CHAPTER 8
Chapter Eight
Lasang Ikaw
Masaya akong napapayag si Nicolaus na pumunta sa party ko, pero agad rin akong nalugmok nang tawagan niya ako kinabukasan para sabihing hindi niya sure kung makakapunta sila dahil saktong ang araw ng party ko ay araw ng kanilang dance competition sa Esperanza.
I told him it was fine, but I felt his guilt every time we would exchange messages.
Essa's upcoming party gave us some space. Masaya ako dahil nakakausap ko na rin sila Riggwell na ilang beses akong pinilit na gumawa kahit Facebook pero gaya nang paulit-ulit kong sinasabi, hindi ko gagawin.
We all met one night. I enjoyed being with them. Mas na-enjoy ko lalo nang magsimulang umingay ang parke dahil sa amin. Wala namang dance off kasama ang ibang grupo pero trip ng mga itong sumayaw.
Seidon joined the others when next to you by Chris Brown played. Humawi ang mga lalaki para sa kanya. Naupo si Vivi sa tabi ko.
"That's Seidon's favorite song," aniya sabay abot nang root beer sa akin.
Napatitig ako kay Seidon na kasalukuyang sinasayaw ang chorus pero tumigil rin nang matapos iyon. Naghiyawan ang lahat.
"He's good. You all are. Sayang hindi tinapos."
Vivi chuckle at that. "He said he will only dance the whole song to the girl he loves."
Nawala ang titig ko kay Riggwell na kasalukuyang sumasayaw kasama si Achilles.
"Who's the lucky girl then?"
Nagkibit ng balikat si Vivi. "Naghihintay rin ako kung sino."
Magtatanong pa sana ako tungkol doon pero siniko na niya ako para bumalik ang atensiyon namin sa mga lalaki.
Hindi natuloy ang pag-inom ko nang makita si Nicolaus na napapalibutan ng lahat at kasalukuyang nagsa-shuffle habang hinihintay and bagsak ng kantang yummy ni Justin Bieber.
Hinila ako ni Venus palapit sa mga ito kaya hindi na ako nakatanggi.
Nahapit ko ang aking paghinga nang saktong paglapit namin ay nahanap ni Nicolaus ang mata ko.
Awtomatikong sumilay ang pilyong ngisi sa kanyang mga labi kasabay nang paggalaw ng kanyang katawan matapos suklayin ang makintab at hindi nakataling buhok.
Napangiti ako nang magsimula na siyang sumayaw. Sa bawat matalas at malinis na pag-la-lock ng kanyang katawan sa harapan ko ay hindi ko mapigilang mamangha.
Sumabay ang aking ulo sa beat ng kanta at wala sa sariling nakagat na lang ng mariin ang labi nang umikot ang kanyang balakang kasabay nang hiyawan ng lahat sa pagsapit ng chorus. He grinded his hips in circular motion while biting his lips in front of me.
Riggwell joined him. Sinabayan ang kanyang paggiling sa gitna ng lahat. Maya-maya ay sumunod na rin si Achilles at Seidon hanggang sa hilahin na rin ako ni Venus sa gitna at lahat na kami ay sumasayaw!
Seidon went in front. Sa pagdating muli ng chorus ay awtomatiko naming sinundan ang kanyang steps na parang na-rehearsed iyon. Naramdaman ko ang pagtabi sa akin ni Nicolaus na kahit sumasayaw ay nasa akin ang mga mata.
Naiiling kong ipinilig ang ulo dahil napupunit na ang bibig ko sa kakangisi sa kanya.
"One more!" Hiyaw ni Riggwell sa huling chorus. "Lower! Giling! Yes! Good job people of the earth!"
Mas naging ganado ang lahat sa pagsigaw niya. Nang matapos ay pare-parehas kaming hiningal.
Seidon proudly turned to us clapping. Umalis naman si Riggwell sa gitna para tignan ang nakunan niyang video. Vivi hugged Achilles while Nicolaus remained beside me. Inabutan siya ni Chaz ng towel pero sa akin niya iyon ibinigay.
"Hindi naman ako pawis. Sa 'yo na lang."
Imbes na bawiin ay napapitlag ako sa paglapit niya't pagdampi ng towel sa aking noo. Hindi ako nakagalaw!
Napapalunok kong hinayaan ang kamay niyang ilang beses na dumampi hanggang sa buong mukha ko pero natigil kahit na mukhang hindi pa siya tapos.
Inangat niya ulit ang towel. "Sa leeg mo."
Dinama ko ang leeg ko. May nakapa akong ilang butil ng pawis kaya hindi ko na natanggihan.
"Thank you," Sabi ko habang naglalakad pabalik sa pwesto namin kanina ni Vivi.
"Ibabalik ko na lang 'to kapag nalabhan—"
Naputol ako nang bigla niyang hablutin sa akin iyon!
"Nicolaus!"
"Anong lalabhan? Baka ipa-frame ko pa 'to. May pawis mo eh."
Napaawang ang bibig ko nang walang arte niyang ipunas ang ginamit kong towel sa kanyang mukha at leeg. Mas lalo akong nabaliwan nang natatawa niya pang amuyin iyon.
"Bango talaga."
Hinambalos ko ang braso niya. "Puro ka kalokohan."
"Mabango nga. Amoy akin."
I punched his arm again. Sinamahan niya akong naupo sa pwesto namin. Riggwell and others continued dancing. Seidon was vaping far away from us while Achilles, Vivi and others were talking.
"Sorry talaga kung hindi kami makakapunta, ah?"
"It's okay. I understand."
"'Hindi ka galit?"
"Bakit naman ako magagalit? Kung pwede nga lang akong manuod na lang sa inyo," I heave a sigh. "Kaso tuloy na kasi ang party at hindi na pwedeng i-move. Hindi naman pwedeng hindi ako um-attend."
Natahimik siya, mukhang nag-iisip nang malalim. Hindi na kami nakapag-usap nang tawagin siya ni Riggwell.
"Zabryna, pahiram muna kay Kulas magti-tiktok lang! Mas maraming likes at follow kapag kasama, eh!"
Napapakamot sa ulong sumunod na lang si Nicolaus bitbit ang towel na hindi na talaga ibinalik sa akin.
I watched them do their thing. Tinabihan ako nila Chaz at sa kanila naubos ang oras ko katatawa.
Kahit busy si Papa sa trabaho, hindi naman niya ako pinapabayaan. Kapag wala siya ay palagi niya akong tinatawagan at tinatanong tungkol sa araw ko at kapag nasa bahay naman ay hindi natatapos ang isang araw nang hindi niya ako nakakausap.
"I like this, Mommy!" napatingin ako kay Essa nang kunin niya ang kwintas na may malalaking diamonds.
We're choosing our jewelries tonight. Kahit na mukhang ayaw nilang naroon ako ay wala na ring magawa dahil nasa kabilang linya si Papa at nanunood via video call. He was still in the office.
"Try it, Essa." Tita Myrcelle happily said to her daughter.
Ang mga tauhan ng Lardizabal Diamonds ay agad inalalayan si Essa sa kanyang napili. Ang sabi ni Ate Nati kanina ay normal na ang ganito. Sa bawat bagong designs ay ang pamilya ni Papa ang palaging nangunguna sa pagpili bago ang iba. Sakto naman sa party ni Essa ang bagong mga disenyo at ang mapipili namin ngayon ang isusuot namin bukas.
Tita Myrcelle loves collecting jewelries at nakakalula dahil sa kwarto raw nila ni Papa ay may sikreto ito at sariling silid na doon nakalagay ang lahat ng kanyang mga koleksiyon hindi lang mga alahas kundi hanggang sa mga gamit na mamahalin.
Fyrcelle chose her necklace. Masaya silang nagsukatan habang ako ay ni hindi makatitig nang maayos sa mga alahas na nasa aking harapan. There were hundreds of them at lahat ay sobrang gaganda.
"Roshlin, how about you? May napili ka na ba?" untag ni Papa kaya bahagyang natigil ang tatlo sa pagsasalita.
Ibinalik ko ang tingin sa mga kwintas at wala sa sariling kinuha ang isa roon na may pinakasimpleng disenyo. I heard Essa chuckled at that.
"Iyan ba ang gusto mo?" Tanong ni Papa.
"How much is this?" I asked one of the employee but she just looked at me with confused eyes, hindi rin alam ang isasagot dahil hindi naman yata iyon dapat itanong.
"Oh, don't mind her. She's just new to this," si Fyrcelle bago ako balingan. "Tell me, nakapagsuot ka na ba ng kwintas na may diamante?" tanong niyang may panunuya.
Inangat ko ang titig sa kanya matapos bitiwan ang simpleng kwintas pero imbes na sagutin ay itinuro ko lang ang isa sa may pinakamaraming diamante.
The girl I asked about the price of the jewelry hurriedly gave me the new piece. Natulala ang tatlo dahil kahit na ilang beses na nila iyong nakita ay hindi nila kinuha, pero ngayong nasa kamay ko na ay parang biglang iyon ang nagustuhan nila.
"Okay lang ba ito, Papa?"
"Of course, kunin mo ang kung anong gusto mo." he answered on the other line.
I let the girl put the diamond necklace on my neck. Kahit na ayaw ko naman talagang paggastusin si Papa ay hindi ko mapigilang inisin ang mga babae. Alam kong huhusgahan kaagad ako ng mga ito kaya mabuti pa ay labanan na lang sila.
"That looks so good on you, Roshlin. I think that's the one." Papa said as I turned to face him with the jewelry.
Ngumiti ako at tumango. Ang mga empleyado ay sumang-ayon rin sa kinuha ko. Hindi ko hinayaan ang sarili kong matakot sa pananahimik ng tatlo.
Kumuha pa ako ng hikaw, bracelet at singsing na puno rin ng diamante. I did everything on purpose to piss them off. Sabi nga ni Nicolaus, wala namang masama kung aasarin sila, hindi ba?
Everyone was excited when we got to the hotel for Essa's party. Halos hindi makausap si Papa sa pagiging abala sa mga kausap niya sa telepono.
I wore a champagne colored dress that was made for me. It has a decent slit on one side and it's showcasing my curves. I liked it.
May mga kaibigan sila Papa na pumunta pero halos lahat ay mga kaklase at schoolmate na ni Essa at Fyrcelle. Good thing I knew some of them kaya hindi naman ako naligaw buong gabi. Marami rin akong mga nakilalang bagong mukha.
"Good choice," Isaac commented when he found me. Bumaba kaagad ang mga mata niya sa suot kong kwintas. "My brother designed that. It looks great on you."
Napahawak ako sa kwintas. "Y-your brother?"
Nangiti lang siya at inalahad ang braso para sa akin. Hinawakan ko iyon at hinayaan siyang igiya ako sa kung saan. Bago pa kami makarating sa mga kaibigan niya ay nadaanan namin ang grupo ng ilang mga matatanda.
I've avoided Tita Myrcelle and the likes because I don't want Essa's party to be all about me kahit pa marami nang naghahanap sa akin kaso nga lang ay hindi na ako nakaligtas lalo na't Mommy pala ni Isaac ang isa sa nadaanan namin. Tita Myrcelle was there, too.
"Who's this beautiful lady, Isaac?" Malawak ang ngiting tanong ng kanyang ina matapos akong tapunan nang tingin.
She was smiling from ear to ear. Unlike Tita Myrcelle, ang babae ay mayroong magaang aura.
Napatingin si Isaac kay Tita Myrcelle na mukhang nagtataka rin at bakit hindi ako kilala ng Mommy niya.
"Mommy, this is—"
"This is Roshlin, Isadora. Rucio's daughter," singit ni Tita Myrcelle at putol kay Isaac.
Umabante siya para makalapit sa akin kaya napabitiw ako sa lalaki. Parang gusto kong mairita sa biglang ganda nang pakikitungo niya sa akin sa harapan ng kanyang mga amiga.
She never touched me because she hated it, pero ngayon ay kung makakapit siya sa akin ay parang stage mother na proud na proud.
"Oh, this is she!" Tita Isadora said with joy in her eyes. "What a beautiful girl!" Ulit niya sabay yakap sa akin.
Hindi na ako nakatangging yakapin siya pabalik at ang iba pang mga tita na naroon. Mabuti na lang at hindi ako iniwan ni Isaac sa kanila.
Pormal na akong nagpakilala sa mga ito. Giliw na giliw sa akin ang mga babae gano'n rin si Tita Myrcelle kahit na alam kong pakitang tao lang ang lahat.
"Isaac, why don't you go and find Fyrcelle?" Narinig kong bulong ni Tita Myrcelle sa lalaki habang kausap ko pa ang mga kaibigan nito.
"I'll wait for Roshlin, Tita."
"Hindi naman maliligaw si Roshlin dito. I'm sure she can find her way back to your circle?"
"I will wait for her, Tita. Fyrcelle is already with our friends. Hindi alam ni Roshlin kung nasaan sila."
Hindi nakasagot ang babae. Ayaw pa sana akong tantanan ng mga Tita pero dahil kay Isaac ay napagtagumpayan niyang ilayo ako sa mga ito.
"Take care of her son." Pahabol pa ng kanyang ina na ikinangiti ko samantalang iyon naman ang ikinasama ng mukha ni Tita Myrcelle.
Nakahinga ako nang maluwag nang makalayo na kami. I've learned that Isaac's family owned the Lardizabal Diamonds. Nakilala rin ng Mommy niya ang suot ko at masaya siyang nakita iyon sa akin.
"Sorry about that." Paumahin nito nang makalayo na kami.
"No, it's okay. It's not your fault."
"I know that made you uncomfortable. I apologize. Excited lang talaga ang mga iyon na makilala ka. My mother couldn't stop asking about you when I told her that we met. Pasensiya na ulit."
"Wala 'yon. It's okay, Isaac. Nakakahiya lang dahil hindi naman dapat sila ma-excite na makilala ako."
"Are you kidding me? You're Tito Rucio's biological daughter and that's a big deal, Roshlin."
I swallowed hard at that. Inayos ko ang kapit sa kanya dahil sa pakikipagsiksikan namin sa mga tao.
"Kahit pa sabihin mong hindi ka titira rito, you're his heiress."
"I am not. My father has his own family now—"
"It doesn't matter. You are his daughter, Roshlin. Pamilya ka niya. Ikaw pa nga ang legal kung tutuusin."
Isaac words really made sense. Kaya nga lang, hindi ko pa rin lubos na maisip ang bagay na 'yon. Unang una dahil narito lang naman ako para kay Papa at hindi dahil sa yaman niya. I don't need it. All I want is to build a relationship with him and make up for the time that we've lost when we were apart.
Hindi nawala sa tabi ko si Isaac. Marami kaming napag-usapan tungkol sa aming mga sarili, pero nahirapan akong sagutin ang isang partikular niyang tanong.
"What happened?" He asked pertaining to the scar on my leg.
Bahagya kasing lumihis ang gown ko kaya lumabas ang ngayo'y mahabang pilat sa aking hita. Hindi naman iyon nakaumbok pero halatang-halata pa rin dahil kulay puti ang pilat.
Ipinagdiin ko ang aking mga labi bago ipakita iyon sa kanya nang buo. "Car accident. Bata pa ako noon kaya hindi ko na masyadong maalala."
"Is it bad?"
I nodded. "Si Mommy ang napuruhan pero nabuhay naman kami. Second life."
Hindi nawala ang pagkamangha sa kanyang mga mata habang nananatiling nakatitig doon. I immediately changed the subject and asked him about his family's business.
The party was great. Everyone was having a great time especially Essa and her friends. Isaac was the only one who I wanted to talk dahil tingin ko ay siya lang ang magtatiyagang pakinggan ako buong gabi kaso nga lang ay hindi na ito binitiwan ni Fyrcelle.
I left the party early. Wala namang nakahalata no'n dahil busy ang lahat pero nauna na ako.
Simula sa balcony ay tanaw ko ang patuloy na pagkislap ng mga ilaw sa ibaba ng hotel tanda na buhay na buhay pa ang kasiyahan.
I should've mingled with these people, but my heart wanted to rest.
I opened my e-mail. Binasa ko ang mga e-mail ni Mommy hanggang sa nakita ko na lang ang sarilo kong nagtitipa ng e-mail pabalik sa kanya.
I told her how much I missed her and how sorry I am for leaving. I knew she would understand. Siguro magtatampo pa rin siya pero alam ko namang hindi niya ako matitiis. She would always have a heart to forgive me.
Napangiti ako nang mai-sent ko na iyon sa kanya. Akala ko ay magiging maayos na ako pagkatapos, but my heart felt heavy when I lay down my bed.
Tahimik ang buong kwarto at bukod sa munting tunog ng aircon ay wala nang ingay sa aking silid. That silence made my mind swamped with heavy thoughts. Napapikit na lang ako at hinayaang dumaloy sa aking sistema ang lungkot.
Ilang beses akong napabuntong-hininga pero bago pa tuluyang malaglag ang luha sa mga mata ko ay bumukas na iyon dahil sa pagtunog ng aking telepono.
Awtomatiko akong napangiti at ang lungkot ko ay sandali kong nakalimutan nang makita ang text ni Nicolaus sa akin.
Playboy:
Nagpa-shakey's si Achilles tapos bigla kitang na-miss. Tanginang mojos 'yon, lasang ikaw. Text?
~~~~~~~~~~
Full version of this story is only available on Patreon and VIP group. Click the link on my bio to subscribe or message me for details.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top