CHAPTER 9

Chapter Nine

Happy New Year

I never imagined myself being close to my father because of the time that we had lost, but he made me feel loved and wanted.

Tuluyan nang nabura sa utak ko ang mga salita ni Mommy na hindi namin siya kailangan. Kung noon ay maniniwala ako isang sabi niya lang, now that I've experience being his daughter I realized that I needed him. Hindi man siya kailangan ni Mommy pero ako ay kailangan siya. I don't want to invalidate my mother's feelings, but I have the right to be with him... to be finally with him.

Wala naman talaga akong sama ng loob kay Papa dahil wala naman akong alam sa nangyari sa kanila ni Mommy bukod sa alam kong nagkasakitan silang dalawa ng sobra, pero hindi ko mapigilang magtanong.

I couldn't bare the sight of him being so happy because of me without knowing the reason why he abandoned us. Why he hurt my mom. Pakiramdam ko kasi ay may mali at maraming kulang.

Katatapos lang naming pag-usapan ang mga mangyayari sa party ko. Everything was already settled. He rented another resort for that pero napilit ko naman siyang huwag na masyadong gumastos dahil alam kong ilang milyon na ang nawaldas niya sa party ni Essa. Gayunpaman, engrande pa rin ang magiging party ko at imbitado pa rin ang lahat ng kanyang mga kakilala hindi lang sa buong Buenavista kundi sa buong bansa.

Nang mapansin ni Papa ang pananahimik ko't hindi paggalaw sa aking inuupuan kahit tapos na kami ay hindi na niya napigilang magtanong.

"Do you need anything else, Roshlin?" May pag-aalalang untag niya sa akin.

Wala sa sariling napatitig ako sa kanya. Nahihiya ako sa sarili ko mga salitang gustong kumawala sa labi ko. Talaga ngang sabik ako sa buong pamilya. All my life I've been dreaming of him being with us. Lumaki ako sa inggit dahil wala siya and it's all coming back to me now.

"Bakit mo kami pinabayaan ni Mommy, Papa? Bakit mo kami iniwan?" Hindi ko na napigilang itanong.

My question made him swallow the bile on his throat. Hindi niya iyon inasahan. Nagawa niyang luwagan ang kanyang suot na neck tie na tila nahirapang makalanghap ng hangin. Napainom pa siya ng alak bago ako nagawang sagutin.

"Hindi ko gustong mapalayo sa 'yo Roshlin, but your mother... she took you away from me," panimula ni Papa.

Dama ko ang bigat sa bawat salitang binitiwan niya.

"Maniwala ka at sa hindi ay hinanap ko kayo ng Mama mo, anak. I am nobody when she took you away from me, but I spent every penny I had just to search for the both of you. You're nowhere to be found. Maging ang Tita Heatherly mo na siyang tanging pamilya ng Mama mo ay hindi ko mahanap. I never lose hope... Alam kong isang araw ay magkikita rin tayo. Hindi man ako ang makahanap sa 'yo ay alam kong gagawa ang Diyos ng paraan magkatagpo lang tayo dahil walang araw na hindi iyon laman ng mga dasal ko."

Ilang beses akong napalunok sa kanyang mga sinabi, but I felt like that wasn't enough.

"Mayaman ka na ngayon Papa. Why did you stop searching for us?"

Nanubig ang mga mata niya sa mapait kong tanong. Unti-unti ay nararamdaman ko ang kirot sa puso ko lalo na sa parte ni Mommy.

All those years I knew my mother remained faithful. Hindi ko alam kung ano ang eksaktong dahilan ng paghihiwalay nila pero alam kong sobrang nasaktan si Mommy. Gayunpaman, hindi niya nagawang palitan si Papa sa puso niya.

"I did not," napaangat ang tingin ko upang titigan ang kanyang nanlalabong mga mata. "Walang araw na hindi ko ginustong makita at mayakap ka pero nawalan na ako nang pag-asa nang mabalitaan ko ang aksidenteng kinasangkutan n'yo ng Mommy mo. Heatherly told me you died at kritikal naman ang Mommy mo."

Nalaglag ang panga ko sa narinig, pero hindi na nakapagsalita nang makita ang pagtulo ng mga luha ni Papa.

"I was in denial, Roshlin. Paulit-ulit kong kinumbinsi ang sarili kong hindi iyon totoo. Na gusto lang akong itaboy ni Heaven sa nagawa kong pagpapabaya sa inyong dalawa pero nang makita ko siya..." humigpit ang kapit ni Papa sa hawak niyang baso.

Naninikip ang dibdib kong makita siyang nahihirapan na parang sariwang-sariwa pa rin sa kanya ang lahat kahit na matagal na panahon na iyong nangyari. Ni hindi ko na nga talaga maalala ang aksidente.

"...sa Macau. I found her at the hospital. She got bruises all over her body. She was in pain, but that was nothing compared to the pain I saw in her eyes when she saw me. Roshlin, I felt like killing her for the second time. Gusto ko siyang aluin dahil sa pagkawala mo... gusto ko siyang alagaan pero alam kong mas masasaktan lang siya kapag nagpumilit ako. There was no chance left for us and forcing something she already ended would only make her miserable. Hindi ko kaya iyon. Hindi ko na kaya pang dagdagan ang lahat ng sama ng loob, sakit at lungkot na idinulot ko sa Mommy mo,"

"Kahit na sinasabi ng utak kong wala ka na, hindi ko iyon pinaniwalaan. Sa puso ko ay nananatili kang buhay at habang buhay kitang aalagaan rito..." I bit my lip when Papa punched his chest. "Kayong dalawa ng Mommy mo, Roshlin."

Doon na ako napayuko. Kahit na mabigat ang naging usapan namin ay nagpasalamat pa rin akong malaman na hindi niya ako binitiwan.

I found myself creating an e-mail for my mother. I told her how I felt about knowing everything that my father told me.

Ang pagsisinungaling niyang patay na ako. Ang paglayo niya sa akin sa ama ko at ang pagiging matigas ng puso niya para rito. I don't want to hate her too much kaya itinigil ko ang lahat nang mapansin kong masama na ang tono ng mga salita ko.

I closed my laptop and forced myself to sleep, hoping for a better tomorrow.

Sa pagdating ng party ko ay nalibang muli ang aking utak. But even though I looked okay and I functioned well, lutang pa rin ako dahil sa mabibigat na emosyong hindi ako nilubayan.

Everyone was delighted to meet me. Nasa akin ang buong atensiyon ng lahat simula nang pumasok ako sa engrandeng bulwagang puno ng mga taong may mataas na antas sa lipunan.

My father proudly introduced me to them. I bet my sisters and Tita Myrcelle still find my party ridiculous, but I couldn't find a heart to care.

Nakisalamuha ako sa kanila. Sa sobrang tuwa pa nga ng ilan ay halos ireto na ako sa mga kasama nilang anak and that includes Isaac.

His father was so happy to finally meet me. Ang kanyang ina na nakilala ko na rin sa party ni Essa ay tuwang-tuwa pa rin na makita ako. Sinabi ni Papa kagabi na kahit na alam niyang patay na ako ay wala siyang pinagsabihan no'n, but Isaac's father was my father's best friend. Siguro marahil nasabi sa kanila ni Papa ang aksidente kaya ganito na lang sila kasaya na sa wakas ay makilala ako.

"Rucio, would you mind if my son will court your daughter?"

Nagkatinginan kaagad kami ni Isaac. He mouthed a sorry. Binalewala namin ang usapan ng aming mga magulang pero hindi pa rin nakaligtas ang tainga ko lalo na sa pagsabat ni Tita Myrcelle.

"Guer, your son is already courting my daughter Fyrcelle. Don't embarass my step daughter."

"Oh!"

Nagtawanan sila. Doon ko lang nalaman na nililigawan pala ni Isaac si Fyrcelle kaya iyon ang naging topic namin nang mailayo niya ako sa mga ito.

"I'm not courting anyone, nililinaw ko lang." he defended himself as we walk towards the bar.

May mga kilalang artists na nagpe-perform sa stage at the oldies were enjoying it. Mabuti at nakawala kami sandali sa mga mata nila.

We sat down at the bar. His friends were on the other side of the room. Sa lawak ay hindi na namin alam.

"Wala namang kaso kung nanliligaw ka sa mga step sisters ko. Okay lang 'yon. Mukhang open naman sa mga parents mong makipagrelasyon ka."

He chuckle and then shook his head. "Basta, wala akong nililigawan. I am ready for a relationship, but not with Fyrcelle."

Ako naman ang natawa dahil sa patuloy niyang pagpapaliwanag. "Kaya pala hinalikan ka niya noong nagkita tayo sa bahay."

"That was unexpected. Hindi ko rin alam kung para saan 'yon."

"Maybe she likes you. Bakit nga ayaw mo sa kanya?"

Nagkibit siya ng balikat. Uminom muna kami ng isang shot bago nagpatuloy sa pag-uusap.

"She's nice, but when you like someone, malalaman mo kaagad 'yon. I don't like her like that."

"Like how?"

Nahinto siya't napatitig sa akin. Sa kung anong dahilan ay naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko nang hawakan niya ang aking kamay. His touch was so gentle it made me nervous!

"It's too early to tell and I really don't know how, but it's something you can't understand easily either. Basta na lang na mararamdaman mong may iba. May spark," marahan niyang pinisil ang palad ko. "Like when you see that person, it makes your heart swell... parang lumiliwanag ang mundo mo... those good and light feelings..."

Naiilang kong nabawi ang kamay ko nang dahan-dahang umarko ang ngiti sa mga labi niya kasabay nang pagliwanag ng kanyang mukha. Yup, he was hitting on me.

"Shot na lang parang ang bigat eh!" Pagbabago ko at iwas kaagad sa topic.

Kahit na ramdam kong ayaw niya ay wala naman siyang nagawa dahil hindi ko na iyon gusto pang pag-usapan.

Ramdam kong marami pa siyang gustong sabihin pero nahanap na kami ni Fyrcelle. Agad niyang hinila palayo sa akin si Isaac habang si Essa naman ay hinila ako pabalik sa lamesa kung saan naroon ang kanyang ina. She left me there and I was damn confused!

"Here's your beautiful step daughter, Myrcelle!" Anang isang Tita kaya napabaling siya sa akin.

Tinabihan niya ako at ipinakilala sa mga bagong mukha. Pormal kong binati ang lahat.

"Naku, napakaganda pala ng anak ni Rucio! Will she stay here for good, Myrcelle? Siya ang magiging tagapagmana ng mga Almanzerano!"

Nakita ko kaagad ang pagngitngit ng panga ni Tita Myrcelle sa sinabi ng babaeng nasa harapan niya. Pakiramdam ko ay nagsisi siyang pinansin pa ako.

"Don't be silly, Petunia. Why don't we discuss other things? And oh, she will not stay here. Hindi ba, Roshlin?"

Napalunok ako sa kanyang tanong. Sasagot na sana ako pero nauna ulit si Tita Petunia.

"And why is that? His father lives here and so she belongs here."

"She's living with her mother outside the country that's why she can't stay here—"

"Oh Rucio's first wife is still in the picture?!" Bulalas at singit naman ng isa.

Mas lalo kong naitikom ang aking bibig dahil baka bigla na lang akong sampalin ni Tita Myrcelle sa harapan ng maraming tao dahil sa gigil.

Imbes na sagutin ay hinarap ako nito. May diin niyang hinawakan ang braso ko. "Why don't you go and find your friends, Roshlin? I'm sure they wanted to see you." Aniya sabay pilit na ngiti sa akin.

Nagpaalam ako sa mga kasama niya pero kahit palayo na ako ay ako pa rin ang laman ng kanilang usapan.

Imbes na sundin siyang hanapin sila Isaac ay minabuti kong pumirmi sa isang bakanteng lamesa na nasa pinakadulo at hindi masyadong napapansin. Pagod kong tinanggal sa pagkakatali ang aking buhok at hinayaan iyong bumagsak.

Everyone was having a great time except me. Malalim na ang gabi pero ganado pa rin ang lahat. The event also has fireworks display at the end of the party. Kahit na gusto kong ma-excite dahil para sa akin ang lahat nang ito ay hindi ko masyadong maramdaman ang saya.

I wasn't really born for this. Sapat na sa akin ang cake na mayroong welcome home at tahimik na dinner kasama si Papa.

I heave a sigh. Inayos ko ang aking buhok at hinayaan ang sariling matulala sa kasalukuyang nagpe-perform na isang sikat na singer.

Hinayaan kong lumipad and utak ko sa kung saan. My heart started to feel heavy again.

Simula nang mag-usap kami ni Papa two weeks ago, hindi ko na naiwasang itanong muli sa sarili ko ang lahat ng mga what if's ko sa buhay.

What if my mother gave Papa a chance? What if she didn't took me away from him? What if she sacrificed just a little more?

Hindi naman kasi lahat ng relasyon ay saya lang na kapag hindi mo na 'yon maramdaman ay bibitiw ka na. Love should always be deeper than that and marriage shouldn't be taken for granted. Sana kapag sumumpa kang hindi bibitiw sa hirap at ginhawa ay paninindigan mo kahit na gumunaw pa ang mundo.

Lugmok akong napasandal sa upuan at wala sa sariling napapikit dahil natatalo na naman ako ng utak ko. I began breathing slowly. Patuloy na kinakalma ang sarili. Patuloy na naghahanap ng dahilan para hindi matalo sa lahat ng negatibong nararamdaman and it wasn't easy. Parang hindi na dinadaluyan ng hangin ang baga ko.

"Lugmok na lugmok naman 'yang bebe na 'yan. Miss na miss ba si Kulas?"

My eyes widened when I saw Nicolaus standing in front of me! Napatuwid kaagad ako ng upo at muntik pang mahulog nang subukan kong tumayo!

He laughed at my reaction. "Gulat na gulat? Sobrang gwapo kasi 'no?"

I rolled my eyes at him! Patuloy na nagwala ang puso ko sa kanyang presensiya! I felt like my tongue got cut off! Hindi ako makapaniwalang nasa harapan ko siya! Nawalan ng saysay ang breathing exercise ko dahil sa kanya! Damn I really hate surprises!

Napalingon siya sa gitna nang silid nang matapos ang kanta at mapalitan nang panibago.

Sa pagbalik ng mukha niya sa akin ay mas matamis na ngiti ang kanyang iginawad. Swabe niyang sinuklay ang kanyang buhok pagkatapos ay naupo sa harapan ko. Doon lang ako nakabawi.

"W-what are you doing here?"

"Uh, sa pagkakatanda ko inimbita mo ako?" Aniya sabay angat ng kanyang invitation.

"I know pero sabi mo hindi kayo makakapunta."

"Pwede ba naman 'yon? Siyempre hahabol ako. Matitis ba naman kita, Zabryna?"

My face heated at that. Nakita ko pa lang siya ay parang kaya ko nang malagpasan ang buong gabi. Damn, he really has this effect on me, huh?

"Ano? 'Wag puro titig lang, kiss rin paminsan."

Doon na ako nakagalaw para sapakin siya, pero agad ko iyong pinagsisihan dahil maagap niyang nahuli ang kamay ko't hindi na nagawang bitiwan.

Pinigilan kong mapalunok nang tumuong muli ang mga mata niya sa akin.

"Napagod ako pero okay lang dahil nanalo naman kami. Pumunta ako rito, makikikain lang sana kaso parang nabusog naman ako bigla nang makita ka."

Sinubukan kong bawiin ang kamay dahil para akong napapaso sa init niya, pero humigpit lang ang kanyang kapit sa akin.

"Kumain ka na do'n. Pagkain lang naman pala ang ipinunta mo."

That made him smirk. "Pakain pala..."

"Nicolaus!" Mas lalong sumilab ang init sa magkabilang pisngi ko dahil sa mga pinagsasasabi niya!

Humalakhak ang gago nang marahas kong bawiin ang kamay ko!

"Joke lang! Kumain na ako tsaka nabusog na nga rin ako dahil nakita na kita. Ikaw lang naman ang ipinunta ko. Mabuti pala talaga humabol ako."

Pinilit kong ngumiti ng pormal sa kanya. I appreciate him for doing that. Kahit na halata sa mukha niya ang pagod ay mukhang fresh na fresh pa rin siya. His hair looks wet. Mukhang naligo pa talaga bago ako puntahan.

"Bakit? Mukha ba talaga akong miserable?"

Nawala ang ngiti niya. "Miserable na 'yan? Ang ganda mo namang maging miserable."

Madrama ko siyang inirapan, bahagya nang nakakabawi sa mga banat niya.

"Hindi ko lang talaga trip ang ganito. I want to get out of here."

"Really?"

Hindi pa ako nakakasagot ay tumayo na siya at inilahad ang kamay sa aking harapan. Malugod ko iyong tinanggap. Kahit na hindi pa ako dapat umalis ay nagpatianod ako kay Nicolaus.

We ended up in the balcony. Ang lungkot at mga iniisip ko kanina ay tuluyan na akong nilubayan nang matanaw ko ang payapang dagat simula sa kinaroroonan namin. Dinig pa rin doon ang kasiyahan sa bulwagan pero mas tahimik na at payapa ang paligid. Nakahinga na ako nang maayos.

Naglakad ako patungo sa simentadong barandilya at doon itinukod ang mga kamay. Tinanaw ko ang dagat at ang maliwag na buwan. Wala sa sariling napapikit ako nang marinig ang mga yapak ni Nicolaus palapit sa akin. Kahit na dama kong nasa tabi ko na siya at nanatili akong nakapikit.

"Thank you sa pagpunta and I'm sorry kung naabutan mo akong pasan ang mundo."

"Walang anuman. I'm here, you know. Sa macho kong 'to, pwede mo nang ipapasan sa 'kin kung ano mang bigat 'yang nasa mundo mo."

Napadilat ako. He was looking intently at me when I turned to face him. Walang ngiti o ngisi sa mga labi niya. His sincerity warmed my heart. Parang gusto kong maiyak bigla sa narinig.

Gumalaw siya nang magbago ang kanta sa lugar na pinanggalingan namin. Nalaglag ang mga mata ko nang ilahad niya ang kamay sa aking harapan.

"Dance with me, Zabryna..."

Dahan-dahan akong lumayo sa aking kinahihiligan para ipihit ang katawan paharap sa kanya. Sa pagbigay ko ng aking kamay ay agad na lumingkis ang kanyang kamay patungo sa aking bewang.

He gently pulled me closer to him. Napapikit ako nang tuluyang maramdaman ang init ng kanyang katawan sa aming pagdidikit. I could feel his hot breath on my ears. Sa bawat dampi no'n sa aking buhok at balat ay nakakagat ko ang aking labi.

"Love, I've been on the road for hours all alone just to get to you Love, oh, I could do this everyday so come my way..."

I focused on the romantic song that was being played inside the hall. Hinayaan kong sumabay ang aking katawan sa mabagal na paggalaw ni Nicolaus.

Ang yakap niya sa aking katawan ay puno ng seguridad at pag-iingat. Sa bawat galaw ng aming mga paa ay para niyang inaangat sa puso ko ang dahilan nang pagbigat nito.

He made my heart feel light again through dancing. Walang palitan ng salita sa amin. Walang kung ano, pero sobrang naging epektibo para tuluyang gumaan ang pakiramdam ko.

"I'm happy with you... I'm happy with you..."

We dance through the whole song. Kahit natapos na ang pagkanta ng artist sa loob ay hindi ako binitiwan ni Nicolaus. Ni hindi natigil siya natigil sa pag-alo at yakap sa akin.

Maingat kong inangat paalis sa kanyang dibdib ang aking mukha. Napatingala ako sa kanya. His glistening dark orbs stare intently at me. He looked at me like I was the only beauty he could see.

Hindi ko napigilang mapalunok nang basain niya pa ang kanyang mga labi matapos matitigan ang akin, pero bago pa siya nakagalaw sa alam kong gustong gawin ay natigil na kami sa pagliwanag ng kalangitan!

I jumped when I saw the fireworks coloring the dark sky. Dahil do'n ay naghiwalay kami. We both chuckle and stare at the display.

"Ahh..." Mahina niyang bulong habang patuloy ang pagkulay ng mga paputok sa langit.

Lito akong napabaling sa kanya. Nanatili ang masuyong ngiti sa kanyang mga labi habang nakatitig lang sa langit.

"Hindi pa bagong taon pero parang gusto ko nang magbago," wala sa sarili niyang sambit sabay baling pabalik sa akin. "Advance happy new year, Zabryna..."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top