• 20k •
Kleng's POV
"Hindi ba unfair iyon? 'Yung ibang nominees for student council na-disqualify dahil lang sa maliliit na concerns sa pag - aaral nila. Pero si Mr. Oligario? Nagka - campaign na. Hindi ko maintindihan kung bakit siya naging candidate. Alam naman nating lahat ang credibility ng taong iyon," dinukot ko ang ilang mga papel sa bag ko at inilapag sa desk ng head ng student council. "In case na hindi 'nyo alam ang mga kaso niya sa guidance office." Talagang inalam ko kung ano ang mga kaso niya at gagamitin ko iyon against sa kanya.
Napahinga ng malalim ang outgoing president at napailing.
"Wala akong magagawa diyan. Binigyan ng go - signal ng mga in-charge na professors. Kleng, kilala mo naman si Ferdie." Parang kahit siya ay naiinis din sa nangyayari.
"Sorry, hindi ko siya kilala. So papayag ka lang na ganyan? You know he will win. Gagamitin niya ang pera at mga koneksyon niya. At kapag nanalo siya? Anong mangyayari? What are his plans? Do you think makakatulong siya sa student council? Anong ituturo niya sa mga estudyante? Mag - inom? Magsigarilyo? Mag-skip ng klase?" Gusto kong sumigaw sa sobrang inis.
"At least you tried to campaign," parang naiirita na siya kasi wala talaga siyang magawa.
"Ganoon lang? Wala naman problema sa akin kung matalo ako. Basta alam ko deserving 'yung mananalo at makakatulong sa mananalong president ng student council at sa estudyante. But that guy?! Wala siyang kahit isang qualities to be a member of the student council!"
Tumayo ang president at lumapit sa akin.
"Kleng, you have to live with it. Its politics. Kahit saan, alam mong basta may pera, may koneksyon, mahirap labanan iyan. Kahit tama ang prinsipyo mo," malungkot na sabi niya.
Parang gusto kong umiyak kasi totoo ang sinabi niya.
"Magwi - withdraw na lang ako sa candidacy." Sabi ko.
"What? Hindi puwede. Mamayang hapon na ang election. Kleng, hindi ka puwedeng mag - withdraw." Parang nataranta siya sa sinabi ko.
Pinilit kong ngumiti. "Ano pang silbi 'di ba? I know he will win. Makakatulong pa rin naman siguro ako sa mga estudyante kahit hindi ako member ng student council committee. Good luck na lang mamaya," sabi ko at iniwan ko na siya. Hindi ko na inintindi ang pagtawag niya.
Laglag ang balikat ko na naglakad palabas ng office. Nakita ko ang grupo nila Ferdie na abala sa pangangampanya sa mga estudyante. Ang dami - daming estudyante na nakasunod sa kanya. Gusto ko silang sugurin at pagbabatukan para matauhan sila na walang kuwenta ang gusto nilang iboto. Pero bakit pa? Bakit pa ako magpapaapekto. Itinapon ko sa nadaanan kong basurahan ang mga campaign flyers ko at dire - diretso akong lumabas ng university. Uuwi na lang ako.
————————>>>>>>>
Ferdie's POV
"Ibang klase talaga ang karisma ng animal na 'to. Isipin mo, kahapon lang nag-file ng candidacy, ngayon sigurado na ang panalo sa student council," natatawang sabi ni Aris habang nag - aabot ng mga gift cards sa mga nadadaanang estudyante.
"Ewan ko diyan sa gago na 'yan. Kung ano - ano ang trip. Bigla namang sumali sa ganyan," naiiling na sabi ni Drew. Halatang ayaw ni Drew sa ginagawa ko. May pagka - selfish ang isang 'to, eh. Gusto lagi lang kaming mag - iinom.
"Na - challenge lang 'yan kay Kleng. Kasi hindi tumalab ang charm niya. Tanggapin mo Ferdie, hindi lahat ng babae kaya mong makuha," natatawang sabi ni Jojo.
Tinawanan ko sila at kumaway ako sa mga estudyanteng kumakaway din sa akin.
"She's not even my type," natatawang sagot ko.
"Ulol. Ang ganda - ganda kaya 'non. Beauty and brains. Saka wala pang nagiging boyfriend dito 'yun. Walang pumapasa sa standards niya," sabi ni Aris.
"Gusto mo pumasa ako sa standards niya?" Mayabang na sabi ko.
"Siraulo. Paano ka papasa eh, badshot ka na nga. Kalabanin mo ba naman." Sabi ni Jojo.
"Kung kaya kong gawin? Give me two weeks, ako ang magiging first boyfriend niyang si Kleng Carbonel. Ako ang magiging first niya sa lahat," buong - buo ang kumpiyansa ko.
Tawanan silang tatlo.
"Hindi mo kaya," sabi ni Drew.
"Pustahan 20k. Kapag nagawa ko ang sinasabi ko. Bibigyan 'nyo ako ng 20k. Bawat isa sa inyo, ha? 20k. Pero kapag hindi ko nagawa dodoblehin ko 'yan. Small time lang 'yan, ha?" Sabi ko.
"Na - challenge ka talaga, ha? Pero sige. Call." Natatawang sabi ni Drew.
Tatawa - tawa ako. Sa utak ko, ang dami - daming ideas ng pumapasok para mahulog sa kamay ko ang Kleng Carbonel na iyon. Nakuha ko nga ang pinaka - mahinhin na estudyante ng third year. Akala kong tatahi - tahimik. Pagdating sa kama, daig pa ang pornstar umungol at gumiling.
"Watch me. I'll make her fall for me in the first week, the second week, she will beg me not to leave her." Pagmamayabang ko pa.
"Sige. Galingan mo." Tinapik pa ni Jojo ang balikat ko.
"Kapal naman ng mukha mong tumakbo sa student council. Alam naman ng lahat kung gaano ka kagago."
Pare - pareho kaming napatingin sa nagsalita at nagtagis ang bagang ko ng makita kong si Julius Contreras iyon. Third year student din na talagang malaki ang galit sa akin at kay Ate Lucy. Dati kasing nagta - trabaho sa company namin ang daddy niya pero tinanggal ni ate. Nahuli kasing gumagawa ng illegal. Knowing my sister, hindi na magtatanong iyon. Basta may dahilan, tatanggalin na lang niya kahit sino pa iyon.
"'Wag mo ng patulan. Pagandahin mo muna ang image mo," bulong ni Aris sa akin.
Hindi ko na lang siya pinansin. Diretso na lang akong naglakad.
"Kamusta na ang kapatid mong anak ng demonyo? Sabagay, magkapatid nga kayo. Ikaw naman ang anak ng demonyo dito sa university." Tatawa - tawa pang sabi ni Julius.
Mabilis ko siyang dinukwang para suntukin pero mas mabilis na umawat ang mga kaibigan ko. Pati ang ibang mga estudyante ay ganoon din ang ginawa.
Tatawa - tawa si Julius.
"May araw ka rin gago. Gaganti ako sa ginawa ng kapatid mo sa daddy ko," sabi niya tapos ay nag-dirty finger pa siya sa akin bago umalis kasama ang mga barkada niya.
"Fucking asshole," mahinang sabi ko.
"'Yaan mo na. Huwag mo na lang pansinin. Isipin mo na lang ang mga plano mo kay Kleng. Parang na - e-excite na ako sa 40k ko." Pinapatawa ako ni Aris.
Pinilit ko na lang tumawa pero talagang sinira na ng Julius na iyon ang araw ko. Dire - diretso kaming naglakad papunta sa office ng student council ng may madaanan akong basurahan na may mga nakakalat na papel. Napakunot - noo ako at dumampot ako ng isa. Campaign flyer ito ni Kleng. Bakit nasa basura?
Pumasok ako sa office at naabutan ko doon ang outgoing president ng council. Parang napipilitan siyang ngumiti sa akin. Alam ko naman ayaw niya sa akin. Sino ba naman ang hindi nakakakilala sa pagiging teacher's enemy number one ko sa university. Pero wala lang siyang magawa. Nag - pledge kasi ako ng isang tv at sound system para sa council nila.
"Congratulations, Mr. Oligario. Sure winner ka na mamaya," sabi niya sa akin.
"Sure winner? Bakit?" Taka ko. Anong nangyari kay Kleng?
"Nag - withdraw ng candidacy si Kassandra Carbonel. Wala ka ng kalaban. Sigurado na ang panalo mo."
Napatingin ako sa mga kasama ko. Ang gaganda ng ngiti nila.
Napangiti din ako. This is good. This is very, very good. Mukhang makaka - first base ako kay Kleng dahil sa pangyayaring ito.
———————->>>>
Kleng's POV
"Wala kang imik diyan? Wala ka bang klase at maaga kang nandito sa bahay?" Tanong ni nanay sa akin.
Tumingin lang ako sa kanya at muli kong itinutok ang pansin ko sa tv.
"Wala naman hong gagawin sa school. Botohan lang po sa student council." Sagot ko.
"O? 'Di ba nagpuyat ka pa kagabi para sa flyers mo? Dapat nandoon ka. Kahit ayokong sumali - sali ka sa mga ganoon."
Sumimangot ako ng maalala ko ang Ferdinand Oligario na iyon.
"Ayoko na, ho. Nagbago na ang isip ko."
Tingin ko ay natuwa si nanay sa sagot ko.
"Maige naman. Sige. Magpahinga ka na lang diyan." Iniwan na niya ako.
Napahinga ako ng malalim. Sa totoo lang, nalulungkot talaga ako sa nangyari. Ang dami - dami ko pa namang mga plano para sa mas ikabubuti pa ng mga estudyante. Pero malaking pader ang binangga ko kaya tama lang na tumigil na ako. Sila - sila na lang doon. Pagbubutihin ko na lang ang pag - aaral ko.
Narinig kong tumutunog ang telepono ko. Tumatawag si Yannah.
"Bakit?" Walang buhay kong sagot. Palipat - lipat ako ng channel ng tv.
"Nasaan ka?" Dama ko ang excitement sa boses niya.
"Dito. Sa bahay. Ikaw?"
"Ano ka ba? Dapat nandito ka sa school. Nagkakagulo dito sa election. They are announcing the winners already," sabi niya. Naririnig ko nga sa background ang pagkakaingay ng mga estudyante. Kakainggit. Parang ang saya - saya nila.
"Congratulations sa mga nanalo," sabi ko.
"Congratulations sa iyo. Nanalo ka, Kleng. You're the new vice - president of the student council!" At malakas pang tumili si Yanna.
Napabangon ako sa narinig kong sinabi niya.
"Ha? Ako? Paano nangyari?" Taka ko.
"Bago mag-start ang election, Ferdie withdraw. Ewan kung anong nangyari. Tapos he announced to everyone na dapat ikaw ang iboto nila. He campaigned for you."
"Ano?" Totoo ba ang sinasabi ni Yanna?
"Kaya pumunta ka na dito. Dali. Hihintayin kita sa gate."
Parang wala ako sa sarili na pinatay ang telepono.
Nanalo ako? Hindi ako makapaniwala.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top