hindi nito ugali ang dahan - dahang pagbubukas ng pinto. Basta na lang ito pumapasok ng walang pasabi.
Bumukas ang pinto at parang tumalon ang puso ko ng makita kong si Kleng ang nandoon. May bitbit siyang paper bags ng mga pagkain. Tuloy - tuloy siyang pumasok sa loob. Wala siyang kangiti - ngiti. Seryoso lang ang mukha niya habang tinatanggal ang mga basyo ng bote ng alak sa mesang naroon tapos ay inilapag ang dala niya.
"H - hey," tanging nasabi ko. Baka panaginip lang 'to.
Hindi siya sumagot. Inaayos lang niya ang mga pagkain sa mesa na parang wala ako doon.
"Kleng." Tawag ko sa kanya. Tiningnan ko ang sarili ko. 'Tang ina ampangit ko. Hindi pa ako naliligo. Ang kapal na ng balbas at bigote ko. Pasimple kong inamoy ang kili - kili ko at bahagya akong napangiwi. May amoy na.
"Sabi ni Manang Yoyi hindi mo daw kinakain ang mga niluluto niya. Bumili ako ng seafood noodles and fresh spring rolls. May dimsum din. Parang natatakam kasi ako sa hakaw." Sabi niya at nagsalin ng noodles sa disposable bowl tapos ay naupo sa couch. Ano ba 'to? Ano 'tong trip niya? Are we going to kiss and make up now?
Tumingin siya sa akin na nakataas ang kilay.
"Hindi mo ba ako sasaluhan kumain?" Mataray na sabi niya.
"Sigurado ka?"
"Get off your ass and sit beside me!"
Mabilis akong tumayo at tumabi kay Kleng.
"Ambaho mo. Naliligo ka ba? Amoy alak ka, amoy tao ka." Parang nandidiring sabi niya.
Natawa ako. Kahit sabihin pa niyang amoy basura ako okay lang. Basta ganitong parang nangangamoy kiss and make up na at siya pa ang nag - initiate.
"Kumain ka na," iniabot niya sa akin ang bowl na sinalinan niya.
"Hindi ka na galit sa akin?"
Sumimangot ang mukha niya at napahinga ng malalim.
"It happened. Kung magalit ba ako may mababago sa sitwasyon?"
Para yata akong nakahinga ng maluwag.
"Alam mo naman na ikaw lang ang mahal ko. Ikaw lang ang papakasalan ko."
Lumambot ang mukha ni Kleng at tumingin sa akin.
"Masakit ang mga nangyari pero kailangang tanggapin. Kesa naman ikaw ang mawala sa akin."
Mahigpit kong niyakap si Kleng habang paulit - ulit akong nagso - sorry sa kanya.
Lumayo sa akin si Kleng at hinawakan ang mukha ko.
"Stop saying sorry. Ako ang dapat mag - sorry. Iniwan kita sa mga panahong mas kailangan mo ako. Sorry kasi hindi kita inintindi." Damang - dama ko ang sincerity ni Kleng.
Parang gusto kong umiyak sa tuwa.
"Mahal na mahal kita Oligario. At lahat ng naging parte ng buhay mo ay mamahalin ko kahit pa makakasakit sa akin."
"Nag - usap na kami nila ate. And they are going to-"
"No. I won't allow it. They are not going to adopt Rachel's baby." Putol ni Kleng sa sinasabi ko.
Parang bumagsak ang mundo ko ng marinig ko ang sinabi niya. Akala ko pa naman magiging okay na ang lahat at maiintindihan niya na walang kasalanan ang anak namin ni Rachel.
"Ikaw ang tatay ng batang 'yon so hindi ba dapat ikaw ang magpalaki sa kanya? May tatay siya bakit kailangan mong ipamigay sa iba?" Sabi ni Kleng.
"Kleng, tingin ko mas makakabuting ilayo ko ang batang iyon sa pamilya natin. That baby will always remind us of my ugly past." Katwiran ko.
Kleng kissed my lips just to assure that everything is okay.
"Tatanggapin ko lahat. I'll be his mother. That baby also deserve a better life like ours. We will be his family."
Hindi ko na napigil ang mapaiyak at mahigpit ko siyang niyakap. Hindi ko akalain na ganito kalaki ang puso ni Kleng.
"Thank you. Thank you." Paulit - ulit na sabi ko.
"Siguraduhin mo lang na 'yan na ang huling anak mo sa labas. Kasi kapag meron pa, puputulin ko na 'yang mayabang mong sundalo." Banta niya.
Ang lakas ng tawa ko at hinawakan ko ang mukha niya at hinalikan ko ang mga labi niya.
"Promise." Nagtaas pa ako ng kamay.
"Kumain ka na at maligo ka please lang. Ang baho - baho mo." Reklamo niya.
Lalo akong sumiksik sa kanya at pinaamoy ko pa ang kili - kili ko.
"Kadiri ka! Ang baho mo!" Ang lakas ng sigaw ni Kleng.
Tawa lang ako ng tawa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top