📕POETRY RESULTS📕
Participants remember that our judges have different perspective in terms of judging. In every contest there's a winner and a loser. Accept the results wholeheartedly. If you have problem or question approach your judges calmly, message them privately and don't just give harsh comments, okay?
Judges - @dreamers_tale and iskozophrene
1. @fearlessvindex - Mga Tula ng Lalaking Tulala - HONORABLE MENTION
Creativity/Style and Originality - 28 - 27.66
Rhyme Scheme - 13 - 13.86
Clarity of imagery and language - 14 - 13.92
Tone and voice of the poem - 19 - 19.04
Coherence of form and structure - 18 - 18.84
Total Score - 92% - 93.32
OVERALL SCORE = 92.66%
FEEDBACK;
Ang iyong panimula ay agaw pansin at kahuma-humali. Ang mga tugma at taludtod ay tila isang bulaklak na nakaka-akit at nakabibighani. Ang bawat tulang nakasulat sa libro ay puno ng emosyon at mensaheng kapupulutan ng aral. Gayunpaman, may mga linya at salita akong nakita na hindi masyadong angkop o nararapat sa parirala o pangungusap. Tignang mabuti kung tama ang paggamit ng salitang galaw (action verbs), at gawing balanse ang iyong mga taludtod upang magkaroon ng maayos na daloy ang tula at hindi masyadong masalita. At panghuli, kung maaari'y gawing mas pulido ang bawat transisyon sa bawat stanza.
[Example Poem 4: Last stanza transition, from the first verse to the second verse, it feels like there's a missing link. It was okay but not the best. I suggest (hindi mo kailangang sundin); Panaho'y nagdaan at ako'y muling nagbalik, upang harapin ang panibagong umaga. Dahil ang pusong, minsa'y nasugatan ay unti-unting naghilom at bumangon sa pagkakadapa...]
Sa kabuuan, may angking ganda ang iyong tula, nawa'y ipagpatuloy ang iyong paglikha.
FEEDBACK;
Ang hinding-hindi ko makakalimutan sa entry na ito is ang lungkot na nakapaloob sa bawat tula. They all have this gloomy effect sa readers na parang the poems themselves want the readers to sympathize with them. As for the rhyming scheme, lahat naman ng tula a nakasulat dito ay may tugma. Pero may kaunting problema lang sa ibang linya kasi minsan, sa kagustuhan nating magkatugma ang bawat linya, naghahanap na lang tayo ng kahit anong salita basta magkatugma lang kahit medyo naa-out of place siya sa tula. But that's just a minor problem lang naman. Ang nagustuhan ko naman sa lahat is ang "Sampung Atras." Pinakanagustuhan ko doon is ang style of writing. Parang tula siya ng mga alaala. Kasi minsan reminiscing happy moments doesn't make you happy, but it breaks even more. Kaya nagustuhan ko ang "Sampung Atras." To sum it all, nakakatulala ang mga tula mo! Good job!
2. Alegny - Jar of Rhymes
Creativity/Style and Originality - 28 - 27.78
Rhyme Scheme - 13 - -14.04
Clarity of imagery and language - 13 - 13.92
Tone and voice of the poem - 18 - 18.84
Coherence of form and structure - 19 - 18.76
Total Score - 91% - 93.34%
OVERALL SCORE = 92.17%
FEEDBACK;
The poems have a great tone and voice that catches the emotion of the readers. I like how experimental each chapter had been. From rhymes to a narrative poem, it showcases the creativity of the writer. However, there were a lot of punctuations missing in verses or stanza. Please try to add period or comma in some lines so that readers will be able to pause or stop when reading. Another one is the transitions that were a hit or miss. Some lines needed a few editing due to either word structure or choice of words. Try to fix some of the word tenses as well to create a better flow. [Example: Poem 1, first verse, the second stanza; 'will' instead of 'would'] Nonetheless, the free verses (2nd and last poem), as well as the conclusion on the third poem, were well done. Keep it up.
FEEDBACK;
Sa entry na 'to, ang nag-mark talaga sa akin is ang "I Never Thought." Pasok na pasok siya sa spoken poetry. The repetitions are superb! Maganda rin ang rhymes na ginamit. Nagustuhan ko rin kung paano mo nilaro ang mga salita sa tulang ito. And most of all of course, ang feelings. Nandun ang feelings. Nagandahan rin ako sa "True Beauty." It's very short pero ang kaiklian nito ay hindi nagpa-down sa tula. Oo, maikli siya pero sapat na ang mga nakasulat para tapusin ang tula. After all, it's not the size that matters diba? It's the performance. At ang panapos na line, it's cool! Ang dalawang natitirang tula naman maganda naman sila pero para sa akin, may kaunting kulang lang. Let's just say na mayroong magandang elements ang nakapaloob sa "I Never Thought" at "True Beauty" na hindi ko nakita sa natitirang tula. Pero, sa overall, you're excellent!
3. @Waenghyun2 - Paru-parong Letra - 3RD PLACE
Creativity/Style and Originality - 29 - 27.78
Rhyme Scheme - 13 - 13.89
Clarity of imagery and language - 14 - 13.86
Tone and voice of the poem - 19 - 18.64
Coherence of form and structure - 18 - 18.6
Total Score - 93% - 92.77%
OVERALL SCORE = 92.89%
FEEDBACK;
Matalinghaga ang nilalaman ng mga tula. Maganda ang tono nito at malaman ang mga mensahe. Sadyang napakahusay din ng pagkakahandog at paglikha, pinakanagustuhan ko ang una at ikatlong tula dahil ito'y natatangi at kakaiba. Ngunit ang bawat tula ay hindi pulido. May mga bagay o salita pa ring kailangan baguhin o palitan upang magawang mas maging organisado ang kabuoang gawa. Isa na d'yan ay ang pagkakasunod-sunod at transisyon ng bawat taludtod. [Example: Poem 2 last stanza; confusing and repetitive. Halos parehas ng sinasabi sa ikalawang saknong.] Kailangang mapanindigan ang ganda ng unang salita hanggang sa huli upang mas tumatak ang mensahe. Suriin din ang mga bantas at ang mga salitang gawa (action verb) upang hindi magsalin-salin at maintindihang mabuti ang binabasa. Sa kabuuan, kahanga-hanga ang iyong gawa. Nawa'y ipagpatuloy mo ito.
FEEDBACK;
First of all, marami akong nakitang tayutay at 'yan ang kaluluwa ng bawat tula. Nagamit mo rin naman sila ng maayos at saludo ako sayo para dun. Ang coherence naman ng mga tula ay buong-buo, hindi rin mawawala ang consistency. May isang piyesa lang na hindi ko lang maunawaan talaga ng buong-buo. Hindi ko alam kung kuwento ba siya o may talinhaga sa likod ng kuwentong iyon. Ilang beses ko na siyang ulit-ulitin pero wala akong may mahanap na sagot. Pero ang ibang mga tula naman, may laban din naman sila at nagustuhan ko rin. Pero I really like how you used figures of speech. Very good!
4. @Casideey - Gunita
Creativity/Style and Originality - 29 - 28.2
Rhyme Scheme - 12 - 13.83
Clarity of imagery and language - 13 - 14.25
Tone and voice of the poem - 18 - 18.84
Coherence of form and structure - 17 - 19.04
Total Score - 89% - 94.16%
OVERALL SCORE = 91.58%
FEEDBACK;
Simple lang ang pamagat ngunit punong-puno ng matatalinhagang salita ang laman nito. Nagustuhan ko ang pagpresinta at paglalahad mo ng mga tula. May angking ganda ang iyong paglikha, at malaman ang iyong mga salita. Ang paggamit ng simbolo at mga tayutay ay isang napakalaking sangkap din sa paggawa ng tula, kaya naman ito'y kamangha-mangha. Subalit, may mga salik ng tula na sana'y nagawang pulido at mas organisado upang mas magkaroon ng mas malakas na epekto sa mga mambabasa. [Example: Poem 5 first stanza; first three verses could have been better. I suggest (you can ignore it if you want);
Ipinanganak na walang muwang,
nabuhay sa kinilalang pamilya.
at pinagtagpo ng oras sa kapwa.] Mas maayos kasing tignan kapag ang sukat ay pantay-pantay para may balanse ang bawat saknong. At higit sa lahat, ugaliin ding maayos at sistematiko ang pagputol ng bawat taludtod para sa magandang daloy ng tula. Sa kabuuan, mahusay ang pagkakasulat kaya sana'y pagbutihin mo pa.
FEEDBACK;
Walang masyadong tugma. Yan agad ang napansin ko sa mga tula mo. Rhymes are like physical beauty of the poems. Pero kahit walang tugma, na pull-off mo ang mga tula na isinulat mo. Grabe! "Ulan sa Dapithapon," ang masasabi ko lang sa tula na ito, bilib na bilib ako sa talinhaga nito. Simple lang naman ang tula. It's just about a girl listening to the raindrops. Pero, the choice of words, the structure of each lines, thumbs ako dun. "Makahiya sa Lilim," is a whole metaphor. Ang simpleng damo na tumitiklop kapag nahahawakan ay nahanapan mo ng kahulugan! I dunno what to say sa tulang 'to. Papalakpak na lang ako. And lastly, "Pinagtagpi-tagping Rehas," ito pinakanagustuhan ko sa lahat. Why? Dahil habang binabasa ko ang tula, I thought it's all about the girl na gusot-gusot ang damit, magulo ang buhok, kulubot ang balat. Pero, it's all about us pala, na hindi dapat tayo magpalamon sa depresyon. Ang ibang mga tula ay maganda rin, hindi ko na lang babanggitin. Pero 'yung concern ko lang is ang rhymes. Kasi may mga taong hindi agad nagugustuhan ang mga tulang walang tugma. But physical is not vital naman. Nakadepende pa rin 'yan sa magiging takbo ng tula. So all in all, Kudos!
5. Dayanarysong - Falling Stanzas
Creativity/Style and Originality - 28 - 27.54
Rhyme Scheme - 12 - 13.95
Clarity of imagery and language - 13 - 13.71
Tone and voice of the poem - 18 - 18.44
Coherence of form and structure - 17 - 18.36
Total Score - 88% - 92%
OVERALL SCORE = 90%
FEEDBACK;
The title was catchy, and most of the poems had a good flow. I like the uniqueness and emotions in every poem because it shows the versatility of the author in creating content. However, there were a few things that needed improvement. One is the use of slang. For the most part, it was okay, but if used repeatedly, it won't be impactful. Another one would be the way the stanzas separated and the tenses of words. There are times where the verses can get confusing due to the action verbs or the structure of the poem. [Example: Poem 3 first stanza; third and fourth verse is a bit intricate. I suggest (you can ignore it if you want);
Sa ilalim ng liwanag ng bilog na buwan
at ningning ng mga bituin sa kalangitan,
chat mo sa GC ang hinihintay at kailangan
dahil mula pa umaga magpahanggang gabi,
reply mo lang ang inaasam ko palagi.]
In this way, the length/meter of your stanza is almost the same and more organized, and the flow will be better. Nonetheless, the overall poems were greatly done. Keep up the good work.
FEEDBACK;
Ang masasabi ko talaga is parang bata na sobrang jolly ang nagsusulat ng mga tulang ito. Like, kahit hindi siya crush ng crush niya, move on 'cause life must go on lang siya. Pati na rin mismo ang style of writing, parang bata na rin mismo. That's not a bad comment ha. I'm just saying what I feel. After all, that's your own style of writing. Ang concern ko lang is ang mga words na ginagamit for rhymes. Tip lang po, do not compromise the idea and coherence of the poem just for the sake of rhymes ng isang tula. Ang importante tuloy-tuloy at swabe ang takbo ng tula. Pero I think these kind of poems are for those who are gullible in nature, katulad ng pagkakasulat ng tula. They're good! Just keep on writing poems!
Judges - @SVG_PRNCSS and empress_tine
6. dimenaG - Mga Tuha Ng Pusong Nasaktan
Creativity/Style and Originality - 25 - 30
Rhyme Scheme - 15 - 14
Clarity of imagery and language - 12 - 14
Tone and voice of the poem - 15 - 19
Coherence of form and structure - 18 - 19
Total Score - 85% - 96%
OVERALL SCORE = 90.5%
FEEDBACK:
Gems
>> realistic kaya maraming sawi sa pag-ibig ang makaka-relate.
>> tama ang grammar at nakukuha agad kung ano ang punto ng tula.
Germs
>> kakulangan sa matatalinghagang salita, masyadong literal ang pagpapahayag ng paksa, pati sa imagery na maaari sanang makadagdag ng kulay sa tula.
>> Obserbahan ang paggamit ng mga bantas, lalo na ng kuwit at tandang pananong dahil ang mga ito ang maghuhudyat kung saan dapat magkaroon ng pansamantalang hinto o baguhin ang tono at intensidad.
FEEDBACK;
I like your poems. Pati na ang hugot na ginawa mo rito. Hindi naman halatang napagdaanan na no? Anyway, wala na akong masabi kaya goodjob!
7. @LadyLuna148 - Poeme de la Luna - 1ST PLACE
Creativity/Style and Originality - 27 - 29
Rhyme Scheme - 14 - 14
Clarity of imagery and language - 15 - 14
Tone and voice of the poem - 20 - 20
Coherence of form and structure - 18 - 18
Total Score - 94% - 95%
OVERALL SCORE = 94.5%
FEEDBACK:
Gems
>> most of your poetry are composed of enjambment.
>> The vocabulary was great.
Germs
>> Paggamit ng kuwit (... with you, my baby).
>> May highfalutin words, na para sa iyo siguro ay nakatulong sa piece mo, pero nagging unfamiliar naman ang readers mo ditto. Depende kung isesearch nila ang meaning nito o hindi na nila babasahin ang sunod mong mga tula dahil iisipin nilang baka ganoon rin ang nilalaman ng mga susunod.
>> Observe your use of pronoun in relation with the verb.
FEEDBACK;
Maganda ang poem mo. Halatang may pinaghuhugutan. Title pa lang malaliman na kaya goodjob!
8. @alexllana - Gently
Creativity/Style and Originality - 25 - 29
Rhyme Scheme - 10 - 15
Clarity of imagery and language - 15 - 14
Tone and voice of the poem - 20 - 19
Coherence of form and structure - 18 - 20
Total Score - 88% - 97%
OVERALL SCORE = 92.5%
FEEDBACK:
Gems
>> Your choice of words sparks off the senses of the readers.
>> words are deep and meaningful but gave symbolisms that helped in forming images in the mind of readers.
Germs
>> Okay lang naman na hindi capitalized ang first letter ng lines ng poem mo, pero traditional at standards kasi ang ganoong paraan ng pagsulat (ang pag-capitalize ng unang letra ng linya o saknong).
>> Use comma and other signs for pauses para hind imaging run-on sentence.
FEEDBACK;
Clear naman ang message na pinaparating mo. Maganda rin ang pagkakasalaysay at smooth ang flow niya. Goodjob!
9. Simplicityiscute - Spoken Poetry and Poems
Creativity/Style and Originality - 23 - 30
Rhyme Scheme - 13 - 15
Clarity of imagery and language - 15 - 14
Tone and voice of the poem - 15 - 20
Coherence of form and structure - 15 - 19
Total Score - 81% - 98%
OVERALL SCORE = 89.5%
FEEDBACK:
Gems
>> Using tercet on your first poem made it unique among the others.
>> Topics are realistic and relatable.
Germs
>> Obserbahan ang paggamit ng gitling at iba pang bantas.
>> Realistic but cliché topics.
>> Avoid using colloquial words.
FEEDBACK;
Maganda ang mga salitang pinili mo. Tama lang ang rhyme at maganda ang delivery. Goodjob!
10. @charlenemarila - The Untold Story of Us - 2ND PLACE
Creativity/Style and Originality - 25 - 29
Rhyme Scheme - 15 - 14
Clarity of imagery and language - 15 - 14
Tone and voice of the poem - 20 - 19
Coherence of form and structure - 18 - 19
Total Score - 93% - 95%
OVERALL SCORE = 94%
FEEDBACK:
Gems
>> Malinaw ang paksa.
>> Nakakamangha ang tugmaan.
Germs
>> No need to put space on (kaytagal, kayhirap).
>> Put space (man lang).
FEEDBACK;
Sa simula pa lang nakakarelate na ako sa storya. Gets ko agad kung tungkol saan siya. Para akong nakaramdam ng kalungkutan habang nagbabasa. Maganda ang mga structure and rhyme mo kaya goodjob!
11. @Colailess - Voiceless
Creativity/Style and Originality - 29 - 28
Rhyme Scheme - 15 - 13
Clarity of imagery and language - 13 - 14
Tone and voice of the poem - 20 - 19
Coherence of form and structure - 15 - 17
Total Score - 92% - 91%
OVERALL SCORE = 91.5%
FEEDBACK:
Gems
>> Short, precise and on point.
>> Pwedeng pang myday hihi.
>> Effective yung playlist kung saan nag-recommend ka ng mga kanta to enhance the mood of the poem.
Germs
>> kung apat na linya ang bumuo sa unang saknong, dapat ganoon hanggang dulo, o pwede ring may couplet. Maybe trice tang ginamit mo pero pabago-bago.
FEEDBACK;
I like your poems. Relate talaga siya sa title mo. Just improve your structure and technicalities. Iyon lang. Goodluck!
CONGRATULATIONS EVERYONE! YOUR CERTIFICATES AND LOGOS ARE ON THE WAY.❤️❤️
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top